CHAPTER 27:

Abala ang dalaga sa pag hihiwa ng mga rekado habang nakatingin lang si Ryle dito.

Puedeng magtanong?Tila alanganing tanong ni Ryle sa dalaga,hindi nya alam pero sa tuwing ang dalaga ang kausap nya tila takot na takot syang magkamali.Kabaligtaran ng kung nasa kumpanya sya na bawat salita nya alam nyang tama.

Nag angat ng tingin at dalaga at saglit na tumango.

Who is Tata Marcelo?

Tata Marcelo si Nana Melai's brother,he's the former family driver,He used to work for me while Im still in college pero pinag retired ko na sya nung nakapasok ako sa Kampo, At first ayaw nya ko iwanan,paano na daw ako?,nung unang taon ko sa serbisyo sya ang driver ko,until matamaan sya ng ligaw na bala habang nasa operation ako.That is when I decide that he need to leave my side na,

May Pamilya ba sya?

Of course may anak si Tata Marcelo,dating kusinera ng kapitbahay ang naging asawa ni Tata,tapos nung naging girlfriend nya pinalipat nya samen, natatawang kwento ng dalaga.

Naalala ko nung lumipat yun samen,sinugod kami ng dating amo nya,Sa sobrang hiya ng Tata Marcelo kayla daddy at mommy pinabalik na nya yung babae sa amo,habng umiiyak at nagsosorry kayla daddy. Pero hindi pumayag sila mommy,pinagretire nalang si Nana Liza kasi buntis narin naman sya.

How about Nana Melai?Where is her family?

Walang matatawag na sariling pamilya,pero may anak si Nana Melai wala syang asawa,may naging boyfriend daw sya noon may anak sya pero dahil mayaman daw ang pamilya nung lalake itinakas daw yung bata di na nila nakita.Pinapahanap ko parin hanggang ngayon yung anak nya na mas matanda saken ng halos 4 na taon pero wala pang lead till now.parang bigla nalang naglaho sa ibabaw ng lupa yung pamilya ng lalake.

Mahabang katahimikan ang namayani sa dalawa.

Hanggang sa biglang nagkagulo si Rufus at Luna.Agad napatakbo si Blue para ayatin ang dalawa.

Hey!!stop that Luna.saway ng dalaga sa pusang kagat kagat ang tenga ng malaking aso pero tila wala itong pakialam.

Luna come here.tawag naman ni Ryle sa pusa,agad itong sumunod at akala mo ay napakaamo na naupo sa hita ng binata.

Ikaw Luna ipapaampon na talaga kita napakamaldita mo.Tila nanay na sermon ni Blue sa pusa na nakapagpangiti sa binata.Imagining that Luna is her spoiled daddy's girl daughter ang Rufus is the behave son.

Anong nginingiti ngiti mo dyan?tanong ng dalaga ang nakapagpabalik sa wisyo kay Ryle.

Nothing.maiksing sagot ng binata.

Tapos ka na magluto?patikim.nagugutom na ko ih.Sabay lapit sa dalaga at kumuha ng kutsara,ipinatong ang kamay sa balikat ng dalaga na nasa harapan din mg kalan bago sumandok ng sabaw ng niluto ni Blue.

nakadalwang higop pa to ng sabaw,bago nagyayang kumain.

Kain na tayo,bigla akong nagutom.tila kaswal na yaya ng binata kay Blue,habang kumukuha ng ng plato para maghain at hindi na inantay na sumagot ang dalaga.

Hey!ayaw mo ba?kuha ng binata sa atensyon ni Blue.

Mukhang kaylangan na kitang patahimikin,masyado ka ng maraming alam.seryoso ang mukhang turan ni Blue habang nakatitig sa dalaga.

Tila naman napatda ang binata sa narinig at tinitigan lang si Blue.

Matagal na nagtitigan ang dalawa,hanggang umiwas ang dalaga at tumawa ng malakas na ikinamangha ni Ryle.

Joke lang,sige na kain na tayo.

