Nanatili kaming nakatayo sa harap ng napakadaming tao. Ang titig ko ay nanatiling nakatuon sa dalawang nanakit sakin noon. Si Venus na nakangiti at tila inaasar ako at si Matteo na walang ekspresyon ang mukha ngayon. Nilabanan ko sila ng titig. Akala nyo huh!?
Bumalik ang diwa ko ng makarinig ako ng masigabong palakpakan. Naikurap ko ang aking mata at tinignan ang lahat ng mga tao sa paligid. Lahat sila ay nakatayo at nakangiting nagpalakpakan sa harap namin. Except, Mr. Franciso, Venus at si Matteo.
Nagpatuloy parin ang palakpakan nila sabay ng pagsalita ng MC sa mini stage. Sobrang pinaghandaan ang lahat, mula sa dekorasyon sa stage at ang mga nakahalerang pagkain sa mahabang mesa. Alak, champagne, chocolate fountain at iba pa.
Umalingawngaw sa tenga ko ang boses ng MC.
"Acknowledgement of Congress leaders, Doctors, nurses and to all beautiful ladies and handsomed gentlemen. Goodevening to each everyone. I will certainly contribute towards rectifying the perception about who is the person infront of us. May I introduce to all of you, Marylyn Alemania Montano, the successful business woman who donate a big money for our hospital needed. Mula sa mga equipements, shelter, medicine at mga damit. Lets give her a round of applause." halos umalingawngaw sa loob ng silid ang mga palakpakan ng mga tao sa paligid.
"Come with us, Ms. Montano and Mr. Brintklin." iminuwestra ni Doctor Gerenia ang mini stage. Nagkatinginan kami ni Rocky bago kami sabay naglakad palapit doon.
Kitang-kita sa gilid ng mata ko kong pano nagalit ang ekspresyon ng mukha ni Mr. Franciso. Nilagpasan namin sila ng makarating na kami sa unahan. Dali-daling bumaba ang MC saka ito lumapit samin.
"Isang karangalang makilala ka Ms. Montano. I am Doctor Dongton, Isa akong dentista." nakipagkamay ako sa kanya.
"Nice to meet you, Doc." ngiti kong pabalik. Sinulyapan ko si Rocky at nahuli ko itong nakatitig sakin "Anyway, this is Rocky Brintklin. My---"
"I'm her boyfriend. Nice to meet you, Doc." nagulat ako sa diretsahang sagot ni Rocky. Hindi ko aakalaing iyon ang isasagot niya. Tila may bumara saking lalamunan sabayan mo pa sa puso kong sobrang bilis ng tibok nito.
Nakipagkamayan si Rocky kay Doctor Dongton. Nagsilapitan sa direskyon namin ang mga nagsisitaasang Doctor. Isa-isa silang nagpakilala samin ni Rocky maging ang may-ari ay sobrang laking pasalamat ng makilala niya ako sa personal. Halos mahilo ako dahil kaliwa, kanan akong nakipag shake hands sa kanilang lahat.
Kitang-kita sa gilid ng mata ko kong pano nairita si Mr. Franciso. Nakaupo lang siya kasama ang dalawa at tila walang balak lumapit samin at magpakilala. Natatawa ako sa hitsura niya ngayon.
Ano Mr. Francisco? Masaya ka ba ng makita ako ulit? Ngumiti ka naman dyan kahit kaunti lang.
"Ms. Montano pwede po ba kayong maanyayahan sa stage? Nais po sana namin marinig ang speech mo. Kong maaari po sana." wika ni Doctor Dongton na may ngiti. Nagkatinginan kami ni Rocky.
I am expecting about this. Alam ko namang mangyayari ito. They want me to speech and heard about my point of view.
"Sure," masaya kong sagot. Naglahad ng kamay si Doctor Dongton at tinanggap ko iyon bago ako nagpaalam kay Rocky.
