KABANATA 29

Venus Point of View

Lahat sila ay nakatingin sakin. Maging  si Matteo at Daddy ay sobrang galit na galit ang mukha. Ang lahat ng tao sa paligid ay nasa akin ang atensyon nila. Whats wrong people? Hello, I'm just being honest. Anong mali sa ginawa ko? Totoo naman kasi lahat iyon. I'm just telling the truth. Hindi naman kasi ako si Mary para mag plastikan sa harap nyo. Hindi naman kasi ako si Mary na mukhang anghel 'yon pala isang demonyo.

Like duh. I don't care about what they think about me now, I just care about what I think about myself. Walang masama sa ginawa ko kanina. Mabuti nga iyon para sa kanya. She deserve those words. I'm not rude I'm just honest. I'm just being honest about wanting something is real about her. Napaka plastik niya sa harap namin. Ang galing niyang umakteng na mabait. Duh, iyon ba ang ka galang-galang na halos sambahin nila? She's just donate a big amount of money to impress.

Umirap ako sa kanilang lahat.

Panay iling ni Mr. Peters at Daddy na tila hindi nagustohan ang ginawa ko kanina. Maging si Matteo ay nanatiling nakatitig sakin na para bang isa akong kriminal. Naikuyom ko ang aking kamao.

"Hey people. Bakit ganyan kayo makatitig sakin? I'm just acting nice. Totoo naman kasi ang lahat ng sinabi ko kanina about that girl. Anong problema sa pagsasabi ng totoo?" wika ko bago sila nairapan. Nakapamewang ako habang nilalaruan ang dulo ng hibla ng aking buhok.

"Hindi mo dapat ginawa iyon, Venus. Your acting like a child again." umigting ang panga ko sa sinabi ni Matteo. Bakit hindi manlang ako kayang ipagtanggol ni Daddy? Mananahimik lang ba sya?

"Bakit mo ipinagtatanggol ang babaeng iyon, babe?" itinuro ko pa ang pitoan kong nasan lumabas si Mary at Rocky. Hingal na hingal ako sa galit. Nasasaktan ako at the same tiem. We know her exactly babe. She's a---,"

"Would you please stop Venus. Tumigil kana!" tinuro niya ako na may pagbabanta. Humalukipkip ako sa pagkakataong ito. Nakaramdam ako ng kahihiyan. Halos lahat sila ay hindi makapagsalita at di umano'y nanunuod lamang sa eksena namin ni Matteo.

Napalunok ako sa galit. Kagat ko ang aking ngipin habang iniisip ang lahat ng nangyari kanina. Kahit kailan ay hindi ko iyon pinagsisihan. Walang masama sa ginawa ko.

"Bakit ako mananahimik? We know her babe, remember?" ulit ko at tila hindi pa nakuntento. Bumagsak ang mata ko sa kamay niyang nakakuyom. Galit na galit si Matteo at kitang-kita ko iyon sa mga mata niya. To be honest, natatakot ako sa ekspresyon niya ngayon ngunit mas pumangibabaw sakin ang galit at inis.

"Thats the mean point, Venus. I know her more than you do. If you cant keep your words. Never say it again to anybody. Cause you might ruin someone's world, Venus. You are." nanlaki ang mata ko sa huling sinabi ni Matteo. Dali-dali niya kaming tinalikuran nang walang paalam.

Napapikit ako sa galit. Ako nanaman ba ang may mali? Oo nga papa, kailan naging tama ang mali. Iyon naman parati ang tingin niya sakin eh.

Dahan-dahan akong napaupo sa silya. Kuyom parin ang kamao ko sa galit. Inangat ko ang ulo ko at nahuli ko ang paninitig ni Daddy at Mr. Peters. Nag-uusap silang dalawa habang nasa akin ang titig nila.

Nag-iwas agad ako ng tingin. Inabot ko ang isang basong alak at nilagok iyon ng walang pag alinlangan. Wala akong pakialam sa kanila, wala akong pakialam kong ano man ang nararamdaman ni Mary ngayon. It's just me. Yeah its me its only me, I can did whatever I want. Walang makakapigil sakin. And beside mang-aagaw naman talaga si Mary. Well, to be honest maganda naman talaga si Mary. Ngunit hindi iyon sapat para mang-aagaw sya ng kong anong meron ang isang tao. Wala ba syang sariling buhay at makisiksik nalang sya sa buhay na may buhay?

Oh well. Sa ginagawa ni Mary ngayon ay nag mumukha syang singit. Isang babaeng singit ng singit. Fuck! Nakakainis talaga ang babaeng iyon.

