KABANATA 3

Ang nakikita niyang hawak ng mga ito ay isang pala, isang desk ng sirang upuan, at ilang mga baseball bat. Ang mga hawak nila ay pawang magagamit lamang sa pagdepensa ng kanilang mga sarili. Maaari nila iyong ipanlaban subalit hindi ganun kalakas ang magiging impact nito sa mga walker. Magiging mabagal ang pag unsad nila kung sakali dahil puro depensa ang kanilang magagawa.

Nilibot niya ang kaniyang paningin. Hanggang mahagip ng kaniyang mata ang isang pamilyar na lalaki.

'Dos' bangit ni Uno sa pangalan ng lalaki sa kaniyang isip.

Akmang lalapit na siya ng magsalita ang isa sa mga tao sa harapan niya.

Nakita niya ang ngiti sa mga labi ni Dos na parang proud na proud sa kaniya. Iba rin e no? Hay.

"Paano ka nakapasok dito?"

"Nadaanan mo ba ang mga zombie sa ibaba?"

"Wala ka bang kagat?"

"Ligtas na ba tayo?"

Napailing nalang siya. Sunod sunod ang tanong ng mga ito at parang walak balak tumigil. Medyo nairita si Uno. Anlagkit pa naman ng pakiramdam niya.

"Unang una, nakapasok ako rito gamit ang pinto. Pangalawa, oo may nadaanan nga akong mga walker sa ibaba, kung ang tinutukoy niyo ay yung mga zombie na nakaharang at nagkukumpulan sa pintuan. Pangatlo, wala akong kagat. Huli, hindi ang sagot ko sa huli niyong tanong."

"Walker?"

"Tawag ko sa mga bangkay na nabuhay na kung tawagin niyo ay zombie."

Para silang pinagsakluban ng langit at lupa sa huling katagang binitawan ng dalaga.

"Hindi ako naniniwalang nakalampas ka sa mga zombie simula first floor hanggang 5 floor sa lawak ng paaralang ito." Wika ng lalaking nagngangalang Mr. Dan.

"Kung gayon ay wala na akong magagawa."

Dumako ang tingin niya kay Dos. Lumapit ito sa kaniya agad siya nitong binigyan ng yakap. Agad inalis ng lalaki ang suot nitong pulo at isinuot kay Uno. Isang mahigpit na yakap rin ang kaniyang isinukli sa lalaki.

"Magkakilala kayo sir Red?"

Isang tango lang ang isinukli ng lalaki sa kaniyang estudyante sa pe. Ang nagtanong ay walang iba kung hindi si Yannah. Kilala bilang seryosong tao si Dos pero kahit ganun pa man ay may soft sides ito lalo na kung pagdating sa mga kaibigan niya.

Kahit ang mga istudyante nito ay ngayon lang nakitang nakangiti ang guro nila, at ang nakapagtataka pa ay dahil sa babae.

---

Nakaupo sila habang nakapabilog sa sahig ng rooftop. Kapwa nagkakakilanlan.

"Ako si Mr. Dan isang guro sa paaralang ito at ito naman si Ms. Flor kapwa ko guro."

Si Mr. Dan ay may broad shoulders halatang nag-gigym rin. May itsura rin ito at kung titingnan ay mukhang nasa mid 30's na siya. Matangkad ito at mukhang nasa 6'3 ang height. Maayos ang pagkakahawi ng buhok na parang may wax pa. Nakasuot ito ng pang propesor uniform kahit hindi nakabutones ang dalawang button ng damit nito.

Si Ms. Flor naman ay may maganda ring figures, sexy ito tingnan pero mukhang kagalang galang. Maamo kasi ang mukha nito at mukhang motherly figure in her 30's. Kung pagbabasehan ang height ay hindi nagkakalayo ang height nilang dalawa. Mukhang model sa tindig si Ms. Flor sa height na 6' flat. Meron naman itong maiksing buhok nia blond na hanggang balikat lamang.

Kapwa meron nang dugo ang damit ng dalawa. Halatang napasabak talaga sa labanan sa mga walker.

Napadako naman ang tingin niya sa limang lalaki at tatlong babae. May mga dugo rin ang damit ng mga ito pero halatang kukunti nalang ang dugo sa mga mukha nito. Mukhang naglinis agad sila pagkatapos makipaghabulan at resbakan sa mga walkers.

