Paraluman

Aking paraluman,

Pangalan ko'y iyong tandaan.

Minsa'y ako'y iyong nakilala,

Ngunit hindi naging para sa isa't isa.

O aking sinta,

Mas gugustuhin ko pa na mahulog ka sa iba,

Kung ako ang pipiliin ay hindi,

Hindi ko maibibigay ang nararapat para sa'yo.

Sa aking puso, ika'y may kahati,

Kaya gusto ko nang ito'y itigil ng dali-dali,

Hindi man kita namahal ng buo,

Pero minahal kita ng sapat para malaman na hindi ako ang kailangan mo.