The Bride's Secret Skills

Nang dumating sila sa site kung saan nangyayari ang insidente. May mga SWAT at police na nakaka abang sa labas nang building nandoon na rin ang mga rescue truck at Ambulasya na Nakita nila kanina. Sa buong paligid nang Building ay ang yellow line nang mga pulis upang pigilan ang mga sibilyan at reporter na makalapit. Nang lumabas sa kotse si Anica at Andrew. Agad namang lumapit sa kanila si Rafael at ang pito pang miyembro nang Task force wolf.

"Sir." Sabay-sabay na wika nang walo sabay saludo sa binata. Sumaludo din naman si Andrew sa mga ito.

"Fill me in." wika ni Andrew saka hinubad ang polo niya bago tinanggap ang itim na vest na ibinigay ni Rafael sa kanya.

"Ilang mga hinihinalang terorista ang nasa loob nang apartment. They are highly equipment with high powered fire arms. Walang nakalabas mula sa apartment everyone is held captive inside." Wika ni Rafael habang tinutulungan si Andrew na ikabit ang vest niya at aparato sa tenga.

"May CCTV camera sa loob nang building. But I can't connect to it para makita ang mga nangyayari sa loob. The Drone sent earlier got smack down." Wika ni Joyril, isang Tinyente mula sa Armed forces.

"Sabi nang mga pulis na nauna dito. May mga ikinabit na bomba ang mga lalaki sa building. They are demanding for a chopper. Kapag hindi nagpadala nang chopper within the next 2 hour, sisimulan nilang patayin ang mga bihag sa loob." Wika pa ni Carlos Tinyente mula sa National Police force.

"Do we have the equipment set up?" Tanong ni Andrew saka naglakad patungo sa van na may tatak na Task force wolf. Sumunod naman ang mga tauhan niya sa binata. Habang si ANica ay nakatingin lang sa mga ito at manghang-mangha.

Sa loob nang Van ay mga naka set up na monitor at computer system. Ngunit wala silang makitang images mula sa loob nang Apartment dahil hindi maka connect ang mga tauhan ni Andrew sa CCTV camera's nang building.

"We have more than 20 resident sa loob nang building." Wika ni Trish, kapitan mula sa National Police force. "I think we won't be able to conduct an assault kong wwala tayong visibility sa loob nang building." Wika ni Trish.

"Sorry General. I tried but---" biglang na putol ang sasabihin ni Joyril nang makitang seryoso ang binata na nakatingin sa monitor.

"C-can I try?" Tanong ni ANica. Sabay-sabay naman na napatingin ang lahat sa dalagang nagsalita. Maging si Andrew dahil sa gulat. Ilang sandali siyang nakatingin sa dalaga tila nagiisip kung dapat ba niyang tanggapin ang tulong ang dalaga.

"Miss Sutherland. We appreciate your effort and concern but let us handle this." Wika ni Samuel, Tinyente mula sa Navy.

"Anica. Alam kung gusto mong makatulong kaya lang----" putol na wika ni Rafael.

"Can you do it? Can you connect to the camera?" Agaw ni Andrew sa sasabihin ni Rafael saka bumaba mula sa Van. Napatingin siya sa binata. His eyes is telling her na hindi siya pwedeng magakamali o magpanggap na magagawa niya iyon. Nakasalalay doon ang buhay nang marami.

"I can. I'll do it." Matatag na wika nang dalaga saka tumingin nang derecho sa binata.

"Miss Sutherland---" sabay na wika ni Trisha at Joyril.

"Then. Let's do it." Wika ni Andrew saka inilahad ang kamay sa dalaga. Napabuntong hininga si Anica saka tinanggap ang kamay nang binata saka sumunod sa pagpasok sa van. Agad siyang naupo sa tapat nang computer at isinuout ang isang head set. Pinapanood lang siya nang grupo ni Andrew habang may mga codes siyang ini-enter sa computer system. Maya-maya pa ay biglang Nakita sa monitor sa itaas ang dalaga ang mga palapag nang 5 storey apartment. Makikita din sa mga lobby ang mga bomba na ikinabit nang mga lalaki.

