Third Person Point of View:
Makikita sa kabuoan ng lugar ang malawak na field na mayroong iba't ibang klase ng sasakyang pangkarera. Habang sa tabi naman nito ay ang malawak na lugar para sa mga nanonood ng karera. Tama, ang lugar na ito ay ang racing track. Dito isinasagawa ang mga illegal na racing kung saan maaari 'kang magpusta ng iba't ibang bagay at manalo sa pamamagitan ng dalawang paraan: pagpusta o pagsali sa karera. May ilang mga lalaki ang makikitang mukha lang tambay sa kanto pero hindi mo aakalain na mayaman. May iilan naman na mala-adonis, mayabang, manyak, at tama lang ang itsura. Magpaganun paman ay hinding hindi maipagkakailang ang bulsa ng mga ito ay naglalaman ng ginto, o sa madaling salita ay naglalaman ng maraming pera.
Marami ang humihiyaw at tutok na tutok sa panonood ng race sa araw na ito. Marahil sa galing ng mga racer? Sa laki ng pusta? Sa katakot takot na traps na nalalampasan ng mga racer habang nagpapaunahan? Lahat ng yan ay marahil isa sa dahilan, subalit nag-iisa lang ang natatanging dahilan. Lahat ng tao ay humihiyaw at tutok na tutok dahil sa isang racer na palaging nananalo sa tuwing ito'y pumupunta at nagkakarera.
"WHOOO! THE BEST KA TALAGAAAA UNO!"
"WALAAA TALAGANG MAKAKATALO SAYOO!"
Marami ang sumisigaw sa pangalan ni Uno at mas lumakas pa ito ng bumaba siya sa race car niya. Pagkatapak na pagkatapak niya palang sa sahig ng racing field ay may sumalubong na agad sa kaniyang lalaki habang inaalis niya naman ang helmet na suot suot niya habang nagkakarera. Marami ang nabighani kay Uno ng lumaglag ang natural na bagsak na buhok niya. Marami ang napatingin sa kaniya, agaw pansin dahil sa nakakaakit at nakakabighani nitong ganda. Hindi maikakailang may natatangi itong ganda kahit nakapaka-boyish ng porma nito sa suot nitong racing suit na panlalaki. Kasunod ng pag-alis ng helmet niya ay ang pagsalubong sa kaniya ng lalaki na agad rin niyang namukhaan, doon ay ibinigay niya ang helmet niya. Hindi pa doon natatapos nang magsibabaan din ang ibang racer sa sasakyan nila.
"Kahit kailan ka talaga, Uno? Sa gwapo kong ito ako pa ang pagbibitbitin mo ng helmet mo? Gwapo ko namang alalay nyan." Sabi ng kaibigan ni Uno na si Tres.
Ngunit sa akto ni Uno ay parang wala siyang narinig na sinabi ni kaibigan niya. Oo, kaibigan niya si Tres. Apat silang magkakaibigan at siya lang ang nag-iisang babae, magpa-ganunpaman maituturing na siyang one of the boys. Uno ang tawag sa kaniya na hindi niya naman totoong pangalan.
Naglalakad silang dalawa palapit sa ilang racer gaya niya. Inaabot naman sa kaniya ng ilan ang napanalunan niyang pusta, umarko ang labi niya at ngumiti.
Sa isip-isip ni Uno 'swerte nanaman'. Ngising ngisi siya sa ganda ng mga napanalunan niya sa pusta, isang latest na motorbike, isang kahon ng iba't ibang sniper at iilang susi sa sasakyan na pang race.
May iilan pa sa mga racer ang nais makuha ang number niya at subukang makipagkilala subalit sa tagal narin nitong nakikipag-race kilala na nila ang babae sa pagiging mailap at malamig sa ibang tao bukod sa tatlo nitong kaibigan. Napabuntong hininga nalang ang ibang racer sa labis na panghihinayang.
---
Tiba-tiba nanaman ako sa napanalunan ko. Isip isip ni Uno.
"Grabi Uno ang galing mo talaga magdrift kaso syempre mas magaling ako at mas gwapo."
Ang sarap talaga tapalan ng busal ng bunganga nito ang ingay. Pasalamat siya good mood ako at marami akong nakuha na idadagdag ko sa collection ko sa isip isip ni Uno.
Habang naglalakad sila papunta sa likod ng race track para umuwi na ay nagring ang cellphone niya, agad naman niya itong kinuha sa bulsa ng jacket niya at tiningnan kung sino ang tumatawag, napawi ang ngisi niya at agad na napangiwi sa caller.
