KABANATA 03
Wala pa rin si Alexa sa sarili simula ng magising siya sa kwarto ni Benjie. Magkayakap sila at parehong walang saplot. Hindi niya alam kung paano at ano ang mga nangyari, basta kailangan na niyang makaalis agad sa kwarto nito. Kaya kahit masakit pa ang nasa ibaba niya ay nagmamadali siyang lumabas at pumasok sa guest room kung saan ang kasama niya ay si Nikka. Tulog na tulog ito.
Nasapok niya ang sariling noo.
Yan! Inom pa more Alexa!
Sermon nito sa sarili.
Nasobrahan siya ng inom at mukhang nagkamali siya ng kwartong pinasukan. Ang huli niyang natatandaan ay masaya silang nagiinuman ng mga kababata, bukod doon ay wala na. Naligo na lamang siya tapos ay ipinahinga na ang katawan.
Kinaumagahan ay tinanong naman niya ang mga kababata kung ano ang nangyari sa kaniya kagabi. Pare-pareho lang naman ang mga naging sagot nito, hindi na nila alam kasi tulad niya'y nakatulog na sa kalasingan. Nakahinga siya ng maluwang ng mukha namang walang nakakaalam ng mga nangyari kagabi, maging si Benjie ay wala rin namang kakaibang ikinilos. Kaya hinayaan na lang niya. Wala naman siyang pinagsisisihan dahil si Benjie iyon, ang lalakeng minamahal niya, talagang para kay Benjie naman ang virginity na iniingatan niya, yun nga lang ay sa kasal nila iyon inihahanda. Dahil mukhang malabo naman na ay okay na din 'yon. Nalulungkot lamang siya dahil wala siyang maalala sa mga nangyari, kahit na katiting na ala-ala para balikan ay wala.
Matapos nga ang eksena ng mga Esquivel kanina ay nagkani-kaniya muna silang uwi para mag-gayak ng gamit na babaunin para sa biglaang beach nila. Linggo naman kaya wala silang pasok sa trabaho. Sumabay na lamang siya kay Anikka papunta sa airport dahil masakit pa talaga ang ulo niya at may pagkahilo pa siyang nararamdaman.
"Ano kayang problema ni Beatrice kay Ali? Parang galit na galit." panimula ni Anikka habang nagmamaneho. Maging siya ay hindi niya alam. Hindi naman ganoon si Beatrice. Mabait ito at totoong masiyahin. Pero ibang iba ito kaninang umaga.
"Ewan ko din. Si Ali naman ay tahimik lang at hindi kumikibo sa mga pasaring ni Bea. Weird nga non kapag kaharap sila Tita." komento naman niya. Mahinhin at tila hindi makabasag pinggan kasi ito kapag kaharap ang mga magulang nila Benji. Samantalang daig pa ang palengkera ni Ali kapag may kaaway.
"Natural! Plastic eh! Buti nga at hindi siya nasunog sa mga pasaring ni Bea kanina. Kung nakakatunaw nga lang ang tingin,malamang ay nalusaw na ang bilasang tilapia na 'yon sa kinauupuan niya. " natawa naman siya sa sinabi ni Nikka. Hindi na lang siya kumibo. Maging siya ay nahihiwagaan sa mga pasaring nito. Ngunit mas lamang ngayon ang sakit ng ulo niya na dulot ng alak at ang nasa pagitan ng mga hita niya dahil sa nangyari kagabi sa kanila ni Benjie na wala siyang maalala.
Yan ang epekto ng inom Alexa! Magsisi ka! Singhal niya sa kaniyang sarili.
Alam naman niya kasing hindi siya sanay uminom ay nagpakalasing lasing pa, hayan tuloy ang resulta. Pasaway kasi itong sila Nikka! Pinilit pilit siyang uminom.
"FINALLY!" sigaw ni Maita ng makarating sila sa Isla nilang magkakaibigan. Pinangalanan nila itong Freedom. Dito sila pumupunta kapag gusto nilang takasan panandalian ang mga problema o kaya naman ay gusto ng katahimikan.
"Hoy Mik-mik. Wala ng tao rito, tayo-tayo na lang. Baka naman pwede ka ng mag tow piece rito, aba beach ito ha! Hindi bagay dito ang mahahabang palda. " si Nikka na sinisimulang tuksuhin si Mikaella , ang nagdisenyo ng gown ni Alexa. Pinsan ito ni Anikka sa mother side.
