Ace's POV
Wala na, hindi ko na din talaga alam takbo ng utak ko! As in I'm still thinking if straight pa ba talaga ako or sinasabi na lang ng bibig ko? Kapit na kapit pa ba ko being a straight guy or bibitaw na ba ako? Haist! I hate this feeling!
Yung totoo? Baka babae talaga ako sa previous life ko? Siguro magandang babae ako noon na isinumpa na maging lalake sa susunod na buhay tapos magkakaroon ng puro lalake na manliligaw? Haha!
"Ace?"
Someone just called my name but I'm not in the mood to answer since nag-iisip pa ako if I'm straight or not.
"Ace!" my mom just called me and smacked me at my back.
"Mom! Why'd you do that?" I exclaimed.
"Nakatulala ka kasi! Kanina pa kita tinatawag!" she said.
"Pakipuntahan mo nga si Lucas sa garage. Iabot mo 'tong snacks and drinks sa kanya, baka gutom na siya. May mga pinaayos ako sa kanya eh, mga pinapintura tsaka pinaayos na mga butas na kisame. Hihi!" mom said.
"Mom! Bakit mo inutusan si Lucas? Bisita 'yun! Sa akin mo na lang dapat sinabi!" I said.
"Eh sabi niya siya na lang daw. Tsaka nga pala pumunta ka sa Lola Gets mo kasi hinahanap ka niya. Isama mo si Lucas para may kasama ka pauwi." my mom asked.
"Para naman hindi ako pumupunta mag isa kila lola dati." I answered.
"Ah basta, isama mo si Lucas, tsaka para mas safe na rin." she said.
"Okay. Where's the food?" I asked her.
Mom then gave me the snacks and drinks na ibibigay ko kay Lucas.
I went to the garage and I saw Lucas just finishing up and nagpipintura na lang siya. Parang tapos na ata siya mag-ayos kasi natakpan na lahat ng butas sa kisame and naptinturahan na din ang most of the walls.
Pinapanood ko lang siya mag pintura and he looks so focused sa ginagawa niya. May mga paintmarks na 'yung upper part ng katawan niya since naka topless siya. He looks so damn good kahit na pawis na pawis na siya.
Heto ako ngayon, nakatayo sa tabi niya and nakahawak sa tray ng may pagkain. Para kaming mag asawa tapos siya 'yung lalaki sa amin na nag aayos ng bahay namin tapos ako 'yung babae na magaabot sa kanya ng pagkain. Haha! What am I thinking?
"Ace! Andyan ka pala!" Lucas looked at me and smiled at me with his sweaty and handsome face with a bit of paint marks on his face.
He's so husband material... nakakainis!
"Ah, yes, I was about to give you this. Gutom ka na ba?" I asked Lucas while handing the tray of food and drinks to him.
"Di na, busog na ko." Lucas said and smiled at me.
Pag isa to sa mga banat ni Lucas, I swear I'll smack him!
"Kumain ka na! Wag na maraming arte!" I exclaimed.
Lucas then grabbed the tray that I was holding and nilapag niya muna sa floor. He sat down and started to eat in front of me while he's smiling.
Umupo rin ako sa harap niya while he's eating and I asked him, "I was about to ask you if okay lang na samahan mo ko papunta kila lola? Mga 20 minutes walk lang mula sa bahay namin. Pero if pagod ka na, okay lang. Kina Chester and Harry na lang ako magpapasama."
"Hindi, never ako mapapagod, Ace. Patapos na rin ako tapos maliligo lang ako saglit. Okay lang ba?" Lucas asked.
"Sure, okay lang. I'll wait for you and maglalakad lang naman tayo but mga 15-20 minutes away 'yun from our house. Okay lang?" I asked him again.
"Oo, okay na okay 'yun! Masosolo din kita sa wakas! Haha!" Lucas said and smiled.
"Baliw! Bilisan mo na kumain then maligo ka na. Tulungan na rin kita para mas mabilis ka matapos." I said.
"Wag na, ayaw ko madumihan at mapagod 'yung asawa ko." he said and smiled at me.
