Multiverse Madness IV

**Flashback**

Nakatayo ako ngayon sa gilid ng tulay ng Camugao. Ang usapan namin ni Ally ay dito kami magkikita, ngunit dalawang oras na wala pa rin siya. Bumigat ang loob ko, huling araw ko na rito ay hindi pa rin niya ako balak siputin.

Buong akala ko ay, magiging maayos pa kaming dalawa matapos ang nangyari. Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga at tsaka kinuha ang aking telepono mula sa bulsa. Hindi sinasadya ay kasabay ng pagkuha ko sa aking telepono ay nahulog mula sa aking bulsa ang liham ni Paul.

Hindi na bago na bigla siyang pumasok sa aking isipan. Hindi ko alam kung bakit at paano, ay biglang gumaan ang aking loob nang pumasok siya sa aking isipan.

Napailing at naisipan na lamang bumalik sa hotel. Nang makarating sa hotel ay ang una kong tinungo ay ang hardin, upang ipahinga ang aking isipan. Puminta ang isang ngiti sa aking labi nang makita kung sino ang bumungad sa akin- si Paul.

**End of Flashback**