Kabanata 46: Itim na Paro-Paro

Nang malapit ng maubos nina Zilpher ang grupo ng mga Jelly Monsters ay may biglang dumating na grupo Ng mga lycans na kasama si Hilama.

Zilpher: Tsskkk!!!

Gusano: Nailikas na namin ang mga sibilyan, Kamahalan!

Zilpher: Mabuti kung ganun, sabihin mo sa mga kasama mo na sumama sila dito't makipaglaban na kasama natin.

Gusano: Sige po! *yumuko*

Maya-maya....

Zilpher: Sugod!!!

Mga Kawal: Yaahhh!!!

Lycans *growl, growl!*

Hilama: Yaahhh!!!

Sa kanilang paglalabanan ay bigla silang may naramdaman na lindol sa kanilang inaapakan.

Zilpher *tumingin sa sementong inaapakan niya* (Bakit yumayanig bigla ang lupa't nabibiyak ang mga bato??)

May dumating na isang babae na may pulang mga mata at kulay itim at mahabang buhok, may kasuotan na maihahalintulad sa isang valkryrie ngunit ang kanyang baluti, pakpak, at kalasag ay kulay itim, ang kanyang espada ay gawa sa pilak at pinapalibutan ito ng itim na mahika, at ang buong katawan niya ay pinaliligiran ng mga itim na paro-paro. Lahat din ng madaanan niya'y mawawasak, ang buong paligid niya'y nagiging kulay itim at itim, namamatay ang mga halaman, at nagbibitak-bitak ang lupang inaapakan niya.

At nang dahil dito ay huminto ng panandalian ang dalawang magkaibang kampo sa paglalabanan.  Lumuhod din ang mga halimaw sa pagdating ng babae.

??? (Mukhang makapangyarihan nga ang nagmamay-ari ng katawan na ito) Gusto ko ang bago kong kapangyarihan at maging akin ng tuluyan ang katawan na ito *binukas-sara niya ang kanyang kanang kamay*

Zilpher *napatitig sa babae*

Isang sa mga Lycan *growl, growl!!* at sinugod si Zilpher sa bandang kanan nito ngunit tinusok ito ni Zilpher sa may puso nito nang hindi man lang siya tumitingin sa lycan na sumugod sa kanya at ito ay sinipa niya palayo sa kanya.

Isa sa mga Lycan: Aw! Aww!!

Gusano: S-si Se-selena ba yu-yunn??!!!

Zilpher: Mukhang nabigo ako na mapigilan ang isa sa mga kinakatakutan ko (Ang mapasakamay at makontrol ng mga halimaw ang iniibig ko na babae).

???: Sino sa inyo si Zilpher Farley?? *ngumiti ng nakakatakot*

Hilama *itinuro ang lalaking may kulay na pilak na buhok at berdeng mga mata* Siya!, Prinsesa Ireña

Gusano: Ano??!!!, Ireña??!!! pero siya si Selena!, nag-iba lang ang pananamit niya't kulay ng buhok at mga mata

Hilama: Prinsesa, patayin mo na sila!

Ireña *tinitigan si Hilama at tinapatan  ng espada ang leeg nito* Alam ko ang gagawin ko, wala kang karapatan na utusan at pangunahan Ako

Hilama *napalunok* Si-sige, Pri-prinsesa!, Hin-hinddiii na mauuulllitt po it-itong mulii

Ireña *binaba ang espada*

Hilama: Hooh! (Muntikan na ako doon ah) *pinunasan ang tumulong pawis sa kanyang noo gamit ang kanyang kaliwang braso*

Ireña *nilapitan si Zilpher* Hinahamon kita sa isang dwelo, Zilpher *tinapatan niya ng kanyang espada ang leeg ni Zilpher*

Gusano: Ano ang ginagawa mo, Selena?!, Si Zilpher yan!, yung taong minama---

Bago pa lamang matapos ni Gusano ang kanyang sasabihin ay bigla itong pinutol ni Selena.

Ireña *tumingin sa mga mata ni Gusano* Mukha bang ako Si Selena?? *ngumiti ng nakakatakot*

Gusano: Tsskkk!!!

Ireña *tumingin kay Zilpher* Ano, pumapayag ka ba, hari ng Exolorus??

Zilpher: Ano ang kondisyon mo para sa dwelong ito??

Ireña *binaba ang espada* Kapag nanalo ka, lilisanin namin ang buong lugar na ito at kahit na kailanman ay hindi na namin kayo gagambalain ngunit kapag natalo ka, siyempre ay mamatay ka't pagmamahalan ko ang buong bansa ninyo pati ang palasyo.

Zilpher: Pumapayag ako sa kondisyon mo, atin ng simulan ang dwelo sa pagitan nating dalawa.

Gusano: Kamahalan?!

Zilpher *may binulong kay Gusano* Huwag kang mag-alala, may plano ako

Naalala ni Zilpher ang sinabi sa kanya noon ni Diyosa Callista...

Callista: Kapag nangyari yun ay kailangan mo lang ipaalala kay Selena kung sino ba siya talaga't pinanggalingan niya para makalaya siya mula sa pangongontrol ni Nefertirani sa kanya.

Zilpher (Gagawin ko ang lahat para bumalik ka sa piling ko, Sel)

Nagbigay ng malaking espasyo't distansya ang parehong kampo ni Ireña't Zilpher upang makapaglaban ang dalawa ng maayos.