Sinulyapan kong muli si Daddy. Panay yuko niya kay Mr. Peters at tila paulit-ulit nang hihingi ng paumanhin. Nakagat ko ang aking ngipin sa galit. Bakit si Daddy ang nag so'sorry? Shit! Hindi ko na talaga kaya ito. Si Daddy na nga 'yong naagawan sya pa itong nang hihingi ng paumanhi? For what for? Para ipakita sa kanila na talonan si Daddy? Kahit hindi niya kasalanan eh sya itong bumababa para sa kanilang lahat? Ewan ko. Naiinis ako sa ginagawa ni Daddy ngayon.

People just don't know how done they are untill they need you to do something for them and they get that good old dial tone. Mabait lang naman sila sa Mary na iyon dahil ma pera. Everyone loves you, when you have money. Ganito ang mga tao ngayon.

"We need to talk." bumalik ang diwa ko ng nasa harap na si Daddy. Hindi ko nalang pala namalayan na nakalapit na sya sakin.

Dahan-dahan akong tumayo at hinarap sya.

"Anong pag-uusapan natin, Dad? Akala ko ba ay kakampi kita." saad ko na may tensyon. Nagbitaw ng malalim na hiniga si Daddy.

"Lets go home Venus. I'm tired, sa bahay nanatin ito pag-usapan. Hali ka na." agaran akong tinalikuran ni Daddy. Kuyom ang kamao ko sa galit. Hindi manlang sya nag-alala sakin? Hindi manlang niya ako tatanogin kong okay lang ba ako? Like duh. What the hell is happening?

Ako na naman? Kasalanan ko na naman? Palagi lang naman. Padabog akong sumunod palabas ng building na ito. Bullshit! How could Mary ruin my day. Buong akala ko ay ibang tao ang makilala ko ngayong gabi. Si Mary lang pala?

Maging sa byahe ay sobrang tahimik namin ni Daddy. Wala narin akong oras para magtanong o di kaya'y magsisihan. Nakanguso akong nakasandal sa back rest ng upoan. Ramdam na ramda ko ang galit ko. Sobrang bigat pa ng katawan ko sa pagod. Pagdating namin sa bahay ay direktang lumabas si Daddy sa kotse niya. See? Hindi manlang ako kinausap. Daddy ko ba talaga to?

"This is bullshit!" padabog akong lumabas ng kotse. Dali-dali akong pumasok sa bahay at sinundan si Daddy.

Nakita ko syang papasok ng kusina. Sinundan ko sya mula roon.

"Dad," bulyaw ko na ikinalingon niya. Bumagsak ang mata ko sa hawak niyang basing tubig at gamot. "Why you say sorry to them? Bakit mo ginawa iyon?" sigaw ko sa galit. Tinignan ako ni Daddy na walang ekpresyon ang mukha.

Napasandal sya sa sink habang hinihilot ang kanyang sentidu.

"Bakit hindi kayo sumagot? Dont tell me, magagalit ka din sakin? I'm being fair Daddy. Walang mali sa ginawa ko." sigaw ko sa galit. Naiinis na talaga ako. Inis na inis. Bakit pa kasi dumating yang Mary na iyan sa buhay namin.

"Tumigil kana Venus. Mali man o tama ang ginawa mo sana ay mas pinili mong manahimik nalang." sigaw ni Daddy rason kong bakit ako napaatras. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa takot. Napairap ako bago umayos sa pagkakatayo.

"Dahil hindi ko kayang manahimik nalang. Gusto kong pahiyain ang babaeng iyon. I'm just sharing me, I'm just being me. And I believe na, may karapatan ang isang tao na magpahayag sa kanyang nararamdaman." nanliit ang mata ni Daddy sa sinabi ko. Mas lalo kong naramdaman ang galit niya sakin.

"Your being immature, Venus." umiling si Daddy ng paulit-ulit. Nasasaktan ako sa ekpresyon niya ngayon. Bakit hindi niya ako kinakampihan? "Oo, nag pakatotoo ka lang. But it doesn't mean pwede mo nang dalhin yang ugali mo sa party. Sana ay itinikom mo nalang yang bibig mo kanina. Sana ay hindi ka nalang sumambat sa usapan. Napahiya ako sa party. Napahiya ka. Sa ginawa mong iyon ay mas lalo nating pinatunayan sa board members ng hospital na hindi ako karapat-dapat sa posesyong ito. Did you ever think of that huh?" nanlaki ang mata ko sa padabog na sinabi ni Daddy. Sobrang sikip ng dibdib ko. Feeling ko ay nag-iisa lang ako, feeling ko ay hindi ako kayang ipagtanggol ni Daddy.