"Wow. You are amazing." Manghang wika nina Charles at Jeremy, mga tinyente mula sa airforce.

"Not bad for a stubborn girl." Wika ni Andrew saka inilagay ang kamay sa ulo niya. Bigla naman siyang natigilan dahil sa ginawa nang binata. At dahil na din sa biglang pagtibok nang malakas nang puso niya. Pakiramdam niya nabibingi siya sa lakas nang kabog noon.

"Looking at the footage. Mukhang wala sila sa-----" ani Michael habang ino-obserhaban ang mga footage sa monitor.

"Walang tao sa building dahil lahat sila nasa rooftop." Wika ni Anica saka ipinakita sa monitor ang image mula sa rooftop. Nakita nila ang sampong armadong lalaki habang ang mga residenting hostage nila ay nakatali kasama ang ilang bata na umiiyak.

"General." Wika nang isang pulis na lumapit sa grupo ni Andrew at ibinigay sa binata ang telepono. Nasa kabilang linya ang leader nang mga lalaking nan loob sa building.

"Wala na kayong isang oras upang ipadala dito ang chopper na hinihingi naming. Huwag na kayong magmatigas kung ayaw ninyong isa-isahin kong tapusin ang mga bihag ko." Wika nang lalaki sa kabilang linya nang sagutin ni Andrew ang telepono kasunod noon ang isang putok nang baril. Mula sa monitor Nakita nila nang barilin nang lalaki ang Isang lalaking residente sa paa.

"Tatawag ako uli. Kapag wala pa din ang chopper ulo nang isang bihag ang ihuhulog ko sa building." Wika nito sabay patay sa telepono.

Inutusan ni Andrew si Charles at Jeremy na magpunta sa airforce headquarters at mag request nang chopper. Sinabi din nito na silang dalawa dapat ang magpatakbo nang Chopper.

"Sir. Pasukin na natin ang loob nang building para ma disable ang mga bomba sa paligid." Wika ni Carlos sa binata.

"Hindi pwede." Biglang wika ni Anica dahilan para mabaling sa kanya ang tingin nina Andrew. "Ibig kung sabihin. Masyadong mapanganib. They have installed improvised explosive devices which are remote controlled. They are also observing the whole building. If they detect someone aside from them they may detonate the explosive." Paliwanag nang dalaga. Natigilan ang dalaga nang mapansin na nakatingin sa kanya ang sina Andrew na may puzzled mukha. Para bang hindi makapaniwala ang mga ito sa mga sinabi niya.

"Here. See this?" wika nang dalaga saka itinuro ang lalaki sa monitor na may hawak na laptop. Kung saan ay siyang dahilan kung bakit hindi maka connect kanina ang grupo ni Andrew sa CCTV.

"Who are you really?" biglang usal ni Trish.

"Ha?" Takang tanong ni Anica dahil sa sinabi nang Kapitan.

"Brig. General. Wala ba tayong gagawin? Habang tumatagal lalong nalalagay sa panganib ang buhay nang mga hostage." Wika nang SWAT leader na lumapit sa grupo ni Andrew. "Are you delaying the assault dahil wala kang maisip na paraan to save the hostage. Sinabi nan ang Vice president na hindi sila magpapadala nang chopper dahil nandito ka to assess the situation. Pero bakit wala kayo ginagawa?!" wika nang lalaki.

"Look officer--------" wika ni Rafael na natigil dahil pinigilan ni Andrew ang braso nang binata.

"Wala akong dahilan para magpaliwanag sa iyo Officer. Let us handle it our way. Don't do anything unnecessary." Wika nang binata na tinalikuran ang SWAT. Napatiim bagang naman ang lalaki dahil sa sinabi nang binata. Nang pumasok si Andrew sa van lumapit ito kay ANica saka may ibininulong bago muling lumabas nang van.

Maya-maya ay narinig nila ang isang chopper nan ang air force na papalapit sa Building. Nasa loob nang cockpit sina Charles at Jeremy gaya nang utos ni Andrew. Mula sa monitor nakikita nil ana isa-isang sumakay sa chopper ang mga lalaki. DInala din nila ang tatlong batang hostage upang hindi sila habulin nang mga awtoridad.

