ANONYMOUS
Sylvie Zamoa's POV
On the way kami ngayon sa mansion ng kaibigan ko na si Blyth. Kanina pa daw sumasakit ang ulo nya kaya naisipan kong iuwi muna sya sa kanila. Hindi sya pumayag sa una pero sa huli napilit ko rin syang umuwi na lang muna dahil mas lalo daw sumakit ang ulo nya at buong katawan nya. Nag-aalala na ako sa kaibigan ko dahil hindi naman talaga sya nagkakasakit o nakakaranas ng ganito. Natawagan ko na si Bryle ang twin brother ni Blyth bakas sa tono ng boses nya kanina ang pag-aalala sa kakambal nya.
Nandito na kami sa harapan ng malaking gate ng mansion nila Blyth. Nakita ng guard ang sasakyan ko kaya agad nyang binuksan ang kulay silver gold na tarangkahan nila Blyth. Kilala na ako ng mga tao dito dahil lagi akong nandito at parang anak na rin ako ng parents nila Blyth at Bryle. Pagkabukas ng gate ay pinaandar ko na ulit ang makina ng sasakyan ko at nagmaneho ulit. Malaki ang espasyo sa loob kaya kung pupunta ka dito humanda ka ng mapagod sa paglalakad kung wala kang dala na sasakyan.
"A-ah!" napalingon ako sa katabi kong si Blyth ng bigla syang umungol ng mahina.
"Malapit na tayo, Blyth. Konting tiis na lang makakarating na tayo sa mansion ninyo!" pagpapagaan ko sa sitwasyon dahil nakikita ko sa peripheral vision ko na pinagpapawisan at nag-iiba na ang kulay buhok ni Blyth.
"Ahhh!!!" malakas na sigaw ni Blyth habang nakahawak sa ulo nya.
"Sh*t!" mura ko at mabilis na pinatakbo ang sasakyan. Bakit ba kasi ang laki-laki ng mansion nila kainis!
*****
"Tito! Tita! Bryle! Help!" malakas na sigaw ko ng makapasok ako sa loob ng mansion nila Blyth. Akay-akay ko ang braso ni Blyth habang papasok kami kanina dahil nanghihina na talaga sya.
Nakarinig ako ng mabilis na yapak ng mga paa patungo sa gawi namin at doon nakita ko ang nag-aalalang mukha ng parents ni Blyth at ng kambal nya. Agad na silang lumapit sa gawi ko. Binuhat ni Tito si Blyth at nag-teleport papuntang kwarto ni Blyth. Alam ko ang iniisip ninyo pero mamaya na ako mag-eexplain ang importante maagapan ang sakit ni Blyth. Nag-teleport na rin kami nila tita at Bryle sa kwarto ni Blyth.
Pagkarating ko sa loob ng kwarto ni Blyth naabutan ko syang mahimbing na natutulog na para bang walang nangyari sa kanya. Nawala na rin ang pamumutla nya kanina at bumalik na rin sa dati ang kulay ng buhok nya.
"Dad, Mom we really need to bring her to Arizona. Dahil kapag hindi pa natin sya dinala doon baka hindi na natin mapigilan ang unti-unting paglabas ng mga kapangyarihan at abilities nya." sabi ni Bryle kila Tito at Tita.
Sa totoo lang may punto sya. Kung hindi pa kami babalik sa Arizona baka hindi na namin mapigilan ang paglabas ng mga kapangyarihan ni Blyth which is the reason kung bakit sya nagkaganun kanina.
"Naisip ko na rin yan, anak. Nag-aalala na rin ako na baka sa susunod hindi na natin mapigilan ang paglabas ng mga kapangyarihan ng kapatid mo at baka makasakit sya ng mga mortal o ang sarili nya mismo ang masaktan nya." pagsang-ayon ni Tito sa sinabi ni Bryle.
Nanatili akong tahimik dito sa tabi ni Blyth at dahan-dahang hinihimas ang kulay itim nyang buhok na kapag natatamaan ng araw ay nagmimistulang may silver dust sa buhok nya. Napatigil ako sa paghimas at pagtitig sa mala-anghel nyang mukha ng magsalita si tito na ikanagulat ko at the same time nakaramdam ako ng excitement.
"Nakapag-desisyon na ako. Babalik na tayo sa Arizona sa pagtatapos ng taon ngayon." napangiti ako dahil sa sinabi ni tito ganoon din naman sila Tita at Bryle.
Sa wakas makakapunta na ako— i mean kami ni Blyth sa Arizona! Waaaaah I'm so excited huhu! Ano kaya ang meron doon? Panigurado ibang-iba ang mundo doon kung pagkukumparahin dito sa mundo ng mga tao!
"Maiwan ko muna kayo at maghahanda lang ako ng dinner natin." pagpapaalam ni tita sa amin pero bago sya lumabas ng kwarto ni Blyth ay lumingon muna sya sakin. "Sylvie do you want to help? I'll cook your favorite dishes." sabi ni tita sa akin na nagpakinang sa dalawa kong cute na mga mata.
