Chapter 28: Twist of Fate

Harry's POV

"Harry? Chester?" Joker said and he looked so shocked.

I was also shocked because hindi ko inexpect na Chester will kiss me and say that he loves me... and isa pa, sakto pa na nakita kami ni Joker.

"I'm sorry guys. Hindi ko sinasadya. Aalis na ko. You can continue your kiss... or... whatever it is." Joker said and tumalikod na siya and he walked so fast.

I wanted to follow him and I wanted to say that it was all a misunderstanding.

I started to walk but Chester grabbed my left hand and I was forced to stay.

"Saan ka pupunta? Susundan mo si Joker?" Chester said.

"Yes. I'll go with Joker." I said.

"Harry, commited 'yung tao. Ano na naman pumasok sa utak mo?" Chester pointed out.

"No, narinig ko sila na nag-usap ni Ate Alaiza. They're faking it. I have a chance now with Joker." I replied.

"So ngayong alam mo na 'yung totoo, ganoon na lang kabilis? Pupunta ka na agad sa kanya? Mahal mo na agad? Kilala mo na ba siya? Alam mo ba tunay niyang ugali? Nakita mo na ba ang bad side niya? Nakita mo na ba siya magalit?" Chester shouted.

"You can't stop me." I answered.

"Paano ako?" Chester said in a very gloomy tone.

"Hindi ko alam." I answered.

"Handa na ako eh. Bakit naman kung kailan ready na ako na ibigay 'yung puso ko... bakit... bakit ang bilis mo naman nawala?" Chester said.

I felt the pain from what Chester said.

Then raindrops started to fall one by one as if the night sky is starting to cry.

"Harry, baka naman pwede pa? Baka natuwa ka lang sa company ni Joker... I'm sorry, hindi ko sinadya na i-deny ka. Pero ngayon, handa na talaga ako. Please?" Chester said and he hugged me.

The rain started to get stronger and it became colder.

It was so warm and I felt Chester's pain being passed onto my heart.

Mali ba ako na tinapon ko ang feelings ko para kay Chester? Did I gave up too early? Was my feelings for Joker was all sugarcoated and was just made up by my stupid mind?

"Harry, please... 'wag mo na ako layuan. Hindi na kita iiwanan. Mahal na mahal kita." Chester said and... he started to cry.

He laid his face on my right shoulders and I felt the warm tears coming from Chester's eyes. This was the first time that I saw him cry. I always see him as the strongest person that I've known.

Siya 'yung tipo ng tao na hindi matitibag next to Ace. I was the weakest one in our circle and Chester was always there to help me. But now, as I see him cry in front of me... I felt so bad. Feeling ko, ang sama sama kong tao.

He never showed his weakness in front of everybody... pero ngayon, he's showing a different Chester... a weak Chester that's begging for a love that's lost.

"Harry, I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Akala ko out of lust lang ang nararamdaman ko, kasi noong nakita kitang masaya sa iba, doon ko napagtanto na hindi ko kayang makita ka sa iba." he said and continued to cry.

He cried so much like he was about to get a breakdown.

Palakas na na palakas ang ulan pero hindi pa rin ako binibitawan ni Chester at patuloy niya pa rin ako niyayakap na parang ayaw niya na akong pakawalan talaga...

"Chester... I..."

I was then interrupted again.

"Hindi... ayoko marinig na sasabihin mong ayaw mo na. 'Wag mo ko sukuan, Harry. Please?" Chester said and continued to cry on my shoulder.

I was about to say that I wanted to go back to the way it was. I wanted us to be the same old Harry and Chester... back when we were so happy and not this full of drama sh*t.

I don't want to lose him because of this love, but then I don't want to lose our friendship as well.

I needed to save one and I have chosen friendship over

my love for Chester.

"I'm sorry, Chester."

"Hindi, 'wag ka magsorry. Ayoko marinig ang sorry mo. Gusto ko marinig na mahal mo pa ko. 'Yun ang gusto ko."

"Chester, can we go back to the way it was? Can we go back to being friends again?"

Chester, then, looked at me straight in the eyes. Umiling siya sa akin and I can see that his eyes are getting red because of the tears he's letting out.

