CHAPTER 32

CHAPTER 32: FIELD TRIP DAY #0.2

Sky Kaizer Ferrer POV

Hi there labidaaaaabsss! So as you can see in your beautiful imagination about me is masaya ako hihi. Ngayon ko lang pinapakita sa inyo ang other side ko this is because of one girl—my girl, Shikinah.

Ganito kasi 'yon siguro naman alam nyo na nililigawan ko si Shikinah, diba? Malamang lahi kayong updated e. Alam ko rin na may isang asungot na nagsabi sa inyo tungkol sa amin ni Shikinah pero wala akong pake sasabihin ko sa inyo ang nangyare.

May kalahating minuto pa namang natitira sa amin kaya ikukwento ko na muna sa inyo ang nangyari.

*Flashback*

NASA rooftop ako— kami ngayon ni Shikinah dahil sa hindi ko alam ang rason kung bakit pinatawag nya lang naman kasi ako at ako naman 'tong mahal siya syempre agad akong nagtungo dito.

Natigil ang pag-iisip ko ng magsalita si Shikinah.

"I have something to tell you that's why i called you to come here." paninimula nya.

Tumingin naman ako sa kanya na may *continue look*

"To be honest, naiirita ako sa pagpapadala mo ng mga flowers, chocolates and letters sa akin." she said with her irritating voice.

"Shi—" magsasalita na sana ako ng magsalita ulit sya.

"Shut up." she said and look at me intently. Hindi na lang ako nagsalita at nakinig sa susunod na sasabihin nya. "In those letters that you have been sending to me there's one question and that question is 'Can you be my girlfriend?'." nagulat ako dahil hindi ko alam na yun pala ang sasabihin nya. Tumango na lang ako at nanatiling tahimik. "My answer is yes and from now on we're in a relationship. But don't assume so much i just say yes because I'm so irritated with the flowers and chocolates you are sending to me. And don't expect that I'm like the other girl that are sweet and caring. Understood?" mahabang litanya nya. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay nawala na sya sa harapan ko. She just left me dumbfounded.

Huli na ng ma-realized ko ang sinabi nya sa akin dahil ngayon lang nag-sink in sa pesteng utak ko ang sinabi nya. Like what the heck man! She just said that we are f*ckin' in a relationship! It means kami na at sinasagot na nya akooooo!!!!!

*End of Flashback*

Ngayon alam nyo na. Hindi naman sya napipilitan no? Pero kahit napilitan lang sya at naiirita lang sya sa akin kaya nya ako sinagot ayos lang! At least kami na diba.

Napatigil ako sa pag-iisip sa nangyari ng pumasok sa loob ng kwarto ko si Shikinah. Nagulat man ay hindi ko ito ipinahalata. Magsasalita na sana ako ng unahan nya ako. Aish lagi naman e-,-

"Wag kang mag-isip ng kung ano-ano pinapatawag na tayo nila Sir Sebastian and Allison." she said with poker face.

"Eh bakit ikaw ang pumunta dito para tawagin ako?" tanong ko sa kanya habang nakangiti.

"Dahil pinilit nila ako." napawi ang malapad na ngiti ko dahil sa isinagot nya. Hindi naman masakit. "Again I'm telling you, hindi porket tayo na ay magiging maganda na ang trato ko sayo don't expect to much, Kaizer. Kung ano ang pakikitungo ko sayo dati hindi pa rin magbabago 'yon hanggang ngayon." She said na mas lalong ikinalungkot ko. Ahays, oo nga naman.

Hindi naman ako nag-eexpect na magbabago ang pakikitungo nya sa akin. Nasaktan lang ako dahil hindi man lang sya nag-atubuling sabihin ang mga bagay na yun sa akin. Don't expect to much kasi Kaizer.

Lumabas na sya kaya sumunod naman ako sa kanya. Ibinalik ko na ang dating cold expression ko sa dati. Ayokong makita nila na nasasaktan ako just because of a girl dahil hindi ko alam kung pagtatawanan nila ako o hindi. Hindi ko naman kasi kontrolado ang utak ng mga gunggong na yun.

After a couple of minutes we are already here at the beach. The other team are already completed but our team is not. Huxley and Cassandra is not yet here that's why Sir Sebastian, Allison and the other tour guide's including us are waiting for them to come.

Five minutes past and finally they are now here. We look at them with interrogatory look. The just shrugged and focus their attention to Sir Sebastian and start listening to his announcement.

Nasabi na ni Sir Sebastian ang gagawin namin ngayon. Hide and Seek ang laro. Sir Sebastian including the tour guides place and hide different colors of flags with different points in a different locations. Kami naman ang maghahanap ng mga flags na 'yon.

Chloe Xanthos POV

Sir Sebastian told us na kailangan naming mahanap ang mga tela sa bawat sulok na madadaan namin dahil may nakalagay doon na mga clues. Sa bawat tela ay naglalaman iyon ng isang clue kung saan maaring magturo 'yon sa amin sa lokasyon ng mga flags.

May mga rules and regulations din kaming dapat sundin dahil kung hindi kami susunod sa rules and regulations ay matatanggal kami sa laro.

Rules and Regulations:

1. Every group needs to be a Team.

2. Every team members should help each other.

3. The chosen leader should be responsible for their team.

4. Be a Team not an enemy.

5. The members should help the leaders to think and decide.

6. Do not fight with your co-members.

7. Do not use harmful things just to take the flags of the other teams.

Last, 8. Don't help the other team even when they are suffering just to get flags.

