Chapter Nine

Ma!" wika ni Anica nang dumating sa flower shop nang mama niya. Nakita niyang inaayos nang mama niya ang mga bulaklak nito sa labas nang tindahan at nagbubuhat nang mabibigat na lalagyan nang Bulaklak. Dalawang buwan na simula nang mangyari ang insidente sa flower shop nang mama niya. Nagagawa na nitong kumilos mag-iwas Ngunit pinayo nang doctor na mag-ingat parin ito lalo na ang mag buhay nang mabibigat.

"Doon na kayo sa loob ako nang gagawa nito." Wika ni Anica sa mama niya saka kinuha ang dala-dala nitong malaking vase na may lamang bulaklak.

"Anica." Gulat na wika nito saka binitiwan ang dala. "Wala ka na bang pasok?"

"Tapos na po." Wika nang dalaga sa ina niya. "Sabi ko naman sa inyo, huwag niyo munang buksa ang shop." Wika nang dalaga.

"Ano ka ba naman. Kaya ko na. Isa pa kung wala akong gagawin baka mabagot lang ako sa bahay." Wika nang mama niya.

"SIge na po doon na kayo sa loob. Ako nang mag-aayos nito." Wika ni Anica saka inilapag ang vase saka inakay ang ina niya papasok sa loob nang shop. Napangiti lang si Alice habang marahang itinutulak nang anak niya papasok nang shop. Nang makapasok ang mama niya sa Shop. Inilagay lang ni Anica ang bag niya sa counter saka muling lumabas saka inayos ang mga display na bulaklak sa labas. Habang abala siya sa ginawa niya hindi niya napansin na may paris nang mga pa ana papalapit sa kanya.

Habang inaayos niya ang mga bulalak. Kinakausap din niya ang mga ito at sinasabing dapat mang-akit sila nang mga mamimili dahil kung hindi ay malalanta sila sa vase na iyon.

"Don't you think these flowers will be sad because you're threatening them." Wika nang boses sa likod nang dalaga. Dahil sa biglang narinig nang dalaga at napaigtas ang dalaga sa gulat.

"Gosh, you startled me." wika ni Anica na agad napatingin sa nagsalita dahil sa bigla niyang paglingon hini niya napansin na nakatayo sa tapat niya ang nag salita. Lalo pa siyang nagulat nang mukha ni Andrew ang Nakita niya.

Dahil sa biglang paglingon ni Anica hindi niya namalayan na nakadukwang sa kanya ang binata. Nang lumingon siya at halos magtama ang mukha nila.

Biglang napaatras sa gulat ang dalaga at sa pag-atras niya tumama siya sa vase at Nawala nang balance. Mabuti na lamang at naging maagap ang binatang nasa harap niya at agad na hinapit ang bewang niya upang hindi siya mabuwal saka kinabig papalapit sa dito.

Dahil sa ginawa nang binata, biglang dumantay ang kamay nang dalaga sa dibdib nang binata dahil na rin sa gulat nang dalaga sa ginawa ni Andrew. Taka naman siyang nakatingin sa mukha nang binata. Nakasuot pa ito nang Uniporme.

Ito ang unang beses na pagkikita nila matapos itong umalis para sa misyon nito. Isang linggo din siyang walang naging balita sa binata. Hindi niya akalaing makikita niya ito na nakasout nang uniporme at ano naman ang ginagawa nito sa shop nila.

"You should be careful. These flowers wont like being crashed after you just talk to them." Wika nang binata habang nakatingin sa mukha niya.

"Huwag kang parang kabute na susulpot bigla." She said after clearing her throat saka pa simpleng itinulak ang binata. "Ano namang ginagawa mo dito?" Tanong nang dalaga saka bahagyang lumayo sa binata.

"I thought I said we will talk when I get back." Wika ni Andrew sa dalaga. Taka namang napatingin si Anica sa binata.

Did he just came back from his mission? Kaya ba naka uniporme pa ito? Tanong nang isip nang dalaga habang nakatingin sa binata.

"Say, kakagaling mo lang ba sa misyon niyo?" Tanong ni Anica sa binata. "Wait!" wika nang dalaga at itinaas ang kamay sa tapat nang bibig ni Andrew. "You don't have to answer. Kung may sasabihin ka sabihin mo na marami pa akong ginagawa." Wika ni Anica saka muling bumaling sa mga bulaklak.

"Move." Wika nang dalaga sa binata habang dala ang isang malaking Vase naililipat sa kabilang bahagi nang Shop. Ngunit hindi nakadaan ang dalaga dahil biglang inagaw nang binata ang dala niya.

Pinapanood lang ni Anica ang binata habang binubuhat nito ang mga vase patungo sa kabilang bahagi. Ang ilang mga dumadaan ay napapatingin din sa binatang naka uniporme na nagbubuhat nang Vase.