"Ayoko, Harry. Hindi ko na kaya maging kaibigan mo lang ulit. Please... sa akin ka na lang. Gagawin ko lahat, bumalik ka na lang ulit sa akin." Chester said.

I've made up my mind.

I still want to be with Chester... as a friend.

"I'm sorry, Chester."

I removed Chester's grip from my body and I left him alone standing in the grassy patch while it's raining hard.

I didn't look back since kapag lumingon ako, I'll see Chester's crying face. I don't want to see the weak Chester since hindi ko kakayanin.

Chester's POV

Nakatayo lang ako at habang patuloy na bumabagsak sa katawan ko ang patak ng ulan, pinapanood ko siya na mawala sa paningin ko nang paunti-unti.

Si Harry ang kauna-unahang kong tao na minahal ng ganito. Siya ang unang iniyakan ko at sa kanya lang ako nagmakaawa ng ganito para sa pagmamahal.

Ang tanga ko lang kasi, noong oras na nandoon 'yung pagmamahal, binaliwala ko lang. Pero ngayong wala na siyang nararamdaman, pinipilit ko naman siya ngayon.

Ganito pala mag mahal ng totoo, ang sakit pala na parang pinupunit ang utak at puso mo. Parang gusto ko na lang mawala sa mundo kung ayaw na sa akin ni Harry.

Humiga na lamang ulit ako sa lugar na kinatatayuan ko at hinayaan ko ang pagpatak ng ulan na tumatama sa mga mata ko. Gusto kong umiyak ng umiyak hanggang sa wala na akong luha na mailabas.

Pero... hanggang dito na lang nga ba talaga ako?

Ako si Chester.

Bakit ako susuko?

Baka kaya ko pa bawiin? Baka kaya ko pa ibalik? Baka kaya ulit buksan ni Harry ang puso niya para sa akin kahit na sinara niya na 'to?

Pumikit ako at hinayaan ko lang na pumatak ang ulan sa katawan ko. Gusto ko lang maramdaman ang lamig ng gabing ito. Pagkatapos, babangon ulit ako. Mas magiging malakas ako para kay Harry. Kaya ko ipakita na hindi pa huli ang lahat.

Oo, Harry, hintayin mo ko... kukunin kita sa kanya.

Ilang saglit lang, habang nakapikit ako, hindi ko na nararamdaman ang pagpatak ng ulan. Dumilat ako at nakita ko na may nakatayong tao sa tabi ko at may hawak na payong.

"Stand up, Chester. Don't be a weakling. Hindi kita nakilalang ganyan."

Boses ni Ace ang narinig ko.

"Iwanan mo na ko, gusto ko mapag-isa. Wala ako sa mood makipag-asaran sa'yo." sagot ko sa kanya.

Nagbukas ng isang payong si Ace at binaba niya ito malapit sa ulo ko para hindi ako mapatakan ng ulan sa bandang ulo.

"I saw and heard everything. I don't want to lose you both. So please... kumapit ka lang, Chester." sinabi ni Ace, "Harry won't sleep in our tent tonight. If you want to rest, you can stay sa tent natin. I won't be sleeping in our tent as well." dagdag niya at pagkatapos ay umalis na siya.

Hahayaan ko lang muna ang sarili ko na masaktan ng ilang saglit at pagkatapos... babalik na ulit ako sa dati. Hintayin mo lang, Harry.

Joker's POV

"Lucas, Seph, gusto niyo ba uminom?" I asked Lucas and Seph kahit na hindi na sila ganoon na malapit tulad ng dati. Pero ang gusto ko lang...gusto ko lang ng kausap. Gusto ko makausap ang dalawa kong kaibigan.

Nauna na maglakad si Seph papalayo sa amin, at medyo nainis si Lucas.

"Tingnan mo 'to, nagyayaya ka pagkatapos iiwanan ka?" Lucas said to me but pertaining to Seph.

"Naglakad na ko kasi kung tatayo lang tayo dito, aabutin tayo ng umaga." Seph said.

"Tara, Joker." sinabi ni Lucas at inakbayan niya na ako.

Tumungo kami sa isang maliit na pub house sa village para doon uminom.

Habang nakaupo kami, biglang nagsalita si Seph.

