Umiiyak ako ng mapansin ko ang pagharang sakin nina Josh ng katawan nila. Kaya naman nilinga ko ang aking mga mata para lang makita ang lahat ng Assassins mula sa Wall Rose at Wall Maria na nakatutok ang kanya kanyang baril sakin.
Lahat sila ay nasa ganoong pwesto, kaya hinanap ng mga mata ko ang sariling mga kasamahan mula sa iisang commandant.
Hindi naman ako nahirapang hanapin silang lahat, dahil lahat sila ay nakatipon sa may isang sulok kasama sa karamihan ng mga patay na assassins mula sa kalabang grupo. Mga patay, at wala ng buhay.
Lalong kumulo ang dugo ko ng makita ang sariling mga kasamahan na pinugutan ng ulo at itinusok sa isang stick, kawangis ng klase ng aking pagpatay sa mga kilalang assassins noon.
"anong ibig sabihin nito?" kalmado ngunit mararamdaman ang otoridad na tanong ko.
Kalmado, ngunit nakakatakot. Napansin ko ang pangangatal ng hawak ng baril ng karamihan ng mga assassins na kilala ako kung paano magalit. Halata sa kanila ang matinding takot, ngunit pilit na pinipigilang kumawala sa kanilang mga muka at kilos.
Tama yan! Dahil kahit gaano pa kayong lahat kadami ay kaya ko kayo lahat tapusin ng ako lang, lalo pat ganito na nag uumapaw ang galit sa aking puso.
"Nakarating sa amin ang mga transaksyon na ginagawa ng mentor mo na si Kazumi Fujiwara. At ang plano nyong pabagsakin ang Dark Claws Assassins. Nakakuha kami ng sapat na ebidensya na magpapatunay ng pagtataksil ng mentor mo, pero dahil apprentice ka nya, hindi malabong kasama ka sa mga plano nya." sabi ng isa sa mga messenger mula sa Wall Maria.
Mukang masyado akong minamaliit ng dalawang commandant, dahil hindi nagpakita ang mga ito, ngayong may nalaman pala sila mula sa mga sikreto namin.
"sapat na impormasyon na magpapatunay na isang taksil ang aking mentor? Kung ganon, may nakuha din ba kayong SAPAT na impormasyon na kasama ako sa mga plano nya?" walang emosyon kong tanong habang nangangatal ang mga kamay, sa takot. Kaya minabuti ko na lamang na itago ito sa may bulsa ng pantalong suot ko.
Halata naman na walang masabi ang messenger sa tanong ko. She was taken a back because we are too careful on our moves to hide our true motive, in this type of case.
Naalala ko tuloy bigla ang mga salita ni Ms Kaz sakin nuon , nang nag uumpisa pa lamang ako maging isang ganap na assassin.
" no matter what happened, wag mo hayaang masira ng emosyon mo ang ating mga plano. alam kong dadating din tayo sa, puntong malalaman ng Dark Claws, ang mga plano natin. No matter what happened, wag mo hayaang masira ng emosyon mo ang ating mga plano. alam kong dadating din tayo sa punto na malalaman ng Dark Claws na isa akong spy mula sa Takamura Agency. At maaring ang maging kapalit nito ay ang buhay ko, pati na rin ang buhay ng asawa ko. Pero ipangako mo saking kahit anong mangyare, mag focus ka sa plano. Tandaan mo na tatanggapin. ko ng marangal ang sariling kamatayan kung ang kapalit naman nito ay ang libong buhay ng mga alipin mula sa kamay ng Dark Claws. " nakangiti nyang sabi na mas lalong nagpataas ng tingin ko sa kanya.
Because shes the Greatest Woman I have ever known in my entire life. I admired her toughness, and principle kaya naman kahit sobrang hirap para sakin na ipagkaila sya ay gagawin ko kapalit ng katuparan ng ilang taong ginugol namin para sa katuparan nito.
"if you dont have the evidence, you have no right to accuse me about being a traitor. " walang emosyon kong sabi.
"NGAYON. I SUMMONED ALL THE ASSASSINS WHO KILLED MY COMMANDANT!" galit na sigaw ko, dumadagundong ang boses ko, at bagamat walang emosyon ang mukay alam kong ramdam na ramdam ng lahat ang tensyon sa paligid.
Alam ko din na alam nila ang kasunod na gagawin ko sa kanila kapag hindi nila itinuro sa akin ang mga pumatay sa mga kasamahan ko. Natuyo na ang mga luhang iniiyak ko sa pagkamatay ni Kurt. Gusto ko man magluksa sa pagkamatay ng sariling kaibigan ay hindi ito ang tamang oras para gawin yun, dahil may mas importante pa akong dapat gawin.
Agad na itinulak ng mga assassins ang dalawampung sniper na pumatay sa mga kasamahan ko, mula sa wall rose. nangangatal sa takot ang mga ito ng harapin ako.
Walang ano anoy, gamit ang sariling dagger na ako mismo ang nag upgrade ay ipinaikot ko ito gamit ang galyos. huli na ang lahat, bago pa tuluyang makatakas ang dalawampung, dahil lumipad na ang mga ulo nila, mula sa sariling katawan.
Naligo ang aking katawan ng sariwang dugo mula sa dalawampung sniper ng Wall Rose. Malakas na singhapan at pigil hininga ang naging tugon ng lahat dahil sa ginawa ko.
"bago kayo umaksyon, siguraduhin nyo munamg may ebidensya kayo." walang emosyon kong pangaral sa kanila, saka ibinato ang dagger sa noo ng kausap kong messenger.
"at bago kayo mambintang, siguraduhin nyo munang kaya nyong talunin yung kaharap nyo" galit kong wika.
"may kumokontra ba sa inyo sa pagpatay ko sa dalawanput isang assassins na nasa harapan nyo ngayon?" tanong kong punong puno ng dugo ang muka at buong katawan. Agad namang nagsipag ilingan ang mga aassassins na walang nagawa sa ginawa kong pagpatay sa nga kasamahan nila.
kinuha ko mula sa pagkakabaon sa noo ang dagger ko, saka ako umabante ng lakad. "If you guys are still doubtful about being innocent on my mentors betrayal, let me do you the favor of killing her husband, as a sign of my loyalty to the Dark Claws" saad ko, saka naglakad paalis.