KABANATA 5

Nasa daan sila habang tulog na ang iba. Nakasandal sa balikat ni Uno si Andrei habang si Uno naman ay nag-iisip ng plano.

Ngayon ay papunta na siya sa kanilang destinasyon. Balak niyang umuwi muna sa bahay niya. May ilang gamit doon na siguradong mapapakinabangan niya.

Pagbalik nalang nila galing sa bahay nila sila kukuha ng pagkain dahil may ilan pa namang stock ng pagkain sa kanila.

Napakatahimik ng daan. May iilang ingay ng walker sa daan pero di naman sila nahahabol dahil narin sa bilis ng takbo nila.

Maski sila Zero at kasamahan niya ay mga pawang nag-aalala para sa mga pamilya nila. Subalit ang ilan sa kanila ay hindi macontact ang mga pamilya. May ilan na hindi na umaasang buhay pa ang mga ito. May ilan naman na gusto paring malaman kung anong nangyari sa pamilya nila at umaasa na makakasurvive ang mga ito.

Mukhang pagod na pagod ang mga kasama niya. Dahil narin marahil sa kabusugan ay inantok na ang mga ito. Okey narin yan na tulog ang mga kasama niya.

Walang kasiguraduhan na sa mga susunod na araw ay magagawa pa nilang matulog ng mahimbing.

Hindi pa naman ganun kalayo ang byahe. Mahigit isang oras palang ang lumipas simula ng umalis sila sa paaralan.

'Ang tahimik'

Itinuro niya kay Zero ang isang shortcut papunta sa kanila.

Ngayon ay kitang kita na sa harap ng sasakyan ang gate ng subdivision na kinatatayuan ng bahay nila. Makikitang marami ding dugo sa loob.

Wala narin ang ilang bantay na dapat ay nagpapatrol sa buong lugar. Ilang ingay galing sa wqlker ang bumasag sa katahimikan ng daan.

Habang nasa daan sila ay patuloy parin na tumatakbo ang utak niya. Ngayon ay pansin niya na maingay rin ang sasakyan nila at nakakaattract ito ng ilang walker sa daan. Mabuti na lang at mababagal ang iilan dito at kakaunti lang kaya hindi sila naabutan. Kung sakali man na makalapit sa sasakyan nila ang mga walker ay siguradong kakailanganin nilang lumabas para mapatay ang mga ito.

Buti nalang talaga at kakaunti lang ang tao sa loob ng subdivision na ito kaya kakaunti lang ang nakakasalubong nilang walker.

Marami rin namang walker sa nadaanan nila kanina pero sa bilis ng takbo nila at paliko likong daan may ibang hindi nakakahabol. At kung may makahabol man hindi naman ito makakapit sa sinasakyan nila sa bilis ng takbo. But still, mabilis makaatract ng walker ang sasakyan nila. Kung iisipin sa ingay ng sasakyan maaaring ang mga nadaanan nilang walker ay madala nila papunta sa lugar nila. Gamit lang ang pagsunod sa ingay.

May ilang mukhang mutated walker na mas mabilis sa iba pero agad rin itong nabubungo sa ilang sasakyan. Magaling rin talagang magmaneho ang lalaking si Zero. Aside sa mutated na walker na nakasalubong nila, umaasa si Zero na wala ng ibang mutated dahil mas mahihirapan silang makasurvive if ever.

Malapit lapit narin ang lugar kung nasaan sila papunta sa kanila.

Nag-aalala siya sa tatay niya subalit alam niyang hindi basta basta na mangyayari ang kinatatakutan niya. 'ligtas siya'.

Tumigil ang sasakyan at agad naman nilang ginising ang mga kasamahan nila.

"Nasaan na po tayo ate Sam?" Tanong ni Andrei habang nagkukusot pa ng mata. Humikab pa ito ng isang beses bago magkaroon ng ulirat.

"Nasa tapat tayo ng bahay namin."

Hindi kalakihan ang bahay nila. Bilang anak ng militar maraming secret rooms dito. Meron din silang underground.

Bumaba na sa sasakyan sila Uno. Nangungusot sa mata na tumingin ang iba sa malaking gate na nasa harapan nila. Kung isisipin ay masasabing kung sino man ang gugustuhin ay maaari na silang dyan nalang tumuloy. Ang problema nga lang ay hindi ka parin makakasigurado kapag isang kumpol na zombie na ang sumugod.

