Yelas PoV
Sumapit ang gabi at nagkasya kami sa pag iinit ng delata at biscuit na baon namin.
Napagkasunduan din na si Cash and Josh ang matutulog sa tent at kami ni Killer sa mga inflatable bag ng mga ito.
Napaayos ako ng higa dahilan para mapatingin ako sa kalangitan at mamangha sa kagandahan noon.
Ang mga bituin sa langit ay tila mga mumunting ilaw na nagkikislapan sa himpapawid. Nakakatuwa rin na ang mga hugis na nabubuo ng mga ito ay nakakapagbigay kasiyahan sa puso ko.
I have no regrets being here, I feel free and liberated and getting attached to people I'm with is making feel that I belong. It makes me feel human. Nakakainggit ang samahan nila para silang magkakapatid, isang pamilya.
Kahit kailan hindi ko akalain na may pwedi pa pala akong gawin sa buhay. Kung noon ay pagsusulat at magulang ko umiikot ang mundo ko, pwedi pala na may iba naman.
Napatingin ako sa relong pambisig, 8:00 in the evening, masyado pang maaga subalit hinihila na ng antok ang mga mata ko.
Sinulyapan ko ang kinaroroonan ni Killer he's just meter away from me. Tanging ilaw galing sa bonfire ang nagbibigay liwanag sa paligid. At di mapagkakaila ng munting ilaw na iyon ang atraksiyon na nararamdaman ko sa kanya.
Tama.
Ang mga pagkakataong nagkakaroon ako ng alinlangan sa puso ko patungkol sa kakaibang tibok niyon tuwing nakikita ko si Killer ay siguradong atraksiyon ko sa lalaki. Isa akong manunulat, at pamilyar sa akin ang mga ganitong sintomas ng mga babae patungkol sa lalaking nagugustohan.
Naaalala ko pa ang biglaang pagsalubong ng mga mata namin kanina habang nakalubog ako sa tubig sa ilog. Ilang segundong huminto ang pag inog ng mundo ko.
Napabuntonghininga ako, kung sana nasa tabi ko si Mama di sana'y may matatanungan ako tungkol sa nararamdaman ko ngayon. Kung sa mga librong nababasa ko ay halos kilig at galak dulot ng atraksiyon bakit sa akin ay isang katerbang kaba at alinlangan?
Muli kong sinulyapan si Killer bago unti unting binalot ng kadiliman ang paligid ko.
Later..
Nag iingay na paligid..
Sunod sunod na mabibigat na yapak..
Malakas na pagtawag sa pangalan ko..
Deretso akong napabangon sa kinahihigaan ko.
Walang ilaw sa paligid subalit may mga liwanag galing sa flashlight na nasa paligid.
"Yela! Thanks god your awake. We need to pack ang leave."
Kunot noo kong kinilala ang kaharap. "Kuya Bass?"
"Yes. Pull your self together we're leaving. The mayors men is after us."
Agad na inabot ko ang bagpack nasa tabi ng kinahihigaan ko. May umimis naman ng fordable bed.
"Bass, mauuna kami ng kambal."nagmamadaling sabi ni Kuya Sam.
"Sige, susunod kami."sagot naman ni Kuya Bass. Kasunod niyon ang papalayong yapak ng tatlo."Killer, hindi pa ba tapos yan?"untag nito.
Kinuha ko ang cp na nasa bulsa ng bag ko at binuksan ang flashlight, nakatutok sa gawi ni Killer ang liwanag non, kasalukuyan nyang pinapasok sa bag nya ang tinuping tent.
"Shhh.. may tao. Yela turn off your light."
Agad naman akong tumalima.
"There. Sa kaliwa mo Bass."kung hindi ako nagkakamali boses ni Killer iyon.
Nilingon ko naman ang direksyon na sinabi nito. And there in the horizon mga ilaw na nakatutok sa iba't ibang direksyon.
"Maabutan tayo."anang si Kuya Bass.
"I'm done. Let's go."Killer.
May nag abot ng kamay ko at hinila ako para maglakad, nagpatianod lang din ako. Ang natutulog kong diwa ay nagising ng maramdaman ang malamig na ihip ng hangin na sumasamyo sa pisngi ko.
Hindi ko alam kung dahil sa adrenaline o kung ano pa man subalit nagpatuloy ako sa paglalakad.