Mas lalo akong nagalit.

"Bakit kayo nagagalit sakin Dad? Anak nyo ako. Kahit gano pa kasama ang ginawa ko kanina ay sana ay ipinagtanggol nyo naman ako. I don't feel that lately. Feeling ko I'm just a mess for you. Whats wrong Dad? Hindi ka naman ganyan noon ah." hindi ko mapigilang hindi umiyak. Isa-isang tumulo ang mga luha ko sa galit.

"V-Venus--," naging paos ang boses ni Daddy sa pagkakataong ito. Dahan-dahan syang lumapit sakin. Hinawi niya ang mga luha ko saking mata. "Hindi sa ganon, Anak." hinawi ko ang kamay niya sa pisnge ko.

"Ganon narin 'yon Dad. Sobrang tahimik mo kanina. Halos hindi ka makapagsalita sa harapan nila. Hinahayaan mo akong saktan ni Mary at Rocky. Hinayaan mo akong sigawan ni Matteo. Daddy ba talaga kita? Bakit hindi mo ako nagawang protektahan kanina?" bahagyang yumuko si Daddy. Ang kamay niya ay nakakuyom sa galit. Kinabahan ako sa inasta niya ngayon. Kinakabahan ako sa reaksyon niya ngayon. "Did I say something strange from you, Dad?" kunot noo ko. Napahilot si Daddy sa noo niya. Dahan-dahan syang humarap sa sink at agarang binuksan ang gripo at nanghilamos ng paulit-ulit.

Mali itong nararamdaman ko. Bakit ako nasasaktan ng tinalikuran ako ni Daddy. Lumapit ako sa kanya at tumayo sa gilid niya.

"Tell me, Dad? May nasabi ba akong ikinatakot mo? May nasabi ba akong dapat ko ring ikatakot?" bahagyang sumulyap sakin si Daddy na may takot sa mukha. No way. Hindi maari ito. Huwag mong sabihing? "Hindi mo ako tunay na anak?" napatuwid ng tayo si Daddy sa katanongan ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa takot at pangangamba. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na sana ay mali ang kutob ko.

Nakagat ko ang aking ngipin sa galit. Nakagat ko ang aking ngipin sa inis.

"Hindi mo ako anak Dad? Sabihin mo sakin ang totoo? Hindi mo ako tunay na anak? Bakit hindi kayo makasagot? I need your answer dad. I need your answer." padabog kong tinapak-tapakan ang sahig. Halos maputol ang heels kong suot.

Sobrang bigat ng damdamin ko. Sobrang sikip ng dibdib ko. Ayaw kong maniwala sa kutob ko. Ayaw kong maniwala sa naiisip ko ngayon. Napahawak ako saking dibdib. Halos hindi ako makahinga dahil sa sobrang sakit ng aking nararamdaman. Halos hindi ko na makita si Daddy ngayon. Alam ko, alam ko sa katahimikan niya ngayon ay alam ko na ang buong katotohan. Alam ko na ang kasagotan.

Dahan-dahan akong napaatras habang umiiling. Natigilan nalang ako sa pag atras ng maramdaman ko ang coounter saking likuran. Bumuhos ang luha ko. Halos mabasa ang damit ko sa mga luha ko ngayon. Kong ganon ay niluluko lang pala ako ni Daddy.

"Daddy please. Sabihin mo sakin ang totoo? Anak nyo ako diba? Anak nyo ako ni Mommy diba? Siguro napaparanoid lang ako ngayon. Siguro ay pagod lang ako ngayon. Siguro-----,"

"I'm sorry, Venus." sa puntong ito ay binagsakan ako ng iilang bato saking likuran. Hinabol-habol ko ang aking hininga dahil sa narinig mula kay Daddy. "Patawarin mo ako anak." naikuyom ko ang aking kamao sa kaba.

Isang simpleng sagot ni Daddy ay halos mawasak ang mundo ko. Isang simpleng salita na ikinawasak ng buong pagkatao ko.

Kong ganon? Hindi ako isang tunay na Villa Vieste? Sino ako? Bakit ganito kasakit? Mas masakit pa ito sa ginawa ni Matteo sakin. Mas masakit pa ito sa pananakit sakin ni Matteo.

Mawala lang sakin ang lahat, huwag lang ang pagiging isang Villa Vieste ko.

Continue...