Unang Yugto

ARIELAs POV

Ariela, anak, bumangon ka muna may sasabihin kami ng Papa mo."

Napaingos ako bilang sagot kay Mama, I cannot, ansakit pa ng ulo ko, hindi dahil sa hangover kundi dahil sa puyat, inumaga na ata ako ng tulog kakasulat ng kwento sa wattpad.

"Anak, sige na, mabilis lang to."

Naramdaman ko pa ang pagyakap nya sa akin kahit na nakatalukbong ako ng kumot. Ang sweet talaga ng nanay ko.

" Sige po ma, mag-aayos lang ako." Pilit akong bumagon sa kinahihigaan ko.

"Thanks baby."anito kasabay ang pag alis sa kama ko at kasunod non ay narinig ko ang pagsara ng pinto.

Sinubukan kong buksan ang mga mata ko, subalit bigla ko nalang itong naipikit ng salakayin ng nakakasilaw na liwanag. Ito ang ayaw ko sa kwarto ko. Pag umaga ay umaga na talaga, lumulusot sa bintana ng kwarto ko ang liwanag galling sa umagang araw.

Inot na bumaba ako ng kama at dumeretso sa banyo.

LATER...

"May sakit si Tiya Linda mo anak, alam mo naman na nasa abroad lahat ng pinsan mo at hindi sila makakauwi agad kaya nakiusap si Kuya Renier mo na alagaan muna namin."

Napahigop ako ng kape sa sinabi ni Mama. Si Papa naman ay tahimik lang na nagbabasa ng diyaryo sa tabi. Si Tiya linda ay kapatid ni Papa, nakakatandang kapatid na nakatira sa Malay, Aklan. Doon ito nakatira ngayon kasi taga doon si Uncle Rodel na asawa nito. And Yup, nasa abroad ang dalawang anak nito, doon nagtatrabaho, while Uncle Rodel passed away five years ago.

"Ano po ba yong sakit nya?"

"May pneumonia sya anak, dinala sya sa ospital kagabi, yon ang findings ng doctor."

Halos hindi ko masubo ang pagkain na nasa kutsara ko. "Gaano po kayo katagal na mawawala?"

"Susubukan naming makabalik kaagad, ipanalangin mo na gumaling na agad si Tiya Linda mo."

Agad akong nabahala sa naging sagot nito. "Pero Ma, sino ang makakasama ko dito sa bahay habang wala kayo?"

Narinig ko ang mahinang pagtikhim ni Papa. "Ang Kuya Bass mo. Nasa bakasyon sya ngayon, kakauwi nya lang galing Baguio kaya pwedi ka nyang samahan dito sa bahay.

Lihim na napa ismid ako sa sinabi ni Papa. " Ngayon na po ba kayo aalis?"

Sabay silang napatingin sa akin, yong tipong parang guilty sila na hindi mo malaman. Agad na napatayo si Mama.

" OO anak, sa katunayan nyan nasa kotse na yong maleta namin, magpapaalam lang talaga kami sayo."

"Pero bakit po biglaan ata?"

Hindi nakasagot si Mama.

Binaba ni Papa ang hawak na dyaryo na alam kong hindi naman nya binabasa." So paano, aalis na kami. Magpapadala nalang ako ng pera sa card mo sa susunod na araw."

Atubiling kinuha ni Mama ang shoulder bag na nasa sofa di kalayuan sa kinauupuan ko. "May laman ang ref, ikaw na muna ang bahala sa sarili mo."animo na tila maiiyak na.

"Loida, halika na na."matigas na sabi ni Papa. Mabilis akong hinalikan ni Papa sa noo ganun din si Mama bago lumabas ng Bahay.

Hindi naman ako nakahuma sa kung ano ang takbo ng kwento sa umagang iyon.

Ibinaba ko ang tangang isang tasang kape at mabilis na napasunod sa pintong nilabasan ng mga magulang ko.

"My god, Israel hindi ko akalain na magagawa natin kay Ariela to."halos impit na bulong ni Mama. Paliko na ako sa front yard namin para habulin sana ang dalawa ng marinig ang pag uusap ng mga ito sa loob ng sasakyan. Mukhang nagtatalo pa ata ang mga ito kaya hindi pa nakakalis.

