KABANATA 4

Binuksan kuna ang pintuan ng rooftop habang dahan dahang naglalakad pababa.

"Gago wag mo tapakan paa ko!"

"Shh!"

Sa loob loob ni Uno ay nagdadasal na siya na sana ngayon lang mangyari ang kaguluhan at kaingayan ng mga ito. Malas naman kung mangyayari yun habang nasa panganib ang buhay nila.

Ngayon ay nasa pinakababa na sila ng baitang ng hagdan.

"Ready?"

Tumango naman ang mga kasamahan ni Uno.

Pinihit na ni Uno ang siradora ng pintuan bago tumungay sa paligid. Tiningnan niya muna kung marami ba ang walker na nakakasagupa nila. Maigi na ang sigurado at handa.

Agad na nagsilabasan ang iba habang nakahanda para sa mga makakasalubong nilang mga walker.

May ilan parin silang nakasalubong na mga walker kahit na nailigaw na sa kabilang banda ng pasilyo ang ibang walker kanina habang papunta siya sa ngayon ay kasama na niya. Yakang yaka naman ng mga lalaki ang makipaglaban, subalit tao rin sila. Nauubusan ng lakas at enerhiya. Gaya ng napagplanuhan ay nauuna ang magdedepensa, sa huli ang mag-oopensa at sa gitna naman si Maris dahil hindi pa ito marunong makipaglaban.

Minsan ay nakapaikot sila kay Maris minsan naman ay sana hulihan ito. Ngayon ay nasa loob na sila ng elevator. Agad silang nagsipasukan sa loob nito.

"Sunod naman tayo sa anouncing room." Sabi ni Uno.

"Easy as pie." Wika ni Tim.

Napailing nalang sila. Naging madali ang pagbaba nila hanggang sa 2nd floor dahil sa iilan nalang ang nakasalubong nila, pero hindi sila nakakasigurado sa walkers na makakasalubong pa nila pagbaba.

---

Kagagaling lang nila sa 4th floor para paganahin ang generator sa generator room.

Bahagyang tumunog ang elevator bago sila dahan dahang bumukas ito. May sumalubong sa kanilang walker kaya nabigla ang ilan buti na nalamang at nakahanda si Dos. Pagkahampas ni Dos sa ulo ng walker ay agad naman itong sinaksak ni Uno sa ulo. Bumaon ang tubo. Agad niya rin itong hinugot at naghanda.

Hindi pa nakahulma ang ilan sa kanila sa bilis ng kilos ng dalawa. It's their instinct, mabuti nalang at well trained sila.

"Time's wasting." Wika ni Uno. Hindi sa nagmamadali siya. Nag-aalala lamang siya para kay Andrei dahil mahigit dalawang oras narin siyang wala. Walang kasama si Andrei sa kotse.

May ilang sumugod na mga walker sa gawi nila subalit agad rin naman itong inaambahan nila Xander at Alex. Kambal nga, parehong madugo makipaglaban. Gamit ang baseball bat ni Xander ay hinampas niya ang zombie. Gaya nga ng sinabi sa kanila ni Uno ay ulo ang sa ngayon ay pinupuntirya nila.

Mabilis rin na nakipaglaban ang iba kasama naroon si Zero. Habang si Mr. Dan naman ay binabantayan si Ms. Flor na may hawak hawak na desk ng upuan. Gaya nila ay binabantayan din ni Tim si Maris.

Habang naglalaban laban sila sa mga walker ay agad na nauna na si Uno sa pagpasok sa anouncing room.

Hinahanap niya ang para sa Court at agad na binuksan ang speaker doon.

"WHATZUP BITCHES!"

Umalingawngaw sa buong paaralan ang ingay na ginawa ni Uno. Nagpapasalamat narin siya dahil pang concert pa ata ang gamit na speaker ng paaralan na ito. Malakas ang ingay na nilikha ng ginawa niya.

"LISTEN TO THIS FUCKING SONG. HOPE YOU'LL LOVE IT!"