Isa lang ang pumasok sa utak niya. 'PATAY'.
---
Nakarating narin si Uno sa tapat ng pinto ng bahay niya ng lumusob sa kaniya ang labis labis na kaba. Dahan dahan niyang hinawakan ang doorknob, unti unti niya itong pinihit habang unti unti binubuksan ang pinto. Wala pa man sa kalahatian ang bukas ng pinto ay sumilip siya at ng makitang walang tao ay dahan dahan niya ding sinara ang pintuan.
Nagulat si Uno ng makitang pagharap niya ay nakapamey-awang ang ama niya sa kaniyang harapan habang ang isang kamay ay hinihilot ang sintido.
"Bakit ka ginabi?"
Tatlong salita na may iilan lang na letra subalit labis labis na kaba ang dulot sa kaniya. Hindi siya makahagilap ng salitang maaari niyang sabihin bilang excuse sa kaniyang ama na ngayon ay nasa kaniyang harapan habang seryosong nakatingin sa kaniya.
"Sa race track nanaman ba?"
Napalunok siya sa tanong ng ama niya, hindi niya tunay na ama subalit tinuturing narin niyang tunay na ama. Ang lalaking ito ay ang lalaking tumulong sa kaniya noong nawalan siya ng malay sa daan habang tinatakasan ang lalaking pumatay sa tatay niya. Kinupkop na siya nito, ang ngayong tinuturing niyang tunay na ama narin ang nagpalaki sa kaniya, wala itong asawa at anak, bukod rito ay wala narin itong balak mag-asawa pa o magkaanak dahil gaya nga ng lagi nitong sinabi ay sapat na si Uno bilang anak niya. Ang ama amahan niya ay isang stiktong heneral ng mga sundo, mabuting tao at laging handang tumulong, bukod pa riyan ay isa rin itong mabuti, malambing, at mapagmahal na ama.
"Hay... bukas na natin ito pag-usapan. Ang maigi pa ay kumain kana muna. Alas-dose na ng hating-gabi siguradong wala kapang kinakain at gutom kana."
Napawi ang kaba niya sa sinabi ng kaniyang ama tsaka malawak na ngumiti at yumakap sa ama.
"Naku heneral ako... Ako si heneral Kalixto Ramos pero tumitiklop sa anak hay..."
Lalong napangiti si Uno sa sinabi ng ama niya. Lubos lubos ang pasasalamat niya dahil sa taong yakap yakap niya ngayon, utang niya kung sino at ano siya dahil sa ama niya.
"Dad, salamat sa lahat. "
"Ang drama mo anak, tara't kumain kana masama ang nagpapalipas ng gutom."
---
Kinabukasan
Maagang gumising si Uno dahil lunes at may pasok sa trabaho ang ama niya. Retiro na ito sa pagiging heneral sa edad na apatnapu't dalawa. Ngayon ay isa na ang ama niya sa namamahala ng isang organisasyon na hindi sakop ng gobyerno. Nagligpit siya ng pinaghigaan at naghilamos at toothbrush bago bumaba sa hagdanan at pumunta sa kusina.
Makalipas ng tatlompung minuto ay natapos na siya sa paghahanda ng lamesa at pagkain. Saktong sakto ay bumaba naman ang kaniyang ama habang nakasuot ng kasuotan pang heneral.
"Magandang umaga Heneral Kalixto."
"Magandang umaga rin anak ni Heneral Kalixto."
Sabay na tumawa ang dalawa sa kalokohan nila. Sabay silang umupo sa silya habang tahimik na kumakain. Makikita sa kanilang lamesa ang apat na sunny side up na itlog at limang hotdog habang nakahiwalay naman sa isang plato ang sinangag na kanin. Nang matapos sila kumain ay nagpaalam siya sa kaniyang ama na pupuntahan niya ang matalik niyang kaibigan na si Dos na ngayon ay mahigit isang linggo na simula ng maging isang sub na PE teacher sa Levis University. Tatlong buwan lang na magtuturo sa PE ang kaibigan niya subalit lagi na lamang itong hindi pumupunta sa race track o di kaya naman ay hindi narin ito nakikisama sa kanila pagpumupunta sa shooting range, lagi nalamang itong busy kaya't nag-aalala siya.
