Prologo

________

________

________

Sa heneresyon ngayon ay hindi kadalasang kilala ang mga sumpa at iba pang kababalaghang kayang isagawa ng isang normal na taong gumagamit ng mga bawal na dasal o ritwal.

Isang batang babae ang nakatulog sa isang silya dahil sa mahabang pila upang magpapagamot at magpapa- check-up. Siya si Qirra. Katabi nito ang isang pilay na dalaga na inutusan ng kaniyang ina upang siya'y pansamantalang bantayan. Nawili ang dalaga kay Qirra kaya kinarga niya ito sa kaniyang bisig. Nasurprisa rin siya sa isang batang lalaking kararating kasama ang sopistikada nitong ina at umupo sa dating inuupuan ng ina ni Qirra na umalis upang umihi.

Napangiti ang pilay na dalaga at may binulong na katagang magbabago sa buhay ng dalawa.

________

________

________