"Meron ka pa bang------"

"Why are you doing this?" tanong nang dalaga sa binata nang lumapit ito sa kanya upang tanungin kung may ipapabuhat pa ito. Biglang natigilan ang binata dahil sa tanong nang dalaga.

"Sa totoo lang, you are confusing me with your actions. You are suppose to be an Icy cold demon general. Doing these kind of thing is not likely you. Maraming tao ang nakatingin, baka sabihin nilang inaabuso ko ang isang officer. Paano kung may makakilala sa iyo?" wika nang dalaga.

"I told you. We need to talk. The faster you are done with your chores. The faster we can---"

"Just say it. ANo bang gusto mong pag-usapan natin. I don't mean to be rude. General pero sapalagay ko wala na tayong dapat pag-usapan. Naayos na ang bagay sa pagitan nang pamilya natin. Na sa palagay ko ay tama lang. Ang totoo niyan. Ayoko talagang magpakasal. Hindi ko gusto ang tingin nang mga tao sa 'kin at sa mama ko. Kahit anong gawin ko. I am always the mistress' Daugther." Wika nang dalaga. "Natatakot akong malagay sa panganib ang buhay ko at nang mama ko. Habang nakalambitin sa crane. I realize na kung makakasal ako s aiyo. Mapapadali ang buhay ko. That's why I was thankful na ikaw na mismo ang pumutol sa ugnayan na iyon." Dagdag pa nang dalaga.

"I think we share the same sentiment. The reason why I wanted to talk to you is to personally apologize for all the troubles. Nalagay sa panganib ang buhay niyo dahil sa akin. I can't find the words to express how sorry I was because of what happen."

"Huwag mo nang isipin iyon. Ligtas na naman kami ni mama. At dahil wala na ang arrange marriage natin tiyak na babalik na sa dati ang buhay namin. I'm sure hindi na naman kami gagawing target nang mga kalaban mo diba?"

"Don't worry, Hindi na mangyayari iyon." Wika nang binata.

"Mabuti. So I guess this is the last time we will see each other. General." Ngumiting wika nang dalaga saka inilahad ang kamay sa binata. Napatingin naman ang binata sa kamay nang dalaga. Saka tinanggap iyon. Naramdaman naman ni Anica ang marahang pagpisil ni Andrew sa kamay niya.

Ano namang ginagawa niyong mag-ina dito?" Asik ni Melissa nang maabutan sa sala si Anica at Alice. Napansin nang ginang ang dalang bulaklak at prutas nang mag-ina. "Sino naman ang nagpapasok sa inyo dito? Ang lakas nang loob niyong magpunta dito. Hindi na kayo na hiya."

"Tita Melissa, Nalaman naming may sakit si lolo Menandro kaya----"

"Huwag mo akong tawaging tita!" Sigaw nang babae. "Hindi kita kaano-ano. Pumapayag akong papasukin kayo sa bahay na ito noon dahil sa asawa ko pero. Ngunit ngayon, ang makita kayong dalawa ay bagay na hindi ko matiis lalo na't ikaw ang dahilan kung bakit magpapakasal ang anak ko sa lalaking hindi niya gusto." Wika nang ginang. "Masaya ka bang makitang masira ang buhay nang anak ko!?"

"Hindi ho ganoon iyon. Wala kong intensyon----"

"Tumigil ka." Wika nito saka sinampal si Anica. "Ang lakas nang loob mong sumagot sa akin." Anito saka bumaling kay Alice. "Ganito ba ang pagpapalaki mo sa anak mo. Walang modo. Sabagay, ano nga ba ang matutunan niya sa isang ina na kabit." Wika nito sak akmang sasampalin si Alice ngunit biglang sinalo ni Anica ang kamay nito. Dahilan upang mapatingin ang ginang na puno nang pagtataka sa dalaga.

"Tama na ho! Wala namang dahilan upang saktan niyo ang mama ko. Lahat nang mga nagawa niya ay pinagsisisihan niya. Lahat nang pang mamata niyo sa kanya tinanggap niya. Bakit kailangan niyo pa siyang saktan?"

"Aba! Ang tapang mo ah." Wika ni Daniella na bumaba na may dalang pamalo. "Wala na kayong koneksyon sa pamilyang ito simula nang umatras si General Bryant sa kasal niyo. Ang kapal niyong magpakita dito." Asik ni Daniella.

"Hindi kami nagpunta dito para mangulo. Gusto lang naming malaman ang lagay ni Don Menandro. Lolo parin siya nang anak ko." Wika ni Alice.

