Nakaraan

Nung mga nakaraan,

Ako'y nakaramdam ng sobrang pagod.

Hindi ko na alam kung ano ang nakalaan,

Para sa akin na may pusong pagod ng magmahal.

Gusto ko lang naman na sumaya.

At ito'y naparamdam mo sa akin.

Pero hindi naman patas para sa'yo,

Kasi may kahati ka pa sa puso ko.

Gusto ko lang naman na pagpahingahin niya na ako.

Ako'y nahihirapan na sa kakaisip sakaniya.

Gusto ko nang matapos yung sakit na aking nadarama.

Kaya pasensiya kung kailangan ko lang ng magpapalimot sa'kin ng sakit kahit saglit.