Insurance nila ang tatlong bata upang makatakas doon nang ligtas.

Nang makalipad ang Chopper na dala nina Charles at Jeremy saka nag bigay nang instruction si Andrew kay Trish at Joyril na pamunuan ang Grupo nang SWAT na pumasok sa Building at iligtas ang mga hostage sa rooftop.

"Anong nangyayari?" Tanong nang lalaking may hawak nang laptop na sakay nang chopper. Kanina pa niya pinindot ang key upang I-detonate ang bomba sa building ngunit walang nangyari.

Ang dahilan kung bakit hindi gumana ang key control nang lalaki ay dahil na intercept n ani Anica ang signal nang detonator nito. Iyon ang ibinulong ni Andrew sa kanya kanina. He was thinking in advance. Sinabi sa kanya ni Andrew na pasabugin nang mga lalaki ang building oras na makasakay sila sa Chopper which was suppose to happen Ngunit dahil na disabled na niya ang detonation nang mga bomba hindi na nagawang mapasabog nang mga lalaki ang building. Ilang bomb expert din ang pumasok sa building upang alisin ang mga bomba.

"All right let's follow them." Wika ni Andrew kay Rafael, Michael, Samuel at Carlos. Na agad na sumakat sa Van. Hindi naman kumibo si Anica.

Gamit ang tracker sa loob nang Van. Sinundan nila ang Chopper na lunan nina Charles at Jeremy. SInabi ni Andrew sa dalawang binata na dalhin sa air base ang mga lalaki. Kung saan doon nagaabang na ang ilang Sundalo na huhuli sa mga suspect.

Nang dumating sila sa Air base. Nanlaban pa ang mga lalaki dahil sa pagtangging sumuko. Sinabi pa nang mga ito na sasaktan ang mga batang hostage kapag hindi sila nakaalis nang ligtas sa Air base.

Bumaba sa Chopper ang mga lalaki habang Nakatutok ang baril sa mga bata. Napapalibutan naman sila nang mga sundalo na nakatutok ang baril sa kanila. Si Charles at Jeremy naman ay hindi magawang lapitan ang mga lalaki dahil sa hawak nila ang mga bata.

Dumating sa air base ang van na kinalululanan nina Andrew. Nang bumaba sina Andrew agad naman biglang may mga putok nang baril kung saan tinamaan sa kamay at binte ang mga lalaki. Ang mga bata naman na nabitiwan nang mga ito ay agad na tumakbo. Saka may mga sundalong sumalubong sa kanila upang ilayo sila sa mga lalaki.

Nagtangka pang kunin nang mga lalaki ang baril nila ngunit nagulat sila nang makitang tinamaan nang bala ang baril nila saka tumilapon papalayo.

Taka silang napatingin sa lalaking bumabaril doon Nakita nila si Andrew na nakatutog ang baril habang naglalakad. Ito ang bumabaril sa mga baril na tinangka nilang kunin Kasunod nang binata sina Rafael, Carlos, Michael at Samuel.

Wow. He's cool. Hangang wika ni Anica saka ibinaba ang headset at bumaba sa van habang nakatingin sa binata. Napatingin din siya sa paligid naparaming sundalo. Iniisip niya kung paano natipon kaagad ni Andrew ang mga ito.

"Game over boys." Wika ni Andrew sa mga lalaki saka tumayo sa harap nila.

"Hindi mo ako mahuhuli nang buhay!" wika nang lalaki na tila siyang leader saka buong lakas na tumayo sa kabila nang tama sa benti nito saka sinugod si Andrew upang agawin ang baril nito. Nakita naman ni Anica ang nangyari at sa takot niya ay agad siyang napatili upang balaan si Andrew.

"Shin! Watch out." Sigaw nang dalaga. Nakita naman niyang iniwasan ni Andrew ang lalaki dahilan upang tumaob ito sa lupa.