Inilang hakbang lang ni Ryle ang pagitan nila ng dalaga,iniharap nya si Blue na halos gahibla nalang ang pagitan nila,nararamdaman na ni Blue ang hininga ng binata sa mukha nya,na nakapagpabilis ng tibok ng puso nya.

Tikhim ni Nana Melai ang pumutol sa sasabihin at gagawin sana ni Ryle.na agad humarap sa mesa at ang dalaga naman ay nagkunwaring magsasandok ng ulam.

That was close.ano bang pumapasok sa utak mo Blue Jay.sermon ng dalaga sa sarili habang nagsasandok ng ulam.

Napangiti si Nana Melai sa naabutang tagpo,nakita nya kung paanong nataranta ang dalawa na maghiwalay na akala mo'y nahuling may ginagawang kasalanan.

Ang bilis nyo naman po nakabalik Nana?tanong ng dalaga na sinundan agad ng pag aya dito na kumain,Kain na tayo Nana Melai,patay malisyang aya ni Blue sa matanda.

Mauna na kayo,may naiwan lang ako kaya ako bumalik,Antayin nyo ako bago kayo umalis ha,at baka magkagulo na naman yang dalawa pag walang kasama.Tila balewala namang bilin ng matanda bago dumiretso sa kwarto nito para kunin amg naiwang gamit.

Walang imikan ang dalawa habang kumakain,pero napapansin ni Blue ang pagiging attentive ng binata,mula sa pagsasalin ng tubig pag sandok ng pag kain nya,Hindi sanay si Blue na pinagsisilbihan pero nag eenjoy sya sa pinapakitang pagaasikaso ng binata kaya hinayaan nalang nya ito.

Nang matapos kumain si Ryle na amg kusang nag hugas ng mga pinagkainan habang,pinapakain ni Blue si Rufus at Luna.

Nang matapos sa gawain nag pasya ang binata na kunin ang laptop sa sasakyan at si blue naman ay pinaliguan ang dalawa sa labas.

Napangiti si Ryle habang pinapanood ang dalaga na nagpapaligo kay Rufus na akala mo ay tao na tumatango rin sa tuwing may sinasabi ang dalaga habang si Luna ay nakaupo lang sa isang stool.

After all this thing,I will make you mine.I will give you everything, and I will promise to make you happy. Napailing ang binata sa naisip. Di ito ang unang beses na nagkagusto sya sa babae,ang last relationship nya ay seryoso rin naman pero di sya umabot sa pangangarap na magkaroon ng pamilya. Maybe I just getting older ang mature.anya ng binata sa sarili.

Saktong tapos ni Blue sa pagaasikaso sa mga alaga nang dumating si Nana Melai.

Nana pinaliguan ko na yang dalawa sa Wednesday po ang balik nila sa vet,bahala ka na muna sa kanila,Ito naman Nana para sayo panggastos mo.sabay abot dito ng sobreng puti.

Naku kang bata ka,di ko pa nga nagagalaw yung huling binigay mo at libre naman halos lahat dito sa bahay mo,mula sa shampoo hanggang sa cotton buds ikaw na ang gumagastos,hindi ko na nga alam kung ano pang binabayaran mo saken eh halos wala naman akong ginagawa dito kundi bantayan yang dalawang makulit.Itago mo nalang yan.Mahabang litanya ng matanda sabay talikod kay Blue para magsandok ng pag kain.

Lumapit naman ang dalaga at niyakap ang matanda,Nana,isipin nyo nalang ito ang love language ko,hindi ko kayo madalas makasama yan nalang ang bawi ko para pag gusto mong may bilhin o gusto mong gumala,kaya tanggapin mo na po.Please Nana.malambing na pagkakasabi ng dalaga na di mo mababakas ang pagiging astig nito.

O sya,sya tumigil kalang.Iwanan mo dyan.mamaya nag oonline shopping ako ng mga abubot nyang dalawa.

Yan.sige na po Nana,una na po kami at dadaan pa kami sa kampo,kahapon pa po nagaantay si Ninong ih.Paalam ng dalaga.

Una na po kami Nana Melai.Nice meeting you po ulit.salamat po.