Multiverse Madness VI

— Paul's POV —

Hindi ko alam kung bakit, o paano. Pero hindi ko kayang magalit nang ganoon katagal kay Brylle. Kusang umangat ang aking kamay at mahigpit siyang niyakap.

Ramdam ko ang sinseridad sa kaniyang paghingi ng tawag at sa kaniyang kayap. Marahana akong kumawala sa kaniyang pagkakayakap at nginitian. "Huwag mo na ulit uulitin 'yon ha?" ngumiti siya at tumango.

"Opo boss," sagot niya sa akin at pabirong sumaludo.

"Ang tagal mo kong pinaghintay tapos nauna ka na pala rito. Hmp." 

"Sorry ulit ha, babawi na lang ako sa 'yo." saad niya sa akin.

"Paano ka naman babawi hmm?" tanong ko sa kaniya.

"Yakapin kita!" tinulak niya ako sa kamay at mabilis siyang tumabi sa akin at kinulong ako sa kaniyang bisig.

"Brylle ano ka! Para kang bata oy ang higpit!!" Sinubukan kong kumawala ngunit ang higpit ng pagkakakulong niya sa akin.

"Shhh, babawi ako sa 'yo. Payakap na!!"

"Yakap mo na ako oh, ano ba ang sikip Brylle!"