Pag-apak ko palang sa unang hagdanan ng stage ay nag-simula ulit silang mag palakpakan. Hanggang sa makadating ako sa gitna kong saan ay nakatayo mula roon ang kulay puting stand at mikropono.
Unang nagsalita si Doctor. Dongton.
"Please, everyone, listen to Ms. Montano speech," wika nito sa lahat bago ako sinulyapan. "Please Ma'am," inilahad niya sakin ang mikropono na may ngiti. Tinanggap ko iyon na ma may ngiti rin.
Dahan-dahan akong humarap sa kanilang lahat. Bawat tao sa paligid ay isa-isa kong tinignan. Sumulyap ako kong nasan nakaupo si Mr. Francisco, Venus at Matteo. Bakas sa kanilang mukha ang pagtataka. Bahagya akong nag-taas ng kilay bago umiwas ng tingin.
Hinanap ng mata ko si Rocky at nasa kabilang upoan sya kasama ang may-ari ng hospital. Tumango sya sakin na may ngiting kaya mo yan. Inayos ko ang aking sarili bago nag-salita malapit sa mikropono.
"Good evening everyone." masayang bati ko sa lahat.
Sumulyap akong muli kay Mr. Francisco na may ngiti. Bawat bitaw kong salita ay may hamon at taas noo kong nirarapat kong ano ako ngayon. Bawat buka ng aking bibig ay nanatiling hindi ikukubli kong gano ako kagalit sa lahat ng kanilang pananakit. Ang titig ko sa kanila ay ma awtoridad na may pagbabanta. Hinabaan ko ang speech ko. Lahat sila ay nakinig at halos hindi makagalaw. Tila sinisimsim, isinasaulo at iniintindi ang bawat pangungusap na isinasalaysay ko sa kanila. Lahat ng naitulong ko sa hospital na ito ay wala akong hinahangad na kapalit at ano pa man. Nais ko lang ipakita kay Mr. Francisco kong anong tunay na kahulugan ng pagtulong sa kapwa tao.
Mahaba-haba din ang speech ko. Halos sumakit ang lalamunan ko sa pagsasalita. Tinapos ko ang speech sabay ng masigabong palakpakan ng lahat. Ngumiti ako, isang ngiting tagumpay. Dali-daling lumapit sakin si Doctor Gerenia.
"Thank you so much Ms. Montano," nakipag shake hands ako sa kanya. "A beautiful, righteous, passionate speech. Sobrang saya namin dahil pumayag kayong dumalo sa ginawa naming party para sayo. Maraming salamat!" napangiti ako sa sinabi ni Doctor Gerenia.
"It's my pleasure, Doc. And beside gusto kong ma meet ang lahat ng grupo at parte ng hospital na ito." wika ko na ikinatango niya. Tila na e'excite.
"Come with me. Ipapakilala ko sayo ang grupo namin." naglahad ng kamay si Doctor Gerenia. Inanyayahan niya akong bumaba mula sa stage.
Masaya akong sinalubong ng mga Doctor, maging si Rocky.
"Mas lalo kang gumanda habang nagsasalita kanina." nanliit ang mata ko sa sinalubong ni Rocky.
"Ngayon ka pa talaga mambobola huh?" kunot noo ko na ikinatawa niya. Nagulat ako sa paghila niya sakin at niyakap niya akong mahigpit. Maging ang lahat ng tao ay natahimik at nasa amin lang ang kanilang titig. Halos mabingi ako sa tibok ng aking puso.
"Ahem," agaran kong itinulak ng mahina si Rocky dahil sa malalim na tikhim. Natawa ako dahil nasa harap namin ang may-ari ng Hospital. Lumapit sya sakin. "That was absolutely amazing with
love and respect speech. Thank you, Ms. Montano." naglahad sya ng kamay na ikinatanggap ko.
"Thank you, Mr. Peters. Isang malaking karangalang makadalo ako sa kasiyahang ito. Nais ko lang naman na makita at makilala ang mga grupo nyo sa hospital. And honestly, sobrang bait nila sakin. The way they welcome me warmly. Good job, you have a good and kind people here." wika ko na ikinangiti niya.
