Chapter 26: Bago Mahuli ang lahat

Chester's POV

2nd day na ng retreat at nasa bahay na kami ng Village head para magbreakfast. Mag-isa pa lang ako at hinihintay ko sina Ace at Harry na sumunod dito kasi nauna na ako at natutulog pa silang dalawa noong nagising ako.

Naiinis lang ako kasi kahapon pa si Harry nagiinaso! Kakasimula pa lang ng first day pero masyado na siyang naglalandi? Gusto niya lahat ng lalaki hahawakan siya? Gustong gustong nagpapahawak kay Kuya Joker?

Kaya hindi ko siya pinapansin pagkalabas namin sa C.R. noong nahuli kami ni Ace kasi naiinis ako sa kanya! Sabi ko, walang pwedeng humawak sa kanya at ako lang, pero wala, hindi ata nakatiis ang hinayupak. Kung kani-kanino gusto magpahawak pa! Ang matindi... doon pa sa may jowa! Anak ng tinapa!

Kahapon ko pa sila pinagmamasdan ni Kuya Joker at mukhang kinikilig pa siya doon sa lalaking 'yun. Point taken na wala kaming label ni Harry and hindi naman kami at wala akong karapatan magselos, pero nakakainis lang kasi napakalanding tao! Kalalaking tao, hilig magpahawak!

Hayst!

Tapos kagabi, akala nila tulog na ko, pero nakita ko na buhat ni Kuya Joker si Harry papasok ng tent namin. Ano kaya ginawa nila? Tsaka mukhang masaya si Harry na kasama 'yun ah?

Ano? 'Wag niya sabihing gusto niya maging 3rd party kina Kuya Joker at Ate Alaiza? Pag nagkataon, siya na kukuha ng korona kay Ace sa pasikatan sa school news feed!

Kadarating lang ni Ace sa Village Head house pero hindi niya kasama si Harry. Nilapitan ako ni Ace at bigla akong kinurot sa tagiliran!

"Hoy! Ano ba problema mo, Ace! Bakit ka nangungurot? Kulang ka sa aruga?" bulong ko sa kanya.

"Ikaw ang kulang sa aruga!" sagot sa akin ni Ace, "What's going on between you and Harry? Bakit kayo iwas sa isa't isa?" tanong niya sa akin.

"Bakit hindi mo itanong sa malandi mong tropa?" sagot ko kay Ace.

"Anong 'mong' tropa? Tropa ko lang? Hindi mo siya tropa?" sagot ni Ace.

"Oo, sayong sayo na. Hayaan mo na siya kung saan siya maligaya. Kung gusto niya sumama sa mga lalaking may jowa, pagbigyan natin." bulong ko kay Ace.

Tapos, bigla niya ako nginitian at hindi ko nagets kung ano 'yung mga ngiti niya pero pakiramdam ko, inaasar niya na ko sa utak niya.

"So nagseselos ka?" Tanong ni Ace.

Sa totoo lang, hindi naman talaga ako dapat magselos kasi wala naman kami ni Harry. Although, sinabi ko sa kanya na sa akin lang siya, sana naman alam niya kung saan siya lulugar, 'di ba?

"Hindi ako nagseselos. Gawin niya kung saan siya liligaya!" sagot ko.

"Chester, Chester, Chester... 'wag ako. Nagseselos ka and hindi mo lang maamin sa sarili mo! Hindi mo maamin na hindi lang talaga lust ang nararamdaman mo towards, Harry! In love ka sa kanya! Hindi ka naman maiinis ng ganyan kung wala lang sayo." sagot ni Ace.

Wala talagang nakakatakas sa tao na 'to ano? Lahat napapansin? Hayst!

"Ace, kung gusto niya kay Joker, hayaan mo siya! Bahala siya! Bahala siya makipag-agawan kay Ate Alaiza!" bulong ko kay Ace.

"So, bakit nga kayo hindi nagpapansinan? Eh parang nung mga nakaraang araw eh hindi na kayo mapaghiwalay. Tapos all of a sudden biglang walang pansinan? Don't me, Chester. Mahal mo si Harry, hindi mo lang maamin sa sarili mo! Naghahanap ka kasi ng validation!" sagot ni Ace.

Tama si Ace, naghahanap nga siguro ako ng validation sa sarili ko kung mahal ko nga ba talaga 'yung tao o libog lang ako.

"Eh anong gusto mong gawin ko?" tanong ko kay Ace.

"You've come to the right place, my friend. Haha! Hayaan mo, ituturo ko sayo ang kalakaran ng BL world." sagot ni Ace habang natatawa siya.

Gagawin ata ako nitong bading ni Ace eh! Pero, hindi nga ba, nabading na ako dahil kay Harry? Pero baka nasa isip ko lang?