"Yayamanin naman pala!"

Malayo layo rin sa ibang bahay ang bahay nila kaya wala masyadong pagala galang zombie sa parte na kinalalagyan nila. Safe narin.

Ang bahay kasi nila Uno ang nasa pinakadulo ng Green L Moris Subdivision. Mahigit 2 kilometro rin ang layo ng bahay nila sa ibang bahay na naroroon. Ang lagi pa na sinasabi ng ama niya ay para daw tahimik o hindi kaya ay hindi makabulabog ang putok ng baril nagpapractice sila.

Lumapit si Uno sa gate nilang nakasarado. Pumunta siya sa kabilang gilid at binuksan ito gamit ang susi na nakasabit sa ginawa niyang porselas sa paa. Nang makapasok ay agad niyang nilapitan ang malaking gate na kulay puti. Sa labas ng gate ay wala kang makikita na kahit ano mula doon. Agad niyang binuksan ang malaking gate hanggang sa bumukas ito. Ginilid niya pahigit ang gate para makapasok ang van na gamit nila.

Galing sa pera ng ama niya lahat ng makikita mo ngayon dito sa bahay nila. Medyo vintage ang style ng bahay nila base narin sa style ng tatay niya. Although sobrang ganda namang tingnan.

Lumapit na sila sa bahay nila Uno. Binuksan niya ang malaking pinto at agad na bumungad sa kanila ang tahimikan.

"Shit! Is that the... fuck!"

"Ang ingay mo Xander!"

"Shh."

Kung iisipin nakakatanga lang ang pinag-gagawa ng mga ito. Bukod sa nakasarado naman ang pinto ay kulong ang bahay nila mula sa ingay na maaari nilang malikha mula sa loob.

Nakahilera lang naman sa wall in nila sa bahay ang magagarang mga collection ng baril. Wala namang bala ang mga ito. Sadyang nakahilera lang at parang ala style narin ang mga baril na ito. Ang mga baril lang naman na nakalagay sa wall in ay ang mga baril na ginamit ng niya noon sa training. Habang kalapit naman ng mga ito ay ang mga picture niya na nakaframe habang hawak ang mga baril na ito.

"Ikaw yan Uno?" Tanong ni Tim. Agad din naman siyang nabara ni Alex.

"Malamang kamukha niya diba?"

Napakamot nalang sa batok si Tim.

"Mukha ka namang lalaki dito sa mga kuha mo. Sino 'tong kasikbay mo?" Tanong ni Stev

"Si Dos yan. Yan yung mga litrato namin taon taon kapag nagti-training sa military base noon."

"Maigi pa magpahinga nalang muna kayo."  Sabi ni Uno sa kanila.

"Actually okey na sakin yung tulog ko sa van hihih."

"Parang mas masayang maglibot dito sa bahay niyo babe."

"Actually may mas magandang part dito sa bahay na paborito ko." Nakangising sabi ni Uno sa sinabi ni Xander.

---

"Uy kaninong kwarto 'to?" Tanong Tim habang bahagyang sinudot sa tagiliran si Uno.

Feeling close ang kuya niyo.

"Akin."

Nalalaki naman ang matang napatingin sila Tim kay Uno.

"Uno bata pa ako." Sabi ni Tim.

Isang malutong na batok ang nakamit niya sa mapagpalang kamay ni Alex.

"Tarantado."

Binuksan ni Uno ang kwarto niya. Nagsipasukan din naman silang lahat.

Masasabing kwarto palang boyish na. Malawak ang kwarto niya na kahit saan ay makikitaan mo ng poster ng iba't ibang race car. Sa kabilang dulo naman ng silid ay nag-iisang naglibot si Xander hanggang sa may makita siyang iba't ibang larawan kasama ang babaeng si Uno.

Karamihan sa litrato ay nakaracing outfit si Uno na panlalaki. May ilang larawan dito na may nakaakbay sa kaniyang tatlong lalaki ang isa doon ay si sir Red o kung tawagin ay Dos.

May ilang larawan doon na may mga pasa sa mukha sila Uno. May ilan naman na nakaangkas sa likod ng isang lalaki si Uno habang si Uno ay nakasimangot.

Meron ding larawan kung saan first time in a life time nakadress lang naman si Uno habang kasayaw nito ang hindi naman katandaang lalaki na kung iisipin ay mukhang ama ni Uno.

"Uy."

