The Endless

Nakuha bigla ang atensyon ng buong pamilya ng makita nila ang anak ng Mayor- si Callum.

"Magandang gabi po, pasensya na po kung ginabi na si Leros, inaya ko po kasi siyang mag hapunan sa amin, huwag po kayong mag alala nag dala po ako ng pagkain," paliwanag ni Callum at tinapik naman siya ng Ina ni Leros.

"Nako po, wala iyon, ang mahalaga, nakauwi na ang anak ko, maraming salamat ha," saad ni Mylene. 

"Gabi na rin ah, maganda sigurong mauna ka na," saad ni Leros.

"Nag sabi na ako sa Ama ko, sa iyo nalang," sagot ni Callum ng may ngiti sa labi.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Leros sa binata.

"P'wede po ba akong makitulog ngayong gabi sa inyo, tita?" tanong ni Callum sa nanay ni Leros.

"Ay nako, p'wede naman pero ayos lang na sa iisang kwarto lang kayo ni Leros?" tanong ng ginang kay Callum.

"Opo, ayos na ayos lang," sagot ni Callum.