Tanging mga yapak ang maririnig na ingay sa paligid, maliban sa panakanakang ungol ng mga hayop.
"Maabutan tayo." Halos bulong na sabi ni Kuya Bass.
Nilingon ko ang mga ilaw na nakasunod sa amin, tama nga ang pinsan ilang metro ang layo ng mga ito sa amin.
"Sh!t, ilog ang nasa unahan."Killer.
"Hindi tayo pweding bumalik."anas ni Kuya Bass.
Nagsimula ng magpanic ang isip ko.
Hindi nila kami pweding abutan, sasaktan nila ang dalawang kasama ko. " I'll stall them."
"No!"makapanabay na sabi ng mga ito.
"Killer, sa ilog. Ililigaw ko sila."
Napatingin ako sa ilog, sa ilalim ng liwanag ng buwan makikitang hindi kalaliman iyon subalit may kalayuan ang kabilang pangpang.
"No, Bass. Ako ang may atraso ako dapat ang maging pain."
"Papatayin ka agad nila. Armado ang mga taong iyon. Hindi nila ako sasaktan kasi hindi naman ako ang pakay nila."
"No. Hindi ko haha--"
"Please Ellie, bring Yela to safety."
Narinig ko ang pagbuntonghininga ni Killer. "Wag kang magpapahuli."
"I'll try. Languyin nyo ang ilog papunta sa kabilang pangpang, hindi kalaliman iyon. Kailangan nyong akyatin ang bundok papunta sa kabilang ibayo. Doon tayo magkikita kita sa susunod na baryo."
"Copy."
"Yela. Take care of your self."
"Kuya."naramdaman ko ang pagkabig nya sa akin sabay halik sa noo ko. "Go, Yela."
May gumagap ng palad ko at hinila ako papunta sa may ilog. Rinig ang malakas na agos noon.
"Yela wag mong bibitiwa ang kamay ko."anang si Killer
Wala na akong pagkakataon na sumagot pa sapagkat agad na kaming lumusong sa tubig.
Nanginig ang katawan ko ng salakayin ng malamig na tubig ang balat ko.
Hanggang hita ko ang tubig subalit parang yelo iyon sa lamig.
Nasa kalagitnaan na kami ng mapansing umabot na sa bewang namin ang taas ng tubig.
Inabot ko ang bag na nasa likuran ko, lumutang iyon mabuti nalang water proof ang dala ko.
"Mababasa ang laman ng bag ko."anas ni Killer. "Sandali Yela." binitawan nya ang kamay ko at pinasan ang bag nya. "Humawak ka sa bewang ko Yela."
Alangan man ay iniyakap ko ang bewang nya. Nagsimula kami ulit maglakad. Nakakunyapit ako sa bewang nya. Lumakas ang agos ng tubig at umabot na sa dibdib ang taas niyon.
"Maanod tayo." may pag aalala sa boses nito.
Akma akong hahakbang uli ng bigla akong madulas. Narinig ko ang makaulit na pagmura nito sapagkat napakapit ako ng mahigpit sa kanya.
"I can't hold on Killer."sabi ko ng hindi maabot ng paa ko ang ilalim ng ilog. Nakahawak nalang ako sa balikat ni Killer dahilan para lumutang ako.
"Hold on."
Sinubukan ko, subalit sa muling paghakbang ni Killer ay nawalan ito ng panimbang at kasabay ang pagtumba naming dalawa.
Ang sunod na nangyari ay ang malakas na paghila ng agos sa amin. Hindi ko maabot ang ilalim kaya napahawak ako ng mahigpit sa tangan kong bag.
"I got you."
Killer caught me in his arms, napakapit ako ng mahigpit sa kanya.
"Not too much princess malulunod tayo."anito, niluwagan ko pagkakakapit sa kanya. Hirap na din itong lumangoy at patuloy kaming inaanod ng malakas na current.
A minute passed and the water started to be roughed. Narinig ko ang pag ubo ni Killer, mukhang nakakainom na ito ng tubig.
"Hold on Yela."anas nito.
The next thing was a blurr, sinubukan kong umalalay sa paglangoy subalit para akong inihampas sa isang matigas na bagay at napabitaw kay Killer. I tried to shout ngunit napuno ng tubig ang lalamunan ko.
"Killer.."
"Yela!"
And then it was a never ending water that succumb us deeper..
+++++++++++++
This is short.
5/3/21