Mahusay itong magdisenyo ng mga damit ngunit wala itong katiwa-tiwala sa sarili, lalo na ng lokohin ito ng dating kasintahan. Lalo na itong nawalan ng self-confidence at naniniwalang panget siya at kapalit-palit.
"Oo nga naman Mikay! Minsan lang ito. Tsaka ang ganda ganda ng katawan mo no!" suporta ni Maita. Alanganin naman na ngumiti ito.
"Huwag na nga nating i-pressure si Mikay, makikita niyo, mamaya lang ay magsusuot din iyan. " saway ni Alexa sa mga ito. Ngumiti naman si Mikaella sa kaniya na may sign of relief sa ginawa niyang pag-awat sa mga ito.
"By the way Lexi, nawala ka kagabi? Hindi kita nakita ng umakyat ka sa kwarto nyo," tila binuhusan siya ng malamig na tubig sa tanong ni Miggy sa kaniya.
"H-ha? D-doon ako sa guest room kasama ni Anikka natulog. Nauna lang siguro ako sa inyo. O baka masyado ka lang abala sa pangingisda ng mga babae kagabi." alanganin niyang sagot. Tumango tango naman ang kababata, sana ay hindi na magtanong pa ito, o wala na sanang magtanong. Baka madulas pa siya.
"Bea." natigil sila sa pagkukwentuhan ng bigla na lamang may familiar na tinig ang nagsalita. Pare-parehong nangunot ang kanilang mga noo sa dumating.
Si Benjamin at Alicia.
Si Alexa naman ay hindi makatingin ng diretso sa gawi nila Benjie. Kinakabahan siya. Sana ay wala talaga itong naaalala.
"Ohhh, we have an unwanted visitors. What are you guys doing here? " may pagkainis na tanong ni Bea sa kapatid.
Sinubukan namang kalmahin ito ni Alexa sa paghagod ng likod nito.
"Gusto ko lang namang maka-bonding kayo." malambing na tono ni Ali.
Damn! Para itong anghel na itinulak mula sa langit. Masyadong mapagpanggap.
"Ooohh really,huh? Okay! Since nandito na kayo, subukan na lang nating kagatin ang idea mong bonding. Sisiguraduhin kong maeenjoy mo ito ng sobra-sobra." bahagya pa itong naglakad upang malapitan si Ali, tapos ay lumapit sa tainga nito na may ibinulong pa.
"Okay guys. Alam niyo naman na kung saan ang mga kwarto niyo dito. Iayos na natin ang mga gamit ng makapag-swimming na tayo!" akma ng tatalikod si Bea ng bigla na naman nitong harapin si Ali.
"You're a guest here. Sa guest room ka. Si Alexa kasi ang ka-share ni Kuya sa kwarto. " kita sa mukha ni Benjie ang pagkainis sa kakambal. Mataman naman nitong tinitigan si Alexa na sakto namang nakatingin rin sa kaniya.
"Ahh...o-okay naman sakin kung ako na lang sa guest room. Hindi naman yata magandang tignan kung ako ang nandoon sa kwarto na 'yon." ang mata ng lahat ay nasa kaniya. Nanlalamig siya at grabe ang kabang nararamdaman. Hindi na talaga pwede na magkasama sila dahil baka may mangyari na naman.
"Hindi ka naman umaasa sa part na yan ano Alexa?!" untag niya sa kaniyang sarili.
Ngumiti naman sa kaniya si Benjie, dahilan para lalo siyang kabahan.
"No! That's...that's fine. Sa guest room na lang ako. " si Ali. Kokontra pa sana si Benjie ngunit nagsalita na naman ang kaniyang kakambal.
"Good! Sino ka ba naman para kumontra. Ni hindi ka nga imbitado. Tara na guys. Let's enjoy our stay here. Dedma na sa bad vibes." naiwang nakatayo sina Alexa, Benjie at Ali doon, habang ang iba ay nagsiakyat na sa kanikanilang kwarto.
"Ahh...okay lang naman sa akin kung ako na lang sa guest room. " pilit ni Alexa. Ngunit ngumiti lang si Ali at sinabing huwag na dahil baka kung ipipilit pa niya ay lalo lang magalit si Bea sa kaniya.
Wala na rin siyang nagawa kaya umakyat na lang rin siya sa kwarto nila ni Benjie.
Lima lang kasi ang exclusive room doon na nakalaan na para sa kanilang magkakababata.
Ang una ay kay Morris at Winston na mga kapatid ni Philip.
Ang pangalawa ay kay Miggy at Philip.
Ang pangatlo ay kay Maita at Anikka.