Biglang nanlaki ang mga mata ko when he said "Asawa ko".
"Baliw ka, Lucas! Anong asawa ka dyan!" I exclaimed... but deep inside, I liked it and I don't know why!
What is happening to me? Am I really not straight anymore? Arrghhh! Masyado na nga ba ako pinalilibutan ng maraming lalake at feeling ko na tinatrato na nila ako na babae? Nakakainis!
After Lucas has finished eating, tinapos niya na rin ang pagpipintura and afterwards naligo na rin siya. I waited for him outside our house while I'm just playing with the stray cats.
"Asawa ko!"
Someone shouted from our door and when I looked, it was Lucas! This handsome sh*t! Sumisigaw ng asawa niya ako at baka may makarinig pa sa kanya!
"Wag ka nga maingay! Mamaya may makarinig na kapit bahay sayo!" I exclaimed.
Nilapitan na ako ni Lucas and we started to walk papunta sa bahay ng lola ko.
While we're walking, napatingin ako sa side profile ni Lucas and if I mean by tingin, nakatingala ako sa kanya since this guy is really tall I'd say 6 feet flat and 5'5" lang ako. He's taller than Jeffrey and Seph I shoud say, since he's a basketball player.
"Bakit ka nakatingin sa akin, asawa ko?" Lucas whispered.
"Don't call me that! Baliw ka!" I said.
"Sige, sa susunod na lang kapag official na talaga. For now, master na lang muna." he said and smiled.
We continued to walk and I asked Lucas, "Are you okay, Lucas? I mean, being alone without any family? Kasi di ba mag-isa mo na lang sinusportahan 'yung sarili mo thru part time and scholarship sa basketball club."
He looked at me and smiled. Inakbayan niya ako and said, "Dati, nalulungkot ako. Pero ngayon hindi na, andyan ka na eh. Simula noong nakilala kita, though noong una galit ako sayo, pero ngayon, ang gusto ko na lang, gusto ko na bumuo ng bagong family kasama ka."
I didn't answer... naiinis ako! Kinikilig kasi ako! Arrghh! So, I gave him my glaring eyes!
"Pero sa totoo lang, Ace, thankful ako na nakilala kita. Sobrang boring ng buhay ko dati. Ayaw ko na nga mag aral nun tapos sabi ko magtatrabaho na lang ako. But ayun, noong nag meet tayo, and since isang taon na lang and graduate na ko, ayaw ko muna mag trabaho. Gusto pa kita makasama araw araw kaya magpapabagsak ako tapos magiging repeater ako para sabay tayo gagraduate. Haha!" Lucas said.
"Baliw ka talaga! Tapusin mo! Wag ka mag pa repeater!" I shouted.
"Oo, hindi na... kasi naisip ko din para pag graduate mo, may trabaho na ko. Di mo na kailangan magtrabaho kasi ako na lang magtatrabaho sa ating dalawa." Lucas said.
Bakit ba ayaw nila ako pagtrabahuhin? Ano ako? Sarap buhay na lang?
"Pero kung naging tayo nga in the end, hindi naman kita pipigilan sa gusto mong gawin. Kung gusto mo magtrabaho talaga para sa sarili mo, hahayaan kita. Basta ako, aalagaan lang kita kasi 'yun ang sinasabi ng puso ko." Lucas said.
Good for him na he'll let me work. I don't want to stay at home and do the household chores all alone!
"Pwede din na ihahatid kita bago ka pumasok o kaya pag-uwi mo nag-aabang na lang ako sayo para sunduin ka. 'Di ba okay 'yun?" Lucas added.
"Nababaliw ka na talaga, Lucas!" I said.
At last! After 18 minutes of walking, nakapunta na rin kami sa bahay ng lola ko!
"Lola Gets?" I shouted while standing in front of her gate.
Then, the door from her house opened and she shouted, "Ace? Ikaw ba yan?"
"Opo! Ako nga po!" I shouted.
"Ang tangkad tangkad mo na ah?" she said and nagtaka ako at napatingin ako kay Lucas. I think akala niya, ako siguro si Lucas. Haha!