"Thank you Ms. Montano for the good complimment. Salamat sa malaking donation na ibinahagi mo samin. Hindi namin alam kong pano kayo pasasalamatan. Salamat, maraming maraming salamat." halos sumikip ang dibdib ko sa sinabi ni Mr. Peters. Ang kanyang mga mata ay puno ng kasiyahan at pasasalamat.
"You're welcome Mr. Peters. Para sa mga taong nanga-ngailangan ay handa akong tumulong." sagot ko rin. Sumulyap ako kay Rocky at sobrang lapad ng ngiti niya sakin.
Naputol lang ang pag-uusap namin ng may lumapit saming isang Doctor din.
"Mr. Peters. Inanyayahan po si Ms. Montano at Mr. Brintklin sa hapag. Kumpleto na po silang lahat mula roon." wika nito bago ako sinulyapan. Tinignan ako ni Mr. Peters.
"Can we?" anyaya nito na ikinatango ko. Sabay kaming naglakad ni Rocky. Hawak ko ang braso niya ng lumapit kami sa isang round na table.
Halos ang nakaupo mula roon ay ang mga Doctors, board members at ang iilang grupo ng hospital. Lahat sila ay nagsitayuan ng makalapit kami. They all bow respectedly. Isa-isa silang nakipagshake hands samin ni Rocky. Expect, Mr. Francisco. Nakaupo lang sya at tila hindi nasisiyahan ng makita ako. Maging si Matteo at Venus ay ganon din. Titig na titig sila sakin at ito'y aking ikinakasaya.
Maging ang mga tao sa paligid ay nagtataka kong bakit hindi tumayo ang tatlo sa pagdating ko. Oh, sorry Mr. Francisco. I love the way your reaction now. Ano kaya ang nararamdaman mo ng makita ako? I'd love to know about it, Mr. Francisco.
"Please take a sit Ms. Montano and Mr. Brintklin," anyaya samin ni Doctor Gerenia. Hinilahan ako ng upoan ni Rocky at inalayayang umupo.
Pinagitnaan ako ni Rocky at Mr. Peters. Nasa kabilang gilid naman ay si Matteo at Mr. Francisco na pinagitnaan si Venus. Ang lahat ng titig nilang lahat ay nasa amin. Tila nagugulohan sila sa titigan namin ngayon ng Tatay ko.
"Anyway Francisco, magkakilala ba kayo? Just what I've seen, mukhang magkakilala kayo ni Ms. Montano." tanong ni Mr. Peters habang palipat-lipat ang mata niya samin ni Mr. Francisco.
"Yah." nagulat ako sa kasagotan ni Venus. Nasa kanya ang tingin namin ngayon. "Kilala sya ni Daddy. Kilalang-kilala." taas kilay ni Venus habang nakapulupot ang kamay niya sa braso ni Matteo. Natawa tuloy ako, binabakuran talaga ang boyfriend niya huh?
"Really? Why you didn't tell us Francisco." tanong ni Mr. Peters sa kanya. Nasa amin lahat ng titig nila. Tila may malalaking question mark sa kanilang mga mukha.
Hindi sumagot si Mr. Francisco dahil busy ito sa kakatitig sakin. Isang titig na matalim at may galit.
"Bakit pa sasabihin ni Daddy sainyo lahat? Eh ayaw niyang pag-usapan ang mga bagay na walang kwenta." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Venus. Maging ang lahat ay nagulat sa binitawan niyang salita.
"V-Venus, would you please stop. Hindi ikaw ang kinakausap." pagbabanta ni Matteo na mas lalong ikinataas ng kilay ni Venus. Halos natahimik ang lahat. Ang kamay ko sa ilalim ng mesa ay nakakuyom. Naramdaman ko ang mainit at madilim na awra ni Rocky. Pinigilan ko sya sa pamamagitan ng paghawak ko sa kanyang hita mula sa ilalim.
