ELLI's POV
Pigil na napangiti si Killer habang pinagmamasdan si Yela na abala sa pagpili ng mga delata na nasa estante ng maliit na tindahang nakita namin. Bumabalik parin sa isip nya ang naging reaksyon nito ng banggitin niya ang salitang romansa. Mukha itong teenager na nasilipan sa banyo, she blushed like a ripe strawberry.
Napatingin ako sa paligid. Luckily, may nahanap kaming maliit na palengke dito sa may mountain province, kailangan namin ng supply para sa pag akyat ng bundok.
Hanggang ngayon hindi parin nya lubos maisip na nagawa nyang I suggest sa tropa ang pag akyat. Ang orihinal na plano nya ay humiwalay sa kanila pag dating sa Baguio.
Tumawag ang Papa kahapon pinapabalik ako ng Metro asap at sa di malamamang dahilan malaki ang pagtututol ng damdamin nya. Bago sya umalis ng Metro ay nag file sya ng indefinite leave na inaprubahan naman nito. Kailangan nya ng space para makapag isip isip, business is not for him, ilang linggo ng nangangati ang mga daliri nya para makapag pinta. His fathers call is making him restless, sa oras na bumalik sya ng Metro ay siguradong hindi na sya makakaalis sa kompanya lalo na ngayon may crisis dahil sa pandemic.
"Baka matunaw. Aminin mo na kasing type mo." Marahas nyang nilingon si Cash. Malaki ang pagkangisi nito na nakatingin din kay Yela.
"Off limits yan." Halos bulong na sabi ko.
"hmmm.. sabi lang ni Bass."anito na nagpatiuna para lapitan si Yela.
Napailing nalang ako sa naging turan nito. Kaming apat ang naatasang bumili ng kakailanganin namin sa pag akyat, samantalang ang dalawang nakakatanda ay kikitain daw ang magiging guide namin na nasa kabilang dako ng Palengke.
"Bro, magbabayad na daw ang prinsesa."pukaw ni Josh sa akin. Isang basket ng inomin ang dala nito. "Magkakaroon daw ng liquor ban kaya uunahan ko na sila."nakangising sabi nito na parang nahulaan ang iniisip ko.
"Tado, bawal yan sa sa bundok."halos magkaedad lang kami ng kambal pero napapailing nalang talaga ako sa takbo ng utak ng mga ito. Mahirap ispelingin.
"I've never been a law abiding citizen."anitong tinungo rin ang cashier.
Na kay Yela na din naman lahat ng pinamili ko, kaya inabotan ko nalang sila ng pera ng mapadaan ako sa kanila at minabuting mauna ng lumabas ng tindahan. Di naman naglipat sandal ay tumunog ang cellphone ko. Si Bass ang tumatawag.
"Killer, nasaan kayo?" bungad nito. Kabado ang boses. Something is wrong.
"Nasa palengke pa din. May problema ba?"
"Hina-hunting tayo ng Mayor na yon. Katatawag lang ni Angelica, hindi pala tayo tinitigilan ng paghahanap ng mga tao ng Mayor na yon lalo na ng kapatid nya. Nakapagbigay daw sya ng impormasyon na Sagada ang punta natin, pinagbantaan daw sya at wala syang nagawa."
Napahinga ako ng malalim. "So, tama lang na sa bundok muna tayo?"
"Hindi ko alam. Nagtatago kami ngayon ni Sam, may humabol kanina samin na hindi namin kilala. Mas mabuting bumalik na muna kayo ng sasakyan and drive far, sa tingin ko natunton na nila tayo. Protect Yela, get her out of here. I will send the map, mauna na muna kayong umakyat, susunod kami ni Sam. Ililigaw muna namin sila."
"This is so messed up Bass."
"I know. Wala tayong choice."
"Sige, ako ng bahala."sabi ko at agad na ini-off ang cellphone.
Maya't maya pa ay, kasunod ko na ang tatlo na naglalakad papuntang sasakyan. Nang maisara ni Cash ang pinto ng mini van ay tinungo ko ang driver seat at pinaandar iyon.
"Wala pa ang dalawa."anang si Josh.
"Code red. Mamaya na ako magpapaliwanag. We need to get out of here."
"Ano ang code red?"nagtatakang tanong ni Yela.
"Something is wrong prinsesa, let's wait."anang si Cash.
Tamang palabas kami sa exit ng palengke ng masulyapan ko ang papasok na sasakyan na nakabukas ang passenger seat. Napahilod ako ng panga ko, hanggang nagyon masakit pa rin iyon sanhi ng pagsapak sa akin ng kapatid ng Mayor na iyon at sigurado ako na sya yong sakay ng passenger ng nakasalubong naming sasakyan.
Agad na pinaharurot ko ang sasakyan. Hoping na sana hindi kami makilala at masundan.
