CHAPTER 33: CLUES
Raven Scott's POV
NASA kalagitnaan kami ng paghahanap ng tela ng biglang magtakbuhan ang team C. Hinarang ko ang isang member nito at kaagarang tinanong kung bakit sila nagtatakbuhan. Sinabi nya na nahanap na nila ang telang kulay puti.
Ang bawat kulay ng tela ay sumisimbolo ng kulay ng flags na hahanapin. Pero hindi porket kakulay na ng tela ang kulay ng mga flags ay sasabihin na nito ng diretso ang kinroroonan ng mga flags. Tanging clues lang ang nakalagay o nakasulat sa loob ng tela.
Umalis na ang myembro team C na pinagtanungan ko. Nagkatinginan naman kaming apat dahil wala pa kaming nahahanap na kahit anong tela.
Chloe Xanthos POV
Matapos naming marinig ang sagot ng myembro ng team C na pinagtanungan ni Raven ay nagkatinginan kaming apat. Paano ba naman kasi ni-isa wala kaming nahanap na tela.
Nasa may bandang hotel nga pala kami ng El Nido, Palawan Philippines. Dito kami magsisimulang maghanap at nagbabakasakaling may mahanap kami dito na clues o tela.
"Guuuuuuys! Guuuuuuys!"
Patuloy pa rin ako sa paghahanap ng sumigaw si Akhiro mula sa likod ng hotel. Medyo madamo na ang likuran doon kaya mahirap maghanap. Nag-prisinta lang si Akhiro na doon maghanap upang magbakasakali at mukhang may nahanap sya.
Pumunta ako sa likuran ng hotel at naabutan sila Raven at Hiro na nandoon na rin.
Akhiro Xenos POV
Nag-prisinta akong dito maghanap ng clues o tela sa likurang bahagi ng hotel dahil malakas ang kutob ko na mayroon akong mahahanap dito. Ilang minuto na akong paikot-ikot sa madamong bahagi ng likuran ng hotel na 'to ng may mapansin akong kulay asul na naka-ipit sa iilang mga kahoy na hindi ginagamit.
Lumapit ako sa kinaroonan nito at unti-unting inaalis ang nga kahoy na nakapatong dito. Nang maialis ko na ang mga kahoy ay nakita ko ang isang kulay asul na tela. Sa wakas may nahanap na rin kami! Agaran naman ako sumigaw upang maagaw ang pansin ng mga kasama ko.
"Guuuuuuys! Guuuuuuys!" sigaw ko.
Nakarinig naman ako ng mga yabag na patakbong papunta dito. Naunang dumating sila Raven at Hiro sumunod naman si Chloe. Ipinakita ko sa kanila ang hawak kong kulay asul na tela.
"Ayos! Galing mo talaga, bro!" sambit ni Hiro sa akin.
"Naman ako pa! Oh ano basahin na natin ang nakasulat." saad ko naman.
Nagsilapitan naman ang dalawang babae na sina Raven at Chloe sa amin upang tignan kung anong nakasulat sa asul na tela.
'If you climb it, you can take it'
Yan ang mga salitang nakikita at nababasa namin ngayon. Napa-isip naman ako kung ano ang ibigsabihin nun.
Hiro Xenos POV
Napa-isip naman ako kung anong ibigsabihin ng mga salitang nakasulat sa tela. If you climb it, you can take it? Wait...is this a—
"It's a tree." Raven suddenly uttered.
Napatingin naman kami sa kanya ng *how it could be look* She heaved a sigh and start talking.
"If you climb it, you can take it. Isn't obvious? From the third to fourth words it's literally obvious. If you climb it means— if we climb in a tree we can easily take it. Also, there is no word that it is far from here that means it's near from us." she explained.
Now i got it. Building kasi ang naisip ko hehe. Sorna man. Ang layo ng naabot ko no? Well, if she's right where could we find a tree? It's not far from here thats means it's near from us....waiiit! I saw a tree a while ago habang naghahanap ako ng tela!
I immediately run and went to the tree i have seen a while ago. I can sense that they are after me. Nang makarating ako sa puno na sinasabi ko ay tumingala ako dito. Ganun din naman ang iba. Mukhang nagets nila ang ginagawa ko.
Masyadong mataas ang punong ito at marami ding dahon ang makikita mo dito kaya mahihirapan kaming hagilapin kung may flag ba dito. Nag usap-usap kami kung sino ang aakyat sa mataas na punong ito at nag-prisinta si Chloe na sya na lang daw ang aakyat dahil may naitulong na raw kaming tatlo which is Me, Raven and Hiro while sya daw ay wala pa.
Tumutol naman kaming dalawa ni Akhiro dahil kahit isa sya sa mga reyna ay babae pa rin sya baka mapano sya kapag umakyat sya jan.
"Mag-ingat ka baka mahulog ka!" sigaw ni Akhiro kay Chloe na nasa gitna na ng puno. What the? Ang bilis nya namang umakyat!
"Don't worry she can do that. Magaling sya pagdating sa pag-akyat ng mataas na building kaya, kaya nya na yan." Raven said confidently and without any fear na baka may mangyari kay Chloe na ngayon ay nasa pinaka-itaas na ng puno.
Third Person's POV
Naghihintay ang tatlo ngayon kay Chloe na bumaba mula sa pagkaka-akyat sa mataas na puno. Hindi man lang umabot ng limang minuto ay lumitaw na si Chloe sa harapan nila na may hawak na kulang asul na flag.
Kung papa-ano sya bumaba ng ganun kabilis well, tumalon sya mula sa itaas ng puno hanggang sa ibaba. May dalawampu na silang puntos dahil sa pagkaka-kuha nila sa asul na flag.
