CHAPTER 26:

Naunang bumaba ang dalaga para buksan ang gate.Hindi maiwasan ni Ryle ang humanga sa security feature ng gate ng bahay ng dalaga. Sensory at may face recognition,biometrics key at may mga hidden camera na di nya makita kung saan naka install pero naririnig nyang may kausap ang dalaga kaya alam nya rin na may nakainstall din na mic sa gate.

Simple pero elegante ang ayos ng bakuran,napapalibutan ng hanging plants ang mga pader at may maliit na tila ponds sa gilid.Pagkapasok sa bahay,tila hindi inaasahan ni Ryle ang nakita,ang ineexpect nyang makita ay nuetral ang kulay ng dingding ng bahay ng dalaga,walang design na kahit na ano,pero kabaligtaran ang bumungad sa mata ng binata.

Floral laced curtain.light yellow wall na maaliwalas sa mata with green lining, the small sofa set that can only accomodate two to three person have the same color of the wall that is on the lighter side. The dinning table is accentuated with flower vase,kitchen is on nordic style.

This is home.hindi alam ng binata pero yun ang unang pumasok sa isip nya,Napaka light ng paligid,tila ang sarap na umupo lang sa sofa habang nagkakakape at nanonood ng movie.at kayakap si Blue.

Napailing ang binata sa naisip na nakapag palingon naman sa dalaga.

Why?

Are you sure this is your home,tila nagtatakang tanong ng binata na hindi na nasagot ni Blue ng makitang lumabas si Nana Melai mula sa isang kwarto sa ilalim ng hagdan.

Hi Nana,musta po. lapit ng dalaga sa matandamg babae sabay yakap dito.

Mabuti naman Hija.buti naman at nakauwi ka,kumain ka na ba?Magiliw na tanong ng babae.

Hindi pa po,may mga dala akong lulutuin Nana saka mga supply nyo ni Rufus,andun na po sa kusina. Nga pala Nana, si Ryle po sya po ang pamangkin ni Ninong.

Ay pasensya na hindi kita napansin,namiss ko masyado itong alaga ko,Simula ng bigyan ng misyon ng Ninong nya hindi na ata umuwi,maupo na muna kayo dyan at aayusin ko ang mga dala nyo.

Tumango lang ang binata na tila paghingi ng paumanhin dahil alam nya na sya ang misyon na tinutukoy nito.

Asan po si Rufus?

Andun sa kwarto nya,ayaw pa nga pumasok,nalilibang mag lublub sa pond kanina, Eh nagaway na naman sila ni Luna,Pinataas ko na muna si Luna at pinilit ko sya ipasok sa loob,ayun malamang sa para na namang ginera ang kwarto,puntahan mo na at namiss ka na nun.

Wait lang ha.dyan ka muna kay Nana.

Tila naman natutulala ang binata sa kilos ni Blue, Napakasoft ng kilos nito,tila normal na dalaga,hindi mababakas ang kaastigan nito sa tuwing kasama nya sa opisina,maaliwalas ang mukha nito na tila di nawawala ang ngiti sa mata.

She's home.

Mag juice ka muna,nag bilin si Blue na sya daw ang magluluto ng tanghalian,namiss na daw nya magluto. Makikipag laro pa muna yun ke Rufus pag napagod yung isa saka lang yung titigil.

Nana Melai,puede po magtanong?

Sige lang kung kaya ko sagutin bakit hindi.

Gaano na po kayo katagal kasama ni Blue?

Napangiti naman ang matanda na tila nag aalaala ng nakaraan.

Bago pa sya isilang,Kaibigan ko ang mommy nya,anak ako ng labandera ng pamilya.dahil solong anak ang mommy ni Blue naghanap ang parents nya ng makakasama, Malambing ang batang yan,pero biglang nagbago simula ng mawala ng sabay ang magulang habang nagbabakasyon.Naiwan sya saken at sa Ninong nya.

Naputol ang usapan nila ng matanda ng marinig nya ang tawa ni Blue. Napangiti naman ang matanda at saka umiling.

Ganyan silang dalawa pag magkasama,si Rufus na nga lang ata ang nakakapagpangiti sa batang yan.

Puede ko po kaya silang puntahan?

Sige kumatok ka lang at sobrang maharot yung si Rufus kahit sa hindi kilala.Akoy mag aayos muna ng lulutuin ni Blue.

Sige po.

Marahang katok ang nakapagpatigil kay Blue,alam nyang hindi si Nana Melai ang nasa pinto dahil kung ang matanda to,diretsoo na itong papasok sa kwarto.

Pasensya na nalibang ako,pasok ka,

Iniikot ng Ryle ang mata sa buong kwarto,naghahanap ng batang kalaro ni Blue,pero sa halip na bata isang itim na aso ang tumalon galing sa tambak ng laruan at diretso sa dibdib ng dalaga.

Hindi lang basta aso ang nakita nya,malaking aso halos mapaatras sya ng makita nya ang pagtalon nito.

Dont worry harmless yan.

Tila naman nakakaintindi ang aso na umupo sa tabi ng dalaga at pinagmasdan ang kaharap.

Rufus meet Ryle.Ryle si Rufus my baby, He is a seven years old Chinese Sharpei magaan lang yan 30 kilos.

Tinignan lang ni Rufus si Ryle at saka inilapit ng dalaga ang bibig sa tenga ng aso na tila may ibinulong.

He is Rufus?

Yes,so all this time pinagtatawanan mo ko.dahil akala ko tao sya.

No,because I threat him as a baby.so technically tama ka parin.

Sure ka ba harmless yan?Parang kaya nya kagatin ang hita ko ng buo.

He is harmless.wait Ill call Luna.dun matakot ka sa isang yun napakamaldita nun.

Aso din si Luna?

Just wait.

Luna...tawag ng dalaga sa pangalan..maya maya ba may isang matabang pusa ang bumababa sa hagdan.

She is Luna.ang totoong may ari ng bahay.pakilala ni Blue sa pusang kakapasok lang ng kwarto at dumiretso kay Ryle.Pag yan nakahiga kahit saan lang kami na mag aadjust.

Gusto ka nya.madalang maglambing yang masungit yan ih.

Parang amo nya,bulong ng binata.na naulinigan naman ni Blue.

what?

huh?ang cute ni Luna.kamukha sya ni Garfield.

okay..iwan muna kita dito magluluto ako.

Sama na ko.Sagot ng binata habang tumatayo na karga ang pusa na tila kuntento naman sa yakap ng binata.

Okay.,come here Rufus,lets cook.agad namang sumunod ang aso,nauna nag lumabas ang dalaga habang kasunod ang tatlo.

Inabutan nila si Nana Melai na nag aayos mg mga rekado sa mesa.

Inayos ko na ang lulutuin mo.Ikaw na ang bahala mag hiwa.Sakto na andito ka sasaglit ako sa labas at magpapadala ako ng pera sa Tatay Marcelo mo,anihan na daw at kaylangan magpakiskis.

Sinabi ko naman kasi sa inyo Nana na mag bukas nalang ng bangko o kaya money tranfer app sa phone mo para di ka na nahihirapan pumila.

kung ako lang matagal ko na ginawa ang Tata Marcelo mo ang ayaw at hindi daw sya marunong gumamit ng mga ganun.Mabuti na raw yung ibibigay nalang sa kanya ang pera.

Sige na mauna na ako,at kapag wala ka eh di ako makaalis at nagmumukhang kawawa yang si Rufus,akala mo palagi inaapi ni Luna.

Sige na po Nana,mag ingat kayo,kung meron na pong pandesal dun sa binibilhan ko pasuyo nalang po ako.