"I need to know some things regarding sa background niyo at course."

Wika ni Uno. May balak siyang gawin ngunit hindi pa ito buo sa kaniyang isip dahil kulang pa sila. Kailangan niya rin ng malawak na facilities kung saan alam niya na kung saan niya gagawin ang plano niya. Kailangan niya rin ng maraming tao at kagamitan.

Tumango nalang ang ilan.

"Ryan Agustin here, pwede niyo rin akong tawagin na Ry. My family owns the Augutin's Airline. Engineering. 19 years old. "

Ryan. Siya ang klase ng lalaking more into nerdy type pero ang cool. Yung maangas siya tumingin pero ang calm at innocent. Naka-student uniform siya at maayos na nakabutones ang kaniyang suot. Wala naman siyang glasses para magmukhang nerdy pero ang mukha ang nagbibigay rito ng nerdy looking type. May height ito na 6'1. Tama lang rin ang katawan nito para sa edad. Kung gaano kaayos ang suot nitong uniporme kahit may dugo ay ganun naman kagulo ang buhok nito, na siya namang bumagay sa maangas look na may pagkanerdy.

Paano niya kaya napagsasabagay ang pagiging nerdy look niya sa maangas look niya?

"Hi miss I'm Timothy Santillian 'Tim' for short. My family own's the largest hospital in US. Medicine course ko. I'm 19 and it's so great to meet you."

Si Tim naman ang mukhang friendly type. Yung tipong mabilis mo talaga makakasundo kasi magaan kausap. Sa paraan palang ng pagsasalita nito ay napakafriendly na. Nakauniform rin ito subalit di gaya ng kay Ryan ay gulo gulo at gusot gusot ang suot nito. Nakatupi rin ang uniform pants niya. Para sa isang lalaki ang puti naman masyado ng isang 'to. Hindi ito ganun kasingkit, kumbaga ay tama lang. Hindi rin ganun kalaki ang katawan nito kumpara sa iba at hindi rin ganun katangkad gaya ng iba kaya mas nagmumukha itong baby type at happy go lucky person sa kanila. Ang height nito ay kunti lang ang inangat kay Uno. Ang lalaking si Tim ay may height na 5'11. Matangkad na para sa ibang lalaki pero kapag kasama nito ang mga kapreng lalaki na may height na mga 6'1, bumabago na ang ikot pagdating sa tangkad.

"Medicine? Why not business? Still business parin ang hospital." Tanong ni Uno.

"Ate ko ang maghahandle ng business namin. Mas passion ko talaga ang medicine dahil mas gusto ko ang magligtas ng buhay."

Napangiti siya sa tinuran ni Tim.

"Alexander Morris you can call me babe or Xander. ABM building taking up Business ad. in Business course. My family owns the Mori Y Nis Gasoline corp. 20 years old."

Napangiwi sila sa pagpapakilala ni Xander.

Si Xander naman ang klase ng lalaking more like a playboy type. Makakasundo nito si Tres sure. Mahilig sa babae si Tres playful type kahit seryoso at sa kaniya lamang malambing at makulit. Moreno naman ito. Maangas na nakabukas ang may dugong uniform nito kaya kita ang panloob nito na sando na wala naman kasyaduhang dugo. May tangkad ito na 6'1. Magulo rin ang buhok nito na nagpapapungay sa mata nito na mukhang bagong gising.

"Ako naman si Alexie Morris 'Alex' nalang. Masama man sabihin pero kambal kami ng kupal na yan. Accounting naman course ko. 20."

Napatawa si Uno sa sinabi ni Alex. Mukhang makakasundo niya ang babae. Maangas rin ito magsalita at mukha ding palaban. Maganda rin ito at may maipagmamalaki. Hindi kaputian dahil morena ito at may chinitang mga mata. Hindi ito katangkaran gaya ng iba dahil ang height nito ay 5'6 lamang pero kahit ganun ay bumagay naman sa kaniya. Mahaba rin ang buhok nitong kulay chocolate na bagsak na bagsak.