I raised my hand right hand dahil baka magkamali siya kung sino talaga ako.
"Lola Gets, ako po si Ace!" I said as she walked slowly in front of us.
"Ay, Ace! Akala ko ikaw itong gwapong matangkad. Halika kayo, pumasok na muna kayo." Lola Gets said and pinagbuksan niya na kami ng gate.
As soon as nakapasok na kami sa bahay niya, pinaupo niya muna kami sa sofa and binigyan niya kami ng pagkain and softdrinks at umupo rin siya sa tabi namin.
She was looking at Lucas with squinting eyes and sinuot niya ang glasses niya.
"Ang gwapo nitong kasama mo, Ace? Kaibigan mo ba 'to?" Lola gets asked.
"Opo." I answered but then Lucas said "Hindi po."
I looked at Lucas showing my my expression of my "What the hell?" face!
"Eh ang gulo niyo naman dalawa. Ano ba talaga?" Lola Gets asked.
"Ayaw ko po na maging kaibigan lang si Ace, Lola Gets." Lucas answered and napatingin ako sa kanya at nanlaki ang mga mata ko! If this guy dares to say something in front of my Lola about being him as my lover... Aalis ako dito right away!
"Ha? Eh anong gusto maging kay Ace kung ayaw mo siya maging kaibigan? Gusto mo siya maging kaaway?" Lola Gets jokingly said.
"Gusto ko po ligawan si Ace. Pwede ko po ba siya ligawan?" Lucas asked... he just f*ckin asked my lola casually! WTF!
Nanliit ang mga mata ni Lola Gets at napabuntong hininga siya. I know that she'll be mad at me, and maybe, baka itakwil niya kami! Itong Lucas na 'to! I'll give him an earful kapag nakaalis na kami dito!
Lola Gets opened her mouth! Patay! Sisigawan na ko nito!
"Ace..." She said with a very serious tone.
"Yes po, Lola Gets?" I asked and napalunok na lamang ako!
"Aba'y may pinagmanahan ka pala talaga! Biruin mo, ikaw pala ang nagmana sa akin na may mga manliligaw! At mga gwapong manliligaw pa! Nako, noong oras ko, andaming nanliligaw sa akin! Pinag aagawan pa nga ako kaya nahirapan ako mamili!" Lola Gets said.
Like what the F? Akala ko magagalit siya! She's even sharing her previous life!
"Lola Gets, okay lang po sa inyo? Gusto ko po magpaalam sa inyo and gusto ko po humingi ng blessings niyo na liligawan ko po 'yung apo niyo." Lucas said with conviction at hindi talaga siya nagbibiro in front of my lola!
"Okay lang naman sa akin, tangkad. Pero handa na ba kayo sa sasabihin ng mga tao?" Lola Gets asked us and natahimik kaming dalawa ni Lucas, "Kasi hindi madali 'yang papasukin niyo. Maraming mapanghusga sa labas. Pero ako, hindi ko kayo huhusgahan dahil kilala ko si Ace at mabait na bata 'yan... ayun nga lang may matabil na dila, pero mahal ko 'yang apo ko na yan. Wala pang pinapakilalang babae 'yan sa akin... 'yun pala lalake ang ipapakilala. Pero okay lang sa akin."
"Opo, Lola Gets, wala po akong pakialam sa sasabihin ng tao. Ang gusto ko lang po talaga, makasama si Ace hanggang sa pagtanda." Lucas said.
Nakakainis naman to si Lucas! Masyadong ginagalingan! Gusto ko mangurot ng basketball player!
"Kung sigurado ka na sa desisyon mo, tangkad, siguraduhin mo lang na hindi mo iiwanan si Ace tulad ng nangyari kay Lucille na iniwanan ng tatay ni Ace. 'Yung walang hiya na 'yun hindi na nagsustento! Pero mabait 'yung tao na 'yun, ayun nga lang, loko loko!" Lola Gets said.
"Opo, Lola Gets. Wala na po akong pamilya at mag-isa na lang ako. Kaya ang gusto ko, si Ace ang magiging kasama ko na bumuo ng pamilya." Lucas said.