*****

Third Person's POV

Nag-simula ng maghanap ang ibang team at ang naiwan na lang ay ang grupo ng Team A. Nagsalita na si Xavier ang kanilang leader dahil tumatakbo na ang oras.

"Kailangan nating maghiwa-hiwalay upang mahanap ang mga tela para makakuha tayo ng clues." sabi ni Xavier na sinang-ayunan naman ng lahat.

Nahati ang labing anim katao sa tig apat-apat na tao. Ngayon ay apat na grupo na sila.

"Cassandra, Davina, Blaze, and Ace kayo ang magkakagrupo." banggit ni Huxley sa apat.

Nagpatuloy sya sa pagsasalita at paghahati-hati sa grupo nila sa bilang na apat.

"Shikinah, Dextera, Felix, and Vladimir." banggit ni Huxley sa pangalan nilang apat, nagsilapitan naman sila.

"Raven, Chloe, Hiro, and Akhiro. While Xavier, Sky, Maisie, and Me ang magkakasama. Now let's move." banggit ni Huxley sa pangalan nila.

Naghiwa-hiwalay na silang lahat at nagsimulang maghanap ng mga clues.

Habang nag-sisimula ang palaro at ang paghahanap nila ng mga clues na pwedeng magdala sa kanila mula sa lokasyon ng mga flags ay may patagong nagmamasid sa kanila.

Isang grupo ng mga naglalakihang mga lalaki. Sila ay ipinadala ni Black Scorpio upang bantayan ang bawat kilos nila. Sa kadahilanang magaganap ang pag-tutuos nila laban sa mga Hari at Reyna ng Underground Palace.

Magaganap ang labanan at pagkikita-kita nila sa ikalawang gabi ng field trip. Kung saan magaganap ang bloody night sa pagitan ng dalawang grupo.

*****

Allison Witney's POV

Nagsimula na ang palaro at mula dito sa loob ng CCTV's room ay makikita ang lahat ng ginagawa nila.

Kanya-kanya sila ng strategy upang makahanap ng tela na magbibigay sa kanila ng mga clues. Makikita ngayon dito sa CCTV ang Team A na napag-desisyunan nilang hatiin ang grupo nila mula sa apat na grupo na may apat rin katao.

Magaling ang ginawa nila. Dahil sa ginawa nila ah mas mapapadali ang paghahanap nila ng clue patungo sa lokasyon ng mga flags na itinago namin sa iba't ibang lokasyon.

Habang pinapanood ko sila ay biglang nag-ring ang cellphone ko. Nag-paalam ako kay Sebastian at pumunta sa sulok para walang makarinig sa pag-uusap namin.

•On Phone Call•

[Is everything okay according to our plan?] tanong ng boss ko na si Mr. Alejandro sa kabilang linya.

"Yes, boss. Everything is okay according to our plan." sagot ko naman sa kanya.

Narinig ko ang pag-tikhim nya ng isang beses bago magsalita ulit.

[Kumusta ang mga apo ko?] tanong ni Mr. Alejandro sa akin.

Huminga muna ako ng malalim bago sabihin sa kanya ang tungkol sa apo nya.

"They're doing good, boss. Besides they will have a battle tomorrow night aversely to Black Scorpio." i reported to him.

[I know, i know. Sebastian already told me about that.] He said.

Wait what?! Sebastian? Hindi naman kaya si Sebastian na kakilala ko ang tintukoy nya? Baka nagkakama—

[Yes, he is. The one and only Sebastian that you know. Well, i forgot to tell you about his personality. Magpapadala ako ng mga tao jan bukas at alam na nila ang gagawin. Good job, Allison.] he said and hang up.

Did i forgot that Mr. Mr. Alejandro is a dodger? Yeah maybe. Aish.

Marahil nagtataka kayo kung sino ang kausap ko at kung sino ang tinutukoy nya na mga apo nya. Sasabihin ko sa inyo. Si Mr. Alejandro ay retired Mafia King in Canada but no one knows about his existence until now.

Maraming nagtatangkang patayin sya ngunit lahat ay nabibigo. Mahigpit ang seguridad sa buong organization ng C.O dahil sa kadahilanang tumatanda na rin sya. C.O stands for Crest Organization. 

Isa itong organization na iilan lang ang may alam. Ang mga naunang pamilya lang nila ang mga nakaka-alam. Ngayon henerasyon nila Xavier at Vladimir Crest wala silang kaalam-alam na ang lolo nila ang isa sa mga kinatatakutang mafia king sa buong mundo.

Ang ibang Mafia's naman ay kilala rin sya. Noong mag-retired sya ay maraming nanghinayang dahil sinong mag-aakala na ang isang matanda ay mas malakas at mas mabilis pang kumilos kaysa sa isang binata? Kahit ako ay namangha sa galing nya.

Sya rin ang nag-turo sa akin ng iba't-ibang technique pagdating sa pakikipaglaban. Si Xavier at Vladimir Crest ang tinutukoy na apo ni Mr. Alejandro. Sila ang pinababantayan nya sa amin ni Sebastian. 

Alam naming mainit ang labanan sa pagitan ng dalawang grupo. Ang Underground Organizations at Black Scorpio Organization. Kaya ng malaman namin na may magaganap ulit na laban sa dalawang grupo ay minabuti ni Mr. Alejandro na mangialam sa laban upang mapabagsak si Black Scorpio ang lalaking nagpapanggap na tiyuhin nila Crest at ng mga kaibigan nya.

Sya rin ang pumatay sa anak nitong si Harrison Crest ang ama ni Xavier at ang tito ni Vladimir. Kung iniisip nyo na isa ako—kami sa mga kalaban nagkakamali kayo.