Bryle's POV
Nakapaghanda na kami para lisanin ang mundo ng mga tao. Pumasok na kami sa loob ng Van namin, mahaba-haba ang ibya-byahe namin dahil may kalayuan din ang pupuntahan namin. Ilang oras pa ay nakarating na kami sa lugar na walang katao-tao tanging huni lang ng mga ibon ang maririnig mo malamig din ang buong paligid dahil sa katamtamang lakas ng hangin. Lumabas na kami nila Blyth at Sylvie sa loob ng sasakyan habang sila Mommy at Daddy nama'y naiwan sa loob ng sasakyan, maya-maya ay lumabas na rin sila at lumapit sa aming tatlo.
"Are you okay, guys?" tanong ni Monmy sa amin. Tumango na lang ako bilang sagot at nagsalita naman si Sylvie.
"I don't think so, tita it's kinda weird here also the atmosphere is heavy."
"Yeah, mom." pagsang-ayon ni Blyth sa sinabi ni Sylvie. "Where are we? Are we lost, Mom? Dad?" alam kong kanina pa gustong magtanong ni Blyth at tama nga ako hindi na sya nakapagpigil kaya nagtanong na s'ya.
"We're not lost, baby. Mawawala kayo kung hihiwalay at hindi kayo susunod sa amin ng Daddy mo, now let's go it's getting dark here we need to move." Mommy said.
Nagsimula na kaming maglakad patungo sa hindi ko alam. Dumidilim na rin ang buong paligid kaya mas binilisan namin ang paglalakad. Huminto muna kami para kunin ang flashlight na dala namin sa loob ng backpack. Nakuha ko na ang flashlight ko kaya nakikita ko na rin kahit papaano kung nasaan man kami ngayon at ang masasabi ko lang...WE ARE IN THE MIDDLE OF NOWHERE.
Blyth's POV
Nasa kalagitnaan kami ngayon ng isang napakalawak at masukal na kagubatan. Napakaraming patay na mga puno at wala ni-isang bulaklak o prutas na tumutubo dito sa gubat– ang creepy ng buong kapaligiran but for me it's kinda interesting. It has a plenty of dead woods also has a deadly thorns with it para bang isang tusok nya lang sayo mamatay kana kaagad. Para syang roses na nawalan ng roses at ang natira na lang ay yung matinik na katawan nya. Patuloy lang kami sa paglalakad at all i can say is this forest– dead forest is EMPTY. No flowers, no animals, no trees, no bamboo houses, no people living in here in two words this is an EMPTY FOREST.
Nauntog ako sa likuran ni Bryle dahil bigla s'yang tumigil sa paglalakad habang si Sylvie naman ay napasapo sa kanyang noo dahil nauntog din sya sa likuran ko. Sisilip sana ako sa likuran ni Bryle ng magsalita sya na ikinapagtaka ko
"Don't move." I don't know what does he wanted to say but me and Evelyn just do what he says.
"Welcome to Arizona." i heard a deadly cold voice in front of us but i can't see his or her face.....but her voice is dangerous i can feel it, even though can't see her i felt her presence is so damn dangerous.
Where did this anonymous came from? Kaya pala mabigat ang atmosphere kanina dahil sa kanya at mas lalong itong bumigat dahil sa dala nyang nakakatakot na awra.
"Who are you?" Daddy asked with a cold and serious voice to the person who is in front of us. Ngayon lang nagsalita si dad ng may malamig at seryosong tono ng boses ni-minsan hindi ko pa sya naririnig na magsalita ng ganyan. "Answer me who the hell are you?" tanong ulit ni dad na ngayon ay mababakas mo sa tono ng pananalita nya ang pagbabanta. Natatakot na ako.....just kidding hindi ako natatakot sa kahit kanino, kahit sa hindi kilalang tao pa na nasa harapan namin ngayon.
"Chill, mr. Venison. I'm not here to have a fight---" Dad cut his or her before finishing her words.
"Then why are you---" he or she cut my dad words before finishing it.
"Shut up and let me finish my words." the unknown person said.
Daddy didn't say anything and remained silent. I think he's going to listen for the reason behind the suddenly appeared of this anonymous.
"I'm not here to have fight. I'm just here because i need to protect and take all of you away from danger." the unknown person coldly said and left us. How did i know that the unknown person already left us? It is because i can't feel her presence anymore.
Protect us? From Danger? What? How? Why? Errr bigla-bigla na lang kasi aalis ng wala man lang konkretong explanation. Tss. Pero bakit walang reaction sila mom, dad, Sylvie and Bryle sa pag-alis nya? Sa bagay hindi naman siguro sya importante. Napabalik ako sa ulirat ng magsalita si Vie.
"Tito, malayo pa ba tayo?" Evelyn asked because of irritation. Ang arte talaga ng babaeng 'to.
"Actually, we are already here." Daddy answered. Wait...what?
"Dad, how could you say that we are already here? We are still in the middle of nowhere, daddy! I'm sure we're lost na!" pagmamaktol ko kay daddy.
Natigil ako sa pagdadabog ng may biglang bumatok sa akin. Tumingin ako kay Bryle at naaninag ko ang mapang-asar na ngiti sa mala-unggoy nyang pagmumukha.
"Bryleee! Damn you, ang sakit nun ah!" iritang sabi ko at hinimas ang batok ko.
"Ang arte mo kasi, twin may pa conyo style ka pang nalalaman." sabi ni Bryle at umiling-iling pa. Baka makapatay ako ng kakambal ng wala sa oras *sighs* inhale exhale just calm down Blyth kakambal mo 'yan.
"Oh here we go again you are fighting again and again, you little brats." pumagitna na si Mom sa amin ng kambal kong mukhang unggoy dahil alam nyang wala kaming pinipiling lugar kapag magbabangayan na kami. "Nandito na tayo mga anak at Sylvie." sabi ni Mom at may binanggit na hindi ko maintindihan na salita.
"coestarius."
Pagkabanggit ni mom ng salitang 'yon may nabuong umiikot na pabilog na sobrang liwanag sa harapan namin. Sobrang liwanag nito at parang kapag pumasok ka sa loob nito ay makakarating ka sa ibang dimension.
"Iyan ang tinatawag na portal. Saka ko na sasabihin ang tungkol dito at kung paano nyo ito matutunang gawin ang mahalaga ay makapasok na tayo sa loob." sabi ni Mom sa amin. Tumango kaming tatlo at naunang pumasok si Vie sumunod naman kami ni Bryle at huling pumasok sina Dad at Mom.
Pagkapasok namin ay hindi pa naglilimang segundo ay iniluwa na kami ng kung tawagin ay portal sa isang lugar. Akala ko mahihilo ako dahil sa paikot-ikot kanina pero hindi pala design lang ata 'yon. Inaayos ko ang sarili ko nang may biglang braso na umakbay sa akin– walang iba kundi si Vie ang best friend ko ang bigat ng braso nya kaya inalis ko rin agad. Tinignan ko s'ya dahil yung mukha nya kanina pa nakatulala at nakatingin sa isang.....hinanap ko kung ano ang tinitignan nya at isang salita lang ang pwede kong ma-i-described sa lugar na 'to and that word is MAGICAL.