"Sige, papayagan kita na ligawan ang apo ko. Basta ang pangako mo lang sa akin, kung iiwanan mo siya, sabihin mo sa kanya. Wag mo siya basta basta na lang lalayuan. Ayokong matulad siya sa nanay niya dahil kung hindi... ipapakulam kita!" Lola Gets said.
Lucas laughed and said, "Opo, Lola Gets." then he said with a serious face while looking at me. Pero hindi naman po mangyayari 'yun kasi hindi ko po iiwanan si Ace. Kahit po hindi niya ako piliin, siya pa rin po ang pipiliin ko araw araw at wala na pong iba." Lucas said and smiled at me.
Seriously, this man... habang nakatitig siya sa mga mata ko while saying those lines... it hits me... tamang tama ako! Nakakainis kasi bakit ako kinikilig! T*ng *na!
But, I, felt sad when he said that. Naramdaman ko kasi na I'll be making another one's life miserable if hindi ko siya napili. But I felt so loved habang sinasabi sa akin ni Lucas 'to.
"Aba'y ang swerte naman ng apo ko! Eh kung ganyan lang ang tatay mo, edi sana kumpleto pa kayo!" Lola Gets said, "Basta lagi mo babantayan 'tong apo ko. Kapag sinaktan mo 'to, at pag namatay ako mumultihin kita!" she jokingly said.
"Ace, may blessing na ko ni Lola Gets ah? Ikaw na lang talaga." Lucas said.
"Baliw ka talaga!" I exclaimed.
But narealize ko lang, kinukulit nila akong tatlo, pero never nila ako tinanong ng harapan kung liligawan talaga nila ako. It was just Lucas who was brave enough to say that even in front of my Lola. He has the guts to face anything. Well, matapang naman talaga si Lucas at wala siyang inuurungan and that's what I like about him.
After staying an hour and a half sa bahay ni Lola Gets, we've decided to go home already since mahirap umuwi kapag madilim na at maraming loko loko at lasing na naglalakad sa labas.
"Ace, mag-gagabi na, umuwi na kayo ni Lucas sa bahay niyo." Lola Gets said.
"Sige po, Lola. Mauuna na po kami ni Lucas." paalam ko.
"Mag-ingat kayo. Ikaw tangkad, ingatan mo ang apo ko. Tsaka wag mo muna gagalawin at hahalayin 'yan hanggat hindi ka pa sinasagot nito! Tsaka wala pa 'yan sa tamang edad ha! Hintayin mo mag 18 yan!" Lola Gets said.
"Lola! Ano ba yan! Aalis na po kami. I love you po!" I exclaimed.
She laughed and tinaboy niya na kami palabas since mahirap talaga umuwi kapag madilim na.
Lucas and I are walking all alone and it was so quiet. Ang maririnig mo na lang talaga ay yung mga kuliglig at 'yung mga ingay ng tubig sa malapit na dagat. Though, it's so peaceful since puno ng stars ang langit at full moon rin kaya medyo maliwanag kahit na limited lang ang street lamps.
Then, while nagkukwentuhan lang kami sa daan and laughing, Lucas suddenly paused for a moment kaya napatigil din ako sa paglalakad.
"Lucas, bakit ka tumigil?" I asked him.
"Wait, alerto ka lang, Ace. Parang may nararamdaman ako eh. May kanina pa sumusunod sa atin." he whispered and nilapitan niya ako. "Dito ka lang sa likod ko, Ace."
Medyo kinabahan ako kay Lucas since may mga sira ulo talaga dito lalo na kapag may mga bagong salta na hindi nila kilala, kinukursunadahan nila. Nakatago lang ako sa likod ni Lucas and hinihigpitan ko na rin ang paghawak sa damit niya since bigla akong kinabahan.
Ilang saglit lang, may lumabas na tatlong lalake mukhang goons at parang adik pa ata! At hindi lang 'yun! 'Yung isa, may hawak na itak! Potek naman yan!
Bakit ngayon pa!
"Lucas, tumakbo na tayo! Itak ang hawak niya! It's too dangerous!" I whispered.