Nagitla namang hinarap ni Xander si Ryan. Di man halata pero mas close talaga ni Xander si Ryan.

"Baliw ka bakit ka ba bigla bigla nalang sumusulpot!"

Narinig naman ng ilan ang angas na sabi na yun ni Xander.

Nagsilapitan naman sila sa kinaroroonan nila Xander.

Mapapansing kanina pa tahimik sila Mr. Dan at Ms. Flor na manghang-mangha.

"Wow! Racer ka Uno?"

Agad silang napaharap kay Uno sa tinanong ni Stev. Di man halata pero more into racing rin si Stev. Hindi lang talaga nagkaroon ng chance.

"Chix ang ganda mo dito Uno!"  Biglang sabi ni Alex.

"Psh... HAHAHHA"

Natatawa si Dos sa sinabi ni Alex kay Uno. Knowing Uno mas gugustuhin niya pang masabihan ng gwapo siya. Boyish si Uno at lumaki sa ama kaya ang compliment para sa kaniya ay salitang 'gwapo' instead of 'maganda'.

Di mabatukan ni Uno si Dos kasi nakahawak sa kamay niya si Andrei.

Inabot muna ni Uno si Andrei kay Zero at sinabihan na sa kaniya muna si Andrei.

Nagsilapitan naman sila kay Uno ng binuksan nito ang closet na wala namang laman. Nakakapagtaka hindi ba?

May hinigit si Uno na parang kawad. Unti unti namang lumuwag ang harang sa loob ng closet. Hinigit niya ito paitaas at tumaas naman ito. Pumasok naman siya sa loob bago ilock pataas ang harang. Nagsipasukan rin ang iba bago niya muling ibaba ang harang.

Napatingin siya sa mga kasama niyang mukhang nalilito.

Pumunta siya sa gilid kung saan may lalagyan ng kandila. Hinawakan iyon ni Uno bago hinigit pababa. Unti unting may isang parte ng sahig ang umangat. Inangat niya iyon at binuksang ang sahig. Isang hagdan ang umagaw sa tingin nila.

"Secret doors!"

Okey. Obsessed talaga yata si Ryan sa ganyan. Nawawala yung angas e.

Napatingin sa kaniya ang lahat. Napatungo naman ito habang namumulang di makatingin sa mga ito.

Nilapitan ito ni Uno bago natutuwang ginulo ni Uno ang buhok ni Ryan. Iwan ba. Yung angas kanina biglang naglaho para sa kaniya. Parang may facade lang na nagtatago sa sweet, smooth, at childy type na personality ni Ryan. Maybe because of the stares but in reality kung titingnan. Hay, hindi niya maipaliwanag. Basta gumaan nalang ang loob ni Uno kay Ryan. Para kasing si Tres minsan kapag nahihiya sa kaniya bigla namumula.

Imbes na matuwa si Ryan sa pagulo ni Uno sa buhok niya ay lalo pa siyang namula.

"Cute."

Bigla nalang nasabi ni Uno. Habang si Dos naman tumatawa nanaman.

Si Zero naman kung nakakapatay lang ang tingin kanina pa nakabulagta ang kaibigan na si Ryan dahil sa masasamang tingin. 'Ang lamig lang'

"Tss." utas ni Zero.

Nauna na si Zero bumaba habang hawak sa kamay si Andrei.

Nagsisunudan naman ang iba sa kanila. Nahuhuli naman si Dos at Ryan na parang napako sa kinatatayuan habang namumula.

Inakbayan ni Dos si Ryan bago sinabihan itong sumunod na.

Sa kadulo-duluhan ng hagdan ay binuksan nila ang pinto ay bumulaga sa kanilang mga mata ang iba't ibang uri ng baril na nakalagay sa pader at iba't ibang klase ng mga armas sa lamesa.

May iilan ding malalaking kahon ang nakatambak sa isang gilid.

Sa pinakatabi naman ng silid makikita ang isang nakahiwalay ng armas. Dalawang identical na katana pero may magkaibang disenyo ng gravings.

Halos lahat ng mga mata ay tila napako sa kanilang pinagmamasdan.

Hindi naman ganun kahirap humanap ng mga baril para kila Uno. Dahil ang organisasyon na isa sa pinamumunuan ng ama niya ay may sariling mga blacksmith.