"Waaaaaah sure po tita!" tili ko at nagtatalon na lumabas ng kwarto ni Blyth.
*****
Lazaro Venison's POV
Umupo ako sa tabi ng anak ko at pinagmasdan ang napaka-among mukha nya na mahimbing na natutulog ngunit kapag gising nama'y napaka-isip bata pero pag nagalit dinaig pa ang isang dragon.
"I hope when we came back there, i hope you will never do anything stupid to the magicians. I know that when we came back there, everything will be new for you and for Slyvie. There is a possibility that your life will be in danger but don't worry we are here to protect you no matter what happen, our princess. And i know that you are brave and much stronger than us and i am confident that no one can touch you there even a single tip of their fingertips. I love you, my little princess." I said and kissed her forehead before leaving her.
Zyril Bryle Venison's POV
"Mom! Si Blyth oh nagsisimula na naman!" sigaw ko mula sa hagdan habang naka-pout.
E kasi naman etong kakambal kong pangit nagising na kani-kanina lang kaya ayan nagsisimula na naman syang asarin ako! Kung pwede ko nga lang syang ilibing ng buhay ginawa ko na! Pero syempre biro lang 'yon *laughs* mahal na mahal ko 'tong pangit na kakambal ko.
"Mom! Si Kuya binatukan ako! Waaaaaah! Mom, Dad!!!" pagsisinungaling ni Blyth.
What? Binatukan?
"Hoy kambal kong pangit na pinaglihi sa unggoy anong binatukan ka jan ah! Hindi nga kita inaano jan e tapos magsusumbong ka pa na binatukan kita!" singhal ko sa kanya at nagdabog-dabog pa ako dahil nako pigilan nyo ako baka makapatay ako ng kapatid! Joke lang.
"Blyth and Bryle stop arguing you stupids. You're not a kid anymore but you are still my babies!" Mom said.
What babies? Waaaah I'm not a baby!
"Mom! I'm not a baby anymore!" sabay na sigaw namin ni Blyth.
Tiningnan ko sya ng masama at ganoon din ang ginawa nya. Nagtitigan lang kami nang nagtitigan pero sa huli ako ang talo. Nakakatakot na kasi ang mga tingin nya parang pinapatay na nya ako sa isip nya.
"Tss. Wala ka pala e!" pang-aasar na naman nya. Kita nyo? Utak munggo din 'tong kapatid ko kakasabi lang ni Mom na tumigil na e. Aba teka! Ako ang mas matanda sa kanya kaya dapat ako ang nasusunod. Sandali nga!
"Stop it. It's not funny anymore. Let's go and eat." I coldly said and look at her emotionless. Sumunod naman agad sya dahil alam nya na kapag ganito na ako magsalita at tumingin sa kanya ibigsabihin seryoso na ako. "Wala pala ah, ano ka ngayon! *laughs*" bulong ko baka marinig nya pa e at magsimula na naman ang world war II.
Zaniah Venison's POV
Eto talagang mga bata na 'to lagi na lang nag-aasaran. Nagsimula na kaming kumain dahil dumating na ang asawa kong si Lazaro. Alam na namin kung saan sya galing tanging ang anak kong si Blyth lang ang hindi nakakaalam at walang alam sa nangyari sa kanya kanina.
"Dad, where have you been?" tanong ng anak kong si Blyth alam kong magtatanong sya kaya ako na ang sasagot.
"Your dad just finished something in our company, baby." pagpapalusot ko. Tumango na lang sya at nagsimula nang kumain ulit.
Natapos na kaming kumain at nagprisinta si Blyth na sya na ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin. Pumayag na lang ako dahil baka magtanong pa sya sa nangyari sa kanya kanina. Umakyat na kaming mag-asawa sa kwarto namin upang magpahinga ng biglang magsalita si Lazaro.
"Hon, I've already arranged their papers in Arazona. Wala ng magiging problema kung may maghahanap ng detalye tungkol sa kanila at sa anak natin." sabi ni Lazaro na ikangiti ko.
"Thank you, hon. Let's rest. I know you are tired. Good night and i love you." I said and give a smack kiss on his lips.
He smiled at me and kiss me on my forehead before uttering those words.
"I love you more."
Rizelle Blyth Venison's POV
Kakatapos ko lang hugasan ang mga pinagkainan namin. Pumanik na ako sa itaas at dumiretso sa mini-bath or should i say na malaking bathroom ko. It has a combination of black and white theme of my bathroom. Mahilig din ako sa color purple but i really loved black and white that's why that are the theme of my bathroom.
Pumasok na ako sa loob at ginawa na ang night routines ko. After a couple of hour I'm done with my night routine. Nagbihis na ako ng pantulog na damit at konting lagay ng liptint na pinatungan ng lip shiner. Pagkatapos kong gawin 'yon ay humiga na ako sa queen sized bed ko with the color combination of color purple and black. I think this day was so tiring even i didn't do anything. Goodnight everyone!