CHAPTER8:

Hindi inaalis ni Ryle ang tingin sa babaeng bagong dating, curious sya sa itsura nito.

Inaabangan nyang tanggalin nito ang helmet.

Pag kababa nito ng motor, inalis nito ang helmet at isinabit sa manibela ng motor, hindi makita ni Ryle ang mukha nito dahil nakatalikod ito at inaalis ang nakataling box sa likod.

Patuloy nyang sinusuri ang itsura nito, naladlad ang mahabang buhok nito ng humulagpos galing sa helmet.

Napigil ni Ryle ang paghinga ng humarap ang dalaga, black hair, small pointed nose, deepset eyes, morena, matangkad. Sh*t, lahat ng weakness ko talaga, ano to tukso? Tanong ni Ryle sa sarili.

Lumakad ang dalaga palapit sa kanila habang bitbit ang box ng pagkain, kahit napaka brusko ng itsura, there something about her that telling him that there is a softness and sweetness inside her.

Good evening ninong, Goodevening madam,sir, boses ng dalaga ang nakapag balik kay Ryle sa wisyo.

Nagulat si Ryle ng kapain ng tiyuhin ang tagiliran ng dalaga.

Di ba sinabi kong wag kang magdala ng baril? Kunot ang noong tanong ng tiyuhin sa babaeng bagong dating.

Galing akong kampo ninong, alangan naman wala akong baril. Sagot ng dalaga.

Sige na pumasok na muna tayo, at nang makakain na tayo. Yaya ng matandang ginang sa kanila.

Sabay silang pumasok ng ninong nya, habang nasa unahan ang mga pamilya.

Ang tigas talaga ng ulo mong bata ka, iwanan mo yang baril mo sa wine cellar bago pumasok ng dining area, bilin ng ninong nya.

Yes Major, pang aasar nya sa ninong nya,

Sinamaan lang sya ng tingin ng matanda. Bago tuluyang pumasok ng komedor.

Tinanggal naman ni Blue ang jacket at ang gun holster na nakasabit sa dibdib. Ipinatong ito sa wine cellar, Hindi na nya ibinalik ang jacket at tanging ang puting fitted shirt nalang na naka tuck sa pantalon ang suot nya.

Nadaanan sya ni Ryle na dumaan muna sa study room bago tumuloy sa komedor, ipinaghila pa sya nito ng upuan bago umupo sa tabi nya.

Nanalangin muna ang ina ni Ryle bago sila nagsimulang kumain.

Habang kumakain, nagkwekwentuhan naman ang magkapatid, habang si Ryle tahimik na sinusuri ang katabi na tila walang pakialam sa paligid.

Hija, bakit hindi ka ata kumakain ng kanin? Tanong ng ginang

Ah, ano po kasi, hindi makaisip ng isasagot si Blue, nahihiya syang aminin dito na, wala sa diet plan nya ang kanin.

Hindi sya talaga kumakain ng kanin, salo ng ninong nya, ayaw nyang mag dagdag ng timbang.

Naku hija, sa payat mong yan, ayaw mo magdagdag ng timbang hindi maganda sa babae ang masyadong payat,

Hindi naman sya payat ma, fit ang tawag dyan.

Napalingon naman si Blue sa binata sa tila pag tatanggol sa kanya.

Hindi ko pa pala sya naipakikilala sa inyo, pasensya na, masyado kong na miss itong kapatid ko.

Ryle this is Blue, inaanak ko, Blue this is Ryle sya ang bagong mission mo.

Nanlaki ang mata ni Ryle sa narinig sa tiyuhin. Pero hindi sya umimik at hinayaan lang ito sa ginagawang introduction.

Hijo your new bodyguard is Captain, Blue Jay Rivas. Shes the daughter of my partner Major Rivas, your dad know him as well. Member of elite force and one of the best DPA of NBI, they call her, the deadly godess sa kampo, At nakikita mo naman siguro kung bakit.

Tila gustong malaglag ng panga ni Ryle sa mga narinig mula sa tiyuhin, DPA?CAPTAIN? ELITE FORCE? DEADLY GODDESS? Ang magandang babaeng to? Seryoso ba yan? This kind of girl should not work in a dangerous field like this.

Hija this is Leanne Ryle LaMadrid, pamangkin ko, kaisa isang anak na lalake ng lahi namen, sayo ko ipinapaubaya ang buhay nya.

Nagsalubong ang tingin nila ng binata, tinitigan nya ito, at naalalang ito ang katable nya, nang gabing hinuli nya si Mr. Yashimaru.

Sana hindi nya ko natandaan, pero malabo, balot ng mask ang mukha ko that night.

That eyes, I know I saw that eyes before, No thats not possible or can be? ... Bulong sa isip ni Ryle.

Nice meeting you sir. Sabay abot ng palad sa binata na agad naman nitong tinanggap, sabay silang napabitaw sa kamay ng isat isa ng tila may kuryenteng dumaloy sa mga magdikit nilang balat.

Lihim na napangiti ang ninong nya na hindi nakalagpas sa malakas nyang pakiramdam,

Gusto mo talagang mag ala kupido ha? Ismid nya sa matanda na, ngumiti lang sa kanya.

Kahit napaka istrikto ng ninong nya, nagagawa parin nya itong biruin at sungitan, madalas din silang mag debate sa mga bagay na hindi nila mapagkasunduan.

So shes the bodyguard? Tanong ng ginang, But she can passed as a beauty queen than a body guard. Amazed na komento ng ginang.

Dont be decieved by her looks Emilia, that beauty girl beside you can passed as a killing machine, she can kill using her bare hands.

Ninong, baka naman imbes na maimpress sila matakot na sila saken sa sinasabi mo, sawata nya sa matanda sa seryosong tono na ikinatawa nito.

Dont worry hija, were not, knowing your ability and capability to protect my son, that will be great.

Thank you sir. Pormal na sagot nya sa lalake.

Sige tapusin na muna naten ang pagkain at nang mapag usapan pa naten ang magiging set up nyo para mabantayan mo si Ryle ng maayos. Wika ng ninong nya.