Chapter 37: I’m sorry

Lucas' POV

Habang nag-uusap kami ni Ace pabalik sa bahay nila, nakakaramdam na ako na may sumusunod sa amin. Malakas kasi ang kutob ko pag alam ko na may gulo na paparating.

Hindi nga ako nagkamali dahil ilang minuto lang nang tumigil kami ni Ace sa daan, may mga sumulpot na kumag at 'yung isa, may itak pa...

Ang nasa isip ko na lang sa mga oras na 'to na makatakas si Ace at makauwi ng ligtas sa kanila. Kay Ace kasi, may naghihintay pa na pamilya sa kanya, pero sa akin wala na.

"Takbo!" sigaw ko kay Ace at pinalayo ko na siya sa pwesto namin.

Ayaw niya sana umalis pero kailangan dahil mamamatay kaming parehas kung hindi siya aalis.

Umiiyak si Ace habang tumatakbo siya papalayo sa akin at ngayon ko lang siya nakitang umiiyak at naging mahina. Ayaw ko sana makita 'yun sa kanya kaso wala akong magagawa.

Ngayon, ako na lamang mag-isa at kaharap ko ang mga lalaking hindi ko kilala at may hawak na itak.

Bahala na kung anong mangyari, pero sana makatakas si Ace at makalayo. Kung sakali, 'wag na siya bumalik dito...

Ang may hawak na itak sa kanila ang pinaka problema ko dahil 'yung ibang kasama niya, kayang kaya ko patulan... Pero, wala na akong magagawa kung hindi lumaban.

Kung mabuhay man ako dito... isa lang ang masasabi ko, ang swerte kong tao.

Susugurin ko na sana 'yung tatlong lalaki na walang mga armas pero may binato sila sa akin na hindi ko alam kung ano...

Tumama 'to sa ulo ko at may naamoy akong hindi kaaya-aya. Hindi ko alam kung ano 'yun pero pakiramdam ko para akong nahihilo na naninigas 'yung mga paa at kamay ko... pero kailangan ko pa rin lumaban.

Kaso... bigla na lang akong natumba sa kinatatayuan ako. Gusto kong bumangon pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko na para ako naparalisa at unti-unti dumidilim ang paningin ko.

Ilang saglit lang, nakaramdam ako na parang may kinukupkop sila sa mga bulsa ng pantalon ko pero hindi ko alam kung ano. Tiningnan ko kung anong ginagawa nila at kahit malapit na magdilim ang paningin ko, pinilit ko ang sarili ko na makita ang ginagawa nila.

Kinukupit ng mga magnanakaw ang wallet ko... ang lahat ng ipon ko... ang lahat ng natitira sa akin... kinukuha nila.

Gusto ko lumaban dahil 'yun na lang ang mga gamit na pinakaiingatan ko.

Ilang saglit lang, napakalabo na ng paningin ko at may tumusok sa bandang tagiliran ko na napasakit... hindi ako makagalaw pero gusto ko sumigaw sa sobrang sakit, kaso pati ang bibig ko hindi rin makasigaw...

Ito na nga ata talaga ang katapusan ko... may hindi pa ako nagagawa... tapos na agad? Sasama na ba ako sa pamilya ko na nasa langit na?

Namanhid na ang pakiramdam ko hanggang sa mas tumitindi na ang pagdilim ng aking paningin at wala akong na akong maramdaman.

Bago ako pumikit, may nakita akong tao na naglalakad papalapit sa akin... Si Ace ba 'yun? Gusto ko sabihin na wag na siya bumalik at iwanan niya na ako... baka siya naman ang puntahan ng mga taong nanaksak at nagnakaw sa akin... Pero hindi na kaya ng katawan ko...

Hanggang sa tuluyan na ako nawalan ng malay at walang maramdaman.

...

...

...

May nararamdaman akong mainit sa kamay ko...

Patay na ba ko?

Huli kong naaalala wala na akong maramdaman at nakahiga akinsa lupa.

Pero ngayon, ang init... ang sarap sa pakiramdam habang may nakahawak sa kamay ko...

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at ang unang nakita ko... kulay puti. Lahat ng nakikita ng paningin ko ay kulay puti...

Sandali...

Buhay ba ko?

Gusto ko sana umupo kaso hindi kaya ng katawan ko. Masakit pa rin ang tagiliran ko at hindi ako makagalaw pa ng maayos.