Ayaw ko ng gulo. Pero kong bastosan lang din naman ang pag-uusapan. Hindi ako aatras.
"Why Matteo? Totoo naman diba?" halos bumulyaw sya sa kinauupoan niya ngayon.
"Excuse me Ms. Villa Vieste. Hindi namin alam kong anong meron sa Daddy mo at kay Ms. Montano. But, due to respect huwag dito. Please lang." naging ma awtoridad ang boses ni Mr. Peters. Humalukipkip si Venus sa upoan niya habang ang ngiti ko naman ay nang-aasar.
"I'm sorry Mr. Peters. Pasensyahan nyo na ang anak ko." napa wow ako saking isipan dahil sa paumanhin na iyon ni Mr. Francisco. Halos malaglag ang panga ni Venus sa narinig. Halos nagbubulongan ang mga tao sa upoan.
"Dad," napatayo si Venus sa galit. "Bakit ako? Bakit ka nag sosorry sa kanila? I only respect people who deserve to be respected. Pero ang babaeng yan? She's not deserve of it." Itinuro pa ako ni Venus at tila gusto ng magwala. Keep calm Mary, humugot ka muna ng lakas. Be educated. Huwag kang pa dalos-dalos.
Hayaan mo sya sa ngayon. Educating Brain without educating heart, is not educated at all. Kalma! Pataposin mo muna ang babaeng yan.
"Stop pointing Mary, Venus. Baka makalimutan kong babae ka." mabilis kong sinulyapan si Rocky dahil sa ma awtoridad niyang sinabi. Bumagsak ang mata ko sa hawak niyang baso. Halos mabiyak iyon dahil sa galit niya.
"Wala akong pakialam. Yang babae mo ang pakialaman mo. Sinasadya niyang ipagsiksikan ang kanyang sarili sa buhay namin. Una, inagaw niya sakin si Matteo. Pangalawa, aagawin niya ang posesyon ni Daddy sa hospital na 'to? Wow, just wow. Mang-aagaw nang may pagmamay-ari. Wala bang saiyo Mary?" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Venus. Hingal ako, hingal sa galit.
Kailan pa ako naging mang-aagaw? Ako ang unang inagawan at ako ang nasaktan.
Biglaang napatayo si Rocky sabay ng pagturo niya kay Venus.
"Tumigil kana. Kundi---," nabigla din ako sa pagtayo ni Matteo at hinawi ang kamay ni Rocky mula sa mukha ni Venus. Sa pagkakataong ito mas lalong gumulo sa mesa.
"It's a girl, Rocky. All girls deserve to be respect." wika ni Matteo na ikinangisi ni Venus. Sa pagkakataong ito mas lalo kong naramdaman ang galit at init saking katawan. Matalim kong tinignan si Matteo.
All girls deserve to be respect? Talaga lang huh? Ginawa niya kaya sakin iyan?
"Self-respect will you compel others to respect you. Pero sa ginawa niya ngayon ay hindi sya nararapat respitohin." sagot ni Rocky na ikinatayo ko. Pinigilan ko sya ngunit ayaw niya akong tignan. Nanatiling nakatitig ang kanyang mata sa labanan nila ni Matteo.
"Keep calm guys. Enough for this," pumagitna si Mr. Peters sa dalawa. Nakabahagi ang kanyang kamay at tila ayaw na ng gulo. "I am very sorry Ms. Montano. Hindi namin alam kong anong issue nyo, but please forgive us. Pasensyahan nyo na ang anak ni Francisco." umiling ako bilang kasagotan. Hindi ko alam na dadating kami sa puntong 'to. Gusto ko lang naman makitang galit si Mr. Francisco pero hindi ko aakalaing aabot sa ganito. And I dont expect nadadalo si Matteo at Venus dito.