"Ace, pag sinabi kong tumakbo ka... tumakbo ka na ah? Wag kang titingin sa likod basta dire-diretso ka lang!" he whispered.
"No! Hindi kita pwede iwanan dito! Kasasabi lang ni Lola Gets na wala daw iwanan!" I whispered.
"Ace, delikado! Mas gusto ko pa na mabuhay ka kaysa maiksidente ka kasama ko! Wag ka na makulit, please?" he whispered.
Kinakabahan na talaga ako since I don't want Lucas to get hurt. Ayoko siya mamatay just for saving me my life!
"Lucas, tara na! Sabay na tayo tumakbo!" I whispered.
"Hahabulin lang nila tayo ng hahabulin! Basta tumakbo ka na Ace, hindi kita hahayaang madisgrasya dito." he whispered.
Lumalapit na 'yung lalaki na may hawak na itak at natatakot na rin ako sobra since ayaw ko ng mga ganitong scenario!
"Takbo!" Lucas shouted!
I was so scared that I really don't want to leave Lucas but he pushed me.
Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko kasi I really don't want to leave him behind!
"Ace! Ano ba? Tumakbo ka na!" Lucas whispered.
My tears started to fall since natatakot na talaga ako and I don't want Lucas to be killed by those f*cking guys!
"Ace... akong bahala dito! Sige na..." Lucas said and he whispered to my right ear while smiling, "Magtago ka muna, at kapag nakatakas ako, hahanapin kita. Kapag naman hindi ako nakaalis dito ng buhay, I just wanted to say that I love you, Ace. Na gusto ko makasama ka habambuhay kahit na ayaw mo na sa'kin. Mas mapapayapa ako kapag wala ka sa tabi ko ngayon. Please... master?"
I started to cry and ran.
I left Lucas...
I hate myself for leaving him behind!
He said not to look back, but tiningnan ko siya and I felt so discouraged and my feet are out of control. Gusto ko tumigil to save Lucas but I was so scared to go back while seeing him fighting his life just for me to be alive!
I hate myself from leaving him!
Nagtago ako sa isang puno and I stayed there for a while habang umiiyak ako at natatakot. I was praying and I know na makakatas si Lucas doon and I will wait for him here.
Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong takot at lungkot sa buong buhay ko. I never thought that someone would risk his life so that I can just live. Hindi na inisip ni Lucas ang mangyayari sa kanya and he just wanted me to run para makatakas ako even though na siya ang mapapahamak. I'll hate myself for the rest of my life if may nangyari sa kanya. I'll never forgive myself for Lucas risking his life.
30 minutes na ang nakakalipas, but still, no sign of Lucas. I was so scared and I really didn't know what to do! Kaya ang ginawa ko, even though Lucas doesn't want me to go back, bumalik pa rin ako. Binalikan ko siya since I really don't want him to leave this world yet. I'm not yet ready and hinihiling ko na sana, sa mga pagkakataong ito, na nagde-daydream lang ulit ako...
This is the second time that Lucas saved me...
He always save me when I'm in trouble, pero noong siya na ang nasa peligro, hinyaan ko lang siya and wala akong magawa but to run.
If I ever see Lucas still alive, I swear, I won't let him go ever again and hindi ko hahayaan na mawala siya sa buhay ko... I just wanted him to live! Please...
Habang papalapit ako kung saan ko siya iniwan, wala na 'yung mga lalaki na nakasalamuha namin kanina...
But, I saw a guy lying on the ground and hindi na gumagalaw. As I walk slowly towards that guy, I'm wishing that it's not him dying in front of me!
Lumapit ako sa nakita kong lalake na nakahandusay sa lupa...
I felt sad and I started crying again.
I hated myself when I saw the face of the guy...
It was Lucas...
I grabbed his t-shirt na punong puno ng dugo and ginigising ko siya and I was hoping na nagbibiro lang siya like he always does to me.
Hindi na siya gumagalaw at puno ng dugo ang katawan niya and his skin is becoming pale...
"I'm sorry, Lucas... Please don't leave me."
End of Chapter 36