Kinuha niya sa bulsa ang ibinigay sa kaniyang cellphone ni Dos. Agad niyang hinanap ang rock songs medley doon na aabutin ng mahigit tatlong oras din. Mabilis niyang tinapat iyon sa mic ng announcing room bago umalis. Segundo lang at nagsimula na itong umingay.

Lumabas na siya ng annoucing room.

Lumapit sa kaniya si Alex at nakipagfistbam sa kaniya. Ganun din ang ginawa ng ilang lalaki. Hindi niya pa nga inaasahan ang fist ni Zero na lumanding nalang rin sa kamao niya.

Hindi nalang niya pinansin ang tila kuryenteng naramdaman niya. Weird.

"Tara na."  Wika ni Uno. Agad naman sa kaniyang umakbay ulit si Dos.

"Petluma ka dun Uno!" Sabi sa kaniya ni Tim.

"I'm not informed na may pagkabitch ka pala talaga, bitch." Wika naman ni Lucy.

"You'll never know."

---

Ngayon ay malinis na malinis na ang nadadaanan nila. Agad silang lumabas sa elevator at bumungad sa kanila ang ground floor.

May iilan ding kotse dito. Agad siyang naghanap ng van. Napadako ang tingin niya sa isang Black high tinted van. Lumapit siya sa sasakyan. Sumunod naman sa kaniya ang iba pa niyang kasama.

"Nakalock." Wika ni Zero dahil siya ang humawak sa bukasan nito.

"Tumingin nalang tayo baka may iba pang van dyan." Wika ni Ms. Flor

Napailing nalang sa Uno at mabilis na yumuko. Bumaba siya ng upo at may kinuha sa sapatos niya. Gaya ng ginawa sa rooftop ay ipinasok niya sa butas ang hairclip. May ginawa itong kung ano hanggang sa naramdaman nalang niyang nagclick na ito. Hinawakan na niya ang bukasan at agad na bumukas ito.

Hindi ata lilipas ang araw na ito ng walang ginagawang kakaiba ang babaeng kasama nila ngayon.

"Siguro carnapper ka?"

Wala sa sariling sabi ni Ryan. Napatawa naman si Uno sa sinabi nito. Bukod sa ngayon nalang ulit ito nagsalita ay walang kaangas angas ang sinabi nito. Para itong lutang na wala sa sarili.

Namula nalang si Ryan ng mapansin niyang narinig iyon ng mga kasama. Ang masama pa ay narinig ito ni Uno.

Ang ibang kasamahan naman ni Uno ay hindi makapaniwala sa itsura ng tumatawang si Uno. Parang anghel ang boses ng tawa nito. Napaganda rin nito tingnan habang tumatawa. Ngayon lang sila nakakita ng babaeng maganda sa kahit anong angulo.

Napairap naman sa ere si Lucy. Habang napapailing naman si Dos sa mga kasama niyang manghang mangha sa tumatawang kaibigan.

Natigil din si Uno sa pagtawa at kalaunan ay ngumiti nalang. Namumula parin si Ryan habang nakatungo. Inangat ni Uno ang kamay niya at ginulo ang buhok ni Ryan.

"Ako na ang magdadrive." Suhistyon ni Uno.

Hindi naman umanggal ang ilan habang napapailing nalang si Dos. Hindi naman kaskasirang babae si Uno kapag nasa racetrack lang talaga o kaya naman kapag nakikipaghabulan kay kamatayan. Pero sa lagay nila? Siguradong kapag may nagtangkang walker ay gagawing racetrack ng babae ang daan.

"No. I'll drive." Tutol ni Zero. Hindi nalang umangal si Uno. Kung hindi siya ang magdadrive mas mapapalaban siya. Maalin man go na go parin siya.

Pang-apatnapung katao ang maaaring sumakay sa van. Habang may kunti pang lugar sa likuran na maaaring paglagyan ng gamit.

"Fine."

Agad na nagsipasukan sa loob ng van ang mga ito.

