CHAPTER 7:

Ma, pumayag na ko sa gusto nyo na mag karoon ako ng bodyguard. Kaylangan pa ba talagang ma meet ko pa sya ng pormal? Angal ni Ryle sa Ina na kanina pa sya kinukulit para sa dinner.

Hijo, your bodyguard is not an ordinary bodyguard na basta lang namen kinuha sa agency. Your Tito Augustus is the one who recommend her.

Her? Seriously Ma, her? Babae ang bodyguard ko? Baka naman imbes na maging bantay ko yan, maging bantay salakay yan ha, you know I have phobia of having close contact sa mga babaeng empleyado ko. Kaya nga pati secretary ko ngayon lalake na. Si nana liza nalang ang babaeng empleyado naten ang pinagkakatiwalaan ko, alam nyo yan.

I know hijo, and I specifically mentioned that to your tito, but he have a full trust on this person, Alam mo naman ang tiwala namen sa tito mo, ilang beses na nya iniligtas ang papa mo, so Im sure he would'nt recommend someone incompetent. Pagbigyan mo na ko sa isang ito hijo. Please. Pakiusap ng ina nya, at kapag ganito na ang tono nito, hindi nya na ito mahindian at alam yun ng ginang.

Okay, but If I found something weird about that bodyguard, kaylangan nyo syang palitan.

Yes anak, Of course we'll do that. So later exactly 7pm andito na sila. Thank you hijo,

Your welcome ma, Ill go ahead na, I still have some meeting to attend to, Mamayang dinner nalang po, Bye ma, ilove you, He never fail to say Iloveyou to his mom. Everyday. Just like his dad.

Eksaktong pagsarado ng pinto ang pag labas naman ng kanyang Ama galing study room.

Did he agree? Tanong agad nito sa ina nya, isang marahang tango lang ang isinagot nito sa asawa na agad lumapit at humalik sa noo nito. They love their only son so much.

Ninong do I really have to meet him sa dinner di ba puedeng mag simula nalang ako kaagad? Alam nyo namang di ako sanay sa mga ganito di ba?

Tigilan mo ko Blue, anong sinasabi mong di ka sanay sa mga ganito? akala mo ba hindi nakarating sa akin na nagpanggap kang strip dancer sa last mission mo. Galit at nagaalalang sawata sa kanya ng ninong nya. Ilang beses ko na sinabi sayo na pag kaganyan ang mission ibigay mo sa iba o kumuha ka ng asset. Napakatigas ng ulo mo.

Pero ninong?..

Tumigil ka Blue Jay, simula ng mawala ang magulang mo, naging masyado kang naging pangahas sa mga mission mo, Sa akala mo ba hindi nakakarating sa akin ang mga pinag gagagawa mo? Alam mong ibinilin ka sa akin ng ama mo, ayokong sisihin nya ko kung mas mauna pa kayong magkita kesa samen. Mahabang sermon ng ninong nya.

Opo, ninong, kapag ganito na ang tono ng ninong nya kahit gaano pa sya katigas tumutupi sya. Alam nya kung gaano sya kamahal nito, Di lang iilang beses sya nitong kinumbinsi na manatili nalang sa opisina at wag na sumama sa mga mission, pero hindi nya ito sinusunod, Kaya naman kapag labas na sa trabaho nya ang sinasabi nito pumapayag nalang sya, ayaw nyang sumasama ang loob nito, Ito na ang nagsilbing ama nya simula ng mawala ang mga magulang sa isang aksidente, habang nasa bakasyon ang mga ito.

7:00 LaMadrid Mansion

Good evening tito. Bati ni Ryle sa matandang bagong dating.Bagamat may edad na di maitatangi ang kakisigan nito. Walang mababakas na beer belly, halatang alaga ang katawan sa kabila ng edad.

Good evening hijo, how are you? balita ko babaero ka daw? Biro nito sa kanya.

Naku tito, thats not true, takot na takot ako sa babae, alam yan ni Mama, sabay akbay sa inang kadarating lang.

Kamusta kuya, halika na sa loob, at nang makakain na, yaya ng babae.

Mauna na kayo hintayin ko muna ang kasama ko, may pinadaanan kasi ako sa kanya sa pastry shop, alam kong paborito yun si Roland.

Up until now, kahit matanda na si Roland baby brother parin amg turing mo sa kanya.

Dalawa lang kami, kaya hindi mo mawawala sa aken yan, kaya nga di na ako nag pamilya para lang masigurado na maayos sya. Buong pagmamahal na pahayag ng matandang lalake.

Nasa kalagitnaan sila ng pag uusap ng may humintong motor sa harap ng gate, agad itong hinarang ng mga guard ng mansyon,kaya naman napalikon sila dito.

Andyan na pala sya. Wika ni Augustus.

Kunot naman ang noong sinundan ni Ryle ng tingin ang tinutukoy ng tiyuhin.

Samantalang ang kanyang ina naman ay hindi nawawala ang ngiti sa mga labi.

Let her in, utos nito sa gwardya.

Mabilis naman pumasok ang itim na big bike, may nakataling box ng pastry sa likod.

Hindi inaalis ni Ryle ang tingin sa driver, Ito na ata ang sinasabi ni tito na bodyguard ko.

Tignan nga naten, mukhang mas lalake pa ata saken to, o baka nga tomboy, that's good then, safe ako. Bulong ni Ryle sa sarili.

Nakasuot ng black leather jacket, maong pants and highcut leather boots. Nakahelmet ng tinted black kaya di makikita ang mukha. Matangkad ang babae, sexy sa kabila ng suot nito. Abala si Ryle sa pag aaral ng hitsura ng bagong dating ng lumabas ang kanyang ama.

Inayos muna ni Blue ang pagkakaparada ng kanyang motor bago bumaba, mahirap na magasgasan ang "baby" nya, bukod sa mga baril, motor ang itinuturing ng dalaga ng boyfriend at anak nya.