"It's okay Mr. Peters. Wala kayong kasalanan. Sorry kong nakakagulo lang ako sainyo. I'm just trying to help. Wala akong balak mang-agaw ng posesyon. Tumulong ako dahil iyon ang gusto ko, wala akong hinahangad ng kapalit. Sorry, I didn't expect this from this people." paumanhin ko pagkatapos ay tinignan si Mr. Francisco at Venus. Bahagya akong ngumiti na may pang-aasar.
Ayaw ko ng plastikan dahil sa totoo lang, gusto kong magpakatotoo.
"Sorry talaga Ms. Montano." panay yuko ni Mr. Peters. Kitang-kita sa gilid ng mata ko kong pano nalaglag ang panga ni Venus. "Mr. Francisco, mabuti pa ay iuwi mo muna ang anak mo. She's not be here, supposedly." sa puntong ito umusok ang magkabilang tenga ni Venus.
"What?" sigaw niya habang naka nga-nga. "I'm the daughter of the co-chairman here, Mr. Peters. Bakit nyo ako ipapaalis dito? And beside I am part of this party. Nagpapaniwala talaga kayo sa kadramahan ng babaeng iyan?" tinuro niya ako habang iginagala niya ang mata niya sa paligid. Lahat ay walang imikan at tila nanunuod lang sa eksena. "She's a fucking waitress, isang babaeng bayaran na ngayon ay yumaman dahil pumatol sa matandang----,"
Binuhusan ko agad si Venus ng isang basong tubig. Nanlaki ang mata ng lahat. Naikuyom ko ang aking kamay Sa galit. Kanina pa ako nagtitimpi at ayaw ko ng tumahimik pa.
"Mary why you do that?" sigaw ni Matteo at dali-daling binigyan ng panyo si Venus. Mas lalo akong naiinis at nagalit sa sinabi niya.
"What the hell." sigaw ni Venus at tila gusto ng umiyak. "See?" turo niya sakin habang isa-isa niyang tinignan ang mga bisita. "Ito ba ang ipinagmamalaki nyong kagalang-galang. Binuhusan nya ako ng tubig sa mukha. Napakabastos! Ang plastik." sigaw niya sakin na may ngiti. Mariin akong napapikit sa galit. Hinila ko si Rocky para pumalit sa pwesto niya. Taas noo akong humarap kay Venus.
"You don't hear anything at my mouth just as many as your compliments, Venus. You're beautiful, sexy or any above. But your reevalute. You're being used, Venus. Wala ka sa tamang lugar." sagot ko na may ngiti. Inayos ko ang aking sarili bago sinulyapan si Matteo, pagkatapos ay si Mr. Francisco at ang mga tao sa paligid. They continuely watching the scene at sigurado akong aabot ito sa media. Lumingon ako sa likuran kong nasan si Mr. Peters. Bahagya akong ngumiti sa kanya. "I'm very sorry. Thank you for the welcome party, thank you for having me here. Let's go Rocky." Hinila ko si Rocky sa braso bago sila tinalikuran lahat. Hindi ko alam kong bakit sobrang bigat ng damdamin ko ngayon.
"Ang plastic. She's just acting to be nice, people." napahinto ako sa pahabol na sabi ni Venus. Kagat ang aking ngipin ay dahan-dahan akong humarap sa kanya na may galit sa mukha. Nakapulupot ang kamay niya sa braso ni Matteo at tila nang-aasar at nasisiyahan dahil ako ang umalis. Oo nga ba? Para sakin ang party na ito? Bakit ako aalis? Dahil ayaw kong makihalubilo lalo na't may mga hayop sa lugar na ito.
"Being nice to people you hate is not being plastic. It's called respect and making yourself educated. Apply that to yourself, Venus." nalaglag ang panga niya sa sinabi ko. Ngumiti pa akong muli bago sila tinalikuran at hinila si Rocky palabas ng building.
Ramdam na ramdam ko pa ang galit. Ang dugo ko ay nanatiling kumukulo sa inis. Binitawan ko si Rocky ng makaabot kami sa parking lot. Hinarap ko sya at nahuli ko ang pamumutla ng kanyang mukha ngunit mas pumangibabaw sa kanya ang galit.
