Ikalawang Yugto

"Kuya, saan tayo pupunta?"medyo pasigaw na tanong ko kay Kuya Cash, kasalukuyang nakaupo ako sa backseat ng isang minivan at hindi ko alam kung kanino ito. May katabi akong lalaking hindi ko kilala, nakayukyok ito sa gilid at mukhang tulog na tulog, mula ng maupo ako doon ay tulog na ito. Wala naman ito sa mga kaibigang naipakilala ni Kuya kagabi.

"Mountain province Yela."pabalik na sigaw ni Kuya Bass.

Narinig ko ang pagtawa ni Josh and Cash. I bet pati si Kuya Sam natawa din.

For some reason ay hindi ko talaga maintindihan kung anong nangyayari sa paligid ko.

I was woken up in the middle of the night dahil sa pag dating nila. Subalit hindi pa ata sumisikat ang araw ay nagising na naman ako mula sa malakas na katok galing kay Kuya Sam.

Pinagbihis ako at aalis na raw kami. Sumunod lang ako and went out without having any breakfast.

And here I am.. sitting at the back of a mini van and they are laughing at me.

"Stop it guys."saway ni Kuya Bass."Stop the car Sam. Cash magpalit tayo ng upuan."at iyon nga ang nangyari bago muling pinaandar ni Kuya Sam ang kotse at pinaharurot na naman ito.

"Yela, makinig ka ng mabuti, okay."anang si Kuya kaya napatango naman ako."Ibinilin ka ni Uncle Isaac sa akin kasi uuwi sila ng Aklan, pero kasi may nakaschedule akong mountain climbing ngayon, hindi pweding ipagpaliban kaya ipinagpaalam ko nalang kay Uncle na isasama kita."

"Pumayag sila?"takang tanong ko. My parent knows na hindi ako active na uri ng tao. Ive never done mountain climbing kahit nga umakyat ng temple ay hindi ko pa nagagawa.

"Shockingly, yes."

"Anong nakakagulat doon?"sabad ni Cash.

"Unica Hija."tipid na sagot ni Kuya Bass.

"Ow.. princess type." Anang si Cash.

"Mukha naman talaga syang prinsesa." Josh.

"Shut up Josh, she's my cousin. Off limit."

"Tell that to Killer."anang si Josh sabay sulyap sa lalaking katabi ko.

Napalayo naman ako dito.

"Mamamatay tao sya?!" gilalas na sabi ko. Napabunghalit naman ng tawa yong mga lalaking kasama ko sa sasakyan.

LATER…

Nasa Pampanga kami ng maisipan nila Kuya na mag stop over para kumain ng tanghalian, puro biscuit at junkfoods ang agahan namin kanina. Huminto kami sa isang fast food.

Panay pakikinig naman ako sa kwentohan at asaran ng mga ito sa sasakyan kanina kaya nalibang na din ako at nakalimutan ang normal na kain ng agahan ko sa umaga.

"Prinsesa, bumaba ka na ako na gigising jan sa mamatay tao." Anang si Josh na may mga ngiti sa labi. He is teasing me.

"Yela, halika na." anang si Kuya Bass kasama ang iba pa.

Atubili man ay bumaba na din ako at sumunod sa kanila.

"Yela, may inaayawan ka bang pagkain? Allergies?"

Alangan akong sumagot kayo Kuya. "Ahmm.. wala naman po akong allergies. Hindi lang ako kumakain ng pagkain sa fastfood."

Narinig ko naman ang pagtawa ni Cash at Kuya Sam mula sa likuran ko. Yong tawang parang tuwang tuwa sa naririnig.

Napakunot ang noo ni Kuya Bass sa sinabi ko." Anong meron sa fast food at hindi ka kumakain?"

"Hindi daw healthy."

"So wala namang mangyayari sayo kung kakain ka non?." Tanong ni Cash.

"Wala naman ata."

"Tangna Bass, andami mong dapat ituro dito sa pinsan mo" kantiyaw ni Cash.

"Tumahimik ka nga Cash, palibhasa ikaw tambay sa kalye dami mong alam. Lika na Yela, sila na mag oorder hanap tayo ng mauupuan."

Sumunod ako kay Kuya. Naupo kami sa pang animan na lamesa. "Yela, sanayin mo na ang sarili mo sa mga bunganga ng mga kaibigan ko makakasama mo sila ng matagal. Yong kambal halos kaedad mo lang ang mga yon kaya wag kang mag alangan na kausapin sila. Mabait yang si Kuya Sam mo, kung wala ako pwedi mo syang lapitan at mahingan ng tulong."

"Naintindihan ko po Kuya. Salamat."

"Bukod sa bag pack na binigay ko kanina sayo may isang hand carry bag na nasa likod ng mini van, ako nalang magdadala non. Ansabi ni tita naempake nya naman ang lahat ng kailangan mo sa trip na to."

