Pinalaki ako ng tatay ko na dapat maging matatag ako, matibay, matapang, at handang makipagpatintero sa kamatayan, nangyari yun nung iwan niya ako. Hindi ako mayaman, mahirap lang ako, at mahirap ang maging mahirap. Namulat ako sa paraan ng pamumuhay kung saan makakagawa ka ng mga bagay na labag sa kalooban mo, matuto ka pumatay, magnakaw, at kung ano ano pa.
Nung bata pa ako at isilang ako ng nanay ko sabi ng tatay ko na isang malaking himala na nabuhay ako, hindi naman cliche story no? Pero yun ang totoo. Himala na nabuntis ang nanay ko ay nanganak pa siya pero gaya ng sabi nila 'himala' doon na natatapos ang bagay na yun. Ang pagkabuhay ko ay ang siya namang pagkamatay ng nanay ko. Mahirap lumaki na walang kinikilalang ina, pero nagpapasalamat narin ako dahil lumaki naman ako na may tatay, dahil nga sa mahirap ang buhay napasali si tatay sa isang illegal na organisasyon, naging kasapi siya nito pero hindi nagtagal ay umaklas din siya dahil ayaw niya akong mamulat sa kamunduhan kung saan ang tanging dapat at batas para mabuhay ay ang pumatay. Walong taong gulang ako ng pinatay ang tatay ko ng isang illegal na organisasyon na dati ay kasapi siya. Nangyari ito pagkatapos ng isang taon bago umaklas si tatay sa organisasyon na iyon, mahigit isang taon din kami nagtago noon, para kaming nakikipaglaro ng tagu-taguan kay kamatayan.
Pagkatapos mamatay ng tatay ko at bigyan ako ng misyon doon nagsimula ang buhay kung saan mag-isa akong nakipagsapalaran sa lahat.
Naalala ko pa noong mga oras na yun ang lahat.
Tumatakbo kami noon
"AKALA NIYO BA MATATAKASAN NIYO KO!"
Mabigat ang dibdib ko noon sa sobrang kaba. Akala ko mamamatay na ako noong mga oras na yun. Mahigpit ang kapit ni tatay sa mga kamay ko habang nagtatago kami sa gilid ng basurahan sa may marumi at siksik na iskinita. Ilang sandali lang ng makarinig kami ng putok ng baril na pinakawalan malapit samin. Sunod sunod na luha ang umaagos sa mga mata ko nun. Labis labis na takot ang lumulukob ng mga panahon na yun sa aking sistema.
Nagulat nalang ako ng makitang biglang sumulpot sa harap namin. Ang lalaki ay mayroong hawak na baril, may katangkaran siya kay tatay ng isang pulgada, malaki rin ang katawan niya. Doon palang alam 'kong sinusundo na ako ni kamatayan. Nakipag-agawan si tatay ng baril sa lalaki. Kinakabahan ako sa kahihinatnan, ayoko mawalan ng pag-asa pero iba aking aking nadarama.
"ANAK TUMAKAS KANA!"
Nakatalikod na ako nun habang nanghihinang isa isang hinahakbang ang aking mga paa para makatakbo at makatakas sa lalaking kaaway ni tatay.
"PUNTAHAN MO ANG PUNTOD NG..."
Hindi pa tatapos ni tatay ang sasabihin niya ng makalayo na ako at marinig ng putok ng baril. Para akong tinakasan ng dugo. Sunod sunod na luha ang kumakawala sa mga mata ko habang tumatakbo.
Hindi kuna alam kung saan ako tumatakbo basta ang alam ko lang kailangan 'kong mabuhay, maging matatag, at makayanan ang lahat.
Maghihiganti ako para kay tatay!
Nanghihina akong tumakbo papalayo. Unti unting lumabo ang paningin ko hanggang sa makarinig ako ng sasakyang huminto malapit sa akin.
Ang nasa isip ko lang ng mga oras na yun ay kailangan ko pang mabuhay.
At doon na ako nawalan ng malay.
________________