[Unahan ng sasakyan]

-

---------------

(Uno) - (space) -( Zero)

(Dos) - (Alex) - (Maris) - (Xander)

(Tim) - (Lucy) - (Ryan) - (Stev)

(Mr. Dan) - (Ms. Flor) - (empty seats) - (empty seats)

=

===================

[Space lalagyan ng gamit]

"Ako na magtuturo ng daan may dadaanan tayo. Sa likod ng school tayo. Tumango nalang si Zero at hindi na nagtanong pa.

---

Nang nasa likod na sila ng school ay sinabihan niyang ihinto ang sasakyan. Mabilis siyang bumaba.

Lumapit siya sa isang sulok sa may malaking basurahan. May iilang walker ang nagpipilit pumasok sa sasakyan na iniwan niya.

'Mabuti nalang at hindi ako nahuli.'

Agad siyang lumapit at inambahan ng tubo ang limang walker.  Nang matapos siya sa isa ay sabay sabay na sumugod ang ibang kasama ng walker na pinatay niya. Mahigpit niyang hinawakan ang tubo at agad na hinampas ang walker na sumugod sa kaniya.

Muntik na siya sa isa buti nalang at nahampas ito ng baseball bat ni Zero. Napatingin siya sa lalaki at tumango.

Mabilis na napatumba nila ang mga walker. Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan at agad na bumaba ang bata doon. Niyakap siya nito at nakaramdam siya ng something na basa.

Inangat niya ang ulo ni Andrei at nakita nalamang niya na umiiyak na pala ito.

"Bu-bumalik ka po."

"Sabi ko naman sayo babalik ako."

Nagpunas na ng luha ang bata tsaka ngumiti sa kaniya. Humawak sa kamay niya si Andrei. Aaminin niya na sa kaunting panahon napalapit na siya dito, pero walang oras para magdrama.

Lumapit na sila sa van. Inabot sa kaniya ni Andrei ang baril. Napadako doon ang mata ng mga taong nasa loob ng van.

"Sayo na muna yan Andrei. For self defense. Next time pakikipaglaban ang ituturo ko sayo." Tumango si Andrei at ngumiti.

"Opo ate Sam."

"May kukuhain lang ako sa sasakyan ko."

Susunod na sana sa kaniya si Zero ng sabihan niyang madali lang siya.

Agad na pumunta si Uno sa likod ng sasakyan niya at kinuha mula sa likod noon ang ilang bagay gaya ng nakaorganize na laptop niya doon. Kinuha niya rin ang dalawang bag doon na black. Kasama narin ang isa pang bag na kulay pula naman. Pagkatapos noon ay pumasok naman siya sa loob ng sasakyan niya at kinuha doon ang isang flash drive.

Lumabas na siya at mabilis na naglakad palapit sa van. Binuksan niya ang likod ng van at ipinasok doon ang dalawang itim na malaking bag.

Meron naman siyang height na 5'8. May lakas rin siya ng isang lalaki dahil sanay siya sa pagbubuhat dahil sa training niya.

Bitbit-bitbit ang isang bag na pula at laptop niya na nakalagay sa laptop case ay pumunta siya sa unahan ng sasakyan.

Pinagbuksan siya ni Zero.

Pumasok na siya sa loob na bitbit ang dala. Nang pumasok na si Zero sa kabilang banda ng sasakyan ay iniabot niya ang bitbit bago umayos ng upo. Malaki naman ang upuan sa unahan kaya nagkasya pa sa isang upuan si Andrei at si Uno.

Nang makaayos ng upo ay kinuha niya ang red na bag bago ito binuksan. May mga lalagyan siyang inilabas. Laman ng mga lalagyan na yun ang iba't ibang pagkain at potahe na dinaanan niya bago pumunta sa school.

Iniabot niya iyon sa iba bago kumuha ng isa at binuksan bago iabot kay Andrei.

"Wow! Handang handa ka talaga Uno! The best gutom na gutom narin ako!"

"Akin yung adobo!"

Inihiwalay rin ni Uno ang kay Dos. Bumaling siya sa likuran bago iniabot ang isa lang tupperware kay Dos.

"Thanks." Napatingin si Zero sa ginawa ni Uno bago nag'tss'.

Sa isip isip ni Uno

'May dalaw ata'