Later…
"Ibig bang sabihin nasa panganib si Kuya Bass at Kuya Sam? Bakit natin sila iniwan doon?"halos histerikal si Yela ng ipaliwanag ko ang nangyari kanina. Nagdidiskarga na kami ng gamit na gagamitin namin sa pag akyat. Tahimik lang ang kambal, mukhang nag alala din sa naging sitwasyon namin.
"They are fine princess, kahit tawagan mo pa sila ngayon, pinauna lang nila tayo pero susunod sila."pang aalo ko sa kanya.
Nakakunot pa rin ang noo nito, mayamaya ay kinuha ang cellphone sa bulsa nya. Siguradong tatawagan nito si Bass. Hindi ko sya masisi. Nakadalawang tawag na si Bass sa akin simula ng makarating kami sa paanan ng bundok. May nakaabang na din na guide sa amin na nagpakilalang si Manong Reynan at Aling Celia, sila ang contact ni Bass.
"Sir, tatakpan nalang natin ng mga dahon itong sasakyan nyo, may kalayuan ang bahay namin dito para ihatid pa kayo doon, mukhang nagmamadali po kayo."pukaw ni Manong Reynan sa akin.
Napatango ako sa sinabi nya. "Sige po, tsaka Ellie nalang po, first name nalang po ang itawag nyo sa amin, dyahe po ang sir at maam."
Napangiti lang ito sa sinabi ko.
Nang makabalik si Yela ay mukhang magaan na ang pakiramdam nito.
Inabot ko sa kanya ang backpack nya at nag kanya kanya na kami ng bitbit.
Mag aalas tres na kaya kailangan naming makapag umpisa para ma makaabot manlang kami sa first rest stop namin.
Sumabay ako sa paglalakad sa dalawang matandang guide samantalang ibinilin ko naman sa kambal si Yela. Sa halos isang oras na paglalakad namin ay madami ng na ikwento ang dalawang matanda. Pati mga short cut at ruta ay naibigay nila sa akin. Nagulat pa ako ng maglabas ang mga ito ng mapa, hindi sya yong typical na mapa na ginagamit namin, subalit lumang drawing iyon na nakaukit sa isang lumang papel. Kitang kita doon ang mga palatandaan pati ilog at bangin na madadaanan.
Mag iisang oras na kami sa paglalakad ay tumunog ang cellphone ni Manong Reynan, lumang modelo iyon kaya may kalakasan ang tunog.
Nasa may paanan pa din kami ng bundok kaya siguro may signal pa rin. Na update ko na rin si Bass sa lokasyon namin. Bumibyahe na daw sila papunta sa kinaroroonan namin, ibig sabihin baka bukas makasunod na din sila.
"Naku, Ellie hindi magandang balita."anang si Kuya Reynan ng makabalik sa amin pagkatapos makipag usap sa telepono.
"Tumawag ang panganay ko, may enhance quarantine daw, pinapacancel lahat ng pag akyat sa bundok. Pinapabalik din kami kasi mag bibigay daw ng ayuda ang barangay para sa 4ps."
"Totoo ba yan Reynan? Naku, alanganin naman."dismayadong sabi ni aling Celia.
"May problema ba?"bungad ni Yela ng marating ng mga ito ang kinaroroonan namin.
"Kailangan nilang bumalik, naglockdown na din sa bayan na ito."maikling paliwanang ko.
"Hindi tayo matutuloy?" Cash.
"Baka iwanan na muna naming kayo sa first rest stop, kailangan naming bumaba. Bukas balikan namin kayo."anang matandang lalaki.
"Sige po manong Reynan, baka makasabay din sila Bass sa inyo."
"Alright."anang si Josh. Natuwa din ang dalawa pa ng marinig ang sinabi ko.
"O sige, Ellie, mukhang nasabi ko na din naman ang dapat mong malaman tungkol sa budok. Tatlompung minuto lang ang layo ng rest stop mula rito. Sundan nyo lang ang daanan na ito at siguradong hindi kayo maliligaw."
"Sige po. Salamat."
Iniwan ng dalawang matanda ang mapa bago umalis. Nakahinga naman ako ng maluwag knowing na bukas na makakasama na namin sila bukas.
"Nakikita mo ba ang nakikita ko Ellie?"
I was snap out of my thoughts. Katabi ko lang pala si Josh.
"It's a river!"bulalas ni Yela. Para itong batang binigyan ng candy habang namumungay ang mga matang nakatingin sa ilog. She's very serene and real.
Makitid lang iyon at hindi kalaliman. Subalit malinaw ang tubig at nangingislap iyon sa malayo. We've been walking for hours, kaya hindi nakapagtataka na tuwang tuwa ang dalawa na makakita ng tubig.
"Yela, let's go!"aya ni Josh kay Yela at hindi nga nagpapigil ang mga ito at agad na nagtatakbo papunta sa ilog.
"Kids."naibulong ko.
"That is the second time."
Nalingonan ko si Cash na nagtatanggal din ng bagpack at mukhang makikisali din sa dalawa.