Ang pang-apat ay kay Bea at Mikaella.
At ang panghuli ay kay Benjie at Alexa.
Si Benjie kasi ang may gusto nito noon na magkasama sila sa iisang kwarto para nababantayan daw siya nito. Promise nga kasi ni Benjie sa kuya niya ay iingatan at babantayan siya. Ngunit malalaki na sila, at hindi rin naman talaga maganda na magkasama sila sa iisang kwarto lalo pa't nandito ang kasintahan ni Benjie.
MGA BANDANG alas tres ng hapon ay nagpasya na silang tumungo sa tabing dagat,kung saan nandoon ang isang bungalow style cottage nila. Maliban kay Ali, suot ng mga babae ang two piece swim suit na mismong si Mikaella ang nagdisenyo at talagang nakalaan para sa kanila.
Lahat ay may perpektong katawan, ngunit mayroon talagang nangingibabaw. Si Alexa.
Suot ang kulay dilaw nitong two piece na ang pumipigil lang para hindi mahulog ang nasa dibdib ay ang tali nito sa likod. Ang ternong pang-ibaba ay nakatali lamang ang magkabilang gilid. Dahil bilugan ang mga mahahabang hita, nagkakaumpugan ito sa tuwing hahakbang siya, dahilan para magkaroon ng magandang palo ang kaniyang balakang. Tila isa itong modelo na naglalakad sa runway.
Shit!
Mura ni Benjie sa kaniyang isipan. Itong ito mismo ang perpektong kurba ni Alexa na nasa panaginip niya. Napalunok siya ng ilang ulit at pilit na inalis ang paningin kay Alexa ngunit tila may magnet itong nanghihila ng mga mata at hindi niya matanggal ang malagkit at may paghangang titig.
Ang mga malalagkit niyang titig sa kababata ay hindi nakatakas sa paningin ng kasintahan at ni Bea. Si Bea ay napangisi naman sa pagsibangot ni Ali. Ang pagkainis talaga nito ang nagpapasaya sa kaniya.
"Shit na malagkit! Ayoko na! Ayoko na talaga! Ano bang ginagawa mong diet at exercise!? Ba't ganyan ka kasexy!?!Grabe! Akala ko ay tapos na kagabi ang pasabog mo! May part two pa pala!" si Anikka na punong puno ng paghanga ang mga tingin.
Namula naman si Alexa sa papuri ng kaibigan.
"Tsk. Ito ang sinasayang ng gagong iyon! Tanga-tanga din non eh no?" si Bea na may hawak na juice katabi ang kababatang si Mikay na napilitan na ring mag-two piece.
"Oo nga! Di ba Benjie napaka sexy ng kababata nating ito? Bakit kaya pinakawalan pa ng ungas na iyon? Tsk. Good catch naman ang Alexa natin ah! " segunda naman ni Philip na umakbay pa kay Alexa, ikinakunot naman ng noo ito ni Benjie. Sino kaya ang tinutukoy ng mga itong tatanga-tanga?
"Eh tanga nga! Ano'ng aasahan mo sa tanga?" sabay cheers nila Maita at Bea.
"Bakit? May naging kasintahan ka ba Alexa ng hindi ko nalalaman?" kunot noong tanong ni Benjie , ang paningin nito ay nakatuon lang kay Alexa.
"Sumakay ka na lang Alexa. " bulong ni Philip sa kaniya. Napalunok siya. Hindi niya alam kung anong trip ng mga kababata pero tila may gusto rin siyang malaman.
"Lah! Para namang bawal ako mag-jowa no!" natatawa niyang sagot, lalo itong ikinalukot ng mukha ni Benjie.
Nagsisimula na ring mainis ang kasintahan nitong si Ali. Di naman sinasadyang nadako ang tingin ni Ali kay Bea. Nakatingin rin ito sa kaniya ng masama at tila hinihintay talaga na tumingin siya, tapos ay inirapan siya nito.
"So may naging boyfriend ka nga na hindi ko nalalaman?" galit na ang mukha nito. Napalunok siya. Bakit ba ganito si Benjie?
"Dapat ba alam mo?!" may halong sarkasmo niyang balik dito.
"Of course! Sa akin ka binilin ng kuya mo Alexa!" napangiwi siya sa sagot nito. Akala niya ay concern talaga ito sa kaniya. Nakaramdam siya ng inis para rito.
"Eh ano naman? Wala naman na ang Kuya. Hindi naman na niya malalaman kung ano ang ginagawa ko." may inis na sa kaniyang tono. Nagtagis naman ang bagang nitong si Benjie na hindi natutuwa sa isinagot niya.
