Multiverse Madness

**Flashback**

— Callum's POV —

Mapayapa,ang sarap sa pakiramdam panoorin ang pag-lubog ng araw, kasama si Leros. Hawak ko ang kaniyang kamay at magkatabi kaming nakatingin sa kawalan. Ipinahinga ni Leros ang kaniyang ulo sa aking balikat at mahinang bumulong sa aking tainga, "mahal kita Callum."

Ang mga salitang iyon, ang mga salitang iyon ang mga salitang kailan man ay hindi ko pagsasawaang pakinggan. Nilaro ko ang kaniyang buhok bago siya tinugon, "mahal din kita Leros."

Napatawa ako nang mahina at tsaka bigla siyang tinanong, "para sa 'yo, ang nga ba talaga ang pag-ibig?"

Nilingon niya ako at isang ngisi ang puminta sa kaniyang labi, "ikaw muna, bago ako," sagot niya.

Umiling akong parang bata pamimilit na ayaw kong sagutin. Natinag ako sa aking ginagawa nang inilapat ni Leros ang kaniyang labi sa akin, "dali na!! ikaw na muna," saad niya sa akin at tsaka hinawakan ang dalawa kong kamay.