Kahit nakahanap na sila ng isang flag ay nagpatuloy pa rin sila sa paghahanap ng iba pa dahil hindi daw porket may nahanap sila ay titigil na sila sa paghahanap.
*****
Sa kabilang banda naman ay ang grupo naman nila Shikinah, Dextera, Felix at Vladimir ang nasa loob ng gubat. Hindi naman ito gaanong kasukal na gubat at hindi rin ito malayo mula sa beach kaya hindi sila maliligaw at madali rin silang makakabalik sa beach camp.
Madamo na ng bahagi ng gubat ang napuntahan nila kaya medyo nahihirapan sila sa paghahanap ng clue o tela. Napag-pasyahan nilang maghiwa-hiwalay upang mas mapadali ang gagawin nilang paghahanap.
Magkasama sina Dextera at Vladimir sa paghahanap habang sina Shikinah at Felix naman ang magkasama. Nagsimula na silang maghanap dahil nauubusan na sila ng oras. Sa kanang bahagi naghahanap ng clue sila Dextera at Vladimir habang sa kaliwang bahagi naman ng gubat naghahanap sila Shikinah at Felix.
Habang naghahanap sila Dextera at Vladimir ay napansin si Dextera na isang kulay sa di kalayuan. Malinaw ang mga mata ni Dextera kaya madali nya lang itong napansin at nakita. Pinuntahan nya ito. Nagtataka namang sumunod si Vladimir sa kanya.
Gaya nga ng hinala ni Dextera ay isa itong kulay Mint Green na tela. Agad naman kinuha ni Vladimir ang tela atsaka hinanap nilang dalawa sina Shikinah at Felix. Hindi naman naging mahirap ito para sa kanila dahil mabilis silang makaramdam.
Ipinakita ni Vladimir ang hawak nyang kulay Mint Green na tela sa dalawa pa nilang kasama. Agad namang kinuha ni Felix ito at binasa ang nilalaman ng tela.
'Dig until you can, parcels and holes are everywhere'
3 kilometers
*****
Shikinah Silvestre's POV
Naguguluhan man ay pilit ko pa ring iniintindi ang mga katagang nakasulat sa kulay asul na tela.
Dig until you can, parcels and holes are everywhere.....wait is this means that, we can dig until we can but there is another choice. Hindi na kami maghuhukay pa dahil may mga lupa ng nahukay. Tama!
"Okay guys i got it." six pair of eyes are now on me. "The words want to say is, we can dig until we can but there is another choice. And that choice is there are already some hole in the ground all we just need is to look for it. Did you get my point?" sabi ko at tinanong sila kung na-gets ba nila ang punto ko.
"Yes, i got it. But where could we find a hole in the ground? Mauubusan lamb tayo ng oras kapag hindi natin alam kung nasaan ang lupang nahukay na." Vladimir suddenly asked.
"Alam ko na! Come with me!" Felix said and run.
Nagtataka man ay sumunod kami sa kanya.
Third Person's POV
Sumunod ang tatlo kay Felix na mabilis tumakbo papunta gitna ng gubat kung saan tatlong kilometro na ang naabot nila. Biglang tumigil si Felix kaya tumigil na rin sa pagtakbo ang tatlo pa nitong kasama.
Naghahanap si Felix ng lupang nahukay na. Maya-maya ay may napansin syang lupa na may hukay kaya agad nya itong nilapitan. Sa una ay hindi mo ito mapapansin dahil sa kapal ng mga damo pero pag-tinitigan mo itong maigi mapapansin at makikita mo ito.
Lumapit na rin ang mga kasama ni Felix sa kanya. Nang-makalapit na ng tuluyan si Felix sa butas ay nakita nya ang isang flag na kulay Mint Green kagaya ng kulay ng tela na nahanap nila. Agad naman nya itong kinuha at ipinakita sa tatlong kasama nya.
Nakahinga naman ng maluwag ang tatlo dahil sa wakas ay may nahanap na rin sila. Ibigsahin may apatnapu o 40 points na sila. Aalis na sana sila upang bumalik sa beach camp ng biglang sumulpot ang apat na lalaki sa harapan nila.
Galing ang mga ito sa grupo ng Team B. Nagkatinginan naman ang apat na sila Dextera, Vladimir, Shikinah at Felix sa isa't-isa. Pagkatapos nito ay tumingin silang apat sa harapan nila.
"What do you want?" tanong ni Vladimir sa apat na lalaking nasa harapan nila.
Agad namang sumagot ang isang lalaki sa tanong ni Vladimir.
"Your flag. Get it." sagot ng lalaki na mukhang leader ng tatlo at inutusan silang kunin ang flag na hawak ni Felix.
"I'm sorry, Xavier but we need to protect our flag." Shikinah uttered.
Naghanda naman sila sa pag-atake ng kalaban nila. Unang sumugod ang lalaking katapat ni Dextera sa kanya. Susuntukin nya na sana si Dextera ng walang kahirap-hirap lang na iniwasan ni Dextera ang pag-atake nya. Isang minuto lang ang nakalipas at nababagot na si Dextera sa ginagawang pag-atake ng kalaban nya.
Dahil sa bagot na sya at nauubusan na rin sila ng oras ay agad nya na itong pinatulog sa pamamagitan ng pag-pitik nito sa isang ugat na malapit sa pulso ng leeg nya upang makatulog. Ganun din naman ang ginawa ng iba sa mga kalaban nila kaya hindi rin nagtagal ay napatulog na nila ang mga ito. Alam nilang mababawasan ang puntos nila dahil nilabag nila ang isang rule kung saan hindi pwedeng makipag-away sa ibang team.
Pero kung hindi sila lumaban baka nakuha na ng team C ang flag na pinaghirapan nila.