Multiverse Madness II

- Paul's Point of View -

Maaga akong nagising dahil sa alarm ng aking telepono. Mabilis ding bumangon upang maligo,tinignan ko ang kabilang kama, wala na roon si JD. Siguro ay nasa banyo na ito at naliligo.

Pinakiramdaman ko ang buong k'warto at tama nga ang hinala kong naliligo na si JD. Huminga ako ng malalim at muling nahiga sa kama. Pumasok sa isip ko na, kung manood kami ni JD sa bus, hindi ako siguradong matatapos namin iyon.

Puwedeng sakto namin iyong matapos pagdating sa airport. Puwede rin namang hindi, siguro ay sa eroplano na lamang namin itutuloy. Ang tanong, puwede ba?

Napabangon ako nang marinig ang pagbukas ng pinto ng banyo. Bumungad sa akin si JD na nakabihis na. Ang guwapo niya habang tinutuyo ang sariling buhok.

Nginitian ko siya tsaka bumati," good morning."

Tumango ito,"good morning," saad niya, "ligo ka na."