Kang Min Jae

Pagdating ko sa kulungang pinaglalagyan ni Kang Min Jae na ginagawang hostage ng Dark Claws para mapasunod ang ama nitong Commander General sa North Korea, ay agad akong sinalubong ng dalawang bantay.

Maya maya pa , ay humahangos na nakarating si Sean. Nang akmang papasok na kami sa loob ng selda, ay agad kaming hinarang ng dalawang bantay.

" i have business with Kang Min Jae. Let us in." maotoridad kong wika, ngunit hindi pa din natinag ang dalawang bantay.

Bagamat parehong natatakot sa aking prisensya, ay nagawa pa den ng mga itong harangan ang aming daraanan.

"Sorry po Ms Rin. Mahigpit pong pinag uutos ni Mr Enrile na bawal ang kahit na sinong bisita. Kahit na ano pa ang ranggo nito." kinakabahang wika ng isa.

"Ganon ba?" walang emosyon kong tanong saka itinarak ang dagger sa noo ng dalawa.

"Problem solve." ngisi kong saad saka kinuha ang susi ng selda ni Min Jae sa gwardyang bantay, at nagdiretso ng pasok.

"RIN!" magiliw na salubong sakin ni Min Jae nang makita ako.

Kilala na nya ako, dahil ako lamang ang nag iisang assassin na nagpakita ng malasakit at kabutihan sa kanya. Pinakita ko sa kanya ang susi na hawak ko.

" im getting you out a here. We already gave notice to your dad." nakangiti kong saad. Saka ginulo ang buhok nya.

Bagamat magkasing tanda kami ni Min ay mas muka kase syang bata sakin. Dagdag mo pa na may pagka isip bata sya, at sweet.

"YEY! finally!" Parang batang turan nito na nagawa pang yumakap sa akin.

Natawa naman ako ng bahagya dahil sa naging reaksyon nya, saka niyakap din sya.

"Ehem!" agaw pansin ni Sean na sinamaan pa ng tingin si Min.

Eto talagang lalaking to! Ubod ng bait, pero ubod din naman ng seloso. Tss.

Nang makita ni Min ang sama ng tingin sa kanya ni Sean ay nginisian nya lang ito saka pinagpatuloy ang pagkakayakap sa gilid ko, saka dinilaan si Sean na parang bata.

Kaya iiling iling na lamang ako, na hinayaan sila dun magsamaan ng tingin. Nakiyakap din sakin si Sean na pilit inaalis ang mahigpit na pagkakayakap sakin ni Min.

"Cant you please take your dirty hands off my girl?" inis na turan ni Sean na pilit pa ding inaalis ang kamay ni Min na parang linta kung makakapit.

"Girl your face! RINLEIGH IS ONLY MINE!" giit ni Min saka mas lalo pang hinigpitan ang yakap sakin.

Nang magsawa si Sean sa pagtanggal ng kamay ni Min ay nakiyakap na din sya.

Nahihirapan na ako mag lakad dahil sa kanila. Kaya nung mainis ako, ay pareho ko silang binatukan.

" quit pestering me before i punch you two in the face" banta ko sa kanila, saka pinagsuot ng gas mask.

Kitang kita na sa paligid ang kulay ubeng usok na bumabalot sa buong base ng Dark Claws. Habang mahimbing na natutulog ang mga assassins ay sya namang aming pag atake. Ang tanging problema na lamang na aming kakaharapin ay ang mga assassins na nagroronda sa gabi. Ngunit hindi na din naman yun ganoong kalaking problema, dahil madali na lamang ito.

Gamit ang bubong na ako mismo ang nagdesenyo, base na rin sa kagustuhan ng mga Elite. Ay nagawa naming gawing parang isang hermit ang buong base.

Ang hermit style sana na hiniling ng mga elite ay para sa effects sa tuwing umuulan, ngayon ay syang aming sandata para kulungin ang nakakamatay na usok mula sa poison ivy gas. Na bumabalot sa buong paligid. Habang naglalakad suot ang nasabing mask, ay kitang kita ng aming mga mata ang sunod sunod na pagbagsak ng lahat ng taong naka mask.

Papunta na sana kami papuntang sasakyan para ihatid si Min sa kanyang ama ng agad na dinamba ako ni Sean.

Huli na ang lahat, dahil natamaan na ng limang magkakasunod na bala si Sean. Sumuka si Sean ng dugo

" i-i love y-you." huling sinabi ni Sean bago bawian ng buhay.

"SEAN!" umiiyak na tawag ko sa kanya, ngunit wala naman nangyare. Dahil wala na sya.

Sobra sobra ang naging galit ko dahil sa nangyare. Sa galit ko, kahit alam kong namatay na mula sa gas ang taong pumatay kay Sean ay pinuntahan ko pa den ito. Saka pinagsasaksak.

Saka lamang ako bumalik sa lugar ni Min habang akay akay ang bangkay ni Sean. Habang umiiyak. Saka pumasok sa sasakyan at inihatid si Min sa kanyang ama.