"Huwag mo nang sayangin ang lakas mo na manlaban." Wika ni Andrew. Sumenyas si Andrew sa mga sundalo na hulihin ang mga lalaki. Agad namang tumalima ang mga sundalo at nilagyan nang posas ang mga lalaki saka pinatayo.

"Good work." Wika ni Andrew kay Charles at Jeremy.

"It was because. They're a beginner terrorist. NI hindi manlang sila nagtaka kung saan papunta ang chopper." Natatawang wika ni Jeremy.

"I would say. Ms. Sutherland is rather amazing. I didn't know she has hidden talent." Wika ni Charles saka napatingin sa dalagang nakatayo sa labas nang van at nakatingin sa kanila.

Napatingin naman sina Andrew sa dalaga. Maging siya ay aminado sa galing na ipinakita nang dalaga. Kung hindi dahil dito baka hindi na nila nagawa nang matagumpay ang misyon. And they have zero casualty to boot.

"We should properly thank her." Wika ni Rafael. Saka tumabi kay Andrew.

"I know." Wika nang binata saka naglakad patungo sa dalagang nakatayo sa labas nang Van. Sumunod din naman sa kanya si Rafael at ang ilang miyembro nang Task force ni Andrew.

"You we're really awesome. Ms. Sutherland" Wika ni Charles saka nagthumbs up sa dalaga.

"Thank you Sir. Anica nalang. Masyado namang pormal ang Ms. Sutherland." Ngumiting wika ni Anica.

"Hindi ka ba pa hinahanap nang mama mo?" Tanong ni Andrew sa dalaga. Matapos magsalita ang binata saka naman tumunog ang celphone ni Anica.

"Excuse me." wika nang dalaga saka kinuha ang cell phone niya. Nang makita niya ang caller ID nang tumatawag agad siyang napatingin sa binatang si Andrew.

"Is that your mom?" Tanong nang binata. Tumango naman ang dalaga saka sinagot ang tawag.

"Ma? H-hindi ko po kayo maintindihan. Speak a little slower." Wika ni Anica nang sagutin ang tawag at marinig ang ina nang papanic.

May mga naririnig din siyang ingay sa background nang tawag nang ina niya. Sa gulat niya taka siyang napatingin kay Andrew. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Hindi niya nakausap nang maayos ang mama niya dahil naputol ang tawag nito.

"Is something wrong?" Tanong ni Andrew.

"I'm not sure. She sounded like she's in trouble." Wika nang dalaga na napahawak nang mahigpit sa celphone niya.

"Puntahan natin siya." Wika ni Andrew saka bumaling kay Rafael at isa iba pang miyembro nang task force. "Kayo na ang bahala dito. Captain, Ikaw na ang gumawa nang report. I----"

"Don't worry about it. I know you have to help your mother in-law." Wika ni Rafael.

"Thanks." Wika ni Andrew saka tinapik ang balikat ni Rafael saka walang pasabing hinawakan ang kamay ni Anica saka nagmamadaling umalis. Hindi naman nakakibo ang dalaga. Masyadong okupado ang isip niya sa kung ano ang nangyayari sa mama niya.

"Ma!" wika ni Anica nang dumating sa unit nila at makita ang mama niya nasapilitang pinalalayas nang mga lalaki. Nakita din niya ang ilang gamit nila na nasa labas nang unit. Nakita niyang itinulak nang lalaki ang mama niya dahilan upang mabuwal ito. Nang makita niya ang nangyari. Agad siyang tumakbo papalapit.

Nilapitan niya ang mama niya sabay alalay niya dito upang tumayo.

"Anong nangyayari dito? Sino ang mga lalaking to?" Tanong ni Anica sa Ina niya. Ngunit wala siyang nakuhang sagot mula sa mama niya na halatang in shock pa rin sa nangyari. Naisipan niyang lapitan ang isa sa mga lalaking naglalabas nang mga gamit nila.

"Teka lang. Hindi niyo pwedeng gawin to. Kami ang may-ari nang unit na ito." Wika ni Anica sabay hawak sa braso nang lalaki.

