CHAPTER 34: FLAGS
Huxley Viglianco POV
NANDITO kami ngayon sa isang lugar kung saan malapit sa beach camp namin. Hindi namin alam pero kusa na lang kaming naglakad patungo dito. Nagsimula na rin kaming maghanap nina Xavier, Sky at Maisie.
Ilang minuto pa ang nakalipas pero wala pa rin kaming nahahanap ng bigla akong may maapakan na kung ano. Yumuko ako upang makita kung ano ang bagay na naapakan ko. Hindi masyado ito kita dahil may mga buhangin na nakatabon dito kaya kung hindi ito aalisin ay hinding-hindi mo malalaman kung anong bagay ito.
Sinimulan kong alisin ang mga buhangin na nakatabon dito. Hindi nagtagal ay lumitaw ang isang kulay pitch na tela. Agad ko namang kinuha ito dahil baka may makaagaw pa nito sa amin pagnagkataon. Tinawag ko ang iba ko pang kasama at nagsilapitan naman silang tatlo.
Ipinakita ko ang hawak kong kulay pitch na tela sa kanila. Nagsi high-five naman sina Maisie at Sky dahil may nahanap na kami. Magsasalita na sana ako upang sabihin kay Xavier na bumalik na kami sa beach camp ng may inilabas sya sa bulsa nya.
Xavier Crest POV
Habang naghahanap ang tatlo ko pang kasama sa may tabi ng beach nandito naman ako napunta sa pinagtatapunan ng basura. Hindi ko alam pero malakas ang kutob ko na may mahahanap ako dito.
Habang naghahalungkat ako ng basura may hindi sinadya akong nasagi. Take note hindi ako maarte kaya hindi rin ako nandidiri sa mga ganitong bagay. Tinignan ko kung ano ang nasagi ko. Kumunot ang noo ko ng makita ko ang isang itim na flag. Hindi lang yun ang dahilan ng pagkunot ng noo ko. Wala pa kasi akong nahahanap na clue o tela upang magturo sa amin sa mga kinalalagyan ng flags.
"Kung sinuswerte ka nga naman." i suddenly uttered and shaked my head.
Base sa mga kulay ng flags ay ang black flag lang ang may pinaka-malaking puntos. Kinuha ko ito at ibulsa para walang makakita at makaalam na nakuha na namin ang black flag. Bumalik na ako sa pwesto namin kanina kung saan naroroon sila Huxley, Sky, at Maisie.
May ipinakita sa amin si Huxley na kulay pitch na tela. Nagsi high-five naman sila Maisie at Sky dahil may nahanap na kaming clue. Kinuha ko naman mula sa loob ng bulsa ko ang black flag na nahanap ko. I saw their shocking face.
"Where did you found that?" Maisie asked with curiosity.
"I found it at the trash can." i answered while turning my gaze on them.
"What? Are you serious pre, trash can?!" Sky hysterically asked. O.a ng ungas na 'to.
"Stupid. Do i look joking?" i asked. Umiling na lang sya bilang sagot.
"Tss. Let's look for the pitch flag." Huxley said and came closer to us as she cleaning the dirt on the fabric.
Matapos nyang linisan ang dumi sa tela ay agad namin itong binasa.
'Houses are near from here, maisonette are nearest'
Maisie Reed POV
Iniisip ko ngayon kung anong ibigsahin ng clue na ibinigay sa amin. Houses are near from here, maisonette are nearest. Hmm...wait kung ang mga bahay dito ay malapit lang, ang mga maliit na bahay dito ay mas malapit. Ibigsabihin.....
"Cottage." Huxley, Xavier, Sky, and I blurted out in chorus.
Nagkatinginan naman kaming apat at dali-daling nagtungo sa pinakamalapit na cottage mula dito sa kinaroonan namin. Hindi nagtagal ay narating na din namin ang unang cottage. Apat lang ang cottage na malapit sa amin kaya tamang-tama kung tutuusin.
"I will go to the first cottage the rest go in the second, third, and fourth cottage. Let's move." Xavier commands to us.
Nagpunta ako sa ikatlong cottage habang si Huxley ay nasa second cottage at si Sky naman ay nasa fourth cottage. Pagkapasok ko sa loob ng cottate 3 ay agad na akong naghanap.
Sky Kaizer Ferrer POV
Kinailangan ko pang sirain ang kandado ng cottage 4 dahil hindi ako makapasok. Nang makapasok ako sa ika-apat na cottage ay naghanap na agad ako. Lahat ng sulok ng cottage na 'to ay pinuntahan ko na.
May isang lugar na lang akong hindi napupuntahan. Ang bubong. Lumabas ako ng cottage at kaagad na naghanap ng bagay na pwede kong gamitin sa pag-akyat papunta sa taas ng cottage. Ilang sandali lang ay nakahanap na ako ng bagay na pwede kong gamitin upang maka-akyat sa itaas.
Nang maka-akyat na ako ay tama ang hinala ko. Nandito nakatago ang kulay pitch na flag. Hindi na ako nag-atubili at agad na kinuha ang flag. Pagkakuha ko dito at agad akong tumalon paibaba. Hindi naman kataasan ang cottage kaya kayang-kaya kong tumalon paibaba mula rito sa itaas.
Nang makababa na ako ay kaagad kong pinuntahan ang mga cottage na pinagpasukan nila Xavier, Huxley, at Maisie. Pagkatapos nun ay bumalik na kami sa beach camp.
Cassandra Corrigan POV
Nakahanap na kami ng flag namin sa tulong ng clue na nahanap din namin. Kulay Maroon ang nahanap namin kaya may tatlumpu't lima o 35 points na kami. Gusto nyo bang malaman kung anong clue ang nahanap namin? Eto lang naman.