Inunat ng dalawa ang kanilang mga balikat at tiyaka nila hinawakan ng maayos at mahigpit ang kanilang mga espada. Ipinosisyon nila ng tama ang kanilang mga katawan. Pareho silang naghahanda sa pag-atake't pagdepensa. Unang umatake si Zilpher at dinepensahan naman itong maigi ni Ireña.

Zilpher: Yahh!!!

Clang! Clang!!!

Ang kanilang mga espada ay nakabuo  ng malaking hangin na kung saan ay kumalat ito sa buong paligid nila.

Habang nagdwedwelo sila ay naglalaban ang kampo ni Zilpher at mga halimaw.

Hilama: Yaahhh!!!

Gusano: Yaahhh!!!!

Hanggang sa tumindi ang paglalabanan nina Ireña at Zilpher. Makikita ninyo silang nagsasayaw sa ere habang hawak ang kanilang mga espada na kung saan ay muli silang nakabuo ng malakas na hangin sa buong paligid. Habang naglalabanan sila ay kwinekwentuhan ni Zilpher si Selena tungkol sa mga nangyari noon sa kanila at pagkatao ni Selena

Zilpher: Mayroon kang dalawang kapatid at katulad mo ay may kapangyarihan at maganda din sila. Ang pangalan nila ay Aerielle at Aella *ngumiti*

Ireña: Tsskkk!!!

At nagpatuloy ang ganung pangyayari sa kanilang dwelo.

Zilpher: Naalala mo ba yung sinabi mo sa akin noon sa kagubatan na malapit dito??

[Muling Pag-alala ng mga nangyari sa nakaraan]

Zilpher: Nakita mo...., nakita mo ba akong magpalit ng anyo kanina?! (Nakita mo ba kung paano ako magpalit ng anyo mula sa pagiging halimaw hanggang sa normal kong anyo o bilang isang tao?!) Tsskkk!!!! *umiyak*

Selena: ....

Zilpher: Ngayon na alam mo na ang nakakadiri kong sikreto...., iiwan mo na ba akong tuluyan at lalayuan na panghabang buhay, Selena??

Selena: Hindi ko magagawa iyon sapagkat Mahal kita, Zilpher Farley at wala akong pake sa itsura't o kung nagiging halimaw ka man!!

Pagkatapos ay napunit ng kaunti ang pareho nilang mga damit at muntikan ng matapatan ni Selena ang leeg ni Zilpher ngunit ito'y naiwasan ni Zilpher at nasanggi niya ito gamit ang kanyang espada.

-----------------------------------------------------------

Ireña: Urgghhh!!! (Ang sakit ng ulo ko!) Tumigil ka na sa pagkwekwento mo na wala namang kinalaman sa akin *nanggigil kay Zilpher*

Zilpher (Hindi ako titigil hangga't hindi ka nabalik sa piling ko!) Ayoko nga *ngumiti na nakakapang-asar

Ireña: Aahhh!!!!

Zilpher: Tapos.....

Ireña (Ang sakit-sakit na ng ulo ko, parang nahihilo na ako) *nabitawan ang espada*

Bumaba sina Ireña at Zilpher sa may lupa.

Ireña *hinawakan ang ulo* Tsskkk!!

Zilpher: Selena, maayos na ba ang pakiramdam mo ulit?? *binaba ang espada*

Unti-unting nagiging asul ang mga mata ni Ireña ngunit....

Ireña (Hindi!, hindi ako papayag na makontrol mong muli ang katawan mo, Selena!) *kinagat ang hinlalaking daliri ng kanyang kanang kamay*

Kaya nagdugo ito at muling naging pula ang mga mata ni Ireña, tapos ay dinampot niya ang kanyang espada.

Ireña: Katapusan mo na, Zilpher, Yaahhh!!! *sinugod si Zilpher*

Ngunit nailagan ito ni Zilpher...

Zilpher: Mahusay! *ngumiti* Gumagaling ka na sa paghawak ng espada, Selena

Ireña (Zip?!) *nagiging kulay asul ang mga mata niya ulit* (Hindi!!!) *naging pula ulit ang kanyang mga mata* Tsskkk!!! (Kailangan ko ng matapos kundi makokontrol na naman ulit ni Selena ang katawang ito!)

Ngunit napatalsik ni Zilpher ang espada ni Ireña sa ere't napunta ito sa malayo.

Ireña: Hindi maaaring mangyari ito! (Natalo ako ng isang hamak lamang na tao na may kaunting kapangyarihan?!) .....

Zilpher *tinapat ang espada niya sa may leeg ni Ireña* Panalo na ako, Ireña *ngumiti ng nakakatakot* Umalis ka na ngayon din! sa katawan ni Selena!

Ireña *ngumiti na nakakabanas* Ngunit wala yan sa pinagkasunduan natin, Zilpher

Zilpher: Tsskkk!!!

Ireña: Dahil natalo mo ako ay aalis na kami ng aking mga alagad

Zilpher: Hindi!, hindi ako makakapayag na umalis ka habang nandiyan ka sa katawan ng minamahal kong babae!

Ireña: Kung ganun ay kailangan mo akong patayin para tuluyan akong naglaho sa katawan na ito ngunit mamatay din si Selena na kasama ako, Hahahah!!!

Zilpher: Tsskkk!!!