Sylvie's POV
Ito na ata ang matagal ng ikinukwento sa akin ni Bryle– The Enchanted City of Arizona mga gusali na mayroon nagtataasang mga pader na nagsisilbing boundary ng Arizona mula sa kaharian ng Ceozupis o ang mga itim na mahikero. Mayroon ding iba't-ibang klase at kulay ng mga bulaklak na matatagpuan dito mismo sa The Enchanted City of Arizona. Marami-rami ka ring makikita na mga Arizonians sa buong paligid may mga batang paslit na naglalaro kasama ang mga kaibigan nila habang sa tingin ko na may edad sampung taong gulang pataas ay masayang naglilibot kasama ang mga ka-edad rin nila.
May iba't-ibang klase at kulay din ng mga dragon sa himpapawid napakaganda nilang pagmasdan. Mga mga Arizonians din na nakakalipad sa nasa himpapawid ang tahanan habang ang mga Arizonians naman na hindi nakakalipad ay masayang namumuhay dito sa ibabaw ng lupa. Maraming stalls sa paligid kaya tiyak na mag-e-enjoy kang mamasyal dito. Ang mga matatanda nama'y masayang naka-upo habang nakikipag-usap sa mga kasama nila. Nagsimula na kaming maglakad ng hindi mawala-wala ang pagkamangha sa aming mukha. Kahit si Blyth ay hindi maikubli sa magandang mukha nya ang pagkamangha.
Si Bryle naman ay diretso at seryosong naglalakad mabigat ang awrang pinaparamdam nya sa kapaligiran kaya napapalingon sa amin ang mga Arizonians. Nang lingunin ko sila ay bakas sa mukha nila ang pagtataka at the same time i can clearly see na may ikinababahala sila na maaaring mangyari. Naramdaman siguro ni Tito ang tensyon na nabubuo sa mga mamamayan ng Arizona kaya nagsalita sya.
"Magandang umaga sa inyong lahat mamamayan ng Arizona, ramdam ko ang pagtataka at kabang nararamdaman ninyong lahat ngunit wala kayong dapat na ipangamba sa pagdating namin." magalang na pagpapaliwanag ni tito sa kanilang lahat.
"Ngunit sino kayo? Anong ginagawa nyo dito at papaano kayo nakapasok sa mundo namin? Immortal lang ang maaring makapasok sa mundo namin ang ibigsabihin ba ay mamamayan din kayo ng Arizona?" tanong ng isang matandang babae na nakasuot ng mahiwagang kasuotan.
"Ganun na nga po, maaaring hindi na ninyo ako nakikilala dahil sa tagal kong nawala dito sa mundo natin." sambit ni Tito sa mga mamamayan ng Arizona.
Alam kong isa rin sa mamamayan ng Arizona sina tito at tita dito dati pero umalis sila para protektahan sina Byrle at Blyth ngunit imposibleng agad kaming nakapasok dito sa The Enchanted City of Arizona ng wala man lang checkpoint sa dinaanan namin, don't tell me na hindi lang ordinaryong mamamayan sina tito at tita? Owemjiii prinsesa ba kami ni Blyth? Just kidding pero hindi naman masamang mag-imagine.
"Hindi ka namin ki---" naputol ang dapat sanang sasabihin ni manong asul– manong asul dahil puro asul ang kanyang kasuotan. Naputol ang pagsasalita nya nang may biglang sumigaw sa likuran namin lumingon kaming lahat maging ang ibang mamamayan ng Arizona ay napalingon din sa sumigaw.
"Mr. Venison!!!" pagkalingon ko ay nakita ko ang isang babae na sa tingin ko ay kasing edad lang namin. Humahangos s'yang lumapit sa amin at bakas sa kanyang mukha ang pagod, hindi rin ganoon kaganda ang kasuotan nya dahil marumi ito at may punit.
"Oh uminom ka muna ng tubig Astrid para mahimasmasan ka." sabi ni tita at iniabot ang bote na may lamang tubig kaagad nya namang binuksan ang bote at ininom ang laman nito. Astrid pala ang pangalan nya ang ganda hihi.
Nang matapos nyang inumin ang tubig ay mukhang napawi na nito ang pagod nya, nauhaw lang ata si girl.
"Pasensya na po kung ngayon lang ako dumating, Mr. and Mrs. Venison." pormal na paghingi nya ng paumanhin.
"Ayos lang, Astrid walang problema." sabi ni tita sa kanya. Maya-maya ay may narinig akong sumisinghot-singhot hinanap ko ito at nakita ko si Astrid na tumataas-baba ang balikat nya teka bakit sya umiiyak?
Kinalabit ko si Blyth na nakatingin din pala kay Astrid.
"Why is she crying, Blyth?" i asked out of curiosity. May nagawa ba kaming masama o hindi nya nagustuhan kaya umiyak sya? Pero wala naman ah?
"I don't know either." she answered at umiling pa.
Napansin na rin ata nila tito at tita na umiiyak yung Astrid kaya nilapitan nila ito at tinanong kung bakit sya umiiyak.
"Nagmamakaawa po ako sa inyo, Mr. and Mrs. Venison huwag nyo po akong bibitayin hindi ko po sinasadya na mahuli sa napag-usapan na takdang oras!" humahagulgol na pagmamakaawa ni Astrid kay tito at tita. Anong bibitayin ang pinagsasabi ni Astrid? Ang overreacting naman nya. Hays.
