Mr. Enrile

Alas dyis ng gabi ng mag umpisa ang pinaka madugong plano namin so far. Tumawag sa akin ang magkapated na Min at Max. Magkakambal na assassins mula sa commandant ko. Mga loyal na assassins na ako mismo ang pumili at nag promote, tho mas matanda sila sakin.

Palihim naming pinapunta ang mga alipin sa seldang pinanggalingan namin, sakto lamang ang laki ng butas na nagawa namin para sa underground tunnel.

Ngayong gabi ang oras na gagawin naming patakasin sila. Pinauna namin ang lahat ng mga batang alipin, nag umpisa silang magbaybay sa tunnel ika alastres ng hapon kasama ang mga matatanda.

Naging sobrang ingat ng bawat kilos naming lahat, sa plano para walang makahalata.

Ika alas onse ng gabi ng personal akong makakuha ng balita na ipinapatawag daw ako ng isa sa mga pinaka mataas na Elite sa silid nito.

Si Mr Enrile, na syang nagpromote sakin para maging isang ganap na Elite. Bago pa man ako makapunta sa silid nya, ay napansin ko na ang pagmamanman sa aming mga kilos ng isang Full pledge assassin under kay Mr Enrile. Agad kong napansin ang kakaibang kilos nito mula sa malayo, pinupuntirya ang isang alipin na syang inatasan kong mangalaga muna kay baby Hiro. Ipinalabas naming anak nya ang bata, kaya kahit papano ay hindi ito kinakanti ng mga low rank.

Agad kong pinuntahan ang direksyon ng Assassin, saka ito ginilitan ng leeg, gamit ang sariling dagger, saka ako nagdiretso sa silid ng nasabing Elite.

Bago pa man ako magpunta rito ay inatasan ko na ang kambal na tulungang makalikas ang mga alipin. Habang si Josh naman ang pinag operate ko sa malaking Poison Gas machine na ako mismo ang gumawa personally.

Lahat ng mga alipin ay binigyan namin ng gas mask para kung sakaling maabutan sila ay magawa pa din nilang mabuhay.

Umalis lamang ako ng tuluyan ng makita kong nakapasok na sa loob ng tunnel ang aliping babae pati si baby Hiro ng ligtas.

Nang makarating ako sa silid ng nasabing Elite, ay sinalubong agad ako nito ng kanyang malaking ngisi sa labi. Nakasuot ito ng puting roba habang may hawak na wine glass sa kamay.

Nilalaro laro nya ito sa harapan ko, bago uminom ng kaunti rito.

"anong kailangan mo?" walang galang at emosyong tanong ko pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang sa loob ng silid.

"Marahil ay nagtataka ka kung bakit kita ginawang Elite-" hindi nya nagawang tapusin ang sasabihin ng walang emosyon akong sumabat sa ano mang walang kwenta nyang sasabihin.

"hindi ako nagtataka, kase hindi rin naman ako interesado." sabat ko saka nag cross arms.

"drop all the shits, and just be straight forward. Because your waisting my time Mr Enrile." dagdag ko pa na nagpakunot ng noo nya. Halatang naoffend sa sagot ko.

"fine. I know that your hiding Fujiwara's son with you, and letting him live together with that slave.-" hindi na naman sya nakatapos ng sumabat akong muli.

"oh tapos?" walang modo kong tanong sa paraang pinapakitang wala talaga akong interes sa mga pinagsasabi nya.

Nagawa ko pang humikab sa harapan nya pinapakitang inaantok na ako.

Nagbuntong hininga si Mr Enrile, halatang nagtitimpi lang sa akin.

"then I have  a proposal for you." tuloy nya sa sabihin.

"proposal?"  ulit ko sa sinabi nya. Muka namang medyo natuwa sya dahil dito, dahil akala nya ay nagkaron na ako ng interes.

"Yes! Proposal. Kung papayag kang maging asawa ko, at makipag sex sakin ngayon ay sisiguraduhin ko ang pananahimik ko tungkol sa bata. We can even raise the kid and claimed him as yours, kung papayag ka. And I promise to give you the power that you want." mahabang paliwanag nya, pero wala naman talaga akong pake.

At ano daw sabi nya? Pumayag maging asawa at makipag sex sa kanya? Ulol! Asa pa! kadiri! di ako napatol sa lolo no? kumpara sa edad ko, tatay ko na sya, tas nakuha pang harutin ako! Kakilabot ah!

"at paano kung ayoko?" taas kilay kong tanong habang nakasandig sa pader ng silid ng gurang.

"ipapatay ko ang bata, kasama ang mga kaibigan mo. bukod pa dun, ikakalat ko sa buong organization ang pagtataksil mo sa Dark Claws. Im giving you 24 hrs to decide, Rinleigh." nakangisi nyang saad.

"sa ngayon na andon na ang aking personal assassin para gawin yun. at isang maling kilos mula sayo ay ang katapusan ng mga taong mahalaga sayo." dagdag pa nya, na malawak ang ngisi.

Siguradong sigurado na nalamangan ako, not knowing na napatay ko na lahat ng personal assassins nya, bago pa ako makarating dito.

"bakit pa naman kita paghihintayin ng 24 hrs kung pede ko na ngayon sagutin ang tanong mo?" I said while smiling seductively.

I even bit my lower lip, as I lick the side of my lips.

Lumapit ako sa kanya, saka pinaglaro laro ang daliri sa exposed na dibdib nya, na halatang nagugustuhan naman nya.

"why ask for 24 hrs if I already know the answer, and that would be..."  sabi ko na inangkla ang dalawang kamay sa kanyang batok.

"NO." madiing saad ko, saka hinila ang pisi mula sa relo sa may wrist ko, at ipinangsakal yun sa kanya.

sobrang talas ng pising yun na kayang pumutol ng ulo ng tao, kaya ng isakal ko yun, ay automatic na naputol ang ulo ni Mr Enrile.

Nag linis muna ako ng sarili ko bago lumabas ng silid. Sinalubong ako ng nag aalalang muka ni Sean.

"Are you ok? did he hurt you?" sunod sunod na tanong nito na nagawa pang ilagay ang kamay ang dalawang kamay sa may pisngi ko.

"dont worry, you hurt me more than he did." ngising sagot ko saka tinapik ang pisngi ni Sean, na halos magkulay kamatis sa pula.

"s-sorry, is it still sore?" he ask blushing, while looking at me. kaya ako naman ang namula.

"ofcourse! duuuuh! It happened just awhile ago." reklamo ko, saka dali daling iniwanan sya dun na ang lakas ng tawa.

May isang tao pa akong kailangang iligtas. And I promise his safety sa kanyang ama.