Multiverse Madness VII

— July 03, 2018 —

Bulong ng mga estudyante mula sa Paxton University ang maririnig sa bawat sulok ng Tuazon's Home of Art. Ang isa sa mga kilalang art museum sa bansa, na matatagpuan sa Kabankalan, Negros Occidental.

"Any questions?" tanong ni Miss Soleil Velasquez sa mga estudyanteng nakatayo ngayon sa harapan niya.

Nagpakawala siya ng isang buntong-hininga. Pansin niyang karamahihan sa mga ito ay hindi nakikinig. Nilibot niya ang kaniyang mata sa mga estudyante, tumama ito sa isang binatilyong nakasalamin— si Paul Alcantara.

Isang ngiti ang puminta sa kaniyang labi nang mapansin kung saan nakatingin ang binata.

"Ang Vuelve a Casa," saad ni Soleil nang marating ang kinatatayuan ng binata.

"Hmm, ang ganda," tugon ng binata sa kaniya.

"Want to know a story?" Soleil asked.

A chuckle escaped Paul's mouth then turned his gaze to Soleil. "Sure po ma'am."