Kaya ginagawa kong pampalipas oras 'yung naging kagroup namin na babae nung first day. Tinitingnan ko kung mahuhulog ako sa babaeng 'yun. Kaso, ayaw ko na, wala akong maramdaman doon sa babae. Tapos, buong araw ko pa talaga nakita sina Harry at Kuya Joker na magkasama. Ayaw lubayan? Pag ako hindi nakapag pigil, ako sasapak kay Kuya Joker! May jowa na siya pero parang inaakit niya pa si Harry!

"You need validation, right? Gusto mo malaman kung mahal mo nga ba si Harry?" tanong ni Ace.

"Oo, paano ko ba malalaman?" tanong ko sa kanya.

"Okay, nagseselos ka kapag nakikita mo si Joker at Harry na magkasama?" tanong ni Ace.

"Hindi ko alam." sagot ko.

"Chester!"

"Oh, sige, pagpalagay na natin na nagseselos ako, o anong mayroon?" tanong ko kay Ace.

"Sabihin nating nagseselos ka sa kanila 'allegedly', what's your reason? Why? 'Di ba, sabi niyo nga FuBu kayo. Walang commitment, walang masasaktan kapag may kalandian na iba, s*x lang, for fun lang ganoon. Eh ano 'tong drama niyo?" hirit ni Ace.

Naiinis na ako sa paulit ulit na tanong ni Ace kasi pinapaikot niya lang ako!

"Eh kasi, may jowa na 'yung taong nang aakit sa kanya! Hindi niya alam na baka ma-fall si Harry sa kanya! Baka kung mapano si Harry!" sagot ko.

"So, you care about Harry?"

"Natural! Tropa natin 'yun eh!"

"So, anong gagawin mo?"

"Edi ilalayo ko siya kay Joker!"

"What if ma-fall si Harry kay Joker eventually, what will you do?"

Napaisip ako sa tanong ni Ace at napatigil ako...

Paano nga kung magkagusto si Harry kay Kuya Joker? Paano kung mangyari 'yun? Paano kung mahal ko na pala siya tapos hindi ko lang maamin sa sarili ko, and then isang araw, wala na siyang nararamdaman sa akin pag ready na ako na tanggapin siya ng buong puso?

Kakayanin ko kaya?

"So, you've paused. Napaisip ka ano? Hay nako, Chester. Nakakatawa ka talaga. Ang gagaling niyo mang-asar sa akin, pero pag kayo na, wala na, nga nga?" dagdag ni Ace at tuwang tuwa pa siyang nahihirapan ako. "Chester, don't let Harry fall in love with Joker. Two of the worst things may happen. Una, Harry will be in a lot of trouble since he's dealing with a man that's commited. Pangalawa, you won't be able to get Harry's heart anymore and that's your fault! Masyado ka mabagal! Masyado kang pabebe!" bulong muli ni Ace.

So kasalanan ko ba? Ako ba ang dapat sisihin?

"Pero, what's in Harry ba that you find attractive or what's with him that may make you fall in love with him?" tanong ni Ace.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit? Or baka na-attract lang talaga ako kasi lagi ko siyang kasama kahit saan? O baka sobrang attractive lang ni Harry para sa paningin ko o baka nasasarapan lang ako sa kanya? Haha!

"Okay, you won't need to answer my question yet. But I want you to find the answer for that. But isa lang ang request ko sayo. If wala ka talagang feelings for Harry, please be honest with him. Or, If you really don't want to lose Harry, don't make him feel all alone. 'Wag mo siyang ikutya. If you're not honest with your feelings, eventually, you'll lose him as your friend... and as your potential lover."

Hindi ko na nasagot si Ace dahil pinuntahan na siya ng tatlong tatay niya.

"We're not done yet, Chester. Pasalamat ka nandito na sila. I'll give you an earful of badwords later once makawala ako kina Seph, Lucas and Jeffrey!" bulong ni Ace.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Natapos ang breakfast namin na hindi dumating or kumain si Harry. Pero, nandito si Kuya Joker sa Village Head house, bakit hindi sila magkasama?

Nilapitan ko si Kuya Joker para tanungin kung alam niya ba kung nasaan si Harry.

"Kuya Joker."

Nilapitan ko siya habang sobrang sweet nilang dalawa ni Ate Alaiza at nagsusubuan ng pagkain.

Ito ba ang gustong agawin ni Harry? 'Yung may partner na? Desperado na ba siya sa pagmamahal? Hayst!

"Yes, Chester?"

"Nakita mo si Harry?"

"He said na pupunta siya ng clinic."

"Okay, thanks, Kuya Joker."

