"Paano ko nasabi na may gusto ka sa 'kin?" tanong ni Mad kay Ivory. "Well, you responded to my kisses pagkatapos mo 'kong sungitan."
Tinakasan ni Ivory ang dapat ay kasal niya. Pinutol ang lahat ng koneksiyon sa pagitan nila ng kanyang fiancé. At susubukang mag-move on! Magpakalayo-layo muna ang unang planong pumasok sa isip niya, na kinonsente ng kanyang pamilya. Iisang lugar lang ang tiyak niyang makatutulong sa paglimot niya sa nasira niyang relasyon. Sa North Cotabato!
Dito niya nakilala ang hardinero ng kanyang lolo, si Mad Santiago. Gwapo ito, pero harapan ang pagkadisgusto mula sa pananamit, pananalita, hanggang sa standard niya sa buhay. Pero malay niya ba na ito rin pala ang magko-comfort sa kanya sa gitna ng heartbreak na natamo niya sa kanyang ex...
Kung saan naman masaya na si Ivory ay saka naman bumalik si Dave sa buhay niya, nagsusumamo at nagmamakaawang balikan niya ito. Bigla'y nalito ang kanyang puso. Ngunit isa lang pwede niyang piliin at mahalin.