"It's better kung kukuha na kayo ng mga armas niyo. Pagkatapos ay dadalhin natin ang lahat ng yan para ilipat papunta sa private based namin sa probince in that case mas marami ang makakagamit ng mga armas ng yan. We need to save lives dahil yun ang dapat."

Napatingin silang lahat kay Uno ng magsalita ito.

"May lisensya ba talaga ang lahat ng yan?"  Tanong ni Mr. Dan.

"Yes. Ngayon siguro dapat na kayong pumili?"

Nagningning ang mga mata nila. Aside of the fact that they are feeling scared of they sort of disaster thing. More on excitement na ang nararamdaman ng mga taong nasa loob ng silid na iyon. Excitement sa paghawak sa baril.

If only they know na hindi ganun kadali magbuhat ng baril like easy as pie. Hindi din ganun kadaling ihandle ang pressure kapag pinaputok muna ito. May malakas na impact lalo na kung mamamali ang paghawak mo dito.

Lumapit rin si Uno sa mga nakahilerang baril ipinaliwanag ang ilan rito.

"Ito ano ito babes?" Tanong ni Xander kay Uno habang hawak ang isang klase ng baril na umagaw sa mga mata nito.

"That is SMITH & WESSON M&P15-22."

Agad na nagkuhaan ng kaniya kaniyang baril ang lahat. May inabot naman na baril si Uno kayla sir Dan na nanahimik habang nakatingin sa mga baril.

Hindi naman siya mababaw na klase ng tao at lalong hindi siya marunong magtanim ng sama ng loob.

Isang mini uzi naman ang ibinigay na baril ni Uno kay Ms. Flor.

Kung iisa isahin ay may tig-iisang semi-automatic handguns ang mga babae bukod kay Lucy na ang hawak ay dalawang revolver.

Ang hawak naman ni Maris ay isang pana. Totoo na hindi marunong humawak ng baril ang babae pero marunong ito gumamit ng pana. Ito kasi ang passion ng tatay ni Maris kaya nahawa narin siya. Mabuti nalang at may pana pala sila Uno. May halong lungkot sa mga mata nito gayun pa man ay nagpapasalamat narin siya dahil hindi na mamumulat ang ama niya sa ganitong klase ng pandemya.

Si Andrei ay nasa kaniya parin ang baril na dala kanina ni Uno na iniwan sa kaniya. Balak itong turuan ni Uno habang hindi pa sila umaalis. Naisipan narin ni Uno na 3 araw mula ngayon sila aalis dahil maghahakot pa sila ng maraming baril at maraming pagkain. Masasabing marami siyang nakolektang sasakyan subalit sa lagay nila ngayon ay isang malaking track ang dapat na meron sila. Hindi naman sila maaaring magpabalik balik dahil delikado.

Si Ryan ay natutuwa sa hawak na isang klase ng sniper. Nakangisi ito na parang may masamang binabalak.

In that case. Ang nasa utak lang naman ni Ryan ay ang pagmurder sa mga walker na tatamaan ng hawak niyang baril.

Napapaisip lamang si Uno sa linya ng mga kasama. Halos lahat ay nabulag sa mga klase ng baril na meron sila. May mga dala naman ang mga ito na pangshort-range subalit mas lamang ang pananabik ng mga ito sa baril. Baka kalaunan mangilan ngilan nalang ang makalaban sa malapitan lalo na kapag may nakasalubong silang isang pangkat ng mga walker. Matatalo ang bilang nila kahit masabi na marami silang armas. Bukod pa sa walang silencer ang ilang baril ng mga ito, siguradong makakagawa ito ng ingay na tatawag pa ng mas maraming walker.

Siguro magagawan naman iyan ng diskarte.

Ang hawak na baril ni Tim ay isang assault na baril isang klase ng sniper na may mataas na caliber, nakapulupot naman sa baywang nito na mga lalagyan ng bala na may laman. Meron din itong nakalagay na baril at gunholder sa isang braso imbes na sa binti nakalagay.

Sinabihan kasi sila ni Uno na makakabagal ang pagdadala sa katawan ng maraming bala. If that's the case para matuto sila kailangan muna ng mga ito ng training. Pero nga sa dahilan nila na 'nagtraining din sila kasi nga MAYAMAN sila at para hindi na sila protektahan pa.' kaya ata walang mga bodyguard ang mga ito ay bata palang nagtraining narin ang mga ito.

Nagpatuloy ang mga ito sa pagkuha ng kaniya kaniyang mga baril at armas.

-----