Si Dos ang kauna unahang lalaki na nakilala niya na naging matalik niyang kaibigan dahil sa kaniyang ama na sundalo sapagkat si Dos ay anak ng isang kaibigang sundalo ng ama niya na ngayo ay kasapi na sa organisasyong pinapasukan ng kaniyang ama. Naging malapit sila simula labing-isang taong gulang palamang siya magpahanggang ngayon. Madalas niya itong kasama noon tuwing nagpapractice sila ng mga baril, at kung paano makipaglaban. Si Uno kung dati ay nais niyang matuto upang makapaghiganti ngayon hindi na, napakulong at nasira na ang illegal na organisasyon na dati'y kinabibilangan ng tatay niya, ngayon ay nag-aral siya makipaglaban para maprotektahan ang mga mahal niya sa buhay at para magligtas ng buhay. Mas matanda sa kaniya si Dos ng limang taon, para sa kaniya si Dos ang brotherly type figure sa buhay niya bukod sa maaasahan niya sa pakikipaglaban ay maaasahan niya rin ito sa pagtatago ng mga sekreto niya. Sa kanilang magkakaibigan si Dos ang kuya type ng tao na laging nagsasabi sa kanila at nagpapakastrikto na daig pa minsan ang tatay type.
Si Tres naman ang laging happy go lucky type sa kanilang apat, masyado itong makulit, masiyahin, at maloko sa buhay mas matanda lang si Tres ng dalawang taon sa kaniya pero may isip bata pa si Tres. Ito ang madalas na laging napagsasabihan dahil sa mga kalokohan na pinaggagawa sa buhay. Nakilala niya si Tres noong minsan ay isinama siya ni Dos sa race track labing limang taong gulang siya noon. Simula nun ay naging hobby narin niya ang racing. Isa sa naging kalaban niya noon si Tres. Natalo niya ang binata pero kinulit lang siya ng kinulit nito na makipagrace kalaunan ay nagsawa narin ito dahil palagi lamang itong natatalo. One time may isa siyang nakalaban na mga siga sa kanto nasa labing tatlo ang bilang ng mga ito. Akala mo kung sinong brusko na may hawak hawak ang iba rito na tubo. Habang nakikipaglaban siya ay dumating si Tres at nag-ala knight in shinning armor pero ito pa ang bumagsak. Tatlo palang ang napapatumba nun ni Tres pero nakatulog ito ng hindi nito naiwasan ang tubo na tumama sa batok nito sa huli natapos niya nalang ang laban tulog parin si Tres. Nakonsensya naman siya kaya ayon sinama niya nalang si Tres sa bahay niya hanggang naging magkaibigan sila. Dahil narin ata sa kabulastuhan sa buhay ni Tres na walang-sawa niyang ikinuwento sa kanilang mag-ama, pero sa likod nito ay hindi mo mababatid na ulila ng lubos ang lalaking ito. Simula noon ay lumaki lang pala ang lalaki gamit ang sariling paraan sa tulong narin ng kayamanan na naiwan rito ng ama nito. Nang malaman niya ito ay hindi niya kailanman kinaawaan ang lalaki maski ay hinangaan niya pa ito. Dahil diyan ay madalas narin tumambay ang lalaki sa bahay nila na para bang doon narin nakatira.
Ang huli naman ay si Kwatro. Hindi niya alam pero laging asar si Kwatro sa naging tawag sa kaniya. Bakit daw ba kasi ang cool nung tawag sa kanila na Uno, Dos, Tres, tapos siya Kwatro? Paano niya nga ba nakilala si Kwatro?
Minsan ay nakatambay siya sa organisasyon na kinabibilangan ng ama niya ng biglang nagkagulo ay may nanghack daw sa system ng org. Nakakabilib dahil ang organisasyon na kinabibilangan ng ama niya ay mayroong mga beterano at magagaling na hacker, nung mga oras na 'yon ay sumagip sa isip niya na sino kaya ang naglakas loob na ihack ang system. Nang lumapit sila sa kinaroroonan ng mga beterano at magagaling na hacker sa org. ay makikita ang kunot sa mga noo nito.
"Paanong?!"
Marami pa ang nangyari hanggang sa alukin nalang nila ang lalaki na dahil sa marami narin naman itong nalaman ay kinuha nalang itong isa sa mga hacker sa organisasyon. Maraming pagtangi na nangyari, hanggang sa makialam na ang babae na si Uno. Kita sa malaking white screen ang mukha ng lalaki habang may suot na mask.
Lumapit siya sa isang camera na nakapalibot sa lahat ng silid dahil na hack nga ang system nila ay naabot nito ang iba't ibang files at database.
