KABANATA 2

Mabagal na lumakad si Uno habang tumitingin sa kaliwa at kanan, tiningnan niyang mabuti ang paligid kung ligtas ba. Bago siya umalis ay pinagplanuhan niya muna ang lahat. Kung sa harap siya dadaan ay may malawak na ground.

Napansin niya na may ilang walker na hindi nakikita sa liwanag pero malakas ang pang-amoy at pandinig ng mga ito. Kung sa malawak na ground siya dadaan ay hindi malabong sugudin siya ng mga walker dahil maamoy siya nito. Kahit gaano kalawak ang ground ay maraming zombies parin ang paniguradong nakakalat. Mas magiging ligtas kung sa likod siya ng school dadaan sa may garden dahil paniguradong walang gaanong walker ang naroon bukod sa prohibited ang garden ay walang maglalakas loob na pumunta duon sa kwento kwentong may nagpakamatay daw doon. Minsan pa nga'y may naririnig silang umiiyak. Isang haka haka at sabi sabi na isa sa mga hindi pinaniniwalaan ni Uno.

Sa walker naman ay nalaman niya na mabagal kumilos ang mga ito kung wala naman silang napapansin na pagkain sa paligid. Kapag may sigurado nang tao na kakainin ito o kaya ay may narinig o naamoy ay tsaka lang ito bumibilis ng lakad.

Ngayon ay nandito na siya sa likod ng paaralan. Lumusot siya isang gilid ng butas. Paano niya nga ba nalaman ang lahat? Dahil iyon sa dating estudyante ang pinsan niya sa paaralan na ito. Madalas siyang pinapapunta dito noon ng pinsan niya kapag tumatakas habang dala niya ang motor niya. Iilan lang ang may alam na may daan dito sa likod ng paaralan sa garden.

Kung ito rin namang paaralan ang pag uusapan saan ba ang ligtas na lugar na maaaring puntahan ng mga estudyante at guro? Sa pagkakakilala niya kay Dos ay hindi ito papayag na ma-stock sa isang maliit na lugar. Kung sa cafeteria naman, malabo. Dahil sa maliit na lugar ang faculty sure na hindi siya doon pupunta.

'Think Uno, think!'

Ngayon ay alam niya na kung saan pupunta si Dos kung sakali. Ang tanging kailangan niya nalang ay mapa ng paaralan. Pumasok na si Uno sa loob ng malawak na corridor. Ang iilan sa mga walker ay wild pero walang magiging laban ang mga ito sa isang babaeng halos buong buhay ay nagtrain para matutong lumaban at pumatay ng walang awa laban sa masasama. Hindi niya magamit ang baril dahil tiyak na makakatawag pansin ito ng mas maraming pang walker, kung kaya't malaking tulong ang tubo na nakita niyang nakatusok sa gilid ng halaman sa garden.

'Shit.' mura ni Uno sa isip niya.

'Uno ang tanga mo talaga.' May naapakan lang naman siyang plastik na bote. Gumawa lang naman iyon ng ingay na nakatawag pansin sa mga walker na nasa gilid ng pasilyo na dapat ay iiwasan niya. Napatingin ang mga ito sa gawi niya at mabilis natumakbo papunta sa kaniya. Mabilis siyang tumakbo at ng may makitang hagdanan ay agad na umakyat dito ng may biglang humigit sa paa niya ng nasa huling unang baitang na siya sa itaas. Napahawak siya sa railing o kapitan ng hagdan bago lumingon sa walker na nakahawak sa paa niya at agad iyong sinipa hanggang sa makabitiw ito sa kaniya. Ngayon ay napatunayan niya na may walker din na nakakakita, syems. Nang may makita siyang likuan ay agad ulit siyang lumiko at binuksan ang isang pinto bago ito isara. Isang classroom ang napasukan niya, napatingin siya sa kabuoan ng classroom at napatigil dahil may limang walker dito. The thing na gusto niya sa bawat classroom ay ang pagiging close area nito na hindi maririnig ang kahit anong tunog sa labas, soundproof kumbaga. Isa isang tumumba ang mga walker. Napansin niya kasi na hindi namamatay ang ilang walker na nakalaban niya sa baba kanina, kung hindi pa aksidenteng naibaon sa mata ng zombie ang tubo at tumagos sa kabila ang dulo nito ay hindi niya pa malalaman na utak ang kailangan niyang puntiryahin dahil yun ang tanging nakakapatay dito.

Ngayon ang poproblemahin niya nalang ay ang walker na nasa labas ng classroom.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Uno. Paano ba naman nakapants siya at highcut na rubbershoes tapos oversized tshirt? Hindi naman yung kasuotan niya yung problema. Ngayon niya lang napansin ang sarili na halos maligo na siya sa dugo, sa dami ba naman ng nakaharap niyang walker sa ibaba ay sino ba naman ang magmukhang clean and neat parin, hays. Kung sino man yun, isang malaking sana lahat.