"Lolo? Iginigiit mo pa rin na anak ni Alfredo ang bastarda mo?" asik ni Melissa. "Huwag kang magpanggap na santa Alice. Alam naman natin pareho kung anong klaseng babae ka! Gusto mo lang magkaroon nang pangalan kaya ka pumatol sa asawa ko at ngayon, ipinagsisiksikan mo ang sarili mo at ang anak mo sa pamilya ko. I think you have ruined enough of our life. Magkano ba ang gusto mo para layuan mo ang pamilya naming?!" wika ni Melissa.

Nabigla ang lahat nang biglang sampalin ni Alice si Melissa. Taka namang napatingin si ANica sa ina niya. SImula pa noon, tinatanggap nang ina niya lahat nang pang iinsulto sa kanya. Ni minsan hindi ito nanlaban kahit na noong pansamantala silang tumira sa bahay nang mga ito. Lahat nang pananakit nang ginang tinanggap nito at alam ni ANica na dahil sa kanya kung bakit nagtitiis ang mama niya. Ito ang unang beses na lumaban ang mama niya.

"You--- Ang lakas nang loob mong pagbuhatan nang kamay ang mama ko!" wika ni Daniella na sa labis nagalit ay hinataw si Alice nang dalang latigo. Nang makita ni ANica ang ginawa nang kapatid agad niyanginiharang ag sarili sa ina.

Dahil sa ginawa ni ANica, ang likod niya ang tinamaan nang hataw ni Daniella.

"Mag-sama kayong mag-ina!" wika ni Melissa na inagaw ang latigo mula kay Daniella at walang tigil na hinataw ang likod ni Anica habang nakayakap ang dalaga sa ina niya.

"That's enough!" wika nang isang baritonong boses na pumigil sa kamay ni Melissa.

"Brig. General?!" gulat na wika ni Daniella nang makilala ang dumating at siyang pumigil sa kamay ni Melissa. Sa pagtataka naman ni Melissa ay napatingin siya sa Binata.

Brig. General? Wika nang isip ni Anica na nag-angat nang tingin saka napatingin sa bagong dating. Nang lingonin niya ang binata ay biglang nagtama ang tingin nila dahil nakatingin din ito sa kanya.

"Hindi ko alam kung anong pinagtatalunan niyo pero hindi ako sang-ayon na pagbuhatan niyo sila nang kamay." Wika ni Andrew saka binitiwan ang kamay nang ginang saka naglakad patungo sa dalaga.

"General, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Daniella.

"I heard na may sakit si Sir Menandro. Pinapunta ako dito ni Papa para dalawin siya." Wika nang binata na nakay Anica ang atensyon.

"Please don't misunderstood what you saw." Wika ni Daniella.

"We have our reasons." Dagdag pa nang dalaga.

"I am not really interested in your family conflict." Wika nang binata. Saka humarap sa mag-ina. Biglang natigilan si Andrew nang maramdaman ang biglang paghawak ni Anica sa braso niya. Napatingin naman ang binata sa braso niya saka lumingon sa dalaga.

"I'll visit him next time. Sa palagay ko hindi ito ang tamang araw na dalawin siya." Wika ni Andrew saka tumingin kay Melissa at Daniella bago muling bumaling kay ANica.

"Let's go. I'll take you home." Wika nang binata saka hinawakan ang kamay nang dalaga. Tumango naman ang dalaga.

Sina Melissa at Daniella ay naiwang tigalgal habang nakatingin sa mag-inang papalabas nang bahay nila kasama ang Binatang Heneral. Napakuyom naman nang kamao si Daniella dahil tila naging mas malapit pa sina ANica at Andrew kahit na wala na ang kasal sa kanilang dalawa. At mukhang napasama pa ang tingin nang binata sa kanya dahil sa naabutan nito.

"Parati bang nangyayari 'to?" Tanong ni Andrew sa dalaga nang dumating sila sa shop nang ina nito. Doon niya inihatid ang dalawa. Nakapasok na sa loob nang shop ang ginang. Papasok sana si Anica sa shop nang biglang pigilan ni Andrew ang dalaga.

"Ang mga latay mo sa likod noon. Was it because of them?" tanong nang binata na hindi pa rin binibitiwan ang kamay nang dalaga. Hindi naman maitulak nang dalaga ang pinto nang shop dahil sa pagpigil nang binata. Napahawak siya nang mahigpit sa handle saka walang lakas na binitiwan ito saka humarap sa binata.

"If it was. May magagawa ka ba? May mababago ba sa katotohanang anak ako sa labas?" Tanong ni Anica na nangilid ang luha sa mata. Si Alice na nasa loob nang Shop ay bilang na tigilan nang aktong bubuksan niya ang pinto. Narinig niya ang sinabi nang anak niya at para bang may punyal na tumarak sa dibdib niya nang marinig ang sinabi nang anak.

"I am being haunted by the fact that I am the result of my mom and dad's sin." Wika ni Anica saka nagkuyom nang kamao.

"My mom, suffered so much because of this. Ano naman ang mga latay nang latigo kumpara sa mga insultong tinanggap nang mama ko."