"Killer, thats the second time that you have that look while staring at her."
"What look?"
"Like she's some kind of artwork you've never seen before."
"The hell Cash, kung anu anong pinagsasabi mo."
Humarap ito sa akin. Seryoso. "The third time you'll be mesmerize by her, you'll get whipped Killer. So, stop staring bro." anito sabay kindat at iniwan ako roon na hindi maintindihan kung ano ang magiging reaksyon sa sinabi nya.
Ang planong first rest stop ay hindi natuloy, tatlo laban sa isa, idinaan na naman nila sa botohan ang suggestion ni Josh na doon nalang sila mag camp para sa gabing ito. Syempre at ako lang ang gustong magpatuloy.
"Guys, we only have one hour before dawn. Wala pa kayong naitatayong tent."paalala ko sa kambal na panay ihip ng inflatable bed nila. Langya bakit sa lahat pa ng makakasama ay itong mga isip bata pa.
Nangunot ang noo kong sinulyapan si Yela. Now, i'm really convinced that she used to live in the water. Hanggang ngayon hindi pa umaahon sa ilog, yong tipong nakababad lang doon na akala nya ay nasa sariling pool lang sya. Unbelievable.
"I'll be sleeping on my infatable bed."anunsyo ni Cash.
"So am I."segunda ni Josh. "Too tired."
Napailing nalang ako. They are sharing the tent for two. "Hey, princess where is your tent?!"halos pasigaw na tanong ko sa babaeng sirena.
"What tent?"anitong hindi manlang ako tinapunan ng tingin.
"Bro, parang alam ko na."anang si Josh. "Nasa bag ni Bass."
"Langya talaga o, itayo nyo yong tent para sa prinsesa."utos ko sa mga ito.
"She's your princess now dude, you take care of her."
"What the hell Cash, binubuyo nyo ba ako sa kanya?"
"Yeah?"anang si Josh sabay hagalpak ng tawa."the attraction is chilling Ellie I can feel it in my bones."
"Nagkakamali kayo."
"Uh-ha.. right. Mangangahoy lang muna kami for the bonfire. For the mean time, deal with her and her fetish about water baka tubuan na yan ng kaliskis kakababad nya jan sa tubig."
"Tangna, bat ako?!"halos pikon na asik ko kay Cash.
Nagpalatak lang ito at naglakad palayo. Na sinundan naman ng kakambal na may nakaplaster na nakakalokong ngiti sa labi.
Anong pinagsasabi ng mga iyon?
Nilapitan ko si Yela nakalutang sa gilid ng ilog. Hindi kalakasan ang current at mababaw lang ang tubig kaya prente itong nakafloating roon na akala moy nasa beach lang.
"Hey princess, you need to move your azz in there and set up your tent."pukaw ko rito. Dahan dahan nya akong nilingon at ngumiti ng parang ewan. I can't really figure her out most of the time.
"Hindi po ako marunong mag set up ng tent Kuya Killer."
Kuya!? I'm so pissed off. "Umahon ka na dyan, I'll teach you how. Ang what's with the Kuya?"
"Sabi ng kambal kanina wala daw akong respeto kasi hindi kita tinatawag ng kuya when you're older than me. So I should call you Kuya from now on."
"You calling me kuya is giving me a goose bump princess so cut it out o hindi ka kakain ng haponan."as a matter of fact, for some reason I can't really stand hearing her calling me that.
"Ansama mo naman Killer."anito sabay pout.
"Langya talaga o. Stop pouting. Halika na, umahon ka na jan."
"Pero---"
"No more buts, I'm in charge."
"Fine."anitong nagdadabog na umahon.
Umatras naman ako palayo sa pangpang para bigyan sya ng daan na makakapit roon para umahon. Unfortunately she slip and I tried to hold her which I did but I lost my balance ang end up in the water with her.
Napamura ako ng ilang beses ng makaahon samantalang ang babaeng sirena ay impit na napatawa pagkatapos maghilamos ng mukha.
She laughed at me at hindi pa nakuntento sinabuyan pa ako ng tubig.
Binalik ko sa kanya ang pagsaboy ng tubig and because she's laughing sumakto iyon sa bunganga nya dahilan para mapaubo ito. Napahalakhak ito, she coughed a couple of times, naningkit ang mata nito.
"I hate you!"pikon na sabi nito.
I chuckled. "Serves you right stubborn girl."
Namaywang ito at tinignan ako ng masama.
Natigilan naman ako ng mapansin ang paghulma ng katawan nya sa suot nyang oversize shirt. Isang ubo ang pinakawalan ko bago umiwas ng tingin. "We should change. It's getting late."
"Yeah at nilalanggam na kami dito sa pa free movie nyo."anang si Josh na di ko namalayang nakamasid pala sa amin. May bonfire na din na nagawa si Cash malapit sa camp site namin.
"Shut up Josh."sikmat ko rito at mabilis na umahon.
+++++++++
Kaway kaway sa nagbabasa. ^^