Kahit sa anong klase ng trobol na napasabak siya, never niyang maranasan ang maligo sa dugo at ang masama pa ay sa dugo pa ng walker. Masangsang ang amoy ng dugo at malagkit sa balat.

"Ang langsa!"

Mabuti nalang nakasports bra siya. Agad niyang hinubad ang kaniyang oversized tshirt na naliligo nasa dugo bago ito pinunas sa kaniyang sapatos.

"Mas okey na ito kaysa naman magmukha akong zombie dahil naliligo ako sa dugo. May makakita pa sakin bigla akong barilin, tsk."

Mahigpit niyang hinawakan ang kaniyang tubo bago pinihitin ang pinto at mabilis itong buksan. Nakagawa ito ng ingay kaya agad niyang inihanda ang sarili sa mga walker na handang kumain sa kaniya. Napalingon ang mga ito sa kaniya samantalang may ibang napatingin lang dahil sa ingay na ginawa ng pinto. Mabilis siyang kumaripas ng takbo at ang ilan na nakakahabol sa kaniya ay agad na hinahampas niya ng tubo. Kung iisipin hindi niya mapapatuba ng agad agad ang zombie ng tubo lang dahil kakailanganin niyang mag-insert ng pwersa. Sipa palo ang nangyari bago siya nakakita ng elevator. Mabilis siyang pumasok doon, pasarado na ang pinto ng elevator ng may isang kamay ng walker ang humarang. What a cliche thing to happen? Pero gaya nga ng nasa mga palabas sa telebesyon ay agad niyang sinipa ang kamay ng walker hanggang maputol ito.

Parang naagnas na ang mga walker sa mabilis na oras lamang pagkatapos nilang makagat. May iilan na hindi naman ganun kalala ang pagkakaagnas dahil makikitang iilan lang ang parte ng katawan nito na may kagat. Habang patagal ng patagal ay marami siyang natutuklasan.

Akala niya dati ay ang pagiging isa niya sa 'Shadow' ang pinaka highlights o pinaka-nakakaintense na maaaring mangyari sa buhay niya, pero ngayong nagaganap na ang zombie apocalypse... wala na siyang masabi.

Naghanda siya habang bumubukas ang elevator. Baka magulat nalang siya kapag may biglang lumitaw na walker pagbukas ng elevator. Mas maganda na ang handa.

Nakafighting stance na siya ng tumunog ang elevator. Dahan dahan itong bumukas.

Nakahinga siya ng maluwag ng makitang walang zombie sa labas. Nagsimula na siyang luminga paharap sa kanan at kaliwa. Wala namang kakaiba pero nakakapagtaka.

Dahan dahan siyang naglakad sa pasilyo.

"Unggg" Ingay ng mga walker na maririnig sa dulo ng daan.

'Maaaring may tao doon!' Huminga siya ng malalim bago marahang lumakad papunta sa pinang-gagalingan ng ingay.

---

Makikita sa isang malawak at mainit na lugar sa mataas na parte ng paaralan ang tatlong guro at walong estudyante.

Ilan sa mga ito ay umiiyak at nagdadalamhati sa pagkawala ng mga mahal nilang kaibigan. May ilan naman naman na tahimik lang at may iilan na nag-uusap kung anong maaaring gawing plano.

Bukod sa katotohanang nastock sila sa rooftop dahil maraming walker ang nasa ibaba sa labas ng pinto. Hindi rin naman sila maaaring magtagal sa rooftop dahil mas manganganib ang buhay nila sa pagkagutom at baka iyon pa ang ikamatay nila.

"Hindi pwedeng wala tayong gawin." Wika ng isang guro na nagngangalang Ms. Flor na guro sa History. Siya nakakadama ng labis labis na kaba at takot dahil sa biglang pangyayari na hindi nila inaasahan.

Ang isang guro naman na si Mr. Dan na guro sa Agricultura ay halatang nag-iisip ng paraan upang makatakas sa lugar na kinalalagyan nila ngayon at kung paano sila makakaligtas sa pamdemyang ngayon ay kinasasadlakan ng buong mundo.

Maaaring nawalan ng kuryente sa iilang lugar kasama na ang paaralan nila ngayon dahil nadamay ang solar power ng kanilang lugar, subalit hindi mapagkakailang umaandar parin ang teknolohiya.

Ilan sa mga estudyante ang nagbukas ng facebook at sinubukang tawagan ang mga mahal nila sa buhay, subalit laging unattended o di kaya ay walang sumasagot sa kabilang linya. Habang nag-iscroll sa newsfeed ang isang estudyante na nagngangalang Maris ay pinakita nila sa kaniyang mga kapwa mag-aaral at guro kung ano ang ibinabalita ngayon.