Pagkatapos ko kausapin si Kuya Joker, nagpaalam ako kay Ace na pupuntahan ko muna si Harry sa clinic para tingnan.

Pagkaalis ko sa Village Head house, agad ako tumungo sa clinic at kinausap ko agad ang nurse na nasa front desk.

"Miss, may patient po ba kayo na Harry 'yung name? Mas maliit siya sa akin ng kaunti, maputi, nakasalamin, tapos... gwapo."

"Wala pa naman. Wala pang pumupunta dito since nag open kami." sagot ng nurse.

Kung wala si Harry sa clinic, nasaan siya?

Tumungo naman ako sa open field kung saan naka pwesto ang mga tent namin, pero wala rin siya sa loob ng tent pero nandoon ang phone niya.

Nagtext ako kay Ace na baka hindi ako makapunta sa mga activities today at hahanapin ko si Harry.

"Ace, hindi muna ako aattend sa mga activities. Wala daw si Harry sa clinic. Wala rin siya sa tent natin. Hahanapin ko muna. —Chester"

"You better find him fast! Or else, ipapabugbog kita kina Seph, Lucas and Jeffrey! Lagot ka sa akin if may nangyaring masama sa tropa natin! —Ace"

Sinubukan ko hanapin si Harry sa buong village pero hindi ko talaga siya nakita. Saan ba kasi nagpunta 'yung lalaki na 'yun! Arrghh! Dito niya pa talaga naisip na magwala eh wala naman kaming alam sa lugar na 'to!

Buong magdamag ko siya hinanap. Ang sabi ko sa sarili ko, sa oras na makita ko siya, hindi ko na siya sasaktan ulit. Hindi ko na siya ipagwawalang bahala.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Inabot na ako ng dilim sa kakahanap kay Harry sa gubat, pero hindi ko pa rin talaga siya nakikita. Gumawa na lang ako ng palatandaan sa gubat para hindi ako maligaw kung sakali at makabalik ako.

Inisip ko kung nakabalik na si Harry sa campsite kaya nag text ako kay Ace.

"Ace, nandyan na ba si Harry? -Chester"

"He's not here yet! 'Wag kang babalik dito ng hindi mo siya kasama! The villagers are also looking for him. -Ace"

Patay! Saan na nagpunta 'yun? Pero sana talaga, walang mangayring masama sa kanya. Sana hindi rin siya masugatan sa gitna ng masahol na gubat na 'to, dahil pagnagkataon, mas lalo akong mahihirapan hanapin siya dahil baka mag panic attack siya.

8 p.m. na ng gabi kaya madilim na talaga at ang cellphone ko na lang ang tanging ginagamit ko na flashlight. Sana lang wag ako maubusan ng battery bago ko makita si Harry dahil sobrang nagaalala na talaga ako!

Habang naglalakad ako at tumitingin sa paligid, nakarinig ako ng isang sigaw...

"Tulong! Andito ako!"

At alam ko kung kaninong boses 'yon!

Tumakbo ako kaagad kung saan ko narinig ang boses na sumisigaw... ang boses ni Harry.

Nang matagpuan ko na si Harry sa di kalayuang pwesto, natuwa ako dahil sa wakas, nakita ko na rin siya at sa pagkakataong 'to, hindi ko na siya sasaktan.

Pero, nagulat ako sa nakita ko...

Tama ba 'tong nakikita ko?

Totoo ba 'to?

Nakayakap si Kuya Joker kay Harry?

Sh*t!

Gusto ko sapakin si Kuya Joker at paghiwalayin silang dalawa! Naiinis ako kay Kuya Joker kasi may girlfriend na siya pero ano 'tong ginagawa niya! Bakit niya pinapakitaan ng kakaiba si Harry?

Tiningnan ko ang itsura ni Harry, pagod na pagod na siya at mukhang gusto na niyang sumuko. Pero nakikita ko sa mga mata niya... na parang nahuhulog na siya kay Kuya Joker.

Tama nga kaya si Ace? Masyado nga ba akong mabagal? Nakampante ako na ako lang ang gusto ni Harry... pero hindi ko naisip na baka mahulog din siya sa iba.

Hinayaan kong panoorin sila kahit... aaminin ko... na nagseselos na ako. Naiinis ako dahil sana, ako 'yung nakayakap sa kanya. Na sana ako ang unang nakakita sa kanya. Na sana, hindi ko na lang siya nasaktan.

Pinanood ko lang silang dalawa at nakita ko kung paano inaalagaan at inaasikaso ni Kuya Joker si Harry. Kung paano niya ito binuhat sa likod niya at sinisigurado na okay lang siya. Nakita ko rin kung gaano nakampante si Harry habang nakayakap siya sa likod ni Kuya Joker.