"Steven Lloyd Ivans. IT student. I'm 21. My family owns the Ivan's Resorts. It's nice to meet you. "

Si Stev naman ang mas mukhang kuya type. Mas mukha siyang mature mag-isip. Di naman ganun kaseryoso pero parang may otoridad kapag ito na ang nagsalita. Hindi naman siya moreno at di rin maputi tama lang talaga. Tama lang ang laki ng katawan nito para sa edad at mukhang nag-gi-gym. Nakasuot ito ng uniform na maayos na nakabutones, subalit nakatupi ang mga manggas. Kung tangkad ang pagbabasehan meron itong height na 6'2. Maayos ang pagkakahawi ng itim nitong buhok sa kabilang bahagi na mukha ring nakawax.

Nakakapagtaka rin pero sa height ng mga ito ay papasa na sila bilang basketball player ng NBA.

"Hacking?"  Tanong ni Uno kay Stev.

Kung IT student si Stev ay may posibilidad na marunong ito ng hacking. She needs contact. Kailangan niya ng hacker dahil kailangan niya makausap si Kwatro. Kilala niya ang lalaking yun, hindi yun basta basta makakausap. Halos araw-araw din itong nagpapalit ng numero sa telepono.

"Sort of?" Tumango nalang Uno. Sinabihan niya rin si Stev na mag-usap nalang sila mamaya.

Dumako ang tingin niya sa dalawang babae at sa isang lalaki.

"Lucy Williams. My family own the famous Williams Restaurants around the country. Architecture is my course. 19 years of age."

Sa pagsasalita palang ay mapapansin muna agad ang arte nito. Maganda ito. Maputi rin at may pagkasingit. Di ganun kakulot ang buhok nitong kulay brown na may gold higlights dahil may pagkawavy lamang iyon. Maayos na nakasuot ang uniporme nito. Pero mahahalatang wala na ang nakapatong na long sleeve na pang ibabaw sa uniform nila. May tangkad ito na 5'8. Kasing tangkad lang ni Uno kung susukatin.

"Hi! I'm Mariska An Davis besfriend ni Alex. Cousin ko naman sa mother side si Lucy. Architecture rin ang course ko! I'm 19. Nice meeting you."

Halatang energetic naman si Maris. Siya ang tipo ng happy pill sa kanila kagaya ni Tim. Maganda ito actually. Maputi rin ito gaya ni Tim, parang mga naligo sa gluta ang peg. Hindi kasingkitan ang mata tapos hindi rin katangosan ang ilong tama lang. Dalagang pilipina ang look nito kung hindi lamang talaga dahil sa sobrang puti nitong kulay ng balat. May tangkad ito na 5'5.

Napatingin naman siya sa isang lalaki. Mukhang wala itong balak magpakilala. Meron itong matangos na ilong, mapupulang natural na kulay ng labi (kissable lips) at magandang figures. Magulo ang pagkakahawi ng buhok, mukha rin itong bagong gising, may tamang kapal ng kilay at mahahabng pilik mata.

Inshort 'ang gwapo na yummy pa' .

"Stop staring. Baka mahulog ka. "

Napailing nalang siya sa sinabi nito. Antipatiko at Mayabang. Dun nagkakatalo e. Kapag gwapo kailangan mayabang rin? Humangin bigla.

Tumingin nalang siya sa iba.

"Ahm... Siya si Zero Night Blackwood. Business course. His family's business is BD Hotels samantalang yung lolo niya naman ang may ari ng mga 5 star hotels. His 21."

Si Zero yung type of guy the tipid magsalita, may pagkamayabang kasi nga may ipagmamayabang, at mature din sa mga seryosong sitwasyon. Matangkad ito dahil sa height nito na 6'3.

Kapre.

Naramdaman nalang ni Uno na may umakbay sa kaniya. Hinayaan nalang niya dahil sanay naman na siya ka Dos. Possessive kind na tao kasi yan sa mga malalapit sa kaniya.

"I'm Uno. Nakapagtapos na ako ng ABM through online. I'm 19. Dos or what you called Red is my bestfriend or like my possessive kuya."

"Akala ko boyfriend." Sabi ni Tim.