Sa senaryo na yun ay makikita ang interes ng lalaki sa natatanging babae na kalapit sa edad ng nito.
"Tsk, alam mo pwede mo naman ilabas at idelete lahat ng data kung sinave muna sa drive mo tapos nilagyan mo nalang ng virus para tapos, by the way kahit ano namang gawin mo sa files wala ka rin palang mapapala, tss."
Napatingin ang lahat nun sa sinabi ni Uno sapagkat may punto ang babae. Tumawa naman ang lalaking nasa malaking screen.
"Kung clown ang hanap mo sana sa perya ka naghanap ng makapag-aalis sa kaboredan mo. Kung wala ka namang magawa sa buhay mo... pakamatay ka nalang. "
Nagbigla ang ilan sa pinagsasabi ni Uno. Kalaunan ay napatingin rin sila sa malaking white screen sa harap nila ay naroon ang tumawa na lalaki. Hinack nito ang address at kalaunan ay pinatay ang connection hanggang sa isang oras ay may pumunta sa ang lalaki sa kanila at nagpakilala bilang isang hacker. Naging interesado ang lahat hanggang sa nang nalaman ng hacker na doon nagtatrabaho ang ama ng babae ay nag-alok siya ng kasunduan. Natapos ang lahat hanggang sa naging magkaibigan na ang dalawa. Magulo rin kasama si kwatro, medyo pilyo nga lang rin. Aside sa pagiging magaling na hacker nito ay magaling rin itong magprogram at gumawa ng mga device gaya ng small microchip na isa palang hidden camera na hindi mo mapapansin dahil nakadisguise ito bilang isang hikaw, pin, or etc.
Ang tawag sa kanilang apat ay "Shadow" sa mga hindi nakakaalam. Si Uno ang minsang tumatrabaho sa paghuli ng mga masasama at minsa'y kumukuha rin ng buhay ng mga ito. Wala sa batas ang organisasyon ng ama niya, hindi rin ito alam ng gobyerno pagkat tago ang organisasyon na kinabibilangan ng ama niya. Sila ang Shadow ang siyang tumatrabaho sa mga nagbabalak na pumatay sa mga inosente. Alam nila ang limitasyon nila kung ano ang dapat sa hindi. Si Dos ang kadalasang kasama ni Uno sa pagtrabaho ng lahat. Si Tres ang sa get-away o pagtakas o pagdakip, pero dahil nga hindi gamay ni Tres ang pakikipaglaban ay sinanay pa siya. Si Kwatro naman ang namamahala sa mga mata o cctv footages o paghack sa system para malaman ang lahat. Magkakasama silang apat ay walang nakakalusot sa kanila. Subalit tinapos rin nila ang ganong gawain nung nakaraang dalawang buwan.
---
Nakasakay sa sasakyan niya si Uno. Mahigit kalahating oras narin siyang bumabyahe. Malayo layo rin ang unibersidad ng Lewis sa subdibisyon nila. Binagalan niya ang andar ng sasakyan niya. Dahan dahan siyang nagmaneho, makikita sa gilid ng kalsada ang mga taong biglang nagtaktakbuhan na parang may kung anong tinatakasan. Hindi niya alam kung anong meron. Hindi sa kinakabahan siya, nagtataka siya ng lubusan. Hanggang sa may nakita siyang ilang tao na kumakain rin ang kapwa nila, ang pinagkaiba nga lang ay mayroon itong mapuputlang kulay na parang bangkay, may puting mata na wala nang itim na makikita mula rito, at maraming dugo na wari'y natural na sa katawan ng mga ito. Dapat sana'y na siya sa ganiyang pangyayari hindi dahil sa nakita niya na ito sa movie kung hindi dahil nagawa niya naring pumatay, pero hindi kagaya ng mga tao... mali nilalang na nakikita niya ngayon, hindi nararapat na tawagin ang mga ito na tao dahil parang tinakasan na ito ng pagkatao ay naging ibang nilalang na.
Kung titingnan ay kaitsura ng mga nilalang na iyan ang mga zombies sa madalas na napapanood sa telebesyon. Ang tanong paanong nangyari ito? Naguguluhan si Uno. Nagpapasalamat narin siya dahil sobrang tinted ng sasakyan niya. Makikita sa labas ang dami ng dugo na wari'y parang nagkaroon ng matinding patayan, totoo naman na marami ang namatay. Pati ang mga poste sa gilid ng kalsada ay mayroong dugo. Habang nasa sasakyan siya ay biglang may kung anong sumasalpok rito. Nang tingnan niya ang windshield niya ay nakita niyang may kumakatok na lalaki na may buhat buhat na batang lalaki habang hinahabol ang mabagal na pagtakbo ng sasakyan niya. Tiningnan niya muna ng mariin ang dalawang bulto ng tao sa labas ng sasakyan niya. Binaba niya ng kunti ang windshield, naririnig niya na ngayon ang lalaki.