Doon nila natuklasan na buong asya pala ang apektado nang ngayong epidemya. Marami ang nagalit dahil nauna palang magkaroon ng zombie sa US subalit sa lakas ng koneksyon ng bansang ito ay nagawa nila itong itago ng dalawang linggo. Sa sobrang bilis ng pagkalat nito ay napilitan silang ipasara ang ibang pasilidad subalit hindi agad nila ito naaksyunan kaya nadamay parin ang ibang karatig bansa dahil may zombie na nakapasok sa eroplano na bumagsak sa ibang bansa malapit sa bansang ito. Doon na nagsimula ang pagdamay damay at lalong pagkalat ng mga ito.

Habang nag-iisip ang gurong si Mr. Dan ay napansin niyang parang wala lang pakialam ang isang substitute teacher na si Mr. Red sa nangyayari.

Nagsimula ng uminit ang ulo ni Mr. Dan dahil sa kawalang pakialam ng isang kapwa guro niya sa nangyayari sa paligid niya. Nilapitan niya ang isa niya pang kapwa guro na tuliro kung ano ang dapat gawin.

"Tingnan mo naman yang si Red akala mo kung sino! Para bang hindi niya pinoproblema ang nangyayari ngayon! Tss, masyado siyang maangas!"

Napaharap ang kausap na guro ni mr. Dan sa lalaking pinaparatangan nito.

"Malay mo malalim lang na nag iisip kaya nanahimik."

Mahinahong wika ni Ms. Flor. Kahit na labis labis na pangamba ang dumadaan sa kaniya ay pinipilit parin niyang kumalma dahil alam niyang walang mangyayari sa pagiging aborido niya.

Sa isang sulok naman ng rooftop ay makikita ang isang guro na nagngangalang Red. Malalim ang iniisip nito pero wala itong nararamdamang kaba kahit gatiting. Alam niya sa sarili niyang may darating. Sa isip isip niya ' makakaligtas sila at magsasama kami'.

---

Mabilis na nagtago si Uno sa isang gilid habang nakatingin sa lugar kung saan may nagkukumpulang mga walker. Isang bagay na napansin niya habang nakatanaw sa mga walker sa isang gilid ay ang kulay ng mga mata ito. May purong kulay puti, may purong pula, tapos may kulay purong itim. Kahit naagnas na ay parang may buhay parin ang mga mata nito.

'Siguradong may tao dun!'

Ang kailan niya nalamang gawin ay ang umisip ng paraan upang mabawasan ang kumpol kumpol na walker. Tubo ang hawak niya at hindi iyon makakapatay ng walker, hindi ganun kadali. Mabuti kung ang hawak niya ay katana siguradong kanina pa siya sumugod sa mga ito. Pero sa lagay niya ngayon? Isang malaking katangahan ang basta basta na lamang sumugod.

Nakaisip siya ng paraan. Napangiti nalang si Uno sa naisip. Alam niyang wala naring kwenta ang telephono na nasa bulsa niya dahil hindi niya rin makocontact ang mga ito dahil wala naman siyang load.

Mabilis niyang binuksan ang kaniyang cellphone at hinagilap ang pang-rock na music sa kaniyang telephono, agad niya iyong pinindot hanggang sa umalingawngaw sa tahimik na pasilyo ang napakalakas na tunog likha ng kaniyang cellphone.

Ibinaba niya ito at agad na pinadaos-os papunta sa kabilang dako ng pasilyo.

Ang ingay na nalikha ng kaniyang telephono ay tumawag pansin sa mga walker upang magsipuntahan sa kabilang dako. Ngayon ay sigurado na siya, ang puting mata ng walker ay para sa mga walker na hindi nakakakita pero nakakarinig, ang walker na may pulang mata ay nakakaamoy at nakakarinig, at ang walker naman na may itim na purong mata ay nakakakita, nakakarinig, at nakakaamoy. Sigurado siyang mas mataas pa ang senses ng mga ito sa tao... Pero dahil narin dito ay sensitive ang pandinig ng mga ito maski sa kaunting tunog, kaya maingat siyang pumunta sa pintuan.

Nagpapasalamat siya at may dala siyang hairpin, hindi niya iyon ginagamit pero lagi siyang maydala pang emergency gaya ngayon. Nakalock ang pinto pero sa tulong narin ng hairpin niya ay agad itong bumukas.

Pumasok siya sa pintuan at agad din itong isinarado ng dahan dahan. Inilock niya ulit ito.

Ngayong nasa loob siya ng pinto ay makikita ang hagdanan paitaas.

'Kung sinuswerte ka nga naman' nakangising wika sa isip niya.

Maaaring ito na ang daan papunta sa rooftop. Agad niyang inihakbang ang mga paa sa mga baitang ng hagdan. Hanggang marating niya ang dulo nito. Pinihit niya ang hawakan ng pintuan at agad itong pumihit, dahan dahan niyang binuksan ang pinto at tumambad sa kaniya ang iilang pigura ng tao na mukhang handa na siyang kainin ng buhay dahil sa nanlilisik na mga tingin nito.

Nakafighting stance rin ang ilan dito. Napailing nalang siya sa nakitang hawak ng mga ito.

'Seryoso ba sila?'