"Don't take this the wrong way. Lucas, hindi pa rin kita, gusto. Pero dahil kailangan ni Joker ng kausap, I'll let you in... for now." hirit ni Seph.

"Aba... ikaw na ngayon ang leader? Huh? Malakas ka na? Kinakaya mo na ko?" hirit naman ni Lucas.

"Saglit nga, di ko kayo sinama na makipag inuman para mag talo! T*ng *na naman!" sigaw ko at bigla natahimik sina Seph at Lucas.

Nagulat din ang babae na may dalang beer na ilalapag sana sa table namin.

"Wag niyo po kami pansinin. Ganito lang kaming tatlo. Normal lang po 'to." sinabi ko sa babae.

Pagkalapag ng mga beer sa table namin, agad kong binuksan ang sa akin at nilagok ko ang isang bote. Pagkatapos, bumukas pa ulit ako ng isang bote at muli, nilagok ko hanggang sa maubos.

Kukuha pa sana ako ng isa nang bigla ako pinigilan nina Lucas at Seph.

"Sandali lang, baka naman malasing ka na agad bago ka pa mag kwento!" hirit ni Lucas.

"Magkwento ka muna, Joker." sinabi naman ni Seph.

"Lucas, may napapansin ka ba sa dalawa mong alagad?" tanong ko kay Lucas.

"Sinong dalawang alagad?" tanong ni Lucas.

"Si Harry and Chester." sagot ko.

"Hmmm... wala naman. Bakit? Anong mayroon?" tanong niya.

"Minsan ba, naisip mo kung mag partner silang dalawa?" tanong ko.

"Magpartner as in mag jowa?" tanong ni Lucas.

"Oo." sagot ko.

Biglang tumawa ng malakas si Lucas at napainom ng beer muna bago sumagot sa akin, "Anong mag partner sinasabi mo? Ta*na, babaero 'yun si Chester, paano magiging partner 'yung dalawa? Malabo 'yan. Lasing ka na ata agad, Joker."

"Nakita ko silang dalawa kanina na naghalikan." sagot ko.

Biglang nawala ang pagtawa ni Lucas at biglang naging seryoso siya.

"Baka naman aksidente lang? Mahilig kasi makipag biruan 'yun si Chester." paliwanag ni Lucas.

"Dalawang beses hinalikan ni Chester si Harry. Hindi 'yun nakikipagbiruan." sagot ko.

"Oh, if they kissed, what's in it for you? You should be minding your own business." sagot naman ni Seph.

Kumuha ako ulit ng beer at inubos ko muna ulit bago ako nagsalita.

"Nagseselos ako." sagot ko sa kanila.

Biglang tumawa si Lucas ng malakas ulit.

"Joker... joker ka talaga! Lasing ka na nga. Gusto mo na ba bumalik ng tent?" hirit ni Lucas.

"Seryoso ako, pre. Nagseselos ako." sagot ko.

"May gusto ka sa isa sa kanila? tanong ni Lucas.

"Oo." sagot ko.

"Pre, paano si Alaiza? 'di ba kayo pa? Ano 'to? Anong nangyari?" tanong ni Lucas.

"Joker and Alaiza were just faking it. It's something about a dare that they've made up." paliwanag ni Seph kay Lucas.

"Oh sige, pagpalagay na natin na fake boyfriend and girlfriend kayo ni Alaiza, pero seryoso, anong nakain mo? Sinong gusto mo sa dalawa? Si Harry o si Chester?"

Kumuha ako ng isa pang bote bago ko sinagot si Lucas at nilagok ko ng isang inuman.

Huminga muna ako ng malalim at bumwelo. Naghihintay ng sagot sa akin sina Lucas at Seph at gusto nila malaman kung sino ang gusto ko sa dalawa.

"Lucas, Seph, kaibigan ko kayong dalawa kaya tiwala ako sa inyo." hirit ko sa dalawa.

"Kahit ano mangyari, Joker, kaibigan mo kami. Ikaw nga nandyan ka pa rin kahit nalaman mo na iisa lang gusto namin ni Seph eh." hirit ni Lucas.

"You have us, Joker. Don't worry." sagot naman ni Seph.

Muli, huminga ako ng malalim... at sinabi ko ang taong gusto ko...

"Si Chester."

End of Chapter 28