"Sana manlang ininform mo ako! " napabuga siya ng hangin, hindi niya mapaniwalaan ang sinasabi nito.
"Why?! Bakit dapat iinform kita? Eh ikaw nga kung sino-sino ang jinowa mo, nagtanong ba ako?! Nag-inform ka?! Nangielam ako? Nagulat na nga lang ako ikakasal ka na eh! Tapos gusto mo iinform kita sa mga nagiging kasintahan ko!? Kailan ka pa naging si Daddy!? Unfair mo naman! " tila nakakalimutan yata nilang dalawa na may iba pa silang kasama, na nandirito rin sa isla ang kasintahan niya.
"Pero sana manlang sinabi mo sakin! Bakit sila alam nila tapos ako hindi?! Hindi ba't ikaw ang unfair?!" balik ni Benjie sa kaniya.
Lintek kasi itong mga kababata niya eh! Kung ano-anong kalokohan ang pinag-gagagawa.
"Masyado ka kasing busy sa buhay mo! Sinubukan kong sabihin sa'yo pero masyado kang masaya sa kasintahan mo! Puro tungkol sa inyo ang kinuwento mo! Paano ko makukuwento ang sakin kung nakikita kong masaya ka sa kaniya? Na maligayang maligaya ka habang ako broken na broken kasi pinagpalit na! Paano ko ipapaalam sa'yo eh hindi mo ako binigyan ng pagkakataon! Tapos ngayon magagalit ka?! Ako pa ang unfair? Labo mo din eh!" binirahan niya ito ng talikod at naglakad patungo sa dagat. Hinabol naman siya ni Benjie.
"Ooohhhh, nandito tayo para mag-relax ahh..chill lang kayo." si Miggy na tatawa tawa sa isang gilid.
"Ang sarap nilang panoorin. Parang mag jowang may LQ." tila nananadyang komento ni Philip, ang paningin nila ay nasa dalawa pa rin na patuloy na nagtatalo. Mukhang nauwi na sa seryosong away ang biruan lang naman sana.
"Sana pinatigil mo ko! Sana sinabi mo sakin!" sigaw ni Benjie sa kaniya.
Asar niya itong nilingon.
"Eh bakit ba affected ka sa pakikipag boyfriend ko? Bakit big deal sayo!? At isa pa, tigilan mo na yang kakabanggit sa kung anoman ang binilin ng Kuya sa'yo! Hindi kita superhero! Hindi kita bodyguard! " inis na naihilamos ni Benjie ang sarili nitong palad sa gwapo nitong mukha.
"Nangako ako na poprotektahan kita Alexa at--"
"Stop it Benjie! Poprotektahan? Iingatan na huwag masaktan?! Nagpapatawa ka?! Asan ang pagtupad mo sa promise na 'yon Benjamin? Lahat yon sinira mo! Wala ka noong mga panahong lugmok na lugmok ako! Nung nasasaktan ako! Nung mga panahong umiiyak ako! Wala ka! Ikaw ang nananakit sakin Benjie! Ikaw! Bumalik ka na kay Ali! Walang patutunguhan ang usapan na'to. " sabay sisid niya sa dagat. Gusto na lamang niyang magpakalunod at maging sirena...char.
"Grabe ka Kuya, nakalimutan mo yatang kasama mo ang future wife mo! Hayun o! Nag-walk out na. " sabi ng kakambal ng makabalik siya sa cottage, na sinundan ng pagkalakas na tawa. Iiling iling namang tumayo si Benjie at hinabol ang kasintahan. Ang tanga niya para makalimutan ang presensiya ng kasintahan.
"Alexa-1, Ali-0," tila nag-s-score na sabi ni Nikka.
"Ang tanga nga ng kuya mo! Di niya nahalata yung mga sagot ni Alexa na siya na ang tinutukoy. Buti pa si Ali hindi manhid." si Maita.
"Hmp! Hayaan na nga natin yang bruha na 'yan! Ginusto niyang mag-stay dito at makabonding tayo, e di pagbigyan! By the way. Inimbitahan ko nga pala ang ilan sa mga malalapit pa nating kaibigan. At mukhang nandiyan na sila. Mas pasayahin natin ang staycation natin dito." mukang mas magiging masaya ang pag-stay nila dito, lalo pa at darating ang mga "kaibigan" nila na mas magpapagulo pa kila Alexa, Benjie at Ali.