"I would always see her crying alone at night. Hindi ko gustong makita siyang umiiyak o nahihirapan. Minsan iniisip ko sana hindi nalang ako nabuhay sa mundong ito. With that she would have been her old self. Malayo mula sa pananakit nang asawa nang papa ko at sa mga mapanghusgang mata. Her career ended shortly after I was conceived. It was all my fault that her dreams was never ---- " biglang naputol ang sasabihin ni Anica nang biglang tumulo ang luha sa mata. Habang nakatingin si Andrew sa dalaga napakuyom ang kamao niya saka walang pasabing niyakap ang dalaga.

Dahilan upang matigilan ang dalaga at nanlaki ang mata dahil sa ginawa nang binata.

"I may be an icy demon general like you describe me. But if you need a shoulder to cry on. You can use mine." Wika nang binata. It was delivered with warm voice even his arms are warm and is giving a message that everything will be okay and she is not alone. Dahil doon, ay napahawak siya sa damit nang binata saka napahikbi. She can feel his has hand caressing her hair and pating her back.

Si Alice naman na nakinig sa sinabi nang anak niya ay napatalikod at natuptop ang bibig saka napaiyak. Hindi niya alam na ganoon pala ang iniisip nang anak niya. She is strong and not even once Nakita niyang umiyak si Anica habang inaapi sila nang pamilya ni Alfredo. Nakikita niya ang pagsisikap nang anak upang hind imaging panggulo sa pamilya ni Alfredo. She excel at school and in Academics para walang masabi ang iba kahit pa sabihing anak siya sa labas, maipagmamalaki parin siya nang mga ito. Hindi niya alam na ang pagtitiis niya sa pananakit nina Melissa at may negatibong epekto kay Anica. Buong akala niya ay ginagawa niya iyon para sa ikabubuti ni Anica. Ang tahimik na tanggapin lahat nang masasakit sa salita.

Huminto siya sa pagarte na gusto niya dahil gusto niyang mamuhay nang normal si Anica. Ngunit mali siya. Kung may dapat mang sisihin sa mga nangyari ngayon walang iba kundi siya. Hindi niya nagawang protektahan ang anak niya.

"Are you okay now?" tanong ni Andrew habang nakaupo sila ni Anica sa loob nang sasakyan. Dahil sa pag-iyak nang dalaga. Naisip niyang sa loob muna sila nang sasakyan. Ayaw din ni Anica na makita siya nang mama niya sa ganoong ayos.

"Oo. Salamat." Wika ni Anica at tumango. "I was wondering. Bigla ka atang bumait ngayon?" pabirong wika nang dalaga saka nilingon ang binata at ngumiti. Napalis din ang ngiti sa labi niya nang makitang seryoso ang mukha nang binata.

"Or not." Wika nang dalaga saka inilayo ang tingin sa binata.

"NO reason." Wika nang binata.

"You become friendly for now reason. DO you have another personality." Muling nagbiro ang dalaga at ngumiti sa binata. Pero, hindi parin Nawala ang expressionless na mukha nang binata. "All right I give up." Wika nang dalaga saka inilayo ang tingin sa binata. "Icy General." Bulong nang Dalaga saka napalabi.

Nang makita ni Andrew ang reaksyon nang dalaga simple siyang ngumiti pero agad ding Nawala ang ngiting iyon sa labi.

Sabay na napatingin ang dalawa sa mga dumaan na ambulansya at rescue truck. Saka napatingin sa isa't-isa dahil sa sunod-sunod na ambulansyang dumaan. Kasunod noon ang isang text message na natanggap ni Andrew tungkol sa isang apartment na ngayon ay nasa kalagitnaan nang isang hostage drama.

"I have to do something." Wika ni Andrew saka pinatay ang celphone niya at ikinabit ang seat belt niya saka binuhay ang makina nang sasakyan.

"Emergency?" tanong nang dalaga.

"Sort of." Simpleng wika nang binata.

"I'll go with you." Wika ni ANica saka kinabit ang Seat belt niya.

"No! hindi isang amusement park ang pupuntahan ko. Anong sasabihin mo sa mama mo?" tanong ni Andrew.

"There." Wika nang matapos mag send nang text sa mama niya na sasama siya kay Andrew. Pero hindi niya sinabi kung saan. "I'll behave and wont cause you any trouble. Besides I need time before I show my face sa mama ko. Hindi niya ako pwede makitang namumugto ang mata." Wika ni Anica.

"You're impossible. Don't blame if something bad happen. Stubborn girl." Wika ni Andrew saka pinaandar ang sasakyan. Ngunit sa loob niya hindi rin naman niya gustong lumabas sa kotse ang dalaga gusto niyang makasama pa ito nang ilang sandali. It was the first for him to feel this way.