Kabanata 44: Rain

Samantala....

Sa kaharian ng Exolorus....

Habang nagsusulat si Sylvia at may binabasa si Ereña sa opisina ni Sylvia...

Creak!!!

Kawal *lumuhod* Kamahalan, may nanggugulo po na hydra sa may palengke

Sylvia *napahinto* Ipadala ninyo doon ang hukbo natin para mapigilan ang hydra sa panggugulo

Kawal *tumayo't yumuko* Masusunod po! *umalis*

Ereña *sinara ang librong binabasa* Kamusta na kaya doon sina Kuya??, okay lang kaya sila doon??

Sylvia: Malamang ay oo, alam mo naman na sinlakas ng toro yung mga kapatid natin lalo na Si Zilpher, mas mabagsik at matapang pa yun kaysa sa mga leon.

Ereña: Hindi ka ba nag-aalala??

Sylvia: Nag-aalala din siyempre, gabi-gabi ko ngang iniisip kung nakakain ba sila ng maayos dun pero may tiwala ako sa mga kakayahan nila. Isa pa, ang daming iniwan dito na papeles at tambak-tambak na gawain ni Zilpher dito, Hayyssss!!!, hindi na ako matapos *napabuntong hininga*

Ereña: Hahaha!!!

Ngayon ay balik na tayo sa kanina....

Nakauwi na rin sa wakas ang hukbo ni Zilpher sa may hotel ngunit sa kanilang pag-uwi....

Binuksan ang pinto.....

Gusano: Ano ang nangyari dito??!!

Zilpher (Bakit ang gulo-gulo at ang daming sirang bagay at bubog ang nakakalat sa paligid)

Pagkatapos ay may taong sugatan na nagpunta sa kanila at nawalan ng balanse nang dahil sa sobrang panghihina.

Gusano *sinalo ang taong nanghihina* Ano ang nangyari dito?!

Tao *tumingin kay Gusano* Sinugod kami ng mga halimaw dito, Ahh!!! *nahimatay*

Gusano't Zilpher (Si Selena!!)

Gusano: Puntahan mo na siya, Kamahalan

Zilpher *tumango't umakyat ng hagdanan* (Sana ligtas ka, Selena!)

Pagkatapos....

Zilpher *binuksan ang pinto* !!!!

Nakita niyang nakahandusay si Heraldo sa may lapag kaya tinignan niya ang pulso nito.

Zilpher: !!!! (Pa-patay na si He-heraldo?!) Hindi maaari ito, Tsskkk!!! (Patawad aking kaibigan, nahuli ako ng dating).

At paglingon niya ay may nakita siyang kalansay sa may gilid.

Zilpher: !!!!

May nakita siyang espada sa tabi nito...

Zilpher *dinampot ang espada at binasa ang nakasulat na pangalan sa may espada*

"Ismael",

Zilpher *tumingin sa kalansay* (Siya yung batang mandirigma na iniwan at pinanatili ko dito kasama ni Heraldo upang bantayan ng maigi si Selena) ....

Bang!!!

Gusano: Hah! hah! *hinihingal* !!!

Nakita niya ding nakahandusay si Heraldo sa lapag at isang kalansay.

Zilpher *umupo sa gilid ng kama*

Gusano: Huwag mong sabihin sakin na-na.... *naiiyak*

Zilpher: Patay na Si Heraldo at yung isang mandirigma na iniwan ko dito. Higit sa lahat, tinangay ng mga halimaw si Selena.

Gusano *napaluhod* Heraldo.... *umiyak*

Zilpher *hinawakan ng mahigpit ang kumot* (Ipaghihiganti kita Heraldo pati mga magulang mo!) Babawiin din kita Selena mula sa kanila! *determinado*

Samantala....

Sa panaginip ni Selena.....

Nefertirani *hinawakan ang mga balikat ni Selena* Makakalimutan mo ang lahat ng nangyari dito at babalik ka sa iyong pinanggalingan ngunit maghahasik ka ng lagim doon. Pagkatapos ay kapag kinailangan na kita ay muli mong maaalala ang mga ginawa ko't tinuro sayo dito at wawasakin ang buong mundo nang sa gayon ay tayo ng mga halimaw ang tanging maninirahan dito sa mundong ibabaw. Pagkatapos ay.....

Selena: Opo, Master

Nefertirani *pumitik ng tatlong beses* Ngayon ay umalis ka na *ngumiti ng nakakatakot*

Selena *nagising* (Ano yung mga huling sinabi niya bago siya pumitik ng tatlong beses??, bakit hindi ko pa din yun maalala??)

Pagkatapos ay tinignan niya ang kanyang paligid....