"Nasaan ako?" tanong ko sa aking sarili at sa iba pa na baka ay naririnig ako.

"Nasa hospital ka, Lucas." may narinig akong boses pero hindi ako makatingin dahil hindi ko pa magalaw ang leeg ko at pakiramdam ko na paralisa pa rin ang katawan ko.

Tumayo ang taong nagsalita at pagkakita ko sa taong ito...

Hindi ko inaasahan na nandito siya...

Si Seph.

"Paano ako napunta dito?" tanong ko kay Seph habang nanghihina pa ang buo kong katawan.

"Tinawagan kami ni Ace. Sinabi niya na naaksidente daw kayo at nasaksak ka daw, kaya nagmadali ako... kami, na puntahan ka at isugod sa hospital." Sinabi ni Seph.

"Nasaan si Ace?" tanong ko sa kanya.

"Nasa kabilang kwarto si Ace, hindi pa siya gising, pero sabi ng doctor, na trauma daw siya kaya kailangan niya muna magpahinga." sagot ni Seph.

Bigla na lang tumulo ang luha ko dahil akala ko, huling pagkakataon ko na... nabigyan pa rin ako ng isa pang pagkakataon para mabuhay.

"Seph..."

"What?" naiinis na sagot ni Seph.

"Pahingi akong tubig... nauuhaw ako."

"Hindi pwede. The doctor said that you can't drink nor eat." sagot ni Seph.

"Gusto ko ng tubig, please?" pakiusap ko kay Seph.

"Hindi nga pwede. Ang kulit mo 'no? Gusto mo tusukin ko 'yang saksak mo? Kapag sinabi ng doctor na bawal uminom, bawal. Tsaka inoperahan ka nila, kaya hindi pa pwede... hangga't di ka pa..." sagot ni Seph.

"Hangga't ano?" tanong ko sa kanya.

"Hangga't hindi ka pa daw umuutot." sagot ni Seph at ang seryoso niyang tingin.

"Wala akong gana para makipagbiruan sa'yo, Seph." sagot ko sa kanya at pinipilit ko pa rin siya kahit hinang hina pa ako.

"I told you what the doctor said... hindi ka nga pwedeng kumain or uminom unless you fart. I'm not joking... I'm serious." sagot ni Seph.

"Ilang araw na ba ako dito sa hospital?" tanong ko sa kanya.

"2 days." sagot niya na ikinagulat ko.

"Seryoso? Sabihin mo tama na, uuwi na ako. Sa bahay na lang ako magpapagaling... Wala akong pambayad. Lalo na naoperahan pa ko." sagot ko kay Seph.

"Lucas... kailan ka magiging matured? Don't worry about the expenses...I took care of that. Sinabi ko kay Dad about your condition so he paid for all of it. Dad thinks of you as his son as well." Sagot ni Lucas.

Gusto ko sana umiyak dahil malaki ang utang na loob ko kay tito Henry, sa dad ni Seph, dahil lagi niya ako tinutulungan noong nawala ang pamilya ko dahil sa sunog.

"Magtatrabaho na lang ako ulit ng extra para mabayaran ko si tito Henry, Seph, pakisabi sa kanya." sagot ko sa kanya.

"You know what, Lucas? If I have the guts... tutusukin ko 'yung kabila mong tagiliran para matauhan ka. No need to pay for it... Didn't you remember what dad told you a long time ago? That you're a family to him?" dagdag ni Seph.

"I'm sorry, Seph..." sinabi ko sa kanya habang tinitingnan ko siya sa mga mata niya na matagal ko ng hindi nagawa sa loob ng mahabang panahon.

"It's been a long time... ngayon ka lang magso-sorry? Expired na 'yan." sagot ni Seph, "Isa pa, a lot of things already happened... I'm sorry as well, Lucas." sinabi ni Seph at hinawakan niya ang kanang kamay ko.

Nginitian ko siya pero 'yung masungit na mukha niya pa rin ang pinapakita niya.

"Seph?"

"Could you please just save your energy?"

"Naiihi ako."

"Uggh. Seriously? Ngayon pa talaga?"

"Oo. Sige na, please?"