"Sana nalang pala ay hindi kita pinayagang pumunta dito." bagsak boses niya. Bumagsak ang mata ko sa nakakuyom niyang kamay.
"I am sorry, Rocky. Sorry kong nadamay ka pa dito. Gusto ko lang naman makita si Mr. Francisco." sagot ko bago yumuko. Ramdam ko na ang galit ni Rocky sa pagkakataong ito.
"Alam ko. Pero pinahiya ka nila, sinaktan. Alam mo ba iyon?" naging bulyaw ang boses ni Rocky. Nakagat ko ang ibaba kong labi. "You know what, Mary. Please itigil muna ang lahat ng ito. Ayaw kong masaktan ka. If it this all about your revenge? Please stop. Nasasaktan ako pag nasasaktan ka." literal akong nagulat sa sinabi ni Rocky. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pano niya nalaman? Saan niya nalaman ang lahat ng ito?
"But--- How did you know about this?" nakanga-nga kong tanong. Lumapit sya sakin.
"It's not important anymore, how did I know everything about your plans. Oo hinahayaan lang kita nong una, pero ngayon? Hinding-hindi na. Hinding-hindi ako papayag na masaktan ka ulit sa kanila. I am begging you, Mary. Please sumama ka sakin. Magpakalayo tayo dito. They not deserve you." hinawakan ni Rocky ang kamay ko. Mahigpit ng mahigpit. Halos sumabog ang puso ko sa sinabi niya.
Habang ako ay bumabalik para mag higante. Hindi ko pala alam na may nasasaktan din pala akong tao at iyon ay si Rocky.
"R-Rocky--- Gusto kong maghigante, gusto ko silang saktan. Gusto ko sila makitang nahihirapan. Gusto kong iparamdam sa kanila kong anong nararamdaman ko ngayon." hindi ko nalang pala namalayan na isa-isang tumulo ang luha ko. Ang sakit lang kasi, habang sila ay masaya ako naman ay nasasaktan. Sobrang unfair.
Hinawi ni Rocky ang mga luha saking mata. Napapikit ako sa ginawa niya.
"Masaya ka ba sa ginagawa mo? Kong Oo, pipigilan kita." bahagya akong yumuko sa sinabi ni Rocky. Naiinis ako sking sarili. Hindi manlang ako nahiya!
"Hindi ko alam, Rocky. Hindi ko alam. All I wanted is hurt them. Masama na ba akong tao Rocky? Masama na ba ako sa paningin mo?" mas lalong bumuhos ang luha ko pagkatapos sabihin iyon. Kahit naging masama ako ay hindi niya ako nagawang iwan. Kahit alam na niya ang buong katotohan kong bakit gusto kong bumalik dito sa Pinas. Sobrang sikip ng dibdib ko. Bakit nga ba ako nasasaktan ng ganito? Bakit nga ba ayaw lumimot ng puso ko? Kong pwede naman ay maging masaya nalang ako. Pero hindi eh. Ang sakit-sakit lang kasi. Hindi ko matanggap ang pananakit nika sakin. Hindi ko matanggap!
Hinawi ni Rocky ang mga luha ko sa mata. Ikinulong niya ang magkabila kong pisnge sa kanyang palad.
"Kahit ikaw pa ang pinakamasamang tao sa buong mundo. My love for you will never change. Kahit kailan, Mary. Hindi ka naging masama sa paningin ko. Hinding-hindi." hindi ko alam kong bakit hinila ko si Rocky at niyakap ng mahigpit. Gusto ko syang yakapin ng yakapin at pasalamatan.
Mas lalo akong naiyak dahil sa yakap niya. Napapikit ako ng mariin. Bakit nga ba hindi si Rocky nalang? Bakit hindi nalang sya? Bakit?