"Tu-tulong kunin muna ang a-anak ko please hindi siya n-nakagat."
Wika ng lalaking kung ilalarawan ay nasa mukhang apatnapong taong gulang na. May bigote, clean hair cut, at mukhang mabait naman. Subalit kakikitaan parin ng nagmamakaawang mukha dahil sa pangyayari na hindi inaasahan ng lahat.
"Affected ka."
Mababang boses na wika ni Uno. Hindi yan tanong isa yang statement.
"Tulungan mo siya please ka-kahit ang anak ko nalang."
Ngumiti si Uno sa lalaki at sa batang buhat buhat nito. Pagkakita niya palang sa mag-ama ay kinabahan siya oo, pero isa sa nais niyang mangyari ay ang sumagip at magligtas ng buhay. Binuksan niya ang pinto at kinuha ang batang lalaki na umiiyak, hinagkan niya ito bago isara ang pinto.
"Pa! *sob* hu-huwag niyo po akong iwan"
"Huwag po kayong mag-aalala aalagaan ko po siya."
"Andrei Sa-Santiago ang pa-pangalan niya iha, sa-salamat."
Hanggang sa tuluyan na itong naging zombie. Sinarado niya na ulit ng mabuti ang windshield. Inangat niya ang mukha ng batang lalaki na umiiyak.
"Hushh. Nandito lang ako."
Patahan ni Uno sa bata. Sa sarili ng bata ay gumaan ang pakiramdam nito sa tabi ng babae.
Nang medyo tumahan na ang bata ay pinaandar niya na ulit ang sasakyan at hininto sa isang ligtas na lugar malapit sa Lewis University.
"Feeling better?"
Isang tango lang ang nakuha ni Uno sa bata. Kahit sino naman ata na nawalan ng ama ay malulungkot at magdadalamhati.
"Ako si Samantha Ramos pwede mo akong tawaging ate Sam or ate Uno."
Natural na malambot ang puso ni Uno sa mga bata. Ang batang kasama niya ay may pagkainosente tingnan pero kapag tumingin parang ang lalim, napaka-cute rin nito, matangos ang ilong at maayos na nakadefine ang mga kilay, inshort gwapo.
"Ate Sam."
May kung anong humaplos sa puso ni Uno ng tawagin siyang ate ni Andrei.
Ngayon ay kailangan ni Uno na puntahan si Dos, nababahala siya para sa kaligtasan ni Andrei dahil hindi niya ito pwedeng isama pagpasok sa loob ng paaralan dahil siguradong maraming zombies sa loob dahil sa dami ng mag-aaral ng paaralan ng Lewis.
Tumingin siya kay Andrei, wala siyang pagpipilian. Mas ligtas ang bata sa sasakyan kung maiiwan ito duon. Hindi niya ito pwede isama.
"Ilang taon kana?"
"Ten po."
Tumango si Uno at may kinuha sa likod ng sasakyan niya. Inabot niya ang isang baril at ibinigay sa bata, at iniwan ang isa para sa kaniya.
"Ang tawag dito ay baril. Gagamitin mo lang ito kapag may emergency, huwag ka magpapapasok ng kahit sino dahil delikado. Alamin mo kung mabuting tao ba ang taong yun. May una kang choice kapag may tao na nais kuhain ang gamit sabihin mo hindi pwede, kapag hindi pa umalis itutok mo ang baril wag na wag mo muna ipuputok, kapag hindi pa talaga umalis may isa ka pang choice. Pindutin mo itong busina ng tatlong beses wag mo itetesting kasi pang importante lang yun. Itong sa baril ikakasa mo lang tas itututok bago kalabit. Hindi kita maisasama sa loob ng school kasi mas magiging delikado baka mapahamak ka. Mas ligtas ka dito sa sasakyan nasa may gilid naman itong sasakyan kaya walang makakapansin. Ngayon ang kailangan kong gawin mo ay maging matatag. Babalikan kita kasama pa ang iba."
Napapikit ang si Andrei sa sinabi ni Uno. Bago dahan dahang tumango.
"Babalik ka po."
"Babalik ako...Pangako."