Void

- Paul's POV -

Nabalot kaming dalawa ng katahimikan, walang kibuan o kung ano man. Hanggang sa makarating kami sa building ni Dad. Pag pasok sa elevator ay binasag ni Brylle ang katahimikang bumalot sa aming dalawa.

"I'm sorry," sinsero niyang bulong sa akin.

"Hmm?" nilingon ko siya, "for what?" I asked.

"I just feel sorry," sagot niya, "ang tahimik mo. I don't like it."

"Sorry," saad ko.

"For what?" he asked.

"I just feel sorry," sagot ko at tsaka nginitian siya.

Parehas kaming natawa. "You're driving me crazy Paul," ani Callum at tsaka umiling.

"Ewan ko sa 'yo," tugon ko tsaka rin umiling.

Nang makalabas sa elevator ay sabay naming tinungo ang office ni Dad. Papunta sa office ni Dad ay nakasalubong namin ang kaniyang secretary na si Mr. Alonzo. 

"Paul," bati niya sa akin at tsaka tumigil sa paglalakad.

"Mister Alonzo," bati ko at tsaka tinanguan siya.