Clara's POV
"Clara, Clara," tawag niya sa akin habang ako ay tinatapik. "Kuya Matthew, teka anong nangyari sa akin?" tanong ko sa kanya. "Huh? May nangyari ba sayo? May masakit ba sayo?" sunod-sunod niyang tanong. "Ang naaalala ko po habang papunta po ako dito sa kwarto ko bigla na lang pong sumakit yung sintido ko. Sobrang sakit po niya tapos nahimatay na po ako," kwento ko. "Mukhang nangyayari na naman" bulong ni kuya. "Bakit kuya? Nangyari na po ba sa akin toh?" tanong ko. "Wala siguro napagod ka lang niyan or baka gutom ka na, kaya bumaba ka na doon at kakain na tayo ng dinner," sabi ni kuya bago siya umalis.
"Siguro nga pagod lang ako, hayyyy tumatanda ka na Clara tsk tsk tsk," sabay kamot ng ulo.
Matthew's POV
Tama ba yung narinig ko? Umuulit na naman ba ang nangyari noon? Habang pababa ako ng hagdaan ay iniisip ko ang sinabi sa akin ni Clara. Sa labis kong pag-iisip hindi ko namalayan na nabunggo ko na pala si Nathan. "Kuya Matthew tumingin ka naman sa dinadaanan mo, muntik ko ng matapon tong ulam eh," sabi niya. "Sorry Nathan," maikli kong sagot dahil iniisip ko pa rin ang sinabi ni Clara.
"Kuya ayos ka lang? Bakit ka nakatulala diyan?" tanong ni Nathan. "Wala," simple kong sagot bago pumunta sa aking upuan. Kahit habang kumakain ay nakatulala pa rin ako. "Kuya Matthew ayos ka lang?" tanong ni Clara. "Ayos lang si kuya huwag kang mag-alalaa may iniisip lang sa project namin," pagsisinungaling ko. Tinitigan ko muna si Clara ng matagal. Sana hindi mo na harapin yung nangyari sayo dati.
Kian's POV
Masaya akong umuwi ng aming bahay matapos kong ihatid si Clara. Nag-tricycle na lang ako dahil malapit na rin naman yung bahay namin. Ang cute niya lalo na kapag natutulog... Napangiti na lamang ako nang maalala ko ulit ang mga kataga na iyon. "Ang cute ko pala," bulong ko sa aking sarili. Oo, tama kayo naparinggan ko yung sinabi ni Clara kanina. Since yung isang tainga ko ay walang earphones kaya narinig ko iyon. Hindi ko lang pinahalata sa kanya para hindi kami maging awkward. "Shet Clara ano bang ginagawa mo sa akin? Nagiging baliw na ako dahil sayo. Ngiti na rin ako ng ngiti kahit wala namang dahilan.
"Nandito na po tayo," sabi ng driver. "Ah salamat po manong. Ito po yung bayad ko," sabay abot ng bayad. Pumasok na ako sa bahay ng may ngiti sa aking labi. "Aba iba yata ang saya ng bunso natin ah, anong nangyari?" tanong sa akin ni kuya Jason. "Ahhh ano nakasali po kasi ako sa isang banda. Nandoon rin po si Clara," paliwanag ko.
"Yun ba talaga o si Clara talaga yung dahilan ng pagngiti mo? Halatang-halata eh, ang pula ng mukha mo," tanong niyang muli.
Hinawakan ko ang pisngi ko ng maramdaman kong umiinit ito. Shet... Bakit na naman ako namumula? Napailing na lamang si kuya Jason sa akin. "Oh anak nandiyan ka na pala Dito oh mag-meryenda muna kayo," yaya sa amin ni mama. Umupo kami ni kuya at kumain ng hinanda ni mama. "Ano yung pinag-uusapan niyo kanina at inaasar mo na naman yata tong kapatid mo?" tanong ni mama.
"Nakangiti kasi siya mama kanina nung pumasok, tapos tinanong ko kung anong meron sabi niya po nakasama siya sa isang banda. Mas lalo pa po siyang ngumiti nung sinabi niya yung pangalan ni Clara," paliwanag ni kuya. "Kaya naman eh," nahihiya kong sinabi. "Totoo ba yun anak? Kasama ka na sa isang banda?" tanong ni mama. "Opo ang saya ko nga po mama unti-unti ko na pong nalalabanan yung takot ko," paliwanag ko. "We're so proud of you," pagkatapos sabihin nito ni mama ay hinalikan niya ang aking noo.
Clara's POV
Ako ay nasa university na at since sa hapon pa yung practice namin ng banda papasok muna ako. Ang dami ko ng excuse wala na akong natututunan. Maayos na rin ang pakiramdam ko kaysa kahapon. Mukhang sa pagod lang talaga yun kaya ako nahimatay.
Papunta ako ngayon sa aking locker para kunin ang mga libro na kakailanganin ko. May ilan pang mga estudyante na bumati sa akin. Sinuklian ko naman sila ng ngiti at binuksan ko na ang aking locker. Kinuha ko ang aking tatlong libro, ng biglang may nahulog na piraso ng papel sa aking harapan na galing sa aking locker. Tiningnan ko ito at binasa ang nasa loob nito.
Hi Clara! Smile ka lang, lalo kang gumaganda kapag may ngiti kasi sa mga labi mo.
-Secret admirer:-)
Hindi ko alam pero napangiti na lamang ako ng mabasa ko ito. Sino na naman kayang lalaki toh. Inipit ko na lamang ito sa gamit ko at itinago sa locker ko. Pagkatapos ay pumunta na ako sa first class ko.
Unknown POV
"Ngumiti siya? Ngumiti siya! Mabuti naman at napasaya ko siya. Kahit simple lang nagawa kong pasayahin siya," nakangiti kong pinagmamasdan si Clara hanggang sa makaalis na siya at pumunta sa class niya. " Ayyy male-late na ako. Jusko naman," tumakbo na rin ako papunta sa first class ko.
Clara's POV
Nasa first class na ako ng biglang may tumatakbo na pumunta sa classroom namin. " Oh Miggy bakit tumatakbo ka?" tanong ko. "Akala ko kasi late na ako," hingal na hingal niyang sinabi. " Ahhhhh ganon ba sige pumasok ka na," sabi ko. Babalik na sana ako ng makita ko si Kian. "Kian bakit ngayon ka lang?" tanong ko. "Pumunta muna kasi ako ng library para magbasa napasarap ako ng nasa Hindi ko napansin yung oras," paliwanag niya. "Ahhh sige pasok ka na rin," pagkasabi ko ay tumabi ako at binigyan ko siya ng daan.
Pagkatapos ng dalawa naming klase ay pumunta ako sa canteen kasama ko sina Mica, Samantha at Krystal. Pagkatapos ay pumunta na ako sa locker ko upang palitan ang librong gagamitin ko. "Mayroon na naman?" tanong ko sa aking sarili. Binasa ko ang isang letter na iniwan niya ulit sa aking locker.
Clara, I seem to have lost my phone number. Can I have yours?^_^
- Secret admirer
"Haayyy is this an another way of asking a girl's number?" ngumiti lang ako habang binabasa ito. Binalik ko na lamang ito ulit sa locker ko at kinuha ang gagamitin ko na mga libro.
Habang naglalakad ako ay naalala ko ulit yung second na letter. Ang cheesy niya naman. "Cute..."