"Kayo?" Wika nang isang pamilyar na boses. Napatingin si ANica sa nagsalitang babae sa loob nang condo. Bigla siyang napabitiw sa braso nang lalaki nang makita ang babaeng naglalakad papalabas nang unit nila.

"Daniella." Anas ni Anica nang makilala ang babae.

"Tama ba ang narinig ko? INyo ang unit na ito? Baka nakakalimutan mong pera nang pamilya ko ang ipinambayad sa unit na ito. Kaya kung iisipin amin ang unit na ito. At Binabawi ko na." wika ni Daniella.

"Teka sandali, Hindi mo pwedeng gawin yan." Wika ni Anica na akmang lalapit kay Daniella ngunit hinarang siya nang lalaki sabay tulak papalayo. Malakas ang pagkakatulak nang lalaki kay Anica at kung hindi pa naging maagap si Andrew na noon ay nakalapit na sa kanila ay baka bumulagta sa sahig ang dalaga.

"General!" gulat na wika ni Daniella nang makita ang binata. "Kakaiba ka rin naman no? The marriage between you too was cancelled but then again, makikita ko kayong magkasama?" wika ni Daniella.

"Well, I don't care really. Tapos na ang pakay ko dito. Get your stuff out of here." Wika ni Daniella saka naglakad papalayo sa mag-ina hahabol pa sana si Alice sa dalaga ngunit pinigilan siya ni Anica.

"Let's get out of here first." Wika ni Andrew saka kinuha ang maleta nang mag-ina. Napabuntong hininga naman si Anica saka nilapitan ang ilang gamit nila na nagkalat.

"Do you have a place to go?" Tanong ni Andrew kay Anica. BIgla namang natigilan ang dalaga saka napatingin sa mama niya.

Come to think of it. Ang kilala ko lang ay ang pamilya nang papa ko. I don't know anything about my mom's family. Wika ni Anica habang nakatingin sa mama niya na nakatayo at tulala,

"We can stay sa shop for the time being. May silid naman doon." Wika ni Anica sa binata.

"All right ihahatid ko na kayo." Wika ni Andrew saka lumapit sa dalaga at kinuha ang bag nito saka ipinatong sa maleta. Hindi naman kumibo ang dalaga bagkus ay napatingin lang siya sa binata.

Still she is wondering ano ang motibo nito at bakit tila nagiging malapit yata ito sa kanya? He was the one who cancel the engagement because of his work. Pero bakit siya ang taong nasa tabi niya sa mga panahong kailangan niya nang tulong.

"What? Why are you looking at me like that?" tanong ni Andrew sa dakaga.

"Nothing really. I was just wondering why you are helping us or why are you treating me with kindness. Our wedding was cancelled. It should have been easier for us not to meet anymore." Wika nang dalaga sa binata.

"Let's just say, our path are intertwined already." Wika nang binata saka nagpatiunang maglakad. Agad namang sumunod si Anica sa binata saka nilapitan ang ina niya saka inakay palabas nang unit.

Hanggang sa makarating sila sa flower shop nang mama niya. Wala pa rin itong kibo at nakatingin sa malayo.

"Are you sure you you will be fine here?" Tanong ni Andrew sa dalaga nang ihatid siya nito sa labas nang Shop.

"Oo naman." Wika nang dalaga saka ngumiti. "Alam mukhang hindi ako masasanay na mabait ka sa 'kin, You are a cold General-----"

"Don't worry I am not doing thing out of kindness. I am a person who always do things out of duty."

"Yeah I got it." Wika nang dalaga na may halong disappointment sa boses. Tila pinangunahan niya ang isip niya at inisip na nagiging malapit na sila sa isa't-isa.

"Ah!" daing ni Anica nang biglang banggain nang isang binatang tumakbo. Dahil sa biglang nangyari biglang napaupo si Anica sa semento tumama pa ang palad niya sa isang bato. Napatigil pa ang binatang Bumangga sa kanya. Sabay silang napatingin ni Andrew sa mukha nang binata. His face is beat up at may dugo ang ilong at labi.