Napayuko ako sa sinabi nya. "Kuya, ayokong maging pabigat sa iyo."

"You're not. "

"Narinig ko ang plano nila Mama at Papa---"

"Just enjoy the trip Yela. Nandito lang ako."anitong may ngiti sa labi.

Napangiti na din ako sa sinabi nito. Ginulo nya ang buhok  ko bago napatingin sa bagong daan na babae.

"Chicks. Wait lang dito ka muna."anito sabay alis sa kinauupuan nya.

"I can't believe that you two are cousins."bigla akong napatayo ng may biglang umupo sa harapan ko. Hindi ko sya kilala.

"Siya si Mamatay tao." Anang si Josh na naupo sa tabi ko. Na hinila ako pabalik sa kinauupuan ko. "Ellie, siya si Ariela, pinsan ni Bass, ang katabi mong mabango kanina."

Tumango tango si Ellie. "Nice to meet you."anito sabay libot ng tingin na parang may hinahanap."bat ang tagal mag order ni Sam?"

"Ang tanong ay, kasama ka ba sa binilhan ng pagkain?"

"ow, shit.. gutom na ako." Bulalas ni Ellie.

"Bumili ka ng sarili mong pagkain."anang si Josh kay Ellie. Padarag naman tumayo ang isa na sinundan ko lang ng tingin.

"Crush mo?"nanunuksong tanong ni Josh.

"Hindi. Nagtataka lang ako kung pano nya nagagawang maglakad sa harap ng tao na ganoon ang hitsura nya."nakita ko ang pagpigil na ngiti ng katabi ko.

"Bakit, ano ba ng hitsura nya?"

"Di naliligo? Di nag c-shave at ang oily ng buhok nya. Para syang.."

"Taong grasa?" gulat kong nalingonan si Cash na may dalang tray ng pagkain, kasunod non ang malutong na halakhak ni Josh.

"Right on spot, brotha."anang si Josh.

"Naglamay ng trabaho yan nong isang gabi, tinapos lahat para makasama sa trip na to. Bago naman kami pumunta sa inyo nagkayayaan ng inom, naparami sya ng inom kaya may hangover. Killer lang ang pangalan nya pero matino yan."

"Sino pinag t-tsismisan nyo?"bungad ni Kuya Sam ng maibaba nya ang bitbit na tray ng pagkain.

"Si Killer. Na c-shock si Yela e."

"ow.. Nasabi nyo rin ba kung gaano ka fuckboy ang pinsan nya?"

"po?"gulat kong sabi.

Itinuro ni Kuya Sam ang kinaroroonan ni Kuya Bass may babae itong kausap, hindi lang pala kausap, kahalikan na din. Agad na napabaling ang tingin ko sa kaharap. "Girlfriend ba yon ni Kuya Sam?"

Natawa ito. "Kalandian."

"I bet mag c-stay na naman tayo dito ng over night."anang si Cash na inisang subo lang ata ang kinakaing tuna pie.

"Bass is an asshole."pabagsak na naupo si Killer sa kabilang tabi ko, bitbit ang take out nito. Tumingin sya sa gawi ko. "So are you also-"

"No Ellie, she's different."agaw ni Kuya Sam sa kung ano man ang sasabihin ni Killer.

"Prinsesa yan."Josh.

"Wait, akala ko ba Ariela ang pangalan nya?" Killer.

"She's innoscent."anang si Josh na may nakakalokong ngiti sa labi.

"So, why she's with us?"kunot noong tanong ni Killer.

"Bass, is baby sitting her."Cash.

"Guys, nasa harapan lang natin sya."anang si Kuya Sam.

"Minor pa ba sya?"dagdag na tanong ni Killer.

"I'm 23."agad na sagot ko. "Kuya Bass is not baby sitting me coz I'm not a baby anymore, he is just… just teaching me."

Walang may umimik pagkatapos kong sabihin yon.

"Bass will teach you how to be satans spawn princess."anang si Killer, kasabay ang paghalakhak ng tatlo pang lalaki na kasama ko sa mesa.

May tumatalsik pang French fries mula sa kung kaninong kumakain non.

"Hey, anong meron?"

Nalingonan ko si Kuya Bass, may kaakbay syang babae, ang kahalikan nya kanina.

"Nga pala, This is Angelica Lopez, she's a model and she's throwing a party in her pivate villa tonight. She's kind enough to invite us in. So ano?"

"Game."anang si Killer.

"Whore."pabulong na sabi ni Josh. Si Killer baa ng tinutukoy nya?

Tumango tango lang din ang iba.

"and you're coming too Yela."anang si Kuya Bass na hindi ko naman kinontra.