Selena: !!! (Bakit na naman ako nandito sa lugar na ito??!!) at nakakadena na naman *pabulong*

???: Long time no see, Selena *sinuot ang tinanggal niyang guwantes kanina*

Selena: Ikaw yung halimaw na nagngangalang Hilama na may nilagay na kung ano sa loob ng katawan ko.

Hilama: Ako nga, ako ang naglagay ng itim na mahika't bato ni Icarus sa loob mo.

Selena (Ang sinabi mo sa akin noon ay ikaw yung taong pumili kay Aerielle upang maging susi ninyo nang makita't masilayan mo ang kagandahan niya sa isang tindahan noon ngunit nung binalak ninyo siyang kunin ay napigilan ko kayo pero ang kapalit ay ako yung pinag-eksperimentuhan ninyo imbis na Aerielle!) *galit na ekspresyon*

Hilama: Oh, bakit parang galit ka??, dapat nga eh matuwa kang makita ang mga Master mo. Ngayon na lang nga tayo nagkitang muli tapos ganyan ka pa *ngumiti*

Selena: Hindi ko kayo mga Master at lalong hindi ninyo ako mapapasunod!

Napansin ni Hilama na lumiliwanag ang pulseras na suot ni Selena.

Hilama: Kaori, pumunta ka dito!

Kaori: Bakit, Hilama??

Hilama: Sa nakikita mo naman Selena, si Kaori ay kalahating lunarian at kalahating taong ahas. Kaori tignan mo nga kung anong mayroon doon sa pulseras na suot ni Selena sa kanyang kamay.

Kaori: Sige *hinawakan ang suot na pulseras ni Selena*

Samantala.....

Zilpher: Kailangan natin magplano kung paano natin mababawi si Selena

Gusano: Oo nga't kailangan din natin maipaghiganti ang pagkamatay ni Heraldo't Ismael! *nanggigil*

Ngayon, balik na tayo kina Selena....

Kaori: Ang pulseras na suot ni Selena ang pumipigil sa paglabas ng tunay na kapangyarihan ni Selena't itim na mahika na itinanim natin noon sa loob niya't puso.

Hilama: Saan nakuha yan ni Selena??

Kaori: Binigay sa kanya yan ni Rain

Hilama: Ah yn yung pangalan ng paring pinatay noon ni Eliza

Selena: Pinatay niya ang aking guro?!

Hilama: Oo kasi ang pakilamero't madami na siyang nalalaman

[Pagbabalik-tanaw]

Pumunta si Rain sa silid-aklatan ng templo.

Rain *tumingin sa mga libro* (Baka may mahanap ako na may koneksiyon sa nangyayari kay Selena ngayon)

Biglang may napansin siyang libro na nagliliwanag.....

Rain *kinuha ang libro mula sa pinaglalagyan nito at binasa ang pamagat ng libro* "Tomb of the Secret Graves."

Pagkatapos ay umupo si Rain at binasa itong maigi.

Hanggang sa....

Rain *sinara ang libro* (Si Selena ang reinkarnasyon ni Calla ngunit bakit mas napiling dukutin noon si Aerielle kaysa kay Selena??, baka hindi nila alam na Si Selena ang reinkarnasyon ni Calla) Kailangan ko ding matanggal sa katawan ni Selena ang itim na awra na nagmumula sa puso niya nang sa gayon ay maisakatuparan na niya ang itinakdang tadhana para sa kanya ng Diyos.

Pagkatapos ay may naramdaman siyang hindi maganda.

Rain (Bakit pakiramdam ko ay may mangyayari na hindi maganda??)

Kaya naisipan ni Rain na buksan muliang libro at punitin ang mga importanteng pahina at lahat ng bagay na may kaugnayan kay Selena at inilagay ito sa bote.

Rain *tinakpan ang bote*

Pagkatapos ay may dumating na isang batang chosen one sa silid-aklatan.

Rain *ngumiti* (Mukhang tinutulungan ako ng Diyos) Yin, halika dito *medyo mahinang boses*

Yin *lumapit kay Rain* Bakit po?? *mahina ang boses*

Rain: Maaari mo bang dalhin na ngayon ang bote na ito sa bahay ninyo at itago? *medyo mahina ang boses*

Yin *tumango*

Rain: Kapag may nagpunta sa bahay na isang babae na nagngangalang Selena De Lolce ay ibigay mo ito sa kanya *medyo mahina ang boses*

Yin *tumango't umalis*

Muling umupo si Rain sa kanyang upuan at hinawakan ang libro ng maigi

Lumipas ang dalawang oras....

Biglang may sumugod na mga halimaw kay Rain.

Rain (Tama nga ako sa aking kutob)