"Nakakamatay ang akala. Ngayon. Bakit ko nga ba tinanong yung mga bagay tungkol sa inyo? Balak ko sanang magbuo ng specialise group kung saan magliligtas tayo ng buhay ngayong may zombie apocalypse. Mahirap paniwalaan na may zombie apocalypse na pero dapat tayong maging handa."

"Gaya nga ng sabi mo 19 ka lang rin gaya nila. Hindi parin yun sapat para sundin ka namin. Malay ba namin kung maaasahan ka o pinapaikot mo lang kami." Sabi ni Mr.Dan.

"I like your guts sir. Pero ano nga bang mapapala ko kung niloloko ko lang kayo? In this apocalypse what matter's the most is survival. Mas marami mas mataas ang chances na makapagligtas tayo ng mas maraming buhay. Para sa ikatatahimik niyo, kayo ang papipiliin ko. Sasama kayo sa plano ko or magsasarili kayo ng plano at kayo na ang bahala sa sarili niyo at sa iba niyo pang kasama. Walang katiyakan ang sinasabi ko pero I can assure you na habang buhay ako hindi ko hahayaan na may mapahamak sa grupong ito."

Lumipas ang isang minutong katahimikan at walang umalis o nagsalita.

"Ngayon sa tingin ko naman ay uma-agree na kayo? May plano na ako para makaalis sa paaralang ito ng ligtas. Pero bago yun nais ko munang malaman kung anong specialty niyo."

"What do you mean ms. Uno?"

"Just Uno ma'am no need for formalities. Specialty by means in this apocalypse I mean kung anong alam niyong gawin for survival. Paghawak ng baril, Pagtataekwondo, Pakikipaglaban, Martial arts, Judo or something else."

Napatango ang ilan.

"Um... Paano pag hindi marunong ng kahit anong self defense?"  Tanong ni Maris. Ngumiti si Uno.

"Yung hindi pa marunong gaya ni Maris sa mga ganyang bagay syempre tuturuan. Magbibigay kami ng oras para turuan nung mga marurunong yung mga hindi pa marunong. Now, sino mauuna?"

"No need para isa isahin. Lahat kami nila Stev, Ryan, Tim, Xander, at Alex ay marunong gumamit ng baril at makipaglaban."

"Good to know. How about you Lucy?"

"I can used gun and do self defense. How about you bitch?"

Natigilan ang iba sa sinabi ni Lucy.

"Lucy!"

Babala ni Alex. Hindi naman ganun kasama ang ugali ni Lucy sadyang ganyan lang talaga siya sa mga bago. Ganyan rin si Lucy nung simula nasanay nalang sila.

Hindi nalang pinansin ni Uno ang sinabi ni Lucy dahil sanay na siya sa mga bitchesa.

"My father is a retired general kaya bata palang sinanay na kami ni Dos sa mga ganyang bagay."

Nalaglag panga nila. Di nila inaasahan na anak pala ng dating heneral ang ginaganyan ganyan nila. Lalo na si Mr. Dan ay parang natigilan.

"By the way it's fine with me. Ngayong alam kuna na marunong naman halos lahat. Pede na tayo magturn sa plano ko. Bossy man pero may kailangan mamuno para mas tumaas ang survival chance natin dahil magkakaisa tayo."

"Meron kaming private based ng father ko sa isang province. May malawak na lupain dun na pinalilibutan ng napakataas na pader. Siguradong kung ikukumpara yun sa mga based ng militar mas safe yun. Mahirap i-explain pero dun ko balak magtayo ng based para sa maililigtas natin na mga tao. Para maiwasan narin ang komplikasyon sisiguraduhin natin na secure ang mga tao na ililigtas natin pag ipapasok natin dun."

"Paano naman ang paglabas dito sa rooftop paalis?" Tanong ni Alex

"Naisip kuna yan. Kung titingnan mula rito sa rooftop ay kitang kita ang kaguluhan na nangyari mula rito sa itaas. Maraming dugo sa kalsada at marami ang nakakalat. Kaya naman pagbaba natin mula rito dadaan tayo sa anouncer room at bubuksan ang tanging speaker papunta sa court. Sa ganung paraan dun mapupunta ang atensyon ng mga zombie. Ang kailangan nalang natin gawin ay maghanda bumaba mula rito."

"Ready?"

"It's now or never."