Ang sakit pala na makita siya na may kayakap na ibang lalaki at nakikita siyang masaya.

Sinundan ko lang silang dalawa at pinapakinggan ko ang pag-uusap nila.

Nang marinig ko na sinabi ni Harry na pinapakiusapan niya na wag siyang iwanan ni Kuya Joker...

Galit na galit ako!

Sa sobrang galit ko, napasuntok ako sa puno na nasa tabi ko!

Napakaduwag ko kasi! Bakit ba noong tinanong kami ni Ace kung kami na ni Harry, bakit hindi ko sinabi na oo? Edi sana hindi aabot sa ganito?

Pero, sana hindi pa huli ang lahat. Kung nakuha na ni Kuya Joker ang puso ni Harry... susubukan ko ulit bawiin 'to.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Nang makabalik na kami sa campsite lahat at binaba na ni Kuya Joker si Harry, nilapitan ko siya agad at niyakap.

Niyakap ko siya na punong puno ng pagmamahal na gusto ko maramdaman niya na... na nandirito pa ako.

"Kanina pa kita hinahanap. I'm sorry, Harry. Wag ka na lumayo ulit." bulong ko kay Harry.

Hinihintay ko siya na yakapin ako pabalik dahil inaasahan ko na gagawin niya iyon.

"Thank you, Chester." bulong niya sa akin at pagkatapos ay wala na.

Isang malamig na "Thank you" lang ang sinabi niya sa akin. Walang laman, walang kahulugan, wala... parang salita lang na sinabi.

Tinanggal niya ang mga kamay ko mula sa pagkakayakap sa kanya at hindi man lamang siya tumingin sa akin.

Nasa isip ko na ilang araw lang sila nagkasama ganoon na lang kabilis nakuha 'yung puso niya? Wala na siyang nararamdaman sa akin? Tapos na ba?

Pero hindi ako pwede tumigil. Hindi ko siya pwedeng pabayaan, hindi siya pwedeng mapunta kay Kuya Joker.

"Harry, Let's go. Dadalhin muna kita sa clinic para mas magamot 'yung sugat mo." sinabi ni Kuya Joker at inakbayan niya na si Harry.

Kitang kita ko ang mga ngiti ni Harry habang nakaakbay sa kanya si Kuya Joker. Wala na nga ba talaga? Nakuha na siya sa akin?

Umalis na sila at tumungo na ng Clinic, habang kami nila Ace na lang ang naiwan.

"Chester, see? I told you, you didn't listen to my told!" bulong sa akin ni Ace.

"Hindi ka nakakatulong, Ace! 'Wag ngayon!" sigaw ko at bigla akong umalis sa campsite.

Hindi ko naman sinasadyang masigawan si Ace, pero alam ko, naiintindihan naman niya kung bakit ko siya nasigawan.

Tumungo muna ako sa isang malawak na damo, humiga at pumikit. Gusto ko magpahinga dahil nakakapagod... nakakapagod pala mag mahal ng taong mabilis sumuko.

Dahil sa kakaisip, malapit na ako makatulog nang may narinig akong dalawang tao sa paligid ko na nagtatalo. Isang babae at isang lalaki. Noong una, medyo magulo at hindi ko maintindihan 'yung pinaguusapan nila. Pero noong may narinig akong "Harry" sa usapan, biglang gumana 'yung pandinig ko ng sampung beses na mas matalas!

Pinakinggan ko ng mabuti ang pinaguusapan ng dalawang taong ito... at pakiwari ko, kilala ko kung sino ang nag-uusap... sina Kuya Joker at Ate Alaiza.

"Joker! Masyado ka ng obvious!" sigaw ni Ate Alaiza.

"Mapipigilan mo ba ako?" sagot naman ni Kuya Joker.

"Mabubuko tayo niyan! Nakikita ng ibang tao na sobrang lapit mo masyado kay Harry!" sagot ni Ate Alaiza.

"Nakakapagod na eh. Hanggang kailan ba? Hanggang kailan tayo magpapanggap na mag partner tayo?" sagot ni Kuya Joker.

Anong motibo nila? Bakit sila nagpapanggap? Ibig sabihin, may gusto talaga si Kuya Joker kay Harry?

Hindi 'to pwedeng malaman ni Harry!

Bigla akong napadilat sa sinabi ni Kuya Joker at nag-init ang buong katawan ko. Kinabahan ako bigla... dahil sa oras na malaman ni Harry na walang relasyon sina Kuya Joker at si Ate Alaiza... wala na akong laban. Baka hindi ko na siya mabawi ng tuluyan.

Ito na lang ang kaya kong panghawakan para pigilan na tuluyang mahulog si Harry kay Kuya Joker.

End of Chapter 26