Sacrifice

JOSH POV

Nasa kasalukuyan kami ng pagtatakas sa mga alipin ng may ingay akong narinig.

"TUMABI KAYO! DAPAT AY HINDI LAHAT, ANG PAGTAKAS! KAYONG MGA NATITIRANG MATANDA! MANATILI NA LAMANG KAYO RITO! Para hindi maging halata ang pagtakas namin!" sabi ng isang nasa mid 30's na lalake, habang pilit itinutulak palayo sa may selda ang mga matatanda.

"ALIS! Magpaiwan nalang kayo rito!" dagdag nya pa na nagpa init ng ulo ko.

Lalapitan ko na sana ang limang lalaki na naggagawa ng gulo ng lapitan sya ng kambal.

"bakit ka pa namimili? Bakit kaya hindi na lang kayong lima ang magpaiwan dito? Tutal kayo naman ang nakaisip?" kunot noong turan ni Max.

"bakit kami? Malalakas pa naman kami! Isa pa, hindi nyo ba naisip? Kapag nagkaron ng stumped sa loob ng tunnel, ang kaunaunahang dahilan non ay dahil sa mga uugod ugod na mga gurang na yan! Hahahha" nakakapang insultong wika ng isa pang lalaki na nakikitulak din sa mga matatanda.

Walang ano anoy, ng kinuha ni Min ang sariling dagger at pinagsasaksak ang lima.

" may kumokontra ba sa ginawa ko? " maangas na tanong nito sa mga nagsisiusyosong mga alipin.

"simple lamang ang utos samin ng aming Wall Sina. At iyon ay ang mapatakas ng ligtas ang lahat ng alipin dito sa impyernong ito. Ngayon kung may problema kayo dun. Magpaiwan nalang kayo dito!" galit na dagdag pa nito, saka muling namigay ng mga gas mask sa mga alipin.

Nang pumatak ang alas tres ng umaga, nagsimulang itaas ang cylinder na bubong na nagpamuka ritong isang tunay na hermit mula sa mga bakod, nagsimulang kainin ng kulay ubeng usok ang paligid. Isang simbulo na nag uumpisa na si Rin sa last mission namin.

Nanatiling kalmado ang lahat sa umpisa. Maingat ang bawat isa sa kanilang kilos ng biglang nagkaroon muli ng kaguluhan sa may bandang likod.

Nagliliyab ang mga boxes ng gas mask. Habang sa di kalayuan ay naroroon ang grupo ng mga assassins mula sa Wall Maria at Wall Rose commandant, suot ang gas mask na inihanda  namin para sa mga alipin. Habang pinapuputukan ang mga alipin na hindi pa nakakapasok sa tunnel.

Pano nila nagawang makakutob sa plano? Inihanda ko ang sariling baril, saka gumanti rin ng putok ng baril sa kanila, na syang ginawa rin naman ng kambal.

Tumambling ako, papunta sa may gilid, at gamit ang dalang bomba ay binato ko ito sa dereksyon ng mga kalaban, saka nagpaputok rin.

May mga assassin galing sa Wall Maria ang sumugod sa amin, kaya napilitan kaming makipag laban.

Nasipa ako sa bandang tyan, ng subukan kong paputukan din ang mga Wall Rose na bumaril sa may bandang likod at binti ko.

Nang makita kong marami na rin ang tama ng kambal ay balak ko din sana ang mga itong tulungan, ngunit papunta palang ako ng marinig ko ang boses ni Max mula sa ear piece  na suot ko.

"Josh! Go! Hindi na rin kami tatagal ng kakambal ko! Iyakap mo nalang kami kay boss pagkakita mo!" hirap ang pagbigkas na wika nito, marahil dahil sa dami na ng tama nya.

"I agree with Max! Save yourself together with the other slaves! Pasasabugin na namin ang buong impyernong ito!" dagdag naman ni Min.

Nakita kong kapwa na sila may hawak na mga bomba sa kanilang mga kamay. Nakaopen na din ang time bomb sa katawan nila na hindi ko napansing sinuot pala nila.

Parehong magaling sa paghawak ng bomba ang kambal kaya naman hindi na nakakapagtakang ang resolve nila sa ganitong sitwasyon ay ang pagsabog rin.

Kaya naman labag man sa aking kalooban, ay pikit mata kong itinalikod sa kanila ang aking sarili saka pumasok narin sa tunnel, kasama ng iba pang mga alipin.

Makalipas lamang ang ilang sandali, ay naramdaman na namin sa loob ng tunnel ang malakas na pagyanig ng lupa. Kasabay nito ay ang malakas na pagsabog mula sa taas...

"paalam. Min, at Max! " lumuluha kong turan saka nagsimulang humakbang papalayo.