Napa eye-roll na lamang si Seph dahil alam niya na wala na siyang magagawa. Nakaka-miss lang 'yung mga ganitong panahon na madalas kaming nagkukulitan... bago kami naging hindi magkasundo dahil sa isang hindi magandang pangyayari na nagawa ko...

"

Don't tell this to anyone! Don't tell them that I've saw your dick a lot of times! Dapat naka catheter ka na lang kasi!" naiinis na sinabi ni Seph at marahan niya na ako tinulungan na makatayo mula sa hospital bed.

"Can you please take care of yourself? Ang hilig mo kasi sa gulo kaya 'yan napapahamak ka. Dinamay mo pa si Ace." sinabi ni Seph.

"Hindi naman namin sinasadya. Bigla na lang kami sinundan ng mga di kilalang tao. Pero nasaan na sila? Malamang marami pa silang mapeperwisyo gaya ko." Sagot ko kay Seph.

Nasa C.R. na kami at binaba na ni Seph ang labgown ko para makaihi na ako.

"We already took care of them. Nasa presinto na sila and lahat ng gamit or mga belongings na nakuha sayo naibalik na rin. I placed it in your bag." Sagot ni Seph.

Pagkatapos ko umihi, binalik niya na ulit ang labgown ko at marahan niya akong ibinalik sa hospital bed.

"Seph?"

"What do you want? I swear that I'll rip off your stiches kapag hindi importante 'yang hihingin mo." sagot niya.

"Makati 'yung sa hita ko."

"Seriously? Akin na, kukuha lang ako ng tinidor at 'yun ang ipangkakamot ko sa'yo you piece of sh*t!" sagot ni Seph ngunit wala na siyang nagawa rin. "Nasaan 'yung makati?"

"Sa right leg ko, malapit sa singit ko." sagot ko sa kanya.

"Once na magaling ka na, I'll make sure na lulumpuhin talaga kita." sagot ni Seph at nagsimula ng kamutin 'yung sa bandang singit ko.

Door squeaking!

Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at papasok na sana si Tara para mag tanong.

"Kuya Seph, may pinapatanong po si..."

Biglang nanlaki ang mga mata niya sa nakita niya... nahuli niya si Seph na kinakamot ang hita ko. Gusto ko tumawa ng malakas pero masakit sa tagiliran.

"I'm sorry! Wala po akong nakita!" sagot ni Tara at lumabas na agad siya sa kwarto.

"What the heck! Nakita tuloy tayo! Baka isipin niya na hinihipuan kita!" sigaw ni Seph habang patuloy niyang kinakamot ang singit ko. "You know what? Kapag ako hindi nakapag timpi, I'll cut off your dick!"

"Grabe ka naman, Seph. Nasaksak na nga ko..." sagot ko sa kanya.

"That's what you deserve." sagot niya at itinigil niya ang pagkamot sa akin, "Any requests, SIR?"

"Seph."

"What now, Lucas? Pwede ba isipin mo na lahat ng irerequest mo and sabihin mo na one time big time. I can't be here all day babysitting you!"

"I'm sorry ulit." sinabi ko sa kanya, "Pwede mo ba ilalpit 'yung mukha mo sa akin?"

"Ughh. What the hell, what do you want?" naiinis na sagot niya.

"Please?" pakiusap ko.

Wala na nagawa si Seph kung hindi ilapit ang mukha niya sa akin. Hindi ko pa masyado magalaw ang mga braso ko pero pinilit ko pa rin...

Sinubukan kong hawakan ang pisngi ni Seph pero pinigilan niya ako at lumayo siya sa akin.

"Lucas, if you dare touch me again, I swear, you'll die early." sagot ni Seph.

"May tanong ako, Seph."

"What is it again?"

"Galit ka pa rin ba sa nagawa ko sayo?" tanong ko sa kanya.

"To be honest, I'm still mad at you and I don't know when can I forgive you... but I'm trying my best to contain myself everytime I see you." sagot niya.

"Kaya ba... nagustuhan mo rin siya kasi ginagantihan mo ako?" tanong ko sa kanya.

"Nope... hindi kita ginantihan. I just met him and he saved me from killing myself and jumping off the building and that was my birthday... nang mabalitaan ko na you were already inlove with someone else... It's just that I didn't know na siya din pala ang nakakuha ng puso mo, which is Ace... when we're still together... as boyfriends." sagot ni Seph.

End of Chapter 37