'Upside down, below and above'
Yan lang naman. Alam nyo bang kinailangan pa naming mag upside down position para lang mahanap namin ang maroon flag? Kung paano wag nyo na tanungin dahil napagod ako kaka upside down position. Bwisit naman din kasi na clue yun ang hirap amp!
But I'm just kidding hindi naman talaga kami nahirapan besides it's to easy for me— us to do that kind of position. Wanna know why? It's because we are PRO. Kung hindi nyo alam ang meaning pro wag ninyo ako kausapin.
Davina Williams POV
Bumalik na kami sa beach camp matapos kaming makahanap ng flag. Maroon Flag ang nahanap namin kaya may 35 points na kami. Well alam ko naman na hindi lang isa ang nahanap naming flags. Idagdag nyo pa ang flags ng makasama ko.
Nang makabalik na kami sa beach camp ay naabutan na namin ang iba pang kasamahan namin. Hindi ko alam pero nakatingin sila sa iisang direksyon at nagkakagulo ang team C.
Blaze Montenegro POV
Nagtataka kaming bumalik sa beach camp dahil nakatingin sila sa iisang direksyon. Nagkakagulo na rin ang team C. Tumingin ako sa direksyon kung saan sila nakatingin at nakita ko— namin na nalulunod na ang isa sa mga kasamahan ng Team C.
Medyo malayo na ang narating ng myembro ng Team C kaya maliit na rin sya sa paningin namin pero malalaman mo na isa syang babae.
Ace Cervantes POV
Pagkarating namin sa beach camp ay nagkakagulo ang team C at sa iisang direksyon lang din nakatingin ang ibang team kabilang na ang team namin.
Isang babaeng nalulunod at medyo malayo na rin ang narating nya dahil lumiliit na rin sya sa paningin ko at alam ko lng pati rin sa paningin ng iba.
Walang sinuman ang gustong tumulong sa kanya dahil kasali sa rules na hindi pwedeng tulungan ang ibang team kahit na naghihirap na sila. Nakita kong lumapit ang mga babaeng kasama namin sa grupo ng Team C. Lumapit na rin kaming mga lalaki at sa nakikita ko walang ni-isa ang may balak na tulungan ang kasamahan nila.
Third Person's POV
"T-tulong" nahihirapan man sa paghinga ang babae ang nalulunod ay pinipilit nya pa ring humingi ng tulong.
Sa kabilang banda naman ay nagtatalo na ang grupo nila Xavier sa grupo ng Team C. Hindi na nakatiis ang mga reyna kaya agad silang lumusong sa dagat. Alam nilang hindi kakayanin ng isa kung mag-isa lang nyang iaahon sa dagat at ililigtas ang babaeng nalulunod dahil medyo malayo na rin ang narating nito.
Habang nasa tubig ang mga reyna ay hindi naman mapigilan ng grupo ng mga hari ang ginawa ng leader ng Team C. Dahil sa kagustuhan ng leader ng Team C na makakuha ng malaking puntos ay hinayaan nilang pumunta sa tubig o dagat ang isa sa mga kasamahan nila.
Hindi napigilan ng mga hari ang na pagsabihan ang leader ng team C.
"Are you out of your stupid mind, huh?" galit na tanong ni Ace.
Kahit naman may pagkababaero si Ace ay hindi rin naman kaya ng konsensya nya na may maghirap na babae.
"Bakit nyo syang hinayaang kunin ang flag na nasa ilalim ng dagat ha?!" galit din na tanong ni Blaze sa Team C.
"All of you are stupid. Especially you..." malamig na sabi ni Xavier ngunit mababakas pa rin sa tono ng boses nito ang galit. "You are and irresponsible leader."
Nagbabagang tingin naman ang itinapon ng ibang Hari sa Team C. Nakatingin lang ang Team B sa nangyayari sa pagitan ng dalawang Team. Habang ang mga tour guides at si Sebastian ay nakatingin lang sa kanila mula sa monitor.
Ilang sandali lang ay umahon na ang mga reyna kasama ang babae na wala ng malay ngayon. Tinulangan ng Kings ang mga Queens upang ihiga ang babae. Maraming tubig ang nahigop ng babae kaya humaharang ang tubig na ito sa puso nya.
Ginawa ni Chloe ang dapat gawin upang mailigtas ang babae. Isinagawa nya ang CPR o ang cardiopulmonary resuscitation. Sa unang subok ay wala pa ring nangyayari at wala pa ring malay ang babae. Sa pangalawang subok ay ganun pa rin ang resulta. Sa ikatlong subok ay nagkamalay na ang babaeng nalunod at naibuga nya ang tubig na nahigop nya mula sa pagkakalunod.
Nakahinga naman ng maluwag ang mga nanonood samantalang ang leader ng team C ay kinuha ang flag na nakuha ng myembro nya. Umiiyak naman na niyakap ng babae si Chloe. She mouthed thank you to her saviours. Nilapitan naman ni Cassandra ang leader ng Team C at kinuha ang Flag na nakuha ng babae. Nagulat naman ang Team Leader ng Team C dahil sa ginawa nito. Walang ano-anoy umalis si Cassandra dala-dala ang flag.
*****
NATAPOS ang unang laro at ang nanalo ay ang Team A—ang grupo nila Xavier. Na disqualified naman ang Team C dahil sa ginawa nila sa kapwa kasamahan nila. Habang ang Team B naman ang nakakuha ng First Place. Natapos ang araw na maraming naganap.