Imp

— Paul's Point of View —

Parang pinipiga ang puso ko, pagkatapos kong basahin ang liham na isinulat ni Callum. Ganoon pala kasakit ang magmahal? Napatingin muli ako sa Vuelve a Casa.

"Miss, if you don't mind my question, may kilala po ba kayong matanda? Uh, about 60 years old po siguro?" Tanong ko kay Miss Soleil.

"Bibihirang may pumuntang matatanda rito," sagot niya, "iisa lang ang matandang nandito usually, and she's my lola, baka siya yung nakita mo."

Lola siya ni Miss Soleil? Nagtama ang aking kilay at iniwas ang tingin kay Miss Soleil.

"Hmm, may problema ba?" tanong niya sa akin.

"Ah eh, wala naman po miss. Nakasalubong ko lang po kanina." Sagot ko at nginitian siya.

Tumango na lamang si Miss Soleil at nag paalam na sa akin. Matagal kong pinagmasdan ang kuwadro. Hindi pa rin mawala sa aking isip ang nasa liham ni Callum.