"Ba't di mo nalang ako ginising?"
Tinalikuran lang ako ng kasama at tinahak ang cabinet.
Hindi ko alam kung mahihiya ako, maiinis o magpasalamat dahil ginalaw niya yung supot na dala ko mula sa tindahan.
Wala akong gamit na kahit anong pangluto kaya nakakagulat na may pagkain na dito sa hapag.
May gamit na rin na plato at kubyertos na hindi ko kailanman naisip kanina.
Kakainin ko na nga lang to, ngayon pa ba ako choosy kung gutom na tong mga alaga kong butiti.
Pinagmasdan ko yung pinag gagawa ng lalaki habang kumakain.
"Pwede na bang magtanong?"
Medyo nagets ko na yung gagawin niya dahil nilabas nito ang kulay peach na comforter.
"Tapusin mo muna yan"
Puting bedsheet naman ang yakap nito na tinitigan niya pa nung nilagay sa higaan.
Umiwas ako nung mag abot yung tinginan namin.
Ba't ba ang chismosa mo Trisha? Kumain ka na nga lang.
"Tapos ka na?"
"Oo, sandali lang" Naiilang kong sagot sa kaniya.
Minsan talaga naiinis na ako pag titingin lang siya at hindi na sasagot. Pakiramdam ko may nangyaring audition sa utak niya at kumpleto yung judges.
Baka sabihin ni Brain Stem kay cerebellum na hindi ako masyadong kagandahan at kaonti lang yung matatalinong cells.
Mas nakakaloka yun pagnagkataon!
Niligpit ko nalang yung pinagkainan tsaka tumayo sa pwesto.
"Madilim sa baba mag flashlight ka"
Bumagal yung paghawak ko ng plato nung marinig ang sinabi niya.
Hindi ko tuloy napansin na malapit na niyang matapos ang nakalatag na higaan.
"Mahihirapan akong magflashlight, dadalhin ko pa to"
Iniimagine ko palang na walang ilaw sa labas sa mga oras nato parang gusto ko nalang itapon tong mga pinagkainan.
Wala itong sabi sabi na binuksan ang pinto tsaka tinutok yung flashlight sa kabuuan ng sala.
May kaonting ilaw na lumalabas sa iilang kwarto pero hindi yun sapat.
"Diyan ka lang? Di abot yang flashlight mo"
Hindi pa ito sumagot na tila nagdadalawang isip sa susunod niyang gagawin.
"Tara"
Umuna na itong naglakad sa kasunod na mga kwarto at dahan dahang bumaba sa hagdan na gaya rin nung sa kabila na apat lamang na hakbang.
Naninibago pa ako sa paligid dahil hindi naman ako pinalibot ni Ateng walang jowa kanina.
Buti na nga lang hindi masyadong madami tong dala ko dahil pag may nabasag, baka tatakbo talaga ako pabalik ng kwarto pag nagkataon.
"Hindi ba talaga uso yung ilaw dito?"
Hindi ako sinagot ng kasama pero umuna ng tinahak ang lababo.
Ang atat mo naman sis!
"Sa gabi lang ako safe na makalabas ng kwarto. Dapat masanay ka na sa mga gamit sa kusina"
"Dito mo ba kinuha tong mga ginamit natin?"
Sinimulan ko ng hugasan tong mga pinagkainan na ikinatahimik nitong lalaking may dalang flashlight.
"Sabihan mo lang ako..... kung may nakita ka ng kakaiba"
Kita ko kung paano nabaling yung tingin nito sakin pero wala akong makitang reaksyon.
"May soot ka pa kasing eyeglasses hanggang ngayon, baka nanlabo na yang paningin mo sa dilim"
Pinagpatuloy ko lang yung pagsabon sa mga plato at agad hinugasan isa isa.
"Sapat naman na yung liwanag"
Kapwa kami natahimik, baka nagtitimpi lang tong lalaki sakin dahil kanina pa ako nag iingay.
Agad niyang iniba yung direksyon ng flashlight, may binuksang cabinet na hindi malayuan sa pwesto ko.
"Pag gagamit ka nito, linisan mo lang ng tama".
"Iwasang makabasag"
Magkasunod niyang bilin sakin.
Para tuloy akong bata na pinagsabihan ng nakatatandang kapatid.