"HOY Tumigil ka!" sigaw nang isang lalaking may dalang kahoy na humahabol sa binata. Nang makita nang binata ang lalaking papalapit agad itong tumalikod at tumakbo. Napatingin lang sila ni Andrew sa Binata habang hinahabol nang lalaki.

"Ah. Of all things to happen." Wika ni Anica pinagpag ang kamay na tumama sa Bato.

"You're so weak falling with that kind of----" wika ni Andrew saka inalalayan ang dalaga na tumayo, napatigil ito nang makita ang sugat sa palad nang dalaga. "We should tend your wound." Wika ni Andrew saka hinawakan ang kamay ni Anica na may sugat.

"Yeah I will. You don't have to worry." Wika ni Anica.

Babawiin san ani ANica ang kamay niya sa binata ngunit hindi nito binitiwan ang kamay niya bagkus ay kinuha nito ang isang panyo sa bulsa nang pangtalon saka itinali sa kamay nang dalaga.

"You don't have to." Mahinang wika nang dalaga.

"Gamutin mo kaagad ang sugat mo para hindi maimpeksyon. I can't stay long I have place I need to be." Wika nang binata saka napatingin sa dalaga.

I must be crazy. Why is my heart pounding like crazy. Wika nang isip ni Anica habang nakatingin sa kulay abong mga mata na binata. His gesture is confusing her. Kahit na sabihing hari nang lamig ang binata. Still he is treating her with warmth and its confusing her even her heart.

"I can do it. Hindi na ako bata." Wika ni Anica saka binawi ang kamay sa binata.

"I know. Go in first." Wika nang binata sa dalaga.

"T-thank you." Wika nang dalaga na nagbaba nang tingin.

"You have helped me today. It's just right to return the favor." Wika nang binata saka Inilagay ang kamay sa ulo nang dalaga dahilan upang mag-angat nang tingin ang binata.

"I get it!" wika nang dalaga saka tinabig ang kamay nang binata. Hindi niya maintindihan pero bakit naiinis siya nang sabihin iyon nang binata. "Papasok na ako. Bye." Wika ni Anica saka nagmamadaling pumasok sa loob nang shop. Napatingin naman ang binata sa dalaga. Bago napatingin sa direksyon kung saan tumakbo ang binata at ang lalaking humahabol dito.

Nang makapasok ni ANica sa shop Nakita niya ang mama niya na nag-aarrange nang mga bulaklak sa vase. Ni hindi nito alintana ang mga tinik nang oras. Bagay na ikinaalarma nang dalaga. Agad siyang lumapit sa mama niya at kinuha ang kamay kamay nito.

"You should be more careful. May mga tinik pa ang mga rosas. Tingnan mo ang dami mon ang sugat sa kamay." Wika ni Anica sa mama niya.

"Pasensya ka na Anya." Wika nang mama niya.

"Ano ka ba naman Ma. Hindi mo naman kasalanan bakit ka hihingi nang tawad sa'kin. Let's get through this together okay?" wik ani Anica sa Ina.

"Ngayon mo lang ako ulit tinawag na Anya." Dagdag na wika nang dalaga saka ngumiti. Noong maliit pa siya ito ang madalas na itawag sa kanya nang mama niya. And it was Andrew who called her that name recently.

"Because I think someone special has already claim that name." wika nang mama niya.

"Ha, sino naman? That's impossible. Ikaw lang ang someone special ko no." wika nang dalaga saka yumakap sa mama niya.

"The guy you gave you this, He is someone special right?" Tanong ni Alice saka hinawakan ang kamay ni Anica na may panyo ni Andrew.

"That's impossible!" biglang wika ni Anica saka humiwalay sa mama niya. "H-he gave me this dahil nasugatan ako. That Icy General, he is not someone sp-----" biglang natigilan ang dalaga nang makita ang tingin nang mama niya na parang hind na niniwala sa kanya.

"Ma. Really I am telling the truth." Nagmamaktol na wik ani Anica. Natawa naman si Alice sa turan nang kanyang anak. "Seriously." Natawang wika din ni Anica. Kapwa natigilan ang mag-ina nang biglang bumukas ang pinto nang shop at pumasok ang isang lalaki.