" Tama lang ang ginagawa natin mahal, kailangan ng matutong mamuhay mag isa ni Ariela, she's 23 for christsake at hanggang ngayon umaasa parin sya sa atin sa lahat ng bagay. We're not getting younger."

"And who's fault is that? You sheltered her and never let her live her life. Look at what happened? She's introvert, wala syang kaibigan. Grumadweyt sya ng kolehiyo na hindi man lang nagka boyfriend."

"And you scared, all her supposed friends."anang si Papa.

"Hindi sila mabuting impluwensya sa anak natin."

"exactly, okay. Kasalanan natin. Kaya nga itinatama na natin."

" by living her alone?"

"No by letting her live her life."

"with Bass?"

"I trust my nephew."

Isang buntong hininga ang narinig ko galing kay mama subalit hindi na ito nag komento. Akma akong lalabas sa pinagtataguan ko ng pinaandar ni Papa ang kotse kasunod ang mabilis na pag aalis nito.

Napasandig ako sa pader. So, iyon pala ang dahilan. Walang mali sa mga sinabi ng mga ito. I'm 23, graduate ng Education subalit hanggang ngayon ay hindi ko pa naranasang magtrabaho. Ni ngi minsan ay hindi nila ipinaramadam sa akin na kailangan ko ng magtrabaho o kumita ng pera para sa sarili ko. They provided me with everything that I need. Sila ang kasama ko sa lahat ng bagay, I considered them as my best friend at wala akong tinatago sa kanila. Hindi ko akalain na ganoon na pala ang tingin nila sa akin.

I've never doubt my parents love for me. Sa tingin ko tama sila na iwanan akong mag isa. I need to live my life na wala sila. Darating ang araw na magkakaroon din ako ng sariling pamilya.

Ipinahid ko ang luhang kumawala sa mga mata ko.

LATE NIGHT...

"Hey there Insan, how are you?" bungad sa akin ni Bassilio San Jose in short Kuya Bass. Sya ang pinsan ko na tinutukoy ni Papa. He's 27, pagkakaalam ko ay may sarili itong business sa Baguio. Kung tama ang pagkarinig ko sa sinabi nin Papa kanina, sya ang makakasama ko dito sa bahay simula ngayon?

"Goodevening po kuya."nagising ako sa sunodsunod na doorbell ng pinto. Mag hahating gabi na ata at sya nga ang nabungaran ko.

"Nagising ba kita?"anito na may malapad na ngiti sa labi.

"Okay lang po. Pasok po kayo."sabi ko na nilakihan yong pagbukas ng pinto.

"Good." anito sabay pasok dala ang malaking bag na nasa likuran nya. "Nga pala, dala ko ang tropa."

"po?"

Agad na may lumitaw na lalaki mula sa likuran ni Kuya. May bitbit din itong malaking bag kaya agad na nilakihan ko ang pagkabukas ng pinto.

"Hi, I'm Sam."anitong, malapad ang pagkakangiti sa akin."Best friend ko si Bassilio."

"It's Bass. Samuelito."sigaw ng pinsan ko mula sa kinauupuang sofa.

Nakasalampak itong nakaupo don ng masulyapan ko.

Natawa naman si Sam at pailing iling na pumasok ng bahay.

Akma kong isasara ang pinto ng may kamay na humarang doon. Gulat kong sinilip kung sino iyon.

"That's Josh and Cash."anang pinsan ko na nasa likuran ko. Nilakihan ko ang bukas ng pintuan at pumasok ang dalawang si Josh and Cash.

"Twins?"naibulalas ko na ikinatawa ni Kuya Bass.

"Wow, Yel, ikaw, lang ata ang unang taong nakapagsabing kambal sila."

"makamukha sila."sabi ko.

"yeah, right. We're fraternal twins." Anang si Cash na halos hindi magkanda ugaga sa tangang bag. Dito din ba sila titira? Bat mukhang maglilipat bahay ata sila.

"Asan si Killer?"anang si Sam.

"Dead." Josh.

"Drunk dead." Cash.

"Okay. Sige na Yela kami na ang bahala dito. Matulog ka na at maaga pa tayo bukas."

"Po?"

Ngumiti lang ito at imunuwestra ako paakyat ng hagdan. Hindi na din ako nagpaalam sa mga kasama nya, at derederetsong tinungo ang kwarto ko. Good thing pagkahiga ko sa kama ko ay hinila kaagad ako ng antok.