Multiverse Madness III

- Paul's Point of View -

Nang makarating kami ni JD sa lamesa ay hindi ko napansin na magkahawak-kamay pa rin kami. Dahilan para bigla na lang tumili si Jammy.

"OH MY GOD!!!! SIR SALVADOR!!!" Tili niya dahilan para hilahin ko na ang kamay ko.

Bakit nga ba hindi ko napansin.

"OH MY GOD! OH MY GOD!!!" Malakas na sigaw ni Jammy. Gumalaw pa ito na para bang kinikilig na hindi mo maintindihan.

Dumako ang aking paningin kay Clarisse na halatang inis na inis na kay Jammy. Tinakluban niya ang kaniyang tainga gamit ang kamay.

Nagtama ang mata namin ng lalaking nabangga ko kahapon. Blanko at walang sinasabi ang kaniyang mga mata. Isa sa mga nakasanayan ko kasi ay ang basahin ang ekspresyon ng isang tao sa pagtingin sa kanilang mga mata.

Wala akong mabasa o makita man lang sa kaniyang mata ngayon. Nakatitig man siya sa akin ay hindi ko alam kung ano ang gusto niyang iparating.