Nakakarinig na rin ako ng mga bulong-bulungan mula sa mga chismoso at chismosang mamamayan ng Arizona. Hanggang dito ba naman may ganyan pa rin? Mukhang nakatadhana na talaga sa mundo ang maging chismosa ang mga tao e ano?
"P-patawad po h-hindi na po mauulit, k-kamahalan!" pautal-utal na sabi ni Astrid.
Blyth's POV
NANDITO na kami ngayon sa headmistress office, actually kakarating lang din namin dito. Kung iniisip nyo kung ano ang nangyari kanina akala nung babaeng nagngangalang Astrid ay bibitayin sya nila Mom and Dad which is mali ang akala nya. Sa bait ba naman ng parents namin ni kambal magagawa nilang pumatay ng tao dahil lang sa late sila? Hell no. Atsaka nalaman din namin at ng mga mamamayan ng Arizona na kapatid pala si Daddy ng headmistress ng Arizona Academy nakakagulat nga rin e isa lang ang ibigsabihin nun mataas din ang katungkulan ni Daddy dito sa Arizona.
Kasama pa rin namin yung si Astrid nalaman din namin na kaya pala ganoon ang kausotan nya sa kanina dahil isa pala sya sa libo-libong alipin ng Khisfire Kingdom. Nang tanungin namin sya kung nag-aaral ba sya sa Arizona Academy ang tanging sagot nya lang ay hindi sa kadahilanang puro anak lang ng hindi alipin ang ang maaaring makapasok sa loob ng akademya. Napagtanto ko na ang baba pala ng estado dito ng mga alipin ngunit ang sabi nya ay hindi naman sila inaapi yun lang daw kailangan nilang magsilbi sa bawat kaharian ng Arizona. Marami pa kaming nalaman tungkol sa kanya at sa kakaibang mundo na pinasok namin.
Maya-maya pa ay natapos ng mag-usap sina Mom, Dad at tito Dawson– tito na daw ang itawag namin sa kanya dahil pamangkin naman daw nya kami at kahit si Vie ay tito na rin ang taeag sa kanya. Umupo na sya sa kanyang swivel chair kaya umupo na rin kami ng maayos sila Mom at Dad naman ay malapit lang kay tito Dawson.
"Bukas na bukas ay magsisimula na kayong pumasok dito sa Arizona Academy. Nasa dorm ninyo na ang mga kagamitan at iba pang kakailangan ninyo sa pag-aaral." sabi ni tito. Habang nagsasalita si tito ay napalingon ako kay Astrid ganun din pala si Vie at mukhang iisa lang kami ng iniisip ngayon pero mamaya na namin sasabihin kapag natapos ng magsalita si tito. "Here are your black cards, Blyth, Bryle and Sylvie also here are your dorm number. Tomorrow you'll see what Arizona Academy is for now you may take a rest." tito Dawson said and smiled at us. Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Astrid kaya bago pa sya tuluyang malungkot ay sumigaw na kami ni Vie.
"WAIT!" sigaw naming dalawa kaya napalingon silang lahat sa amin ni Vie.
"Bakit kayo sumisigaw, Blyth and Vie? Is there something wrong? Is there any problem?" agad na tanong ni Bryle sa amin. Sabay kaming umiling ni Vie kaya nagtaka silang lahat.
"Ah eh kasi tito....tita." nag-aalinlangang sambit ni Vie.
"May sasabihin sana kami sa inyo, Mom, Dad, Bryle and Tito." panimula ko at tinignan ang bawat isa sa kanila.
"What is it? Spill it, baby." tanong ni daddy.
"Gusto sana namin ni Vie na i-enroll nyo rin si Astrid sa Arizona Academy." kabadong sabi ko this is our first time na humingi ng pabor kila Dad para sa isang tao at hindi para sa amin kaya hindi ko alam kung papayag sila. Hindi pa man nakakapagsalita sila daddy ay nagsalita na ulit ako. "Pero don't worry Dad kami na ang bahala sa lahat ng pangangailangan ni Astrid you don't need to worry about it." mabilis na sabi ko.
"Is that all? Akala ko kung ano na ang dahilan kung bakit kayo sumisigaw kayo talagang mga bata kayo oh." sabi ni Dad at nilingon si tito Dawson. "Can i enroll her?" agad na tanong ni Daddy.
"May magagawa pa ba ako? Okay, Astrid here fill up this form and after that I'll give you the things you need." tito Dawson said na nakapagpangiti sa amin ni Vie. Tinignan namin si Astrid at ngayon ay halo-halong emosyon ang makikita mo sa mga mata nito pero mas nanaig ang saya sa mata nito.
"Maraming salamat sa inyong dalawa sa wakas makakapag-aral na rin ako sa Arizona Academy matagal ko na ring gustong pumasok sa paaraln ngunit hindi talaga namin kaya. Salamat ulit." maluha-luhang pagpapasalamat ni Astrid sa amin ni Vie.
"Nako, don't mention it. Nasa likod mo kami palagi oh sagutan mo na yang form para matapos na tayo dito." sabi ni Vie sa kanya kaya ginawa nya ang sinabi nito.
Matapos nyang sagutan ang form ay ibinigay na ni tito ang black card sa kanya napagdesisyonan namin ni Vie na iisang dorm na lang kaming tatlo habang si twin nama'y nasa dorm ng mga lalaking estudyante.