"M-Mary," isang malamig na boses ang tumambad sakin. Kumalas ako sa yakap ng makita ko si Matteo na palapit samin. Nanlaki ang mata ko. Bakit sya nandito?
Dali-dali akong itinago ni Rocky sa likuran niya.
"Anong kailangan mo?" hamon ni Rocky kay Matteo. Hindi sumagot si Matteo dahil nasa akin lang ang titig niya. Ang kulay itim niyang suit ay bitbit niya sa kaliwang kamay. Ang kanyang kulay puting sleeveles na nakatupi hanggang siko ay nagpapabagay sa kanya. Nakabukas ang kanyang butones mula sa leeg at tila napagkikitaang. Pagod, sakit at galit.
"M-Mary. I am sorry for what happen. Sorry sa nagawa ni Venus. Sorry." hindi niya sinagot si Rocky. Naramdaman ko ang kamay ni rocky saking palapulsohan. Halos masaktan ako sa ginawa niyang hawak.
"Bakit ikaw ang nag sosorry? Nasan si Venus? Last time I check, pinagtanggol mo sya kanina." sagot ko agad habang nakataas ang kilay. Bahagyang umiwas ng tingin si Matteo sa sinabi ko.
"Dahil ayaw kong maging bastos ka katulad niya. Ayaw kong gawin mo ang ginawa niya." napalunok ako sa sinabi ni Matteo. Mas lalo kong naramdaman ang mahigpit na hawak ni Rocky.
"What are you trying to say? Naging bastos si Mary sa ginawa niya kanina?" sambit ni Rocky na ikina igting panga ni Matteo. Kitang-kita sa malalim niyang mata ang galit.
"Thats not what I mean Rocky. I dont want to see Mary crying. Ayaw ko syang masaktan." nagulat ako sa sinabi Matteo. Halos may bumara saking lalamunan.
"Hindi lang ikaw, Matteo. I dont want to see anything can hurt my feelings lalo na kong si Mary ang pag-uusapan." padabog na sabi ni Rocky na ikinagulat ko din. Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. Gusto ko silang pigilan ngunit tila may gusto pa akong pakinggan.
Lumapit si Matteo samin ng kaunti. Ang medyo magulo niyang buhok ay napagkikitaan ko ng iritasyon.
"To be exact. I dont want to see Mary with you, it's hurt my feelings so much." sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa binitawang pangungusap ni Matteo. Ang mata niya ay sobrang malumanay tila nagmamakaawa sa harap ko.
"Lets go, Mary. Huwag munang kausapin ang gagong 'yan." hinila ako ni Rocky palayo kay Matteo. Nagpatianod ako sa ginawa niya. Inaamin ko nasasaktan ako sa paghila sakin ni Rocky. Tila bang galit na galit sya ngayon.
Natigil kami sa paglalakad ng may humila saking braso. Nanlaki ang mata ko sa ginawa ni Matteo.
"Bakit mo sya ilalayo sakin? Hindi mo pag mamay-ari si Mary, Rocky." hamon ni Matteo. Hinila ako pabalik ni Rocky sa kanya ngunit hindi ako binibitawan ni Matteo. Nasasaktan ako!
"Wala kang pakialam dahil hindi mo rin sya pagmamay-ari." binawi ako ni Rocky. Binawi naman ako ulit ni Matteo. Para na akong lubid sa pagkakataong ito.
"People fight for freedom, but me I will use my freedom to fight for, Mary." nalaglag ang panga ko sa binitawang salita ni Matteo. Halos mangatog ang tuhod ko sa mga naririnig ngayon.
"If you are too cowardly to fight, I will fight what is deserve to be mine." napapikit ako sa binitawang salita naman ni Rocky.
Nasasaktan ako pag lagi silang nagkakasalubong ng ganito. Kahit kailan ay hindi ko ito ginusto. Hindi ko pinapangarap pag agawan ng dalawang lalaki. Sino ba naman